Naramdaman ni Avery ang ginhawa. "Kamusta ang negosyo mo ngayon?""Simula nang maglabas kami ng mga bagong cake matapos ang New Year's, tumaas ang benta namin! Marami kaming repeat customers, kaya kumikita kami," sabi ni Shelly. "Aunty Avery, salamat. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ganoon kabilis ang pag-angat ng negosyo namin.""Huwag mo akong pasalamatan. Hindi ako mapapahinga hangga't hindi ko nakikitang maganda ang takbo ng buhay mo," sabi ni Avery. "By the way, Shelly, gusto ko sanang itanong kung ilang cake ang kaya mong gawin araw-araw. Gusto sana ng kumpanya ng anak ko na mag-order ng cake para sa mga empleyado nila kada linggo, pero hindi ko alam kung kaya mo ba mag-supply ng ganoong karaming cake."Napabilib si Shelly. "Binebenta namin halos isang libong cake kada araw, at dahil sobra ito sa usual na benta namin, plano naming mag-hire ng ilang dagdag na empleyado.""Haha! Galing! Kailangan ng kumpanya ni Layla ng mga limangdaang cake, at sa iyo ipapadeliver 'yun kada Biyer
Hindi maiwasang humanga ni Hayden sa wild na imahinasyon ni Avery. Sa wakas, sinabi niya, "Okay, Mommy. I-deliver ko 'yung kontrata bukas ng umaga.""Maganda! Kontrata lang 'yan, kaya bakit sobrang overreacting ka? Inutusan lang kita kasi malapit lang ang kumpanya mo sa cafe niya," biro ni Avery. "Nung nakita ko 'yung address ng office, naisip ko na baka pinili mo 'yung location na 'yun para malapit ka sa kanya.""... Mommy, coincidence lang 'yun! Yun lang talaga! At saka, hindi ako ang nag-decide sa address, 'yung team ko. Tanungin mo na lang mga empleyado ko kung hindi mo ako paniniwalaan.""Ay, ayoko na. Lumabas ka na nga d'yan at maglaro ka na kay Aiden." Ngumiti si Avery at nilaro si Aiden. "Hayden, gusto mo bang makita 'yung anak mo? Sabi ni Shelly, ang gwapo-gwapo na raw niya."Lumapit si Hayden para tingnan si Aiden. "Ano pa sinabi niya?" Gusto sana niyang sabihing gutom na siya pero biglang nagbago ang isip niya sa huling sandali.Gusto niyang pag-usapan si Shelly para ip
Ngumiti si Avery, "Maging mas mabait ka kay Shelly.""Palagi naman akong mabait sa kanya, Mommy," sabi ni Hayden. "Alam ko gusto mong mag-date kami, pero hindi mo naman dapat ipilit ang ganitong bagay.""Hindi ko naman pinipilit. Hinahanap ko lang na maging mabuti ka sa kanya. Anuman ang mangyari, siya pa rin ang nanay ni Aiden!" Paliwanag ni Avery. "Nanggaling siya sa hirap, kaya dapat tayong tumulong kung saan natin kaya."Tumango si Hayden at sumang-ayon, "Kaya nga sa palagay ko, magaling ka na sa pagtulong sa kanya. Kapag ikaw ang nag-aalaga sa kanya, wala na akong ipapangamba."Natahimik si Avery."Tapos na ako, Mommy." Tinapos ni Hayden ang kanyang gatas at naghandang umalis para sa trabaho."Kumakain ka ba ng maayos sa tanghalian? Puwede naman na ipadeliver ng driver 'yung tanghalian mo." Nag-aalala si Avery na baka hindi ito kumakain nang maayos. Mas masustansya pa rin ang pagkain sa bahay kaysa sa labas."Okay lang, Mommy. Baka hindi ako sa opisina sa hapon." Linisin ni
"Minsan, kailangan talaga ng ilang kompromiso para umunlad ang isang negosyo. Medyo kinabahan si Shelly nang makita niya si Hayden pero pinilit pa rin niyang ngumiti. 'Kamusta, Mr. Tate. Sinabi ni Auntie Avery nandito ka para ibigay sa'kin ang kontrata.' Kinuha ni Hayden ang mula sakanyang papel bulsa at inabot ang kontrata kay Shelly. Agad namang napansin ni Shelly na may pirma na ito ni Hayden, kaya pirma na lang niya ang kulang."“Kukuha lang ako ng ballpen sa loob ng opisina ko. Sandali lang ha,' sabi ni Shelly bago nagmamadaling pumasok sakanyang opisina.Curious si Hayden sa kung ano ang itsura ng opisina nito, kaya sinundan niya si Shelly.Sa tingin niya, napakaliit ng cafe, at namangha siya na may opisina sa ganitong kaliit na lugar.Sinundan niya si Shelly papunta sa opisina nito at nagulat siya dahil nandoon din si Courtney.Nang tawagin ng staff si Shelly, gusto rin sanang lumabas ni Courtney, pero wala siyang makeup nang pumasok sa trabaho, kaya medyo nag-atubili siy
Nagmamadaling nilock ni Shelly ang kanyang phone at ngumiti kay Courtney. "Wala akong number ni Mr. Tate, kaya gamitin mo na lang 'yung phone mo! Bago 'yan di ba? Mas maganda pa ang camera niyan kaysa sa'kin.""Pwede mo namang kunin 'yung number ko ngayon!" Sabi ni Hayden habang binubuksan ang phone nito para ibigay ang kanyang number.Hindi makapaniwala si Shelly sa narinig kaya napatitig nalang siya sakanyang screen. "Shelly, bilisan mo! Ako na nalang ang kukuha ng number niya kung ayaw mo.!" pangungulit ni Courtney.“Ah…ah…” Natatarantang tumakbo si Shelly papunta sakanyang lamesa. “Sandali lang ah. Medyo nauuhaw lang ako. Iinom lang ako.”Nagmamadali siyang naghanap ng baso habang binubuksan ang kanyang phone para pumunta sa contact list. Buti na lang, ang picture ng kambal ay nasa lock screen lang at wala na sa iba.Uminom siya ng tubig at bumalik para kunin ang number ni Hayden."Mr. Tate, pwede rin ba akong makahingi ng number mo? Promise, hindi kita istorbuhin. Gusto ko
[May nakapunta na ba sa inyo sa cafe na 'to? Ano lasa ng mga cake nila?][Ang alam ko bagong bukas palang yang cafe na yan kaya hindi ko pa rin natgatry pero plano ko ngang dumaan mamaya kasi malapit lang din yan dito sa office natin!][Tara, sabay tayong pumunta para makita natin kung saan bumili ng cake si boss!][Ako rin! Sama rin ako!]...Kinahapunan, bumisida ang ilang sa mga empleyado ng Dream Maker sa Courtney's Cafe.Bukod sa tag, hindi nagsusuot ng uniform ang mga empleyado ng Dream Maker.Dahil medyo malaki ang grupo, kulang ang mga staff ng cafe kaya lumabas si Shelly para tumulong. Nang makita niya ang suot na tag ng mga customer nila, medyo naguguluhan siyang nagtanong, “Galing ba kayo sa Dream Maker?” "Oo! Bumili kais ng dessert yung boss namin kanina dito sa cafe niyo. Nakilala niyo ba siya? Hayden Tate ang pangalan niya! Nandito kami dahil pumunta siya!" sabi ng isa sa mga babaeng empleyado.Hindi alam ni Shelly kung ano ang isasagot niya. Hindi siya makapani
Tinanggap ni Shelly ang tiket at napansin na ito ay para sa konsiyerto ng isang kilalang musikero mula sa ibang bansa; madalas niyang pinapatugtog ang musika nito sa kanyang cafe."Ang hirap talagang makakuha ng mga tiket na ito. Sinubukan kong mag-book online pero hindi ako nakakuha," sabi ni Shelly, habang gustong tanggapin ang tiket pero may konting pagkahiya."Hindi naman ganoon kahirap! Pwede akong makakuha ng tiket sa kahit anong gusto ko mula sa mga kaibigan ko," sabi ni Layla ng walang bahid ng pag-aalala.Buong galak na tinanggap ni Shelly ang tiket. "Salamat, Layla! Tatanggapin ko na ito! Talagang gusto ko 'tong musikerong 'to."Nagbuhos si Layla ng tasa ng tsaa at tanong, "Shelly, gusto mo ba ang mga talentadong, artistikong lalaki tulad niya?"Umubo si Shelly habang umiinom ng tsaa at namula. "May kaluluwa ang musika niya, at tuwing naririnig ko ito, nakakalimutan ko ang lahat ng aking mga problema. Mahal siya ng maraming tao.""Oo, alam ko. Ang ibig kong sabihin, kun
"At ibebenta mo sa kanya ang mga cake natin?" tanong ni Shelly."Siyempre, hindi! Kung isang lalaki lang yan, puwede mo siyang akitin gamit ang iyong charm at tingnan kung may pagkakataon kang makakuha ng date!" sabi ng staff member. "Hindi mo ba gusto makapag-asawa ng mayaman? Bukas, perpektong pagkakataon yan."Namula si Shelly. "Baka masyado kang maraming nabasang romance novels. Isang concert lang ito, at nagagawa mong palakihin ito.""Ms. Taylor, bihira ka lumabas. Kilala ko ang maraming babae na nakakita ng mga gwapong lalaki sa kalsada at lumapit sa kanila para humingi ng numero. Yung iba nakakuha ng date, at yung iba may mga anak na ngayon," sabi ng staff member.Nakinig si Shelly nang may interes at sinabi, "Sige. Pigilan mo ang iyong imahinasyon. Isa lang ang layunin ko ngayon, at iyon ay magtuon sa cafe para kumita tayo ng sapat para sa mas malaking lugar. Siyempre, kailangan niyo rin ng dagdag na sahod."Nagniningning ang mga mata ng staff member. "Magkakaroon ba tayo
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan