"Anong solusyon ang mayroon ka?" Napataas ang kilay ni Natalie. Naguguluhan siya. "Ano po, Nay? May tinatago po ba kayo sa akin?"Natigilan si Natalie dahil isang ordinaryong babae lang ang kanyang ina.Matapos pakasalan ang kanyang ama, siya ay palaging isang maybahay. Hindi siya pumasok sa trabaho ni isang araw sa kanyang buhay.Tumingin sa malayo si Mrs. Jennings ng ilang segundo bago tumango. "Natalie, may tinatago nga ako sa iyo. Hindi ko lang sinabi sayo dahil hindi mo naman kailangang malaman ang tungkol dito, pero kung nasa panganib ka talaga..."Tumigil si Natalie sa kanyang pagtakbo at hinintay na matapos ng kanyang ina ang kanyang pangungusap."Natalie, narinig mo na ba si Dean Jennings dati?" Natakot si Mrs. Jennings na hindi malaman ng kanyang anak kung sino ang lalaki, at nagpatuloy siya nang hindi naghihintay ng tugon. "Ang may-ari ng MediLove Pharmaceuticals."Tumango si Natalie at nagtanong, "Kilala mo siya? Ano ang relasyon mo sa kanya? O... may relasyon ba ako
"Wala na siyang lagnat, bakit hindi pa siya gumigising?" Pinapanood siya ni Mike ng ilang oras na. Lumingon siya sa doktor, naghihintay ng sagot. Lumapit ang doktor sa gilid ng kama at tinaas ang pilikmata ni Avery. "Siguradong... natutulog lang si Miss Tate." Nagpakawala ng isang buntonghininga si Mike. "Sigurado ka po ba na wala siya sa kapamahakan?" Sumagot ang doktor, "Hindi kita masisigurado r'yan. Maliban na lang kung papakuhaan mo ng detalyadong body checkup si Miss Tate..." Siguradong natakot si Avery sa mga sinabi ng doktor, kaya minulat niya ang mga mata niya. "Miss Tate, gising ka na!" Nakita ng doktor ang paggising niya, at agad niyang sabi, "May binigay ako sa'yo para sa lagnat mo. Kumusta ang nararamdaman mo ngayon?" Tumingin si Avery sa doktor bago tumingin kay Mike. "May lagnat ka. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakasakit. Hindi naman malamig ang panahon!" bulalas ni Mike. "Maaring dahil ito as bacterial o viral infection. Hindi naman lahat ay dahil sa
"Pagkatapos mong maligo, lumabas ka para sa oatmeal porridge. Tapos, bumalik ka sa iyong pagtulog pagkatapos kumain," sabi ni Mike at tinungo ang pinto. "Wag mo isarado ang pinto ng kwarto mo. Gusto kong marinig kung sakaling tumumba ka. Kung walang tunog kapag bumagsak ka sa lupa at least naririnig ko ang pagbagsak ng ibang bagay at iba pang tunog.""Hindi ako tanga. Paano ako babagsak ng walang tunog?""Noong nahimatay ka kagabi, wala man lang palatandaan. Takot na takot si Hayden na gusto ka niyang ipadala sa ospital. Tinignan ko ang hinga mo, at regular pa rin, kaya hindi ka na namin pinadala sa ospital.""Hula ko si Hayden ay halos mamatay sa takot.""Paanong hindi? Kaninang umaga, tumanggi siyang pumasok sa paaralan. Kailangan ko siyang pilitin," sabi ni Mike. "Kung hindi siya papasok sa paaralan, kaming dalawa ang magbabantay sa iyo sa tabi ng iyong kama. Sa tingin ko ay wala ka namang sakit at hindi mamatay, ngunit kaming dalawa ay umaasta na parang hindi ka na mabubuhay. M
Siyempre, ayaw mamatay ni Natalie. Naisip niya lang na hindi malalaman ni Avery ang tungkol sa kanya ng ganoon kabilis.Ang isa ay dahil pupunta si Avery sa Bridgedale para harapin si Wanda sa sandaling iyon. Isa pa, pagkatapos niyang lokohin sina Avery at Elliot sa underground cellar, may nakialam at kumidnap kay Elliot.Kahit na imbestigahan ito ni Avery, iimbestigahan lang niya kung sino ang kumidnap kay Elliot.Pagkabalik ni Natalie sa kanyang kwarto, pumunta si Mrs. Jennings sa guest room sa katabing pinto.Napalingon siya. Nadama niya na ang katotohanan ay lumikha ng isang mas malaking alitan sa pagitan nila ng kanyang anak na babae. Hindi ito ang gusto niya.Kaya niyang gawin nang wala ang kanyang asawa, ngunit hindi niya kayang mawala ang kanyang anak na babae.At saka, nagdulot ng panganib si Avery kay Natalie sa sandaling iyon. Kailangan niyang humanap ng paraan para matulungan si Natalie.Katulad ng dati, nang umalis ang kanyang anak para mag-aral sa ibang bansa at hu
"Dad, hinahanap mo ba ako?" Isinara ni Sebastian ang pinto sa likuran niya pagkapasok niya sa opisina.Nakaupo si Dean sa umiikot na leather chair. Pagtingin niya sa anak niya, "Sebastian, nagkita na kayo ni Avery. Kamusta?""Parang old schoolmates na nagkikita. Wala naman, pero feeling ko mababa pa rin ang tingin niya sa akin tulad ng dati," reklamo ni Sebastian. "Diretso ang babaeng ito. Hindi siya nagbibigay ng mukha kapag nakikipag-usap sa iba, ngunit gusto ko ang kanyang character.""Ibigay mo sa akin ang contact niya. Gusto kong tignan niya ang sakit ng kapatid mo," ani Dean, na isiniwalat ang dahilan ng pakikipag-ugnayan sa anak.Nawala agad ang saya sa mga mata ni Sebastian. "Dad, hindi ba sabi mo tutulungan siya ni Tita Angela?""May iba pang bagay na pinagkakaabalahan ang Tita Angela mo. Hindi niya kayang harapin ang sakit ng kapatid mo sa ngayon," sabi ni Dean. "Ibigay mo sa akin ang numero ni Avery. Kukuhanin ko ang aking assistant para kontakin siya."Hindi ito pinap
Dahil medyo gabi na noong araw na iyon, malapit nang bumalik si Hayden, kaya matapos itong pag-isipan, sinabi ni Avery, "Bukas ng umaga.""Okay, then magkikita tayo diyes ng umaga bukas. Pwede kang magdesisyon ng lokasyon."Sinabi sa kanya ni Avery ang tungkol sa isang cafe malapit sa kanyang lugar.Pagkatapos magpasya sa oras at lugar, ibinaba niya ang tawag.Dinala ng yaya ang mangkok ng oatmeal porridge at isang plato ng mga bagong hiwa na berry at inilagay ang mga ito sa kanyang harapan."Miss Tate, kumain ka na. Magluluto ako ng ravioli.""Nasaan si Mike?" Naalala niyang kasama niya si Mike noong umagang iyon."Sabi niya may kung anong bagay daw sa opisina, kaya pumunta siya sa opina. Babalik siya kapag tapos na siya," sagot ni yaya."Hmm." Nakadalawang subo ng porridge si Avery, pinipigilan ang pagkabalisa sa kanyang tiyan. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang telepono at nagpadala ng mensahe kay Mike.Matapos matanggap ang kanyang mensahe, agad siyang tinawagan ni Mike.
"Hello, Mr. Jennings," bati ni Avery kay Dean."Miss Tate, nauunahan ka na ng iyong reputasyon. Sa wakas ay makikilala na rin kita." Umupo si Dean sa tapat niya. "Inaya kitang lumabas ngayon dahil may pabor akong gustong hingin sayo.""Sabihin mo sa akin.""Ang panganay kong anak, si Bobby, ay nabangga ng sasakyan kalahating taon na ang nakakaraan. Sumakit ang utak niya. Marami akong nakitang mga espesyalista, ngunit walang makakapagpagaling sa kanya. May nagrekomenda sa iyo sa akin. Gusto sana kitang kontakin, ngunit noon, nakabalik ka na sa Aryadelle."Noon, tumango si Avery. "Dala mo ba ang medical records ng anak mo? Kailangan kong dumaan sa records niya para masagot ko ang mga tanong mo. Hindi ko kayang gamutin lahat ng sakit sa utak."Hindi akalain ni Dean na magiging palakaibigan at matulungin si Avery. Agad niyang kinuha ang kanyang assistant para ipasa ang medical records ni Bobby kay Avery.Tinanggap ni Avery ang mga rekord ng medikal at nagtanong, "Nasa bahay ba ang an
Natigilan si Dean."Miss Tate, wala akong narinig tungkol dito. Kung hindi mo pa nabanggit ang tungkol dito, hindi ko malalaman ang tungkol dito.""Hmm, maliit na bagay lang lahat.""Sa tingin ko ay hindi ito maliit na bagay lang, tama? Bakit ka niya sinaktan?" Tunog ni Dean na parang may kasalanan sa kanya ang sampal.Ang insidente ay nangyari maraming taon na ang nakalilipas. Nang maalala ito ni Avery, wala siyang naramdaman."Noon, pinilit niyang makipagkita kay Professor Hough, pero tumanggi itong makita siya, kaya tinulungan ko siyang pigilan ito. Gusto ko siyang akitin na umalis, ngunit sa huli, tinawag niya akong b*tch at sinampal. Hindi ko alam kung naaalala pa niya ako o hindi, pero dahil dito, naaalala ko pa rin siya."Nang banggitin ni Dean ang pangalan ni Angela ay agad niyang naisip ang babaeng iyon."Katulad mo ang anak ko. Siya ay nag-aral sa ilalim ni Professor Hough dati. Bakit hindi niya alam ang tungkol dito?" Nataranta si Dean. "Nang dinala ko si Angela upang
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan