Share

Kabanata 5

Penulis: Cool Breeze
Nanatiling tahimik si Adele, hindi niya gustong ipagpatuloy ang pakikisama.

“Gumagabi na. Uuwi na ako.”

Agad na tumayo si Elias para sundan siya pero agad siyang pinigilan ng mga kaibigan niya.

“Come on, Elias! Kailangan magpahinga ni Adele at ang tagal na natin hindi nagkakasama. Hindi ka pa pwedeng umalis.”

“Tama. Pauwiin mo muna siya para makapagpahinga habang nandito ka at makikipag-usap sa amin.” Hinila ni Adele ang kamay niya sa pagkakahawak ni Elias, malamig ang tono niya. “Pwede naman ako ihatid ng driver. Dito ka na lang.”

Bago pa siya makapagsalita, tumalikod siya at umalis, mabilis ang lakad niya at hindi na siya napigilan pa ni Elias.

Hindi nagtagal nang makaalis ang sasakyan, may kakaibang naramdaman si Adele sa bulsa ng coat niya. Hinawakan niya ‘yon at nakita ang phone na hindi kaniya. Kulay itim ito na pagmamay-ari ni Elias.

Kumunot siya at inutusan ang driver na bumalik.

Hindi pa nakakahinto ang sasakyang nang makita ni Adele si Evelyn na palabas ng sasakyan.

Abala si Evelyn na ayusin ang makeup niya sa repleksyon niya sa kaniyang phone, maingat siya sa paligid habang papunta sa lounge.

Humigpit ang hawak ni Adele sa kaniyang phone, namumutla ang kamao niya habang sinusundan si Evelyn.

Tulad ng inaasahan niya, huminto si Evelyn sa labas ng lounge kung nasaan si Elias.

Nang pumasok si Evelyn, agad siyang yumakap sa bisig ni Elias.

Agad itong sinali ni Elias, dumulas ang kamay niya sa bewang niya habang inaayos ang buhok na may malambing na tingin. “Bakit ang bilis mo makarating dito?”

Sumandal si Evelyn sa kaniyang balikat, malambing ang kaniyang ngiti. “Namiss kita! Nang tumawag ka, pumunta ako agad.”

Bahagyang tumawa si Elias. “Kung ganoon deserve mo ng reward.”

Pagkatapos non, lumapit siya at hinalikan si Evelyn, isang malalim at mainit na halik na agad na umabot sa pagsiil ng mga labi at dila.

“Sige na, sige na, tama na ‘yan! Huwag sa harap namin!” pang-aasar ng isa sa magkakaibigan, sinira niya ang pangyayari.

Mukhang hindi man lang nagulat ang mga kaibigan ni Elias.

Sa halip, tumawa sila at inasar ito na parang normal lang ang lahat.

Habang nakatayo sa labas ng pinto, nakasilip si Adele sa butas, nanlalamig ang katawan niya.

Alam pala ng lahat.

Alam nila ang lahat ng tungkol kay Elias at Evelyn.

Pero nagpapanggap sila sa harap niya hanggang ngayon.

“Hey Elias, ngayong nandito na si Evelyn, kung maglaro kaya tayo nang medyo daring?” pagbibiro ng isa nitong kaibigan, malaki ang ngiti nito.

Dahil doon, pinalakpak nila ang kanilang kamay, tinawag nila ang mga babae na pinaalis nila kanina.

Hindi nagtagal, lahat ng lalaki ay may babae na akbay, puno ng tawanan ang kwarto.

Simple lang ang laro: spin the bottle.

Kung sino man ang ituro ng bote ay kailangan sumagot ng truth o gagawa ng dare.

Paulit-ulit ang ikot ng bote, bawat ikot ay mas tumataas ang saya sa kwarto hanggang sa huminto na ito kay Elias.

Mas naging maingay ang paligid dahil sumisigaw ang lahat, inaasar siya.

“So, Elias,” isa sa mga lalaki ang nagtanong na may mahiwatig na ngisi, “Kailan ang huli?”

Sa tono niya ay alam na agad ang kaniyang tinutukoy. Inangat ni Elias ang kilay niya, kalmado ang ekspresyon niya bago malamig na sumagot, “Kahapon. Sa loob ng sasakyan.”

Napuno ng tawanan at hiyawan ang kwarto.

“Wow! Nakakamangha naman! Sige na, sabihin mo sa amin—kumusta?”

Namumula na si Evelyn at nakasandal ang mukha sa dibdib ni Elias, nahihiya siyang tumingin.

Kumurba ng mayabang na ngiti ang labi ni Elias, sinadya niyang bagalan ang mga salita. “Maganda ang ginawa niya. Hindi… makakalimutan.”

“Hahaha, lagi kong sinasabi na mas matamis ang wildflower kaysa sa nasa bahay!”

“Kaya nga, Elias. Ang mga lalaki na tulad natin—paanong hindi tayo magkakaroon ng ibang babae?”

“Basta itago mo lang ito, habambuhay ka magsasaya. Hindi malalaman ni Adele.”

Habang nagsasalita sila, lumapit ang mga lalaki para halikan ang mga babae sa tabi nila, malayang gumagalaw ang kamay nila.

Nang marinig ang pangalan ni Adele, agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Elias. Nagdilim ang ekspresyon niya at naging seryoso ang tono niya.

“Huwag mo paabutin ‘to kay Addie. Kapag nalaman niya… alam mo ang mangyayari.”

“Oo, oo! Hindi niya malalaman,” mabilis niya itong sinigurado.

Lahat ng salita sa pag-uusap nila ay nakaabot kay Adele.

Nagpatuloy ang tawanan at asaran, umabot na sa katotohanan na naging yelo ang mundo ni Adele. Namanhid ang katawan niya, nanginginig ang hita niya na para bang isa siyang shell na walang laman. Nang walang pag-iisip, lumabas siya ng building, wala sa sarili siyang naglalakad.

Napansin ng driver na may kakaiba, agad itong lumapit at sasabihan na sana si Elias pero agad siyang pinigilan ni Adele.

“Huwag mo na ako ihatid. Maglalakad na lang ako,” sabi niya, malamig ang kaniyang boses. “At huwag mo sabihin kay Elias na nandito ako.”

Nagdalawang-isip ang driver pero sumunod, pinanood niya itong tumalikod at mawala sa walang tao na kalsada.

Nagsimulang umulan nang malakas, binabasa siya sa bawat bagsak pero hindi niya ito napapansin. Ang malamig na tubig na bumabagsak sa kaniyang balat ay mas pinapatalim lang ang nararamdaman niya.

Wala siyang ideya kung gaano siya katagal naglakad. Parang wala itong katapusan, parang habambuhay, mas mahaba pa sa nagni-nyebe na gabi noong seventeen siya, noong binuhat siya ni Elias pauwi pagkatapos niyang mapilay sa kaniyang ankle.

“So, ganoon kabilis magbago ang pag-ibig,” inisip niya.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 6

    Nang makauwi si Adele, inapoy siya ng lagnat at hindi ito bumababa.Umuwi si Elias nang gabi na ‘yon, amoy alak, nakita niya si Adele na walang malay, pulang pula ang pisngi nito. Agad siyang nataranta habang binubuhat ito at agad na sumugod sa hospital.Nang magkaroon ng malay si Adele, nahirapan siyang idilat ang mabigat niyang mga talukap.Nang makita itong gising, natuwa ang nurse na nagpapalit ng IV niya. “Mrs. Sterling, nagising na kayo! Isang araw kayong nilalagnat. Sobrang nag-aalala si Mr. Sterling. Nanatili siya sa tabi mo buong oras. Lumabas lang siya sandali para may sagutin na tawag. Sabihin ko ba sa kaniya na gising na kayo? Matutuwa siya na marinig ‘yon.”Mahinang iniling ni Adele ang ulo niya, namamaos ang boses niya. “Hindi na kailangan.”Hindi na nagpumilit pa ang nurse.Pagkatapos ayusin ang IV nito, magalang siyang umalis sa kwarto.Natahimik ang malawak na hospital room, sa sobrang tahimik ay bahagyang naririnig ni Adele ang boses ni Elias mula sa hallway.

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 7

    “Wala ‘yon,” tahimik na sabi ni Adele, nanatili ang tingin ng namumula niyang mata sa labas ng bintana.Sa sumunod na pangyayari, nagliwanag ang langit dahil sa fireworks, kumikinang at maliwanag.Agad maalala ni Adele ang sinabi ni Evelyn kanina—kung paano nagplano si Elias ng citywide fireworks display para i-celebrate ang pagbubuntis niya.Nang mapansin ang tingin ni Adele sa fireworks, napuno ng pagmamahal ang mata ni Elias.“Gusto mo ba nang ganito? Gagawa ako nang mas magarbong display para sa'yo. Mas maganda pa dito, pangako,” sabi niya, mahigpit niyang hawak si Adele at nilalambing ito gamit ang mahinahon niyang tono.Bahagyang ngumiti si Adele pero may bakas ng pait at luha ang ngiti niya.“Elias,” mahina niyang sabi, seryoso ang kaniyang boses, “Ayaw ko ng mga bagay na ginamit na ng iba.”Fireworks man… o tao.Natigil si Elias, tumutusok sa kaniya ang mga salita ni Adele. Kahit na ang fireworks naman talaga ang tinutukoy niya, nanikip ang dibdib niya sa hindi maipaliw

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 8

    Nung unang araw, nung nagpadala si Evelyn ng litrato ni Elias na nagbabalat ng hipon para sa kanya, naghanda si Adele ng isang siga at sinunog lahat ng lumang litrato nila ni Elias.Nung pangalawang araw, nung pinadala ni Evelyn ang picture nilang magkahalikan sa ilalim ng puno ng oak, kumuha si Adele ng mga trabahador at pinaalis lahat ng puno ng cherry na itinanim ni Elias sa likod ng villa.Nung pangatlong araw, nung ibinahagi ni Evelyn ang compilation ng matatamis na sinabi ni Elias sa kanya sa livestream, kinuha ni Adele ang lahat ng love letter na isinulat ni Elias para sa kanya sa loob ng maraming taon.Medyo nanilaw na ang papel dahil sa tagal, pero malinaw pa rin ang sulat-kamay niya.Hinaplos ni Adele ang mga letra sa loob ng ilang segundo, saka walang pag-aalinlangan na isa-isang pinadaan ang mga ito sa shredder.…Sa umaga ng pag-alis niya, nagising si Adele na nandun si Elias sa tabi ng kama.Hawak nito ang cellphone niya, seryoso ang mukha habang nakatitig sa kanya

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 9

    Bitbit ang pansamantalang ID, sumakay si Adele ng taxi papuntang airport.Habang lumalayo ang eroplano, pakiramdam niya ay tuluyan na niyang naiwan ang lahat sa nakaraan.Paglapag niya sa Florin, pumasok siya sa bago niyang buhay bilang may-ari ng isang maliit na seaside inn.Samantala, sa Riverdale, parang mababaliw na si Elias.Ilang oras bago ito.Pagkatapos ihatid si Evelyn sa bahay nila, mahigpit itong kumapit sa kanya, ayaw siyang pakawalan."Elias, dinala mo na ako rito, hindi ka ba sasama sa loob?" bulong nito habang marahang hinihimas ang palad niya.Napabuntong-hininga si Elias, may kung anong kaba siyang nararamdaman."Hindi ngayon. Sige na, umakyat ka na. Kailangan ko nang umuwi kay Addie," sagot niya habang maingat na iniiwas ang kamay.Nangako siyang maglalaan ng oras kay Adele. Ang tagal na rin mula noong nagkaroon sila ng maayos na sandali nang magkasama. Magagalit ito nang husto kapag hindi siya tumupad sa usapan nila.Napangiti siya nang bahagya habang iniis

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 10

    "Alam niyo ba... kung saan pumunta si Addie? Kailan siya umalis?" tanong ni Elias, paos ang boses habang dinidilaan ang tuyong labi.Nagkatinginan ang mga tauhan, halatang nag-aalangan, bago may sumagot. "Sir, umalis po si Mrs. Sterling kaninang umaga, may dala siyang maleta. Hindi po namin alam kung saan siya pumunta."Umalis? Saan siya nagpunta?Nanlumo si Elias, pinagpapawisan habang pilit na nag-iisip. Matagal nang may sari-sariling pamilya ang mga magulang ni Addie, kaya hindi siya pwedeng pumunta sa kanila.Kumapit siya sa huling hibla ng pag-asa at agad na tinawagan ang mga kaibigan nito."Hello? Si Elias Sterling 'to. Kasama mo ba si Addie?""Ano? Seryoso ka? Bakit naman siya mapupunta rito?"Paulit-ulit, ganun ang nagiging sagot.Tinawagan na rin niya ang sarili niyang mga kaibigan, pero wala ni isa ang may alam kung nasaan si Adele.Ramdam niya ang panlulumo, parang nilulunod siya ng kawalan ng pag-asa.Parang bumalik siya sa panahong wala pa si Addie sa buhay niya—

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 11

    Baka matagal nang alam ni Adele ang tungkol sa pangangaliwa niya.Parang kidlat na tumama kay Elias ang isipin na ‘to.Akala niya, naging maingat siya. Akala niya, kaya niyang balansehin si Adele at si Evelyn nang hindi magtatama ang dalawang mundo. Si Evelyn? Isang panandaliang libangan lang. Wala siyang balak hayaan itong makasira sa mundo nila ni Adele. Pero mali siya.Kahit papaano, nalaman pa rin ni Adele.Kailan pa ito nagsimula?At paano siya ganito katatag, ganito kadesidido na hiwalayan siya at tuluyang mawala sa buhay niya?Nanlalabo ang paningin ni Elias habang unti-unting bumagsak ang mga luha niya—mga luhang pilit niyang pinipigilan.Biglang bumalik sa sa isip niya ang isang lumang alaala—ang araw na tinanggap ni Adele ang alok niyang magpakasal."Sisikapin kong maging mabuting asawa," seryoso at matatag ang boses ni Adele noon. "Pero hindi ko kailanman kayang tiisin ang pagsisinungaling. Kapag niloko mo ako, mawawala ako sa buhay mo nang tuluyan."Dati, buo ang l

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 12

    Gusto sanang punitin ni Elias ang mga divorce paper sa kanyang kamay, pero biglang tumama sa kanya ang isang mapait na katotohanan—baka ito na lang ang huling bagay na iniwan sa kanya ni Adele.Kung sisirain niya ito, mawawala pati ang natitirang koneksyon niya rito.Paulit-ulit niyang hinaplos ang pirma ni Adele, habang nag-uumapaw ang lungkot sa kanyang mga mata."Addie, kasalanan ko. Hindi ko dapat pinatulan ‘yung ibang babae. Ikaw lang ang mahal ko!""Pwede mo akong saktan, sigawan—kahit ano! Basta ‘wag mo lang akong iwan.""Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka, Addie..."Paulit-ulit niyang sinabi ang mga paghingi ng tawad hanggang sa namamaos na siya, halos hindi na makapagsalita.Pero ang taong dapat makarinig noon, wala na. Walang silbi ang lahat."Adele, hindi ko pa pinipirmahan ang mga papel na ‘to. Ibig sabihin, hindi pa tayo divorced. Mag-asawa pa rin tayo, at hahanapin kita!"Nag-aapoy ang determinasyon sa mga mata ni Elias, mahigpit ang pag-igting ng kanyang panga

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 13

    Isang litrato ng magulong kama ang lumitaw sa screen ni Elias, at agad siyang nag-apoy sa galit. Ang tingin niya sa larawan ay parang matalim na patalim na humihiwa rito.“So… ikaw pala!”Ang boses niya ay malamig, puno ng bigat na parang kayang manlumo ng kahit sino.Walang pag-aalinlangan, nag-type siya ng mensahe, "Evelyn, hindi ba sinabi ko na sa’yo? Huwag mong ipaalam kay Addie ang kahit anong nangyari sa atin!"Pagkatapos niyang ipadala ang mensahe, sinulyapan ito ni Evelyn at mapanuyang tumawa.Sa halip na matakot, mayabang pa niyang tinawagan ang numero.“Adele, kailan ka pa natutong gayahin ang tono ni Elias? Halos kamukha mo na siyang magsalita! Anyway, kung ako sa’yo, matagal ko nang isinuko ang pwesto bilang asawa niya. Kasi alam mo ba? Dinadala ko na ang anak ni Elias. Malay mo, baka mag-propose na siya sa’kin.”Lalo siyang lumakas ang loob habang nagsasalita. “Kapag nangyari ‘yon, ikaw ang mawawalan ng kahit anong dignidad. Kung ayaw mong umabot sa ganun, bakit hindi

Bab terbaru

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 27

    "Addie!" Nagising si Elias na parang sinilaban, tinawag ang pangalan ni Adele.Nasa tabi ng kama si Elliot, seryoso at madilim ang ekspresyon."Elias Sterling, simula ngayon, trabaho at pagpapagaling lang ang aasikasuhin mo. Huwag mo nang hanapin si Adele!”Malakas ang ubo ni Elias, halatang litong-lito at hindi makapaniwala. "Bakit? Asawa ko siya. Hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers, kaya kasal pa rin kami! Basta hindi ako susuko, ipapakita kong seryoso ako, mapapatawad niya rin ako balang araw!Mabait siya, madaling kausapin. Kapag nakita niya ang effort ko, babalik din siya sa akin…”"Tama na!" sigaw ni Elliot, tinigil agad ang sinasabi ni Elias.Kinuha niya ang cellphone at pinarinig kay Elias ang isang recorded call ng usapan nila ni Adele. Tahimik pero matibay ang boses ni Adele sa recording, bawat salita’y parang patalim na sumaksak sa puso ni Elias. Nang matapos ang call, dumagundong ang nakakabinging katahimikan.Matapos ang ilang sandali, mahina siyang bum

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 26

    "Pasensya na, pero ayokong pakasalan ka. Maghiwalay na tayo. Hindi na kita mahal."Sa panaginip, binawi ni Adele ang kanyang kamay at unti-unting lumayo."Addie! Hindi! Hindi mo ito pwedeng gawin! Pangau kong aalagaan kita. Mahilig ka sa cream puffs mula sa Eastland, di ba? Bibilhan kita araw-araw. Alahas, ari-arian, shares—lahat ng meron ako, ibibigay ko sa’yo. Basta, manatili ka lang sa akin, please!”Desperadong nakiusap si Elias, nanginginig ang tinig sa matinding emosyon.Ngunit hindi na lumingon si Adele. Wala man lang isang sulyap.Hinabol siya ni Elias nang buong lakas, pero hangin lamang ang kanyang naabutan. Maging ang dalawang engagement ring na hawak niya ay naglaho.Ayaw na sa kanya ni Addie. Hindi na niya gusto ang pagmamahal o anumang kayang ialok ni Elias."Addie... Addie..." Paulit-ulit na binanggit ni Elias ang pangalan ni Adele, mahigpit na nakapikit ang mga mata. Kumakatas ang malamig na pawis sa kanyang maputlang mukha, at may bakas ng dugo sa kanyang la

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 25

    Para ipaghiganti si Adele, walang awang pinabagsak ni Elias ang mga pamilya ng ilang "kaibigan" na nagsalita ng masama tungkol sa kanya noon. Ngayon na nagkaroon sila ng pagkakataong gumanti, hindi nila ito palalagpasin.Hindi naman inintindi ni Evelyn na nagagamit lang siya bilang pain. Ang mahalaga sa kanya, makaganti siya. Kung siya’y naghihirap, bakit dapat maging masaya si Elias?Pero hindi sapat ang simpleng pag-report kay Elias. Gumawa pa si Evelyn ng bagong social media account at nag-live stream, ibinunyag ang lahat ng detalye tungkol sa naging relasyon nila ni Elias.Sa loob lang ng maikling panahon, bumagsak muli ang reputasyon ng Sterling Corporation, kahit na kakasimula pa lang nitong bumangon. Pati si Elias, sunod-sunod ang tinamong batikos.Napilitan siyang bumalik sa bansa para harapin ang mga imbestigasyon, walang magawa si Elias kundi itigil muna ang paghahanap kay Adele.Doon, puro kaguluhan ang sumalubong sa kanya.May mga empleyadong nagtraydor, lalo pang n

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 24

    Saglit na natahimik si Elias bago siya pautal-utal na nagsimulang humingi ng tawad. “Addie, kasalanan ko lahat ‘to. Nagkamali ako. Hindi ko dapat pinasok ‘yung ibang babae sa buhay natin. Pinapunta ko na palayo si Evelyn, at… pinatigil ko ang pagbubuntis niya. Please, Addie, patawarin mo ako,” desperado niyang pakiusap.“Gagawin ko ang kahit ano, basta ‘wag mo lang akong iwan!” halos pabulong na niyang dagdag, parang takot na takot na tuluyan siyang mawala.Pero kalmado lang si Adele. Wala man lang bahid ng emosyon sa boses niya.Ngumiti siya, bahagyang malambing, pero may kung anong malamig sa likod ng mga mata niya.“Sige. Pinapatawad kita.”Nanlaki ang mata ni Elias, hindi makapaniwala sa narinig.“Talaga?” halos hindi siya makahinga sa kaba, hindi man lang niya napansin ang bahagyang pait sa tono ni Adele.Tumawa si Adele, isang malamig at mapanuyang tawa. “Hindi ba ‘yan ang gusto mong marinig? Sige, tapos na ‘yung nakaraan. Pinapatawad na kita. Masaya ka na? Kung oo, edi

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 23

    Punong-puno ng galit si Elias.Kung mabibigyan lang siya ng pagkakataong magsimula ulit, pipiliin niyang manatili sa totoong siya.Pero masyadong mapait ang buhay. Nakatayo siya sa isang di pamilyar na kalsada, pakiramdam niya'y parang batang hindi alam kung saan pupunta.Dapat pa ba siyang maghanap?Oo naman.Pero saan ba siya magsisimula?"Hello, asawa ko 'yung babaeng nasa litrato. Galit siya sa’kin at bigla na lang umalis. Sinusubukan ko siyang hanapin. Pwede mo ba akong bigyan ng contact info niya?" tanong ni Elias, seryoso ang tono.Matagal nag-alinlangan ang hotel clerk, halatang nag-iisip. Pero noong inilabas ni Elias ang isang makapal na pera, biglang lumiwanag ang mukha nito at dali-daling inabot ang contact info ni Adele.Agad niya itong tinawagan, pero walang sumagot.“Siguro nasa eroplano pa siya," pangungumbinsi niya sa sarili.Determinado siyang ipakita kay Adele na seryoso siya sa paghingi ng tawad at pag-amin sa kanyang mga pagkakamali. Kaya nag-post siya n

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 22

    Malakas na chime ng cellphone ang pumuno sa kwarto, halos walang tigil sa pagdagsa ng mga notifications, mga larawan, sightings mula sa mga netizen.Sa dami ng impormasyong natatanggap ni Elias, hindi na niya alam kung alin ang may silbi at alin ang wala. Napakaraming tao ang naghahabol sa reward, kaya lalong lumabo ang mga tunay na lead. Kahit may mga tauhan siyang tumutulong mag-filter ng impormasyon, hindi pa rin sapat.Sa puntong ito, pinagsisihan na niya ang desisyong ito.Pero ano pa bang magagawa niya? Kung wala ang collective effort ng mga tao sa internet o kung hindi mismo si Adele ang magpakita, wala siyang kahit anong paraan para hanapin siya.Nakaupo siya sa kama, unti-unting nilalamon ng kawalan ng pag-asa.Hanggang sa biglang may dumating na ilang bagong larawan mula sa kanyang mga tauhan."Mr. Sterling, may nagsabing nakita si Adele sa harap ng isang simbahan sa Bertin City, Ashford. Pinapunta na namin ang ilang tao para i-verify. Kailangan mong pumunta roon agad.

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 21

    Ramdam na ramdam ni Elias ang kaba at pawis na malamig ang bumalot sa kanyang mga palad.Nakatayo lang siya roon, naghihintay, pero walang nagbukas ng pinto.Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya, at sa hindi maipaliwanag na takot, itinulak niya ang pinto. Ngunit sa kanyang pagkadismaya, nakalock ito, hindi man lang gumalaw.Napatingin siya sa isang maliit na blackboard malapit sa kanya.May nakasulat doon: "Closed today."Sa una, inakala niyang para sa kanya ang mensaheng iyon, na sinarado ni Adele ang inn para sa ibang bisita, para may pagkakataon silang mag-usap.Pero ngayon, malinaw na malinaw na ang totoong ibig sabihin nito: walang balak si Adele na makita siya. Doon siya natauhan.Pinaglaruan siya ni Adele.Wala talaga siyang intensyong makipagkita. Ito ang paraan niya ng pagtanggi kay Elias. Parang sumisigaw sa kanya ang bawat detalye, sobrang sakit at walang awang pinapaalala. “Sorry, hindi kita patatawarin.” Hindi makapaniwala na nakatigtig si Elias sa inn.

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 20

    Noong una, natawa lang ang mga tao sa nangyayari.May ilan na naiinggit sa pabuya kaya sinadya pang magbigay ng walang kwentang impormasyon at pekeng ebidensya. Pero habang tumatagal, unti-unting lumalabas ang mga totoong dahilan.Nang mapagtanto ng mga tao na totoo palang makukuha ang premyo, bigla na lang nagkagulo ang internet. Lahat biglang gustong sumali.Kahit si Adele ay nalaman ang tungkol sa balita. Ang dami nang sumusubok na hanapin siya, pero wala siyang kahit anong sayang nararamdaman sa ginagawa nila. Sa totoo lang, mas naiinis pa siya.Pinutol na niya ang dati niyang pagkatao—hindi ba sapat ‘yon para ipakita na iyon ang solusyon niya?Kilala ni Adele ang sarili niya. Hindi siya ang tipo na babalik pa sa iniwan niya.Simula’t sapul, hindi niya talaga balak na patawarin si Elias.Nang makita niya ang mensahe ni Elias na puno ng paghingi ng tawad, natawa lang siya.Kung alam niyang mali siya, bakit nagpapanggap siya dati na parang wala lang nangyari?Ilang be

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 19

    Huling regalo ni Adele kay Elias ang divorce agreement, iyon ang paraan niya para tuluyang putulin ang kanilang relasyon. Kabaliktaran, iyon na lang ang natitirang bagay na nagpapaalala kay sa kaniya tungkol kay Adele. Paulit-ulit niya itong binabasa, kaya pina-laminate pa niya para hindi agad mapunit."Addie, nasaan ka? Alam kong nagkamali ako… Hindi ko hinihinging patawarin mo ako. Gusto lang kitang makita, kahit isang beses lang…”"Addie, lahat ng taong nanakit sa’yo, pinaparusahan ko na. Pati ako—sa lahat ng posibleng paraan. Pwede ba, kahit isang beses lang?""Addie..."Walang nakakaalam kung gaano siya katagal na nagmumukmok bago siya tuluyang mawalan ng malay.Samantala, hindi naging madali ang pakikitungo sa pamilya ng mga dati niyang “kaibigan” tulad ng inaasahang mangyari ng pamilyang Sterling. Nang lumabas ang balitang hiwalay na sina Elias at Adele, maraming tao ang nalungkot sinasabi nila na parang nawala ang paniniwala nila sa pag-ibig. Dati, sila ang ideal coupl

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status