Tamad na winagayway ni Bai Tingxin ang kanyang kamay. “Mukhang ayaw mong humingi ng tawad pagkatapos mong apihin ang girlfriend ko. Bilang boyfriend niya, tatayo ako para sa kanya. Kung hindi man, kailangan ko pa bang gawing katatawanan ang sarili ko?”Ang lalaki ay nakahiga na sa sahig. Ang lugar kung saan siya natamaan ng suntok ni Bai Tingxin ay masakit ng sobra kaya hindi siya makapagsalita. Tapos ay umikot si Bai Tingxin kay Hao Yimeng. “Ikaw, Miss Hao? Hihingi ka ba ng tawad?”May delikadong tunog sa mukhang magalang na tanong. May pakiramdam din si Hao Yimeng na kapag sinabi niyang hindi, matutulad siya sa lalaking nabubugbog sa lupa. Ang lalaki sa kanyang harapan ay walang kahit na anong awa. Nakilala na sa wakas ni Hao Yimeng ang lalaki sa harapan niya ngayon. Siya ang bagong pinuno ng pamilya Bai na siyang nakakuha ng opisina nang higit kalahating taon – Bai Tingxin.Nakayanan niyang palitan ang pamilya Bai nang may kakilanlan na pagiging g*go, na ibig sabihin ay hin
“Iniisip ko lang naman.” Ismid niya. “Bilang isang architectural designer. Kailangan kong mangarap ng kaunti.”“Tama,” pagod siyang ngumiti. Sumali si Bai Tingxin sa pusta sa sikat na plot na binanggit ni Qin Lianyi nang nagsimula ang auction. “President Bai.” Ang kanyang assistant ay namangha. Tsaka, ang plot ay hindi kasama sa kanilang plano. Sobrang sikat nito kaya matindi ang laban, kaya ang huling premyo ay hindi masyadong maganda. Kahit na napalalunan nila ang auction, malamang ay mag-iipon lamang sila ng reputasyon kaysa sa kita. Gayunpaman, sinabi ni Bai Tingxin, “Mag-bid ka para rito at gamitin mo ang na ito na gumawa ng pangalan para sa Bai Feng Group.”Napahinto sa pagsasalita ang assistant, pero ang kanyang mga mata ay hindi mapigilan kundi tingnan ang babaeng umiinom ng juice habang kinakalikot ang kanyang phone. ‘Hindi na mag-bbid si President Bai para sa plot dahil lang sa sinabi ng babae, hindi ba?’‘Posible ba ito? Ang gumastos ng bilyong dolyar sa sinab
“Hindi na, salamat. Hindi ko ipapalit ang trabaho ko basta-basta. Gagawin ko iyan kapag may napatunayan na ako at makagawa ng mas maayos na resume,” sabi niya. “Hindi mo ba inaalala kung paano ka tratuhin ng mga tao na ‘yon?” “Inaalala ko, pero... iyon naman talaga ang pinagdadaanan habang tumatanda ka. Kahit na hindi ko makasundo ang mga taong iyon, kailangan ko pa ring manatili para mabuhay. Para naman sa kanila... Um, iyon ay ang pangalawang anak na babae ng pamilya Hao, si Hao Yimeng. Hindi kami ganoon kalapit sa isa’t-isa, kaya wala silang rason na gawin iyon sa akin, tama?”Kahit papaano ay nagulat si Bai Tingxin. Hindi niya inakala na ganoon magiging maunawain si Bai Tingxin. Gayunpaman, pagkatapos sabihin iyon, nanigas siya at tumingin ng kakaiba kay Bai Tingxin. “Anong meron? Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?” tanong niya ng may kaunting simangot. Pinagdikit niya ang kanyang mga labi ng matagal bago sinabi, “Wala... Gutom ako at gusto ko nang kumain.”“Sige,” ngu
Hindi niya gustong takasan ang nararamdaman ng kanyang puso. Dahil nahuhulog na rin siya kay Bai Tingxin, hindi niya gustong mawala si Bai Tingxin. O sabihin na nating hindi niya gustong mawala ulit si Bai Tingxin sa pangalawang pagkakataon, na nawala na niya ng higit pa sa tatlong taon na ang nakakalipas?Tumitig siya kay Qin Lianyi, ang magagandang itim niyang mga mata ay nakatingin na parang gusto niyang makita ang lahat kay Qin Lianyi. “Gusto mo ng totoong relasyon?” medyo paos ang kanyang boses. Tumango siya. “Pero kailangan mong malaman na kapag talagang naging tayo, hindi pwedeng basta basta mo na lang akong iwan sa tuwing gusto mo. Kaya kitang patawarin sa pag-alis nang hindi nagpapaalam noong huli, siguro babaliin ko ang mga paa mo para hindi ka na makapunta kahit saan,” sabi ni Bai Tingxin. Ang bawat salita ay tunog ng huling babala para sa kanya. Nanginig si Qin Lianyi, ang kanyang ngipin ay nag-iiwan ng marka sa bawat kagat niya sa kanyang ibabang labi. “Hindi,
“Kasya naman sila sa’kin,” sabi ni Ling Yiran. “Mabuti. Sabihin mo sa akin kapag may kailangan ka. Huwag kang mahiya. Pwede mo akong bayaran pagkatapos mong sumweldo,” ani Qin Lianyi. “Oo naman.” Ngumiti si Ling Yiran, pero pagkatapos ng ilang sandali, mukhang may kung anong pumipigil sa kanya. “Ano ‘yon? May kailangan ka ba?” “Wala, ano...” nag-alangan pa si Ling Yiran ng ilang sandali bago sabihin, “Noong kinuha mo ako kahapon... Anong ginagawa ko?”Inisip niya ito buong araw, pero hindi pa rin niya maalala kung anong ginawa niya pagkatapos lumabas ng Druken Days ng lasing! Medyo naalala niya na nakita niya si Yi Jinli. “Ikaw ay... Uh, sumandal sa mga bisig ni Yi Jinli at nahimatay,” sabi ni Qin Lianyi. Agad na natigilan si Ling Yiran. “Ano... pa?”“Hindi. Dumating ako at tinulungan kang isakay sa kotse kasama si Bai Tingxin. Pero... Bago ako makabalik sa sasakyan, basta ko na lang siya sinampal dahil galit ako sa pakikipag-hiwalay niya sa’yo. Akala ko mapapahamak na ak
“Sige po, kuha ko,” sagot ni Ling Yiran. “Ipapasa ‘yan bukas, kaya siguraduhin mo na mapirmahan ‘yan ngayon.” Utas ni Lawyer Gu bago bigyan ng kontak na mga detalye si Ling Yiran. Gayunpaman, nang tumawag si Ling Yiran, ang kanilang sekretarya ang sumagot. Sinabihan lang nila si Ling Yiran na ang kliyente ay nasa Magnificence para sa isang party sa gabing iyon. Kung gusto niyang mapirmahan ang mga dokumento, pwede siyang pumunta sa Magnificence. Binigyan din nila ito ng numero ng banquet room. Sikat na nightclub ang Magnificence sa syudad ng Shen. Pero, nang nakarating si Ling Yiran, nakita niya na maraming babae at lalaki ang nagtipon-tipon sa banquet room. Mukhang mayroon silang kasiyahan. Sa ilang sandali, nagtaka si Ling Yiran tungkol sa kung sino ang hinahanap niya. Kailangan niyang tawagan ulit ang sekretarya bago hanapin ang kliyente malapit sa pool table. Anak siya ng isang mayamang pamilya na may masamang reputasyon. Nademanda siya sa pagiging bayolente tuwing sa r
‘Nandito... rin siya?’Hindi niya inasahan na makikita niya ito kaagad. Napakaliit nga ng mundo. Tumingala si Ling Yiran, at isang pigura ang bumungad sa kanya. Nakasuot si Gu Lichen ng buong puting kaswal na kasuotan na hindi medyo pormal kesa sa palagi niyang suot at mas mahinahon. Sa ilalim ng ilaw ng lampara, ang gwapong mukha ay nagpakita ng kakaiba at estranghero. Kahit na siya ay napapalibutan ng mga tao, mayroong hindi nakikitang harang na mukhang hindi siya nababagay mula sa mga kumosyon sa kanyang paligid. Na para bang nilagay niya ang harang sa kanyang mundo at hindi kailanman papayagan ang kahit na sino ang pumasok. Ang isa... na makakabasag ng harang na ito ay wala kundi ang batang babae na kasama niya sa hirap at ginhawa... Na minsan nang naging si Ling Yiran!Gayunpaman... bumagsak ang mga mata ni Ling Yiran sa babae na siyang lumakad sa isang silid habang hawak ang bisig ni Gu Lichen. Ito ay si Ate Lifang na siyang pumalit sa pwesto niya. Nakatayo siya nga
Kahit na ang mga tao sa paligid ay kasama sa mayayaman at makapangyarihan kumpara sa iba, lahat ay may estado. Sa gulat ni Yu Kaihao, sumagot si Gu Lichen, “Sige.”Sobrang natuwa si Yu Kaihao. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa lotto. Kung magiging malapit siya kay Gu Lichen, ang katayuan niya sa grupo ay magiging kakaiba. Nang ginabayan ni Yu Kaihao sina Gu Lichen at Hua Lifang sa pool table, hindi mapigilan ni Ling Yiran na ngumiti ng mapait. Ito lang ang inaalala niya. Humugot si Ling Yiran ng malalim na hininga, humakbang, at sinabi kay Yu Kaihao, “Mr. Yu, pwede niyo po bang pirmahan muna ang dokumento?”“Maghintay ka. Huwag mo kaming guluhin!” hindi makapag-hintay na utas ni Yu Kaihao. Natatakot siya na maistorbo ang laro niya kay Gu Lichen at maapektuhan siya sa pakikipag-kaibigan dito. Binaba ni Ling Yiran ang kanyang ulo at marahan na kinagat ang kanyang labi. Nararamdaman niya na napadaan ang mga mata ni Gu Lichen sa kanya. Pero... daan lamang iyon. “Lifang, nak
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at