"Ikaw!" Sa sobrang saya ni Samantha, lumuwa ang mga mata. Tinutukoy niya si Scarlett, sabi niya, "Iba ka talaga! Yung godd kind ng kakaiba."Tumayo si Samantha mula sa pagkakaupo. Tumawid siya sa mesa at tumabi kay Scarlett. Ipinahayag niya, “Congratulations! Pumasa ka sa test! At kapag sigurado na ako sa daughter-in-law ko, hinding-hindi na magbabago ang isip ko."Iniabot niya ang kanyang kamay kay Scarlett at nagsabing, "Walang nang atrasan para sa iyo. Nakapagdecide na akong isa kang karapat-dapat na future Mrs. Wright."Masyadong natulala ang walang malay na si Scarlett sa mga nangyayari, naiwan siyang nakanganga. Gayunpaman, hinawakan niya ang kamay ni Samantha at kinamayan ito. Ang sumunod na naramdaman ni Scarlett ay ang mainit na yakap ni Samantha. Agad nitong naramdaman ang gaan ng paghaplos niya sa likod ni Samantha bilang tugon.Inenjoy ng ina ni Kaleb ang kanilang moment, huminga ng malalim. Nagkwento siya, “Noong sinabi sa akin ni Liam na nahanap na niya ang magiging m
Sa marangyang tahanan ng mga James, ang ikalimang pinakamayamang pamilya sa Braeton, nilulunod ni Luca James ang sarili sa alak. Namumula ang kanyang mukha, namumula ang kanyang mga mata, at gulo-gulo ang kanyang buhok. Muli niyang nilagok ang isa pang baso ng brandy, umaasang maibsan ang kanyang sarili sa lumalaking discomfort sa kanyang dibdib."Sir, may isang lalaki dito na gusto kayong makita," tawag ng isang kasambahay mula sa loob ng kanyang study. "Sinabi niya siya si Mister Holmes.""Papasukin mo siya," sagot ni Luca sa namamaos na boses, ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa inaasahan. Buong araw niyang hinihintay si Mister Holmes.Hindi nagtagal at pumasok sa kanyang study ang lalaking nagngangalang Mister Holmes. Umupo ang lalaki sa harap ng kanyang mesa at iniabot kay Luca ang isang selyadong sobre.Ilang saglit, sumilip si Luca sa sobre. Pilit itong inaabot ng kamay niya. Habang tinatamad niyang buksan ang nilalaman, isiniwalat ni Mister Holmes, “Totoo. Batay sa mga
Ipinakita niya ang kaliwang kamay sa harap ni Kaleb, tinanong ni Scarlett, "Ano ito?""Woah, diamond ring yan. Kung sino man ang nagbigay sa iyo niyan ay isang lalaking karapat-dapat ingatan, isang lalaking karapat-dapat mahalin, at isang lalaking karapat-dapat pakasalan,” sabi ni Kaleb bago napinta ang isang mapait na ngiti sa kanyang mukha. "Napakaswerte mong babae."Handa si Scarlett na makipagtalo sa kanya, para ituro kung paano masyadong maluho ang singsing, kung isasaalang-alang kung paano lamang siya magtatrabaho bilang isang paralegal sa isang law firm, at kung paano hindi siya mabibigkis ng singsing sa anumang anyo ng pangako sa kasal, sa least hindi pa. Gayunpaman, sa kanyang tugon, natagpuan niya ang kanyang sarili na tumatawa, namumula ang kanyang mukha."Ano? Sabi mo bigyan muna kita ng singsing,” paalala niya, nakasandal ang kalahating hubad niyang katawan sa frame ng pinto ng pinto ni Liam."Oo pero. Hindi ko naman inexpect na kinabukasan agad, at sa paraang ginawa m
“Ang mga susunod nating performers ay sina Jake Morgan at Liam Wright. Tutugtog sila ng piano duet ng Heart and Soul ni Mozart! Let's give the boys a round of applause!" Sabi ng isang announcer habang itinuon ang atensyon ng lahat sa gilid ng elevated platform.Maririnig ang hiyawan at palakpakan habang sina Liam at Jake ay umakyat sa entablado na nakasuot ng pormal na kasuotan, paminsan-minsan ay bumabaling ang kanilang mga ulo sa mga manonood, kapwa hinahanap ang kanilang mga mahal sa buhay.Napansin ni Liam kung paano kumaway si Jake sa kanyang mga magulang. Sinuri din niya ang mga manonood sa paghahanap kina Scarlett at Kaleb. Napangiti siya nang makitang nandoon na ang kanyang lola na si Samantha, ang kanyang tiyuhin na si Boris at si Kaleb, pero madaling namuo ang pagsimangot sa kanyang mukha nang mapagtantong wala si Scarlett.Gabi na ng recital ni Liam at lahat ay nagtipon sa auditorium ng school. Dalawang grupo na ang nag-render ng kanilang performance. Sumunod naman ang pr
Hinawakan ni Luca ang pulso ni Scarlett, ang mga mata nito ay mabangis na nakatingin sa kanya. Iginiit niya, “Scarlett, please. Mag-usap tayo."“Pwede ba, kasama ko ang bata. Di ko kayang makipag-usap ngayon -""Doon lang." Itinuro ni Luca ang isang sulok ng lobby. "Iwanan mo ang bata sa upuan at pwede tayong magsalita habang pwede mo pa siyang subaybayan."Nag-aatubili tungkol sa kanyang panukala, tinawag ni Scarlett ang isa sa mga front desk, na hinihiling sa isang babae na bantayan si Liam. Sinundan niya si Luca sa ilang bahagi ng lobby kung saan halos ibinulong nila ang kanilang palitan.Nang makitang nakaupo si Liam sa sofa kasama ang receptionist, ibinalik ni Scarlett ang tingin kay Luca. Tinanong niya, "Ano ba iyon, Luca?""Bakit mo hinahayaan ang ibang bata na tawagin kang ina?" tanong ni Luca. "Akala ko gusto mo ng anak na matatawag mong iyo."“Siyempre, gusto ko ang sarili kong anak, pero hindi ibig sabihin na hindi ko na kayang magmahal ng iba,” tahimik niyang sagot. "
***BALIK SA KASALUKUYAN***“Hindi na siya pupunta rito,” sabi ni Kaleb habang hinihila pababa ang kumot ng kanyang kama. “Magpahinga na tayo. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala kay Luca.”Nang makitang naaabala pa rin si Scarlett, nagtanong siya, “Ano ang nasa isip mo, kitten?”“Matagal ko nang alam na mapanlinlang si Courtney, at pagkatapos niyang makitang nakakasama niya ang kanyang biyolohikal na ina, matagal ko nang napagpasyahan na hindi ko rin mapagkakatiwalaan si nanay Analisa, pero pati ang tatay ni Luca?” Sabi ni Scarlett sabay iling. "Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanya para magsinungaling siya ng ganun tungkol sakin."“Hmmm.” Tinapik niya ang unan sa tabi niya, hinimok niya, “Ako na rin ang bahala sa kanya. Focus ka lang sa trabaho at pag-aaral mo. Ipaubaya mo sa akin ang iba."Matapos ang mainit na palitan nina Luca at Scarlett, pumasok si Kaleb sa pagitan nila. Inutusan niya si Luca palabas ng hotel at binalaan siya tungkol sa pagpasok muli sa alinman sa
"Well, ano ba yun?" tanong ni Scarlett. Tumingin siya sa kanyang relo at sinabi sa kanyang tatlong bisita, “Please. May dance practice pa ako kasama si Kaleb. Hindi ako pwedeng malate.”Diretso ang tingin ni Scarlett kina Cindy, Courtney, at Analisa. Nauubos na ang pasensya niya sa pagtigil ng tatlo."Ang kapatid mong si Courtney, ay handang gawin ang ultimate sacrifice," sa wakas ay nagsalita si Cindy. "Para sa iyo.""Oh," sagot ni Scarlett, tumaas ang kilay niya habang nagre-react. “Nakakagulat naman.”Agad niyang nakita kung paano lumuwa ang mga mata ni Courtney. Kumuha siya ng tissue sa bag niya at pinunasan ang gilid ng mata niya."Anong sakripisyo naman ang gagawin mo para sa akin, my edar sister?" Sarcastic na tanong ni Scarlett na curious talaga.“Scarlett, tatapusin ni Courtney ang relasyon nila ni Luca. She figured, sobrang nasaktan ka pa rin sa breakup niyo ni Luca kaya pinahihirapan mo kami - alam mo na, with your father's will,” paliwanag ni Cindy.“Scarlett, ayaw k
Habang nakasakay sa loob ng Knight XV ni Kaleb, si Scarlett ay nakatitig sa kanyang telepono, naghihintay.“Kitten?” Tumawag si Kaleb. “Kailangan nating kumilos ng normal. Hindi normal ang kilos mo ngayon.""Hindi sila tumatawag," mahinang itinuro ni Scarlett.“Exactly, kailangan nating pumunta sa party ng magulang ko, gaya ng plano,” mungkahi ni Kaleb. "Magiging kahina-hinala ang kilos natin kung hindi natin gagawin."Napabuntong-hininga si Scarlett. Mahina niyang sinagot, "Ang katotohanan na hindi nila ako pinag-abala pang tawagan ay nangangahulugang hindi nila ako itinuturing na mahalaga -""Isa pang dahilan para kumilos ka gaya ng dati," iginiit ni Kaleb. Idinikit niya ang kanyang mga labi sa kanyang tainga at iminungkahi, “Magiging maayos ang Papa mo. Sumakay sila ng medical flight papuntang Swaxon. Ang iyong ama ay gagamutin ng pinakamahusay na mga doktor."Sina Scarlett at Kaleb ay sumang-ayon na sinundan ni Philip si Aurora palabas ng Braeton City sa ilalim ng pagpapangga