"Alam ko na ngayon kung bakit kailangan kong mawala ang matalik kong kaibigan na si Luca."Sa ilang sandali, kumirot ang puso ni Luca. 'Best friend pa rin ang tingin niya sa akin?'Nang marinig ang mga sumunod na linya ni Scarlett, nanigas ang katawan ni Luca. Sabi niya, "Dahil... I was meant to be with someone greater."Halos agad na nanliit ang mga mata ni Luca kay Scarlett. Naisip niya, ‘siya ay para sa mas karapat-dapat na tao?/ Tama ang sinabi ni Courtney sa akin. Hindi ako nakita ni Scarlett bilang isang taong nararapat sa kanya...Paano niya nagawa ‘yon?'Sa kanyang pag-unawa, naawa lang si Scarlett sa kanya. May panahon na nagkasakit siya. Hindi na siya tulad ng dati at si Scarlett lang ang nakakaalam nito. Tinanggap niya ang kanyang marriage proposal dahil sa mga koneksyon nito, ang law firm ng kanyang ama, para lang makamit niya ang kanyang mga pangarap na maging isang matagumpay na abogado.'Hindi niya talaga ako minahal. Pagpapanggap lang ang lahat ng ito' paalala ni Lu
“Ako? Wala akong inaasahan n bisita ngayon.” Nilingon ni Courtney ang nagtatakang mukha ni Luca, at nagkibit-balikat siya.“Aurora, nasa gitna kami ng napakahalagang diskusyon,” paalala ni Cindy. Naglakad siya papunta sa pinto habang kumukulo pa rin ang dugo, nagalit sa sinabi ni Scarlett kanina.“Mrs. Barnes, nagpumilit siya, at hindi siya mukhang simpleng tao lang,” katwiran ni Aurora. Sandaling lumingon ang mga mata niya sa likod, na parang sinusuri kung sinusundan siya ng bisita."Sino ba ‘yan?" tanong ni Courtney."Ang pangalan niya ay Kaleb Wright," sagot ni Aurora, ang mga mata ay napunta kay Courtney na parang naghahanap ng sagot. "Parang pamilyar sakin ang apelyido."“Kaleb Wright?” tanong ni Luca. Hindi maiwasan ng kanyang mukha ang pagkunot ng noo kasunod ng pagkakatagpo kahapon sa lalaki sa The Wright Diamond Corporation. Nagtataka siyang tumingin kay Courtney, at nagtanong, "At bakit ka niya hinahanap, Courtney?"“Um. Hindi ako sigurado. Baka sa gala?" Namula si Cour
Inaasahan na ni Scarlett na bibigyan siya ng pansin ni Kaleb, para pagselosin si Courtney, para pagnilayan ng kanyang ina ang mga naging desisyon tungkol sa pag-abandona sa kanya at sa wakas ay napagtanto ni Luca na wala na siya sa kanya.Ang talagang hindi niya agad naisip ay ang mapasali sa isang open-mouth kiss sa mismong harapan nila.Gayunpaman, natuwa siya. Sinong hindi? Si Kaleb ay taong magaling humalik. Lagi siyang sabik at masigasig sa kanyang mga halik. Pinaramdam niya dito na parang siya lang ang babaeng hinalikan niya sa buong buhay niya!“Mmm.” Napaungol siya sa bibig ni Kaleb at sa huli, humiwalay siya sa mainit na halik, madaling nagpamanhid ang labi niya.“Scarlett? Kumusta ang pagbabasa ng last will?" Sadyang tanong ni Kaleb. Hinawakan niya ang kamay niya at humarap kay Courtney, Cindy, at Luca. "Sana ay nagkaroon ng fair shares ang girlfriend ko sa mga ari-arian ng Barnes."Bumaling si Kaleb kay Cindy at binigyang-diin, "Kung tutuusin, siya ang iyong tunayna ana
"Kaleb - Aaah." Sa mapungay na mata, sinabi ni Scarlett, "Dapat - dapat tayong pumunta sa kwarto - Mmmm."Nakahiga si Scarlett sa sofa seat, kasama si Kaleb sa ibabaw niya. Hinahalikan siya ni Kaleb, habang minamasahe ang kanyang dibdib sa loob t-shirt dress niya. Ang kanyang balakang ni Kaleb ay nakadikit sa kanyang pelvic area, na nagpaparamdam sa kanya ng kung gaano siya tinitigasan.Ilang minuto nang nag ma-make out ang dalawa, at handa na si Kaleb na tanggapin ang kanyang reward. Nang marinig ang kanyang sinabi, tumayo si Kaleb at sinabing, “No, kitten. Okay na dito. Tulog na si Liam. Walang makakaistorbo sa atin.”Pagkatapos niyang hubaran siya ng buo, hinubad niya ang kanyang pang-itaas, at hinawakan niya ang kamay ni Scarlett, at sinabing, "Ako naman ang hihiga."Bago gawin iyon, hiniling ni Kaleb, “Hubarin mo ang iyong pantulog mo, kitten. Gusto kong maramdaman ang bawat parte ng balat mo."Kahit nahihiya, ginawa ito ni Scarlett. Nang bumalik ang mga mata niya kay Kaleb,
Lumipas ang mga araw.“Promise me, ikaw ang magiging mommy ko,” sabi ni Liam bago niya ininom ang chocolate milkshake niya.Nagme-meryend sina Scarlett at Liam nung hapon, pagkarating mula sa school. Humagikgik siya at kaswal na sumagot, "Okay."Inilihis ang atensyon ni Liam, binasa ni Scarlett ang kanyang math notebook at sinabing, “So, sabi dito, ito ay tungkol sa problem-solving.”"Oo, nakakatamad naman ‘to," sabi ni Liam. "Magaling sa math si tito Kyle."“Hmmmp.” Isang tawa ang pinakawalan ni Scarlett. Tanong niya, "So natuto ka sa tito Kyle mo?"“Opo, at sa mga pinsan ko. Ang bait talaga ni kuya Kenneth,” hayag ni Liam. "Pero siya ay may sakit.""I see. Kaya pala napapa-isip ako kung bakit hindi pa natin sila nakikita." Namula si Scarlett sa pag-iisip na makilala pa ang pamilya ni Kaleb. Palagi siyang napapa-isip sa mga ito. Sa ngayon, si Kyle lang ang nakilala niya. Kahit nakakatakot ang itsura niya, mabait naman pala siya.“Minsan, bumibisita sila, pero madalas, nagkikit
“Huwag nalnag siguro tayo pumunta. Siguro dito... manatili nalang tayo,” sabi ni Kaleb habang ang labi niya ay dumampi sa gilid ng balingkinitang leeg ni Scarlett. Gumapang ang kamay niya papunta sa dibdib niya, at niyakap niya ito. “You look so smoking hot tonight. Natatakot ako baka may mga lalaki sa event na gusto kang agawin at ilayo ka sa akin.”Naramdaman ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg, kinilabutan si Scarlett. Naglakas-loob siya para alisin ang kamay nito, na nagsasabing, “Behave, Mr. Wright. Huwag mong kalimutan kung ilang beses ka tinawagan ng kaibigan mo kanina.”"Pwede naman ako maiwan dito, pero ikaw, kailangan mong dumalo sa kanyang birthday," sinabi ni Scarlett. "At saka, ano ang naisip mo at sinabi mong hot ako?"Pagtingin niya sa damit niya ay napakagat labi siya. Ngumisi siya at sinabing, “Hindi ako sigurado dito, Kaleb. Hindi ako sanay sa ganito. Ako na nakasuot ng magagarang damit ay hindi kailanman bumabagay.”Tinitingnan ni Scarlett ang sarili sa sa
'downgrade?' Namilog ang mga mata ni Scarlett. Huminga siya ng malalim at pumikit. Noon lang siya bumaling kay Nicole at nagtanong, "So sa tingin mo ang pagiging abogado ay isang pag-downgrade sa isang modelo?"Umiling si Scarlett at sinabing, "Sorry, pero sa mundong ‘to, ang mga abogado ay mas kilala kaysa sa mga modelo."Siya ay hindi kailanman nag-maliit ng mga tao. Kung tutuusin, pinalaki si Scarlett sa hirap, pero ang kanyang pride ay nangangati na lumaban. Dagdag pa niya, "At paano naman naging iba? Nakakapag-taka kung ilang beses ko naririnig ang salitang ‘yon kanina."Nagkibit-balikat si Scarlett at nagmungkahi, “Kung hindi pa siya umayos sa isang tulad mo, baka iba ang kailangan ni Kaleb.”"May confidence ka—""Syempre! Ako ang girlfriend niya, hindi ikaw. Ako ang kahawak-kamay niya,” kontra ni Scarlett. "Yung inuuwian niya-""Inuuwian ka?" ng may gulat na ekspresyon, sabi ni Nicole, “I doubt that. Siya ay may isang bastardong anak na uuwian. Sa tingin ko ginagamit ka la
Parang ang haba ng paglalakad nila papunta sa lobby ng hotel ng Third Diamond Hotel, kung saan sina Scarlett at Kaleb ay iniingatan ang mga iniisip nila sa kanilang sarili.Pakiramdam ni Scarlett ay handa nang lumabas ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib sa pananabik. Iniisip niya kung tama ba ang desisyon niya. Halos isang oras na ang nakalipas, medyo nagpahiwatig siya kay Kaleb kung paano siya pumayag na mawala ang kanyang v-card nang gabing iyon.Ilang araw na silang naghahalikan at lumalagpas na sila sa third base kung tawagin. Ang sekswal na tensyon sa pagitan nila ay tumataas, at palaging pinapahina ni Kaleb ang kanyang mga binti sa tuwing hinahawakan siya nito. Pag kay Kaleb, madalas siyang nawwalan ng rason, at hindi niya maiwasang sumuko sa kanyang mga alindog. Oo! Oras na para sa isang home run."Malapit na tayo," pagpasok sa elevator, sabi ni Kaleb. Inayos niya ang kanyang kwelyo, nag-iinit ang buong katawan, nauuna na ang kanyang imahinasyon. Tumitigas na ang kapatid