Dinuro ni Lilian Yates ang kanyang daliri sa ilong ni Harvey York. "Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng pagiging third-in-command ng probinsya?""Ibig sabihin nito ay kung gusto niya ito, edi magiging susunod na top class family ng South Light ang mga Yates!""Walang alam ang isang live-in son-in-law na tulad mo, pero heto ka patuloy pa rin sa pagsasatsat!"“Binabalaan kita, ayusin mo iyang mga pinagsasabi mo pagdating natin sa mga Yates! Kung hindi, hindi kita basta-basta pakakawalan nang ganoon kadali!"Sa kabila ng galit na galit sa mukha ni Lilian, hindi nagbago ang ekspresyon ni Harvey.Sa tuwing kasama ni Harvey ang first-in-command ng South Light, yuyuko ito kay Harvey habang nakaupo si Harvey sa harap niya.Sa kabilang banda, ang second-in-command ng South Light ay wala man lang lakas ng loob na harapin si Harvey.Paano magkakaroon ng anumang halaga ang isang hamak na third-in-command?Sa sandaling iyon, lumitaw si Xynthia Zimmer para ayusin ang mga bagay at sinabi, “
Kasabay nito.Dumating si Xynthia Zimmer sa isang kilalang antique market sa Buckwood.Pagdating sa paghahanda ng regalo para kay Grandma Yates, matural na hindi dapat basta-basta ang regalo.Hawak ni Xynthia ang card na binigay ni Mandy, buong puso para maghanap ng makabuluhang regalo sa merkado.‘Di nagtagal, nabaling ang kanyang tingin sa isang pares ng porselanang mangkok sa cashier desk. Masusi niya iyong tiningnan, at magtatanong na sana tungkol sa mga mangkok.Nang biglang may dalawang lalaking lumapit sa kanya.Hinawakan ng isa ang porselanang mangkok na tinitingnan ni Xynthia. Sabi naman ng isa sa front desk worker, “Gusto namin ang mga porselanang mangkok na ito.”“Hoy! Hindi niyo ba alam ang ‘first come first serve’ sa isang negosyo? Hindi niyo ba nakitang ako ang nauna sa mga mangkok na ito?”Agad na sumigaw si Xynthia.Lumingon ang dalawang lalaki. Mukha silang mga Amerikano, pero may makinis na buhok at makapal na makeup.Tiningnan ng isa si Xynthia mula ulo han
“Bastos kang babae kaka! Sinampal mo talaga ako!"Nagalit ang dalawang lalaki ng Country J sa isang iglap.Sanay na silang maging arogante sa sarili nilang bansa. Walang maglalakas-loob na kalabanin sila kahit na hinarass nila ang mga babae. Ni minsan sa buhay nila ay hindi sila sinampal ng babae.Pak!Sa sumunod na sandali, gumanti ang isa sa kanila at binigyan ng malakas na sampal si Xynthia Zimmer sa kanyang mukha!“Ang kapal ng mukha mong sampalin ako! Gusto mo bang mamatay?”“Magpapa-blotter kami sa mga pulis! Kailangan mong bayaran ang danyos namin!”Binasag ng isa ang mga porselanang mangkok sa sahig.Saka sinisi ang lahat kay Xynthia.Sa ngayon, lumala ang sitwasyon.Lumabas ang mga trabahador ng antique market.Nakakunot ang noo ng isang middle-age na lalaki na nasa unahan. "Ako ang manager ng antique market, si Wallace Shawn. Kung may problema, pwede kayong mag-report sa akin."Agad na nagsalita ang lahat, “Manager! Sumosobra na ang mga lalaking ito at sinampal an
"Walang hiya ka!"Hindi makapaniwala si Xynthia Zimmer sa kanyang narinig. Paano nasabi ng lalaking ito ang ganoong bagay sa harap ng napakaraming tao?“Obvious naman na nauna silang harassin ako! Nagalit ako, kaya kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko!""Hindi lamang nila ako sinaktan at binasag ang mangkok, pero gusto mong bayaran ko iyan? Gusto mo pang samahan ko silang uminom! Sobra ka namang hindi makatwiran?!"“Ho, ho! Inamin mo nang ikaw ang naunang sumampal sa kanila!""May nakausap na ako na i-save ang video ng pagsampal mo sa kanila!""Kung hindi mo tatanggapin ang paraan namin ng pag-ayos sa sitwasyongi ito, ire-report namin agad ang lahat sa mga pulis!""Sapat na ang pagkalugi ng isang milyon dolyar para mahabang panahon kang makulong!"Pananakot ni Wallace.Natulala si Xynthia.Bagama't medyo malupit siya paminsan-minsan, estudyante pa rin siya. Kailan pa siya naharap sa ganitong sitwasyon mag-isa?Hindi siya makapaniwalang ang lalaking ito, si Wallace Shawn,
Nang bigkasin ni Xynthia Zimmer ang buong kwento kay Harvey York, agad na nagdilim ang kanyang mukha.Pero bago pa man makapagsalita si Harvey, pinutol na siya ni Wallace Shawn sabay ngisi. "Uy, pinapunta mo ang mga magulang mo ngayon?""Sinasabi ko sayo! Huwag mong isiping ganito matatapos ang bagay na ito ngayon!""Sabihin mo sa dalawang lalaking galing Country J na lumayas na dito!"Malamig na sinabi si Harvey."Hindi marunong rumespeto ang anak mo pati rin pala ikaw?""Mga marangal silang panauhin mula sa ibang bansa!" Galit na na sigaw ni Wallace. "Ano ang sinusubukan mong palabasin sa pagtawag sa kanila ng mga lalaking galing Country J?"Malamig na sagot ni Harvey, “Pwede lang silang tawaging mga dayuhang bisita kung bibisita sila rito nang may kabaitan. Nirerespeto ko na sila sa pagtawag ko sa kanilang basura nang ganoon.”"Bibigyan kita ng tatlong segundo. Pagapangin mo sila palabas dito at humingi ng tawad!""Baliw ka na ba?! Gusto mo bang gumapang dito ang mga kagala
Kaswal na tinulak ni Harvey York si Wallace Shawn. Pagkatapos ay sinipa niya ang pinto ng VIP lounge. Nabaling ang kanyang tingin sa dalawang nagkukunwaring lalaki ng Country J, at malamig niyang sinabi, "Kayo ba ang sumampal sa kanya at bumasag ng mga mangkok? Hindi lang yun, sinabihan niyo pa si Xynthia na samahan kayong uminom?”Biglang napatayo ang dalawang lalaki ng Country J nang makita si Harvey.“Oo, kami iyon. E ano ngayon? Gusto mo bang bayaran kaming ikaw na basura ka?"Hindi marunong magsalita ng Ingles ang dalawang lalaking ito mula sa Country J, ngunit tinitigan nila nang masama si Harvey.Pakiramdam nila ay superyor sila."Lumuhod ka at humingi ng tawad." Utos ni Harvey. "Isang beses ko lang kayo pagbibigyan.""Humingi ng tawad? Imposible!"“Mga natatanging bisita kami. Paano kami hihingi ng tawad sa mga mas mababa sa amin?""Pero ikaw, pwede kang lumuhod at humingi ng tawad sa amin sa halip!"Napakayabang ng dalawang lalaking itong mula sa Country J. Talagang m
Pakiramdam ni Wallace Shawn ay may umugong sa kanyang isipan. Medyo nataranta siya.Habang hindi siya makapaniwala, walang katuturan lang niyang nasabi ang "uh, uh, uh".Hindi niya namalayang tumingin siya kay Harvey. Mukhang si Harvey ang tumawag kanina.Lumalabas na pumunta pala ang chairman niya at sinesante siya ng wala pang limang minuto.Nang sa wakas ay natauhan si Wallace at gustong mag-protesta, sinampal siya ni Shane Naiswell sa mukha. "Lumayas ka! Hindi ko kailangang makinig sa anumang paliwanag mo! Naiintindihan ko na nang lubusan ang isyung ito!"“Teka!”Biglang nagsalita si Harvey.Masayang ngumiti si Wallace. Naramdaman kaya ng lalaking ito na masyadong mabigat ang parusa at gustong mamagitan para sa kanya?Sa sandaling naisip ito ni Wallace, yumuko siya at nagsimulang magmakaawa bago pa man makapagsalita si Harvey. "Pakiusap, Sir! Nagmamakaawa ako sa iyo! Maraming salamat, Sir!"Hindi pinansin ni Harvey ang pangungulit ni Wallace. Sa halip, tinuro niya ang dala
“Young Master York, humihingi ako ng paumanhin sa nangyari ngayon. Tanggapin mo ang 1.5 million dollar bilang compensation para sa dalagang ito.” Ngumiti si Shane Naiswell, at nag-abot ng tseke kay Xynthia Zimmer.Tiningnan ni Xynthia si Harvey, pero hindi niya sinubukang hawakan si Harvey.Walang pakialam na sinabi ni Harvey, “Kunin mo na. Nararapat sa iyo iyan. Kung hindi mo kukunin iyan, baka hindi makatulog nang mahimbing si Master Naiswell ngayong gabi."Tumango si Xynthia at tinanggap ang tseke.Natulala ang mga staff na sumunod kay Shane.Sino ang lalaking ito?Tinatrato at kinausap niya si Shane Naiswell na para bang ordinaryong tao si Shane.Higit sa lahat, hindi nagalit si Shane sa mga salitang binitawan niya.Ano ang ibig sabihin niyon?Malinaw na indikasyon itong mas mataas ang kanyang katayuan kaysa kay Shane Naiswell.Sa harap niya, si Shane ay parang nakababata niyang kapatid!Sinundan ng staff si Shane sa loob ng maraming taon, at nakita ang mundo sa labas.