"Nasaan si Harvey?" Agad na napatalon si Zack Zimmer at galit na galit na sinabi iyon.Sinamantala ni Simon Zimmer ang pagkakataong ito."Hindi mo ba nakikitang wala siya? Tumakbo na siya palayo!"Nanginginig sa galit si Senior Zimmer.“Harvey York, walang hiya ka. Papatayin ko siya!”"Bilisan niyo! Hanapin ang b*stardong iyon ngayon!"Galit na galit na nag-martsa palabas ng hall ang madla.Nang tuluyang umalis ang mga Zimmer, napabuntong hininga si Simon Zimmer.‘Pasalamat ako at wais ako. Bugbog-sarado ako kung hindi.'"Salamat na nandito ka rin, honey. Hindi nila ako paniniwalaan kung hindi ka nagsalita," kinakabahang sinabi ni Simon."Bakit ko pa sasabihin ang mga ganitong bagay kung hindi para isalba ang kawawa mong kaluluwa?”"Pero ang basura, hindi talaga kapaki-pakinabang sHarvey. Mas mabuting maging scapegoat siya!”"Tara na, puntahan natin ang kapatid ko at ang brother-in-law at humiram sa kanikla ng pera…”"Puputulin ang daliri mo kung hindi tayo makakapagbayad
Kasabay nito, sinimulan na ni Harvey York ang kanyang imbestigasyon.Nagtanong siya ng impormasyon mula sa mga koneksyon niya siya sa ilang mga gangster at siguradong hindi nandaya si Simon Zimmer simula‘t sapul, swerte lang ang pagkapanalo niya ng maraming beses sa simula at hindi ito intensyonal.Natalo siya sa paglaon lamang dahil may nakilala siyang magaling na manlalaro.Pwedeng sabihin na pinlano ang insidente ng isang tagalabas, ngunit walang kamali-mali ang lahat, wala siyang makitang anumang mali sa sitwasyon.Syempre, mas madali para sa mga pulis na malaman kung ano talaga ang nangyari kung tatawagan sila.Ngunit kung mangyari iyon, matagal-tagal na makukulong si Simon Zimmer.Kung mangyari iyon, magdadalamhati si Mandy Zimmer.At siguradong ayaw ni Harvey na makita siya nang ganoon.Sa totoo lang, fourteen million dollars lamang iyon. Sa kanyang yaman, ilang minuto lang bago niya mabayaran ang pera.Ngunit nais pa rin niyang malaman ang taong may pakana ng lahat ng
Sa kabilang linya, misteryosong binaba ni Tiger Ray ang phone, pagkatapos ay tumayo at magalang na nag-dial ng isang numero ng telepono na may magandang ringback tone."Lord York, kumikilos ang tulad ng iyong pinlano. Gagamitin ng mga Zimmer si Harvey York para akuin ang responsibilidad!""Mabuti, ipagpatuloy ang iyong plano. Tandaan mo, hindi madaling harapin si Harvey. Mag-ingat ka!”"Syempre!"Binaba ni Tiger Ray ang phone at nagsimulang kuskusin ang kanyang mga palad at inaasahan ang mga susunod na mangyayari.***Sa Silver Nimbus Courtyard.Binaba ni Wayne York ang phone at may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha.Nakaupo si Stephen York sa harap niya, tumawa at tinanong, "Napaka-simple lang nito, sobrang daming butas. Sa palagay mo ba ay madaling mahuhulog dito si Big Brother?”"At hindi mo ba napagtanto kung anong klaseng tao siya? Paano niya hahayaang may pumutol ng kanyang daliri nang ganoon lang?"Kalmadong sagot ni Wayne, "Alam kong imposible ito sa normal na si
Nanigas si Harvey York.Nabigla siya at hindi makapaniwala.Naghahanap pa rin siya ng paraan para malutas ang problema at alamin kung sino ang may pakana.Ngunit hindi niya naisip na walang puso sina Simon Zimmer at Lilian Yates para maging scapegoat nila nang ganito kabilis!Kung hindi dahil kay Mandy Zimmer, hindi siya magiging mas interesado sa bagay na ito.Kung hindi dahil sa kanya, matagal na sana niyang nilabas ang kanyang galit.Ngunit para kina Simon at Lilian, isa itong desperadong hakbang.Kung hindi nila binaling ang sisi kay Harvey, pinatay na sila!Kahit na, hindi pa nila naisip kung anong gagawin.“Ano pang hinihintay niyo?! Umamin na kayo sa iyong mga pagkakamali! Saka akuin niyo ang responsibilidad para sa kanilang lahat!” Malamig na sinabi ni Senior Zimmer.Sa sandaling ito, lumabas si Tiger Ray kasama ang kanyang mga tauhan sa casino, agad na pinalibutan ang mga Zimmer."Heto siya. Gawin niyo na ang dapat niyong gawin sa kanya!"Bago pa man makapag-react
“Pfft… Hahaha!"Si Chopper Lyon, hindi maglalakas-loob si Dragon Head Lyon na galawin ka?"Sandaling napatigil si Tiger Ray, saka siya tumawa."Hindi mo lang ginagamit ang gang boss, pati ang pangalan ni Dragon Head Lyon para takutin ako dahil lang alam mo, ‘di ba?”"Hayaan mong sabihin ko sa iyo, grumaduate ako sa University of Country H! Huwag mo ring subukang gamitin ang pangalan ni Dragon Head Lyon para takutin ako!”"Kahit na alam mo ang mga pangalan ni Master Caesar at Sean Bill, wala lang iyan sa akin! Ang katayuan ng taong sumusuporta sa akin ay..."Pakiramdan ni Tiger Ray ay parang may mali habang nagsasalita siya, bigla siyang tumigil.Tiningnan niya nang mahigpit si Harvey York saka sinabi, "Kaya pala sinabi sa akin na mag-ingat ako sa iyo. Halos mahulog ako sa mga patibong mo!”"Sige, tama na ang mga kalokohan mong hayop ka. Dahil dinala ka ng father-in-law mo dito para bayaran ang kanyang utang, alinsunod sa mga patakaran, puputulin ko ang isa sa iyong mga daliri n
Hindi naniwala si Tiger Ray at ang kanyang mga tauhan sa kahit anong sinabi niya, pinagtawanan siya nilang lahat.“Bweno! Interesado akong makita kung ano ang kayang gawin ng isang live-in son-in-law?"Doo—Tumigil ang paggalaw ng kamay ni Harvey York sa ilalim ng tingin ng ilang dosenang kalalakihan, pagkatapos ay galit na umalingawngaw ang tunog ng pagdikit niya ng kutsilyo sa mesa sa buong kwarto.Tumingala siya para titigan si Tiger Ray at malamig na sinabi, "Agad mong pagsisisihan ito!""Wala akong pagsisisihan!”"Putulin ko muna ang kamay mo!"Kumukulo si Tiger Ray sa galit sa oras na iyon, kinuha niya ang kutsilyo sa kanyang kamay at galit na galit na sumugod sa direksyon ng Harvey York.Bang!Nakakabingi ang pagbukas ng pintuan ng maliit na madilim na silid sa sandaling iyon.Sa ilang sandali, ilang mga maskuladong lalaki na nakaitim na suit ang sumugod sa maliit na silid.Nasa anim na talampakan ang tangkad ng mga lalaking iyon, at puro masisigla.Sila ang mga lala
Hindi nagtagal, pinadala ni Harvey York ang video footage kay Joel Flynn gamit ang phone ni Tiger Ray.Sa sandaling nakuha ni Joel Flynn ang video footage, agad niya itong finorward kay Wayne York."So sumisigaw ka pala sa takot. Palagi kong naisip na isa kang diyos, hindi ka magkakaroon ng ganitong emosyon...”Kakaiba ang tingin ni Wayne sa mukha niya. Sa kanyang mga mata, si Harvey ay parang isang diyos sa kanya.Ngunit sa sandaling iyon, naramdaman niyang gumuho ang kanyang diyos sa kanyang trono ay kasama ang imahe ng kanyang idolo."Joel, ipadala mo ang footage sa lahat ng mga Zimmer, kasama na si Mandy Zimmer. Gusto kong malaman kung paano sila magre-react..."Tumawa nang malakas si Wayne, pagsubok ito.‘Di nagtagal, natanggap ng lahat ng mga Zimmer ang footage.Nang makita na ang taong nasa footage na pinutol ang kanyang daliri, nanginig si Simon Zimmer at agad na namutla ang kanyang mukha."Diyos ko! Sobra na ito! Salamat na lang at pumalit ang kumag na iyon sa akin. Y
Umiyak na si Mandy Zimmer kanina, hindi siya makapaniwala sa narinig niya noon."Ano? Hiwalayan?”"Father, Mother! Hindi mo ba napagtantong inako ni Harvey ang responsibilidad para sa inyong dalawa?! Mali lang itapon na lang natin siya pagkatapos natin siyang gamitin!"“Naku, Mandy. Hindi kami ganoong klaseng mga tao!" Mabilis na sagot ni Simon Zimmer."Naalala namin lahat ang ginawa ni Harvey para sa pamilya.”"Ang mga Zimmer ay hindi mga taong hindi marunong magpasalamat. Paano namin magagawa ang ganoong bagay?”"Hindi siya para sa iyo simula’t sapul…”"Susuklian natin siya ng pera kapag tapos na ang lahat, ngunit kailangan mo siyang iwanan!" Sinubukan nina Simon at Lilian Yates na kumbinsihin siyang makipag-hiwalay na naman."Kayong dalawa…"Lumaktaw ng tibok ang puso ni Mandy matapos marinig ang sinabi ng kanyang mga magulang, masyadong nakakadismaya para sa kanyang marinig ang mga iyon."Kailangan mong siyang hiwalayan! Hindi na siya para sa iyo sa simula pa lang, mas la