"Kalimutan mo na, maganda mood ko ngayon. Patatawarin na lang kita!" Kumaway si Tanya at mukhang hindi mapakali.May naisip bigla si Leyton. Pagkatapos ay tinanong niya, "Oo nga pala, hindi ba sinabi mo na sasali ka sa enlistment assessment ng Sword Camp ngayon? Bakit hindi ka namin nakita?!"Naisip din niya ito nang marinig niya ang sinabi ni Leyton. Tiningnan niya si Harvey nang walang galang.Nais nilang makita kung ano pang sasabihin ng live-in son-in-law.Sa kanilang pananaw, dapat ay bigyan ni Harvey ang kanyang sarili ng dalawang sampal sa mukha.Hindi inaasahang nag-atubili sandali si Harvey at nagpasyang sabihin ang totoo."Sa totoo lang, pumunta ako ngayon, pero hindi kayo kwalipikadong makita ako."Nabalot sa katahimikan ang buong lugar nang sinabi niya ito.Halos pumutok sa sobrang galit si Leyton at Tanya!Anong ibig niyang sabihin na hindi sila kwalipikadong makita siya?Talagang sineryoso ng live-in son-in-law na ito ang kanilang mga salita at masyadong mataas
Nahimatay ang lalaking ito ng walong beses ngayon.Sa tuwing magkakamalay siya, agad siyang susuka ng dugo at hihimatayin ulit pagkatapos marinig ang lahat na pinag-uusapan ang pagdalaw ni Prince York sa Sword Camp ngayon.Ngunit, walang nagsalita ng tungkol kay Prince York sa pagkakataong ito at hinimatay ulit siya.Ang sama talaga ng lagay ng kanyang pangangatawan.Hindi sigurado kung paano niya nakuha ang reputasyon ng pagiging King of Arms?Kinakabahang nagtanong si Tanya sa dalawang sergeant na nagbalik kay Conor, "Mga sergeants, gusto kong tanungin, may pagkakataon pa ba si Conor na makasali sa Sword Camp?""Paano siya makakabalik?”"Hinimatay siya sa harap ni Prince York. Talagang pinahiya niya ang Sword Camp!”"Nagalit si Lieutenant Colonel na direkta niyang tinawagan ang military region ng Golden Sands at tinanong kung bakit ipinadala doon ang basurang iyan.”"Sa palagay ko ay hindi na siya magkakaroon ng lugar sa hukbo sa hinaharap, lalo na sa Sword Camp."Sinabi ng
"Si Prince York ay... idolo ko. Siya… siya… ay hindi isang taong hindi kayang kitain ng mga ordinaryong tao…”"Hindi maganda ang pangangatawan ko. Nahimatay ako sa minutong nakita ko siya…”"Ang laki kong kabiguan..."Medyo mapait ang pakiramdam ni Conor Ward nang sinabi niya ang lahat ng iyon, ngunit kailangan niyang magsalita ng ganoon alang-alang sa kaligtasan ng kanyang pamilya."Oh, kaya pala. Akala ko sasabihin mong ang basurang si Harvey ay si Prince York!"Nagpakawala ng mahabang buntong hininga si Tanya. Hangga't hindi si Prince York ang live-in son-in-law na ito, magiging maayos ang lahat."Okay. Ayos lang. Magpahinga ka muna nang mabuti. Pansamantala nating isasantabi ang Sword Camp… ” Sabi sa kanya ni Leyton Luv.Gayunpaman, medyo nagtataka siya at nagtanong matapos magsalita. "Oo nga pala, nakita mo ba ang basurang ito sa Sword Camp ngayon?""Oo!"Masagwa ang hitsura ni Conor nang tiningnan niya si Harvey."Ano? Pumunta talaga ang basurang ito sa Sword Camp?"Hi
Umiling si Simon Zimmer. “Mga kapatid, sagot ko lahat ng pagkain at inumin ngayon. Tungkol naman sa pagsusugal, kalimutan niyo na lang iyon. May gusto lang akong itanong ngayong gabi. Mga kasama, huwag niyo sana akong pahirapan!""Okay lang. Maglaro lang tayo ng ilang round at subukan ang swerte natin. Nangangako akong hindi ka matatalo..."Tumawa ang isang gangster."Bakit? Sinabi namin sa iyo kung ano ang gusto mong malaman. Ngayon ay nagbago ka na ng kulay at hindi ka na nagpapakita sa amin ng respeto?"“Tandang Zimmer! Dahil lumabas ka para maglaro, bakit hindi ka na lang masaya. Sino ang lalabas at maglaro gamit ang isang milyon lamang?""Kung natalo ka, isipin mo na lang ay kinalat mo ang iyong yaman sa paligid. Kung manalo ka, edi maswerte ka!"Everyone was drunk, and Simon was tempted to gamble anyway.Lasing na ang lahat, at natukso si Simon na magsugal na rin.Gayunpaman, nanatili siyang kalmado at sinabi, "Okay, tara na. Pero, mayroon lamang akong nasa sampung libong
“Second Brother…”Tumingin si Wayne York kay Queenie York at saka kalmadong yumuko.Nakangising tumingin si Quinton York kay Queenie at mahinang sinabi, "Third Brother, ano ang gagawin mo?"Ngumiti si Wayne at sinabi, "Siyempre, susundin ko ang mga utos mo at tahasang gagawin ang inutos mo.""Paglaruan mo siya. Hayaan mo siyang matalo. Hayaan mong matalo siya nang matalo.”"Hayaan mong matalo siya hanggang sa hindi niya mabayaran ang utang niya kahit na ang ibig sabihin nito ay kailangan niyang ibigay ang buong pamilya Zimmer. Gusto kong makita kung hanggang saan ang gagawin ng mabuti nating Big Brother para sa kanyang pipitsuging father-in-law…”Walang habas na sinabi ni Quinton. Para sa kanya, laro lamang ang lahat ng ito.Tumango si Wayne at sinabi, "Second Brother, huwag kang mag-alala. Aayusin ko ang lahat at titiyaking walang mga pagkakamali. Kahit dumating ang mga pulis, wala silang makitang anumang ebidensya!"***Nasa venue ngayong gabi ang tatlo sa Famous Four ng mga
‘Di nagtagal, dinala sina Harvey York at ang iba pa sa isang malaking box; may ilang dosenang mga taong may hawak na bakal na tubo at kutsilyo habang nakakatakot ang kanilang mga mukha.Pumasok ang amoy ng dugo sa ilong ng mga tao, kung kaya pakiramdam nila’y naduduwal sila.May isang lalaking bulagta sa lupa sa sandaling iyon, naka-kurba ang katawan niya na parang sanggol, walang tigil sa pagkibot at balot sa dugo.“Simon…”“Father…”Matapos makilala ang taong nakahiga sa lupa, mabilis na lumapit sa kanya sina Mandy Zimmer at Lilian Yates.Nang makitang bugbog-sarado si Simon Zimmer, may malamig na tingin sa mga mata ni Harvey kahit na hindi niya gusto ang kanyang pipitsuging father-in-law.'Dapat mamatay ang mga taong ito para sa pagpapa-iyak nila sa asawa ko!'"Sagipin mo ako! Pakiusap!" Sinabi ni Simon habang nanginginig at nakakubot sa lupa sa sandaling nakita niya ang kanyang pamilya.Talagang bugbog-sarado siya sa gabing iyon, hindi pa siya nakarananas ng ganoong sitwas
Natahimik si Simon Zimmer pagkatapos makinig sa mga "kaibigan" na inaakusahan siya ng mga ganoong bagay, tinitigan niya ang gang ng mga taong walang kabuluhan nang may pagkagulat."Finrame niyo akong lahat! Pinalano niyo itong lahat!" Sigaw ni Simon."Pinilit ka ba namin? Sinabi ba namin sa iyo na sumama?”"Kusa mong ginawa ng ito simula’t sapul!""Hinawakan ka ba namin mula simula hanggang dulo?"Hindi naka-imik si Simon.Tulad nga ng sinabi ng mga tusong tinawag niyang kaibigan, kusang-loob niyang ginawa ang lahat. Walang pumilit sa kanya.Ang kasakiman lang niya dapat sisihin!Naintindihan ni Mandy Zimmer ang sitwasyon, isa itong planadong frame-up.Nag-isip siya sandali at bumulong kay Harvey York, "Dapat ba tayong tumawag ng mga pulis?""Hindi, wala iyang silbi. Baka may gawin sila dahil sa desperasyon!" Mahinahong pangangatwiran ni Harvey.Narinig ni Tiger Ray ang pinag-usapan ng dalawa at malamig na tumawa."Gusto mong tawagan ang mga pulis? Sige! Gawin mo kung anong
Sa wakas, umalis na si Harvey York at ang iba pa kasama si Simon Zimmer.Nainginig si Lilian Yates nang makabalik na sila sa entrance ng lugar at pinagalitan si Simon habang mangiyak-ngiyak na, “Sinabi ko sa iyo na tigilan mo na ang pagsusugal, pero hindi mo ako pinakinggan!”"Sabihin mo sa amin, anong gagawin natin ngayon?!”"Saan tayo hahanap ng fourteen million dollars?!""Oo!"Nagpakawala ng malaking buntong-hininga si Mandy Zimmer."Dine-delay lang natin sila sa ngayon, may magagawa pa ba tayo maliban sa bayaran sila?"Tumawa si Harvey nang walang kahit anong sinabi.Malungkot si Simon noong muna, ngunit tinuwid niya ang kanyang katawan at tinuro si Harvey at sinigawan siya pagkatapos makita ang ekspresyon nito."Anong pinagtatawanan mo?!”“Bilisan mo at mag-isip! Walang silbing basura ka!”"Kung may mabuti akong live-in son-in-law, tapos na ang bagay na sa loob ng ilang minuto!”"Ikaw! Isa ka lang basura! Ikaw ang may kasalanan sa nangyari ngayon!"Napatigil si Harve