Sa tulong ng kanyang kagalang-galang na titulong Prince Silva, natural na si Leon Silva ay nagtaglay ng mga resources mula sa underworld.Ang pagkakaiba niya sa isang taong kasing-dakka ni Chopper Lyon, na kilala bilang pinakamahusay na fighter-gangster sa buong Buckwood, ay masyadong malaki.Mayaman ang mga Silva at masyadong makapangyarihan.Kung kaya nang inimbitahan ni Brent Silva si Chopper sa ngalan ni Leon, malinaw na handang sumama si Chopper.Sa sandaling iyon, ngumisi si Chopper at sinabi, “Prince Silva. Sa iyong pinangako, hindi mahalaga kung lalaban ako o hindi. Basta’t malutas ang bagay na ito, ibebenta mo sa akin ang lupang iyon sa bandang timog ng lungsod.""Syempre." Malamig na ngumiti si Leon. "Bibigyan kita ng pinakamagandang presyo. Pagkatapos ng lahat, magiging matalik tayong mag-kaibigan mula ngayon."Mataas ang halaga ng lupang iyon, ngunit ano naman kung ibigay niya ito kay Chopper?Para makatayo sa tuktok ng South Light, kinakailangan ng mga Silva na guma
Sa Silver Nimbus Courtyard, sa Silver Nimbus Mountain.Maingat na kumatok si Manager York sa ancient na pinto ng living hall bago pumasok para tumayo sa gilid ni Quinton York. "Master York, nagsimula nang gumalaw ang mga Silva."Hindi man tumingala si Quinton at walang emosyon niyang tinanong, "Para labanan ang lalaking iyon?""Oo. Narinig kong nakuha niya ang video na nagpapakita kung anong nangyari sa Pearl River, at planong gantihan si Leon Silva.""At?""Hindi lamang tinawag ng mga Silva ang lahat ng kanilang kilala sa underworld, ginamit nila si Chopper Lyon upang matipon ng halos kalahati ng big shots sa underworld ng Buckwood..."Napatigil sa gitna ng hangin ang kamay ni Quinton na may hawak na piraso ng chess. Ngumiti siya sa sarili. "Malamang ay pinadala si Leon para mang-espiya sa akin. Kung gagalaw man ako, hindi siya maglalakas-loob na magpatuloy.""Magpadala ka ng isang tao para makita kung anong mangyayari. Gusto kong malaman ang resulta sa lalong madaling panahon.
"Hindi ka pwedeng lumabas! Kahit na bugbugin si Harvey hanggang sa mamatay, hindi ka namin hahayaang umalis!"Mabigpit na tinitigan nina Simon Zimmer at Lilian Yates si Mandy, hindi siya binibigyan ng anumang pagkakataon para gumalaw.Sa bahay, si Xynthia Zimmer lamang ang nakakagamit ng kanyang phone nang walang pag-aalala. Pa-sikreto pa aiyang nag-text ang kanyang brother-in-law.Gayunpaman, masyadong busy si Harvey para pansinin iyon, at nainis si Xynthia dahil doon.…Sinimulan na ni Harvey na magbasa ang mga panalangin sa harap ng libingan ni William Bell.Sumunod sina Tyson Woods at ang iba pa para ipakita ang kanilang respeto, ginagaya si Harvey sa pagdarasal para sa kapayapaan ni William.Pinanood ni Shawn Bell at ng kanyang asawa ang eksenang ito na parehong umiiyak at nagpa-panic. Sinubukan nilang pakiusapan si Harvey, "Harvey, bakit hindi natin ito hayaan sa pagkakataong ito?""Masyadong makapangyarihan ang mga Silva! Hindi natin sila kayang labanan. Masaya na kaming
Kahit na kinilabutan si Old Niner at ang iba, nanatiling kalmado si Harvey.Sa ngayon ay nakatayo habang nasa likuran ang mga kamay niya, dominante pa rin siya tulad ng dati.Hindi siya kumurap sa paglabas ng sinuman, kahit isang beses.Kung titingnan ang kanyang naging reasksyon, hindi napigilan ng mga Silva ang kanilang galit."Harvey, hindi mo ba naisip kung sino ang haharapin mo, ano?" Tumawa si Brent Silva.Nang makitang nasa kanya ang atensyon ng mga Silva, ngumiti lamang si Harvey at tumango.“Ngumiti ka ba talaga? Tingnan natin kung paano ka ngingiti pagkatapos!""Ang mga nakatayo sa tabi mo ay mga bubwit lang sa harap ni Chopper Lyon!"Tumawa ang mga Silva.Ang lalaking ito, si Harvey York, ay talagang walang kahihiyan!Agad na lumitaw ang halos sampung lalaki sa likuran ni Chopper, may dala-dalang mahhabang patalim."Ang mga ito... mga galamay sila ni Chopper, ang Stallion Battlers! Mahuhusay na mga mamamatay-tao silang lahat!”Nang makita sila, hindi mapigilan ni
"Lumuhod kayo ngayon!""Paanong ang lakas ng loob niyong kalabanin kami? Ang tapang niyong kalabanin si Brother Lyon samantalang mga pipitsugin lamang kayo?!""Hindi niyo talaga alam kung saan kayo nakatayo!"Ngumisi sina Sister Harriet at si Sinister Fox.Sa kanilang pananaw, mga walang utang na loob na hampaslupa sina Harvey at ang kanyang mga tauhan na naghahangad mamatay.Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkatinginan sina George Zabel at Old Niner. Sabay nilang tinitigan si Chopper Lyon. "Brother Lyon, kinikilala namin na ikaw ang master ng mga lansangan ng Buckwood sa halos buong oras. Syempre, nirerespeto ka namin!”"Pero, ibang master ang pinagsisilbihan namin ngayon. Natatakot ako na lalabanan natin ang isa't isa!""Oo. Wala kaming oras para makipag-habulan ngayon!""Mukhang handa kayong mamatay para protektahan ang live-in son-in-law na ito." Mapangutyang sinabi ni Chopper Lyon. "Hindi ko alam kung anong mga benepisyo ang binibigay niya sa iyo para pagsilbihan niyo si
“Oo! Ang patapong tulad mo ay walang karapatang kausapin si Brother Lyon!”"Isa ka lang live-in son-in-law, tumigil ka na sa pagpapanggap! Sino ka sa palagay mo?!""Kung luluhod ka na lang at magmakaawa, pwede pa namin pag-isipang iwanan namin ang katawan mong walang galos!"Sumigaw ang mga gangster, galit na galit kay Harvey York.Masyadong mayabang ang live-in son-in-law na ito!Dapat patayin agad ang mga ganoong tao para malaman niya kung bakit pula ang mga bulaklak!Ngumisi si Harvey, tumingin sa direksyon ni Leon Silva, at walang pakialam na sinabi, "Ang pamilya Silva. Isa sa mga first-class na pamilya sa Buckwood, bagaman nasa average level lang ang lakas nila sa mga first-class na pamilya…”"Pero, kamakailan lamang ay sinasabi ng lahat na nangunguna ang pamilya Silva sa lahat ng mga first-class na pamilya sa Buckwood.""Nuna kong naisip na sumasatsat lang ang mga Silva, o sinuwerte silang makakapit sa isang maimpluwensyang tao..."“Ngunit mukhang may kakayahan pala ang
Sa sandaling ito, ang mukha ni Leon Silva, na kalaunan ay tila walang pakialam, ay bahagyang nagbago.Mula nang makarating dito, lihim niyang inobserbahan si Harvey York.Pakiramdam niyang may mali dahil sobrang yabang ng live-in son-in-law na ito. Gayunpaman, hindi niya matukoy eksakto kung anong meron kay Harvey.Dahil handa si Harvey na ibigay ang kanyang asawa kapalit ng malaking kapangyarihan...Hindi ba niya napagtanto na walang paraan para madurog niya ang mga Silva kung aasa lang siya sa mga taong tulad nina George Zabel, Old Niner, at Tyson Woods?Kung ganoon, bakit ang tapang niya para pukawin ang mga Silva?Sa ngayon, ang mga hot shots ng mga lansangan ng Buckwood ay nagtipon lahat dito, maliban sa ilang mas matatandang henerasyong nag-retiro na.Bakit mayabang pa rin ang live-in son-in-law na ito kahit kasalukuyan na siya napapaligiran ng higit sa pitumpung porsyento ng mga gangster leader?Ibig sabihin ba nito ay may sapat siyang kumpiyansa para harapin silang laha
Hindi kaya't may isa pang alas na nakatago si Harvey?!Unti-unting may naisip na nakakakilabot si Leon Silva …Humarap si Harvey York kay Margie Cloude at malamig na sinabi, "Hindi ka ba nagsisisi sa ginawa ko kay William ngayong dumating ka sa libingan niya? Hindi mo ba naisip na tinitingnan ka ni William mula sa langit?"Sa totoo lang, medyo nakonsensya si Margie sa ngayon.Gayunpaman, mayabang siyang tumingala, parang isang peacock. “Hmph! Mabuti nang patay na siya! Kung hindi siya namatay, mag-eenjoy ba ako ng marangyang buhay na mayroon ako ngayon? Dapat siyang magpasalamat!""Bilang rebound, maswerte siya na may nagawa siya para sa kanyang dyosa!"Malamig na sinabi si Harvey, "So wala kang balak magsisi kahit konti?""Syempre!"Bumalik ang tingin ni Harvey sa mga Silva. “Paano naman kayong lahat? Handa ba lahat na kayong lumuhod sa harap ng libingan ni William at ipagtapat ang mga kasalanan ninyo?"“Tut! May isang pindeho, at isa ring pindeho ang patay na. Kaya, ano ang