Sumimangot si Mandy Zimmer.“Anong kondisyon?”"Alam mo na ang sagot," sagot ni Amora Foster."Malaki na ang mga nagawa namin para sa isang bagay na iyon mula pa noong simula.""Pakisabi kay Harvey na ayusin ang problema ng tatay ko.""Ika nga, ikaw ang makakapagpaniwala sa kanya na gawin iyon, di ba?"Ang mukha ni Mandy ay lumamig bago siya humagulgol ng malalim.“Magsasabi ako ng totoo sa iyo, Ms. Amora!” Ang kontrata ay labis na nakakaakit sa akin!"Gusto ko talaga ito!"“Pero hindi ko lang talaga matanggap ang kondisyon.”"Ako ang nagdala kay Harvey sa Ostrane Five."“Pero ngayon, hindi ko na yata kayang gawin iyon ulit.”"Bukod sa pagpigil na mapahiya siya muli, hindi ka talaga karapat-dapat!""Hindi sulit?"Amora ay bahagyang ngumiti."Hinihingi ko ito sa iyo sa huling pagkakataon.""Pipirmahan mo ba ang kontrata o hindi?""Sabihin mo na lang nang diretso. Huwag ka nang paligoy-ligoy pa.”"Hindi ko ito pipirmahan!" sigaw ni Mandy habang nanginginig ang kanyang u
Sa Zimmer Villa sa Niumhi. Nagniningning ang lugar sa mga ilaw.Iyon ay gabi ng ika-pitong put na kaarawan ni Senyor Zimmer, at puno ng mga bisita ang lugar.Lahat ng kanyang mga anak at apo ay binigyan siya ng regalo, at sabay-sabay nilang hiniling, “Sana mabiyaan pa si Senyor Zimmer ng malakas na pangangatawan at mahabang buhay.”Si Senyor Zimmer ay mukhang malakas at masigla nang siya ay umupo at sinabing, “Magaling. Lahat kayo ay masunurin. Masaya ako ngayon, kaya tutuparin ko ang kahilingan ng bawat isa sa inyo. Sabihin niyo lang sa akin ang gusto niyo.”“Lolo, gusto ko po ng apartment malapit sa dagat. Hindi naman po iyon kamahalan, nasa isang milyong dolyar lamang po.”“Lolo, gusto ko po Chanel limited edition na bag…”“Lolo, gusto ko po ng BMW sports car…”“Lolo, gusto ko po ng Rolex watch…”“…”“Sige, aking tutuparin isa-isa ang iyong mga hiling!” Ginawa ni Senyor Zimmer lahat ng kanyang pangako nang walang alinlangan.Tuwang tuwa ang mga batang humingi ng regalo. Halos lumuho
“Isang mensahe mula sa mga York.” Bahagyang nakasimangot si Harvey.Ang mga York ay ang pinaka-maimpluwensyang pamilya sa South Light. Kalaunan, si Harvey ay ang nararapat na tagapagmana.Ngunit tatlong taon na ang nakaraan, may isang tao sa pamilya nila ang inakusahan siya na binulsa niya ang pondo ng kumpanya. Kung kaya, ang kanyang estado bilang tagapagmana ay nawala.Ang buong pamilyang York ay may parehong opinyon at si Harvey ay agad na tinakwil. Bukod dito, ang kanyang mga magulang ay ipinadala sa ibang bansa at hindi na niya sila nakita mula noon.Nang umalis siya sa mga York tatlong taon ang nakararaan, wala siyang kahit isang sentimo. Labis siyang naapektuhan ng matinding dagok sa ekonomiya, at siya ay nagkasakit ng malubha. Sa kabutihang palad, si Lola Zimmer ay mabait at kinupkop siya. Pinayagan niya pa siyang maging manugang, kaya't hindi siya namatay sa isang malagim na trahedya.Gayunpaman, kahit na kasal siya kay Mandy sa loob ng tatlong taon ngayon, sa papel lang
Kalahating oras ang nakalipas, nakarating si Harvey sa kumpanya ni Mandy. Nang makapasok siya, isang bodyguard na may hawak na stun baton ang biglang humarang sa kanya. Masungit na sinabi ng bodyguard, “Lumayas ka! Hindi namin tinatanggap ang mga pulubi dito.”Kakagising lang ni Harvey, at hindi muna niya nalinis ang sarili. Isa pa, nakasuot lang siya ng T-shirt at pares ng shorts na puno ng tahi. Mukha nga siyang pulubi sa kalsada.Gayunpaman, sanay si Harvey sa ganoong klaseng bagay. Ngumiti siya at sinabi, "Sir, narito ako upang maghatid ng dokumento sa aking asawa." "Sa itsura mong iyan, mayroon kang asawa?" Naghinala ang bodyguard. "Ang tagalinis ba — si Zara o ang manggagawa na nagtatrabaho sa kusina - si Lily?" “Si Mandy ang asawa ko,” sabi ni Harvey.Nagulat ang bodyguard. Di nagtagal, humalakhak siya. "Ikaw pala ang manugang ng mga Zimmer. " Hindi niya mapigilan ang pagtawa.Umiling si Harvey. Hindi niya sukat akalaing siya ay medyo kilala."Tama na yan. Ibigay mo sa
"Paliwanag? Bakit ako magpapaliwanag sa iyo? " Pagalit na sabi ni Harvey. “Una, asawa ko si Mandy. Layuan mo siya. Kung nais mong gumawa ng eksena, doon ka sa ibang lugar!”"Pangalawa, kung ang aking asawa ay mahilig sa mga rosas, ako ang bibili nito para sa kanya! Napakaganda niya. Paano magiging angkop sa kanya ang payak at murang mga bagay? Ako mismo magpapadala sa kanya ang mga rosas mula sa Prague ngayong gabi!""P*tang *na! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba o sadyang tanga ka? Ang isang rosas mula sa Prague ay higit isang libong dolyar. Narinig kong humihiling ka ng sa isang scooter kay Senyor Zimmer kahapon. Isa ka lang namang walang kwentang tao. Kahit na ibenta mo ang iyong bato, hindi mo rin kayang bumili ng mga iyon. Bakit ka matapang, gumagawa ka ba ng palabas dito?"Nanlamig si Don. Mayroon siyang marangyang katayuan sa York Enterprise. 'Paano nagagawa ng isang manugang na katulad niya ang kausapin ako nang ganito?’Bukod pa rito, ang bagay na ikinagalit niya ng sobra ay
"Sir, sasabihin ko to agad sa chief…""Huwag niyo na subukang makipagtawaran sakin. Kapag ginawa niyo yun, sisirain ko yung buong York Enterprise!" Bago pa makapagsalita yung kausap niya sa phone, ibinaba na agad ni Harvey ang tawag. ... Sa lugar ng Gold Coast Villa, ang bawat villa ay dinesenyo mismo ng isang sikat na international designer. Mula sa klase ng mga ceramic tile hanggang sa klase ng mga puno sa lugar, ang lahat ng ito ay piniling maigi ng designer. Isa itong lugar na hindi kayang bilhin ng sinoman kahit na mayaman pa sila. Sa sandaling iyon, nakaupo si Harvey sa sofa na nasa balkonahe. Kaharap niya ang kasalukuyang chief ng mga York, si Yonathan York. Siya ang tiyuhin ni Harvey, at siya yung nag-utos sa driver niya na sunduin si Harvey at dalhin siya sa villa. Habang tinitingnan niya ang masayahing si Harvey, ngumiti si Yonathan at sinabing, "Harv, ilang taon tayong hindi nagkita. Mukhang mas gwapo at mas masayahin ka ngayon…" "Huwag ka nang magpaliguy-ligoy
"Si Don?" Saglit na napahinto si Harvey. Pagkatapos ay ngumiti siya, 'Ang lalaking iyon ay isa lamang tuta ng York Enterprise. Ilang sandali na lang bago siya mapaalis.' "Ina, hindi ako makikipag-divorce. Kahit na mag-divorce pa kami, wala na kayong pakialam dito. Sana ay hindi ka mangingialam sa relasyon namin." Tumawa si Harvey at nagsalita bago sumakay sa kanyang paboritong electric bike at umalis. "Harvey, sampid ka lang!" Nanginig sa galit si Lilian. Muntik na niyang sagasaan si Harvey gamit ng kanyang kotse. Subalit, nagawa na lang niyang pigilan ang kanyang galit at kaagad na umalis pagkatapos niyang makita ang mga tao na nakapalibot sa kanila. … Naglakad si Mandy papunta sa front desk ng kumpanya nang lagpas na sa oras ng opisina. Pagkatapos ay nakakita siya ng dalawang babaeng tumatawa habang may sinasabing kung ano at maraming empleyado ang nanonood. "Isang talunan ang asawa ni Miss Zimmer. Sinabi niya na bibigyan siya nito ng rosas na galing sa Prague. Paano n
"Ikaw si… Harvey?" Nagdududang tinignan ni Howard Stone si Harvey. Ngumisi siya sandali, ipinarke ang kanyang kotse, at naglakad papasok sa hotel. Sobrang naiilang si Harvey. Hindi niya inaasahan na hindi siya papansinin ni Howard nang makipag-usap siya sa kanya. Magkasunod na pumasok ang dalawa sa private room. Naroon na ang lahat ng kanilang kaklase sa oras na ito. Lumingon silang lahat nang bumukas ang pinto. "Hindi ba siya ang class monitor? Nagtagumpay rin sa buhay class monitor! Napakagwapo!" sabi ng isa. Suot ng tuksido at isang pares ng sapatos na balat si Howard habang nakasabit sa kanyang baywang ang susi ng kanyang Audi. Napakakisig niyang tignan sa sandaling ito. Hindi nagtagal, may nakakita rin kay Harvey na naglakad sa likod ni Howard. Kahit na hindi masyadong hapit sa kanya ang tuksido, mamahalin pa rin ito at galing sa isang sikat na brand. Nakita ito ng isang kaklase at ngumiti. "Harvey, mukhang maayos rin ang naging buhay mo. Halika, ang dalawang upuan na