“Tanga!”"Hindi ka makakatanggap ng kahit isang hit!"Mahinahong nagsalita si Shuji Kubota. Hindi lang niya tuluyang binastos si Aliya Patel, kundi kinukutya pa niya ang mga tao sa buong bansa.Sa parehong oras, bumungad sa lahat ang kanyang mukha.Hindi siya kasing tangkad. Limang talampakan at anim lamang ang tangkad niya…Ngunit isang malamig na aura ang naramdaman na lumalabas sa kanyang katawan. Kung hindi dahil sa kanyang katawa tawa na maliit na bigote, siya ay tila isang ekspertong martial artist.Hindi lamang siya tiwala, ngunit siya rin ay lubos na mapagmataas.Hindi siya magpapakita kung hindi mabibigo ang ginoo at ang iba pa.Inangat ni Harvey York ang kanyang ulo upang tingnan si Shuji pagkatapos niyang magsulat.Ang lalaki ay tila medyo mabangis, ngunit ito ay isang kahihiyan na Harvey ay walang pakialam.Maging ang sword saint ng pamilya Miyamoto ay sinampal niya sa tabi noon.Si Shuji ay malamang na makakatagpo ng parehong kapalaran.“Sige! Magsama kayong su
“Hangal!”Si Shuji Kubota ay napuno ng paghamak.Natural, ang isang sulok na hayop tulad ni Aliya Patel ay walang iba kundi isang biro sa kanya.'Naniniwala siya na mababago niya ang mundo sa galit at tapang…’‘Napakawalang muwang!’‘Anong biro!’Natigilan si Shuji nang iwagayway niya ang kanyang espada.“Swallow Raze!”"Ito ang killer move ng Abito Way!"Ang ginoo sa lupa ay nasasabik. Hindi naman siguro siya magiging ganoon kasaya kahit na ang kanyang ama ay ipanganak na muli kahit papaano.Clang!Mabilis na nilaslas ng espada ang dagger ni Aliya.Ang katangi tanging bakal ay agad na nabasag sa mga piraso.Kasabay ng kumikinang na liwanag, lumipad ang espada patungo kay Aliya.Siya ay nagpapakita ng isang nakakatakot na hitsura. Kahit naiinis siya, wala siyang magawa kundi ang tumalikod.Pffft!Sa kabila ng lakas ni Aliya, hindi niya kayang malampasan ang espada ni Shuji.Sa sandaling siya ay umatras, ang balat ng kanyang lalamunan ay agad na napunit, na nagpapakita
Ibinuhos ni Aliya Patel ang natitira niyang lakas bago sugurin si Shuji Kubota, balak na bigyan pa ng oras si Harvey.Ngunit para na naman ito sa wala.Mapanghamak na hinampas ni Shuji ang mapurol na bahagi ng spada niya kay Aliya at kaagad itong tumalsik sa ere. Pfft!Umikot si Aliya sa ere bago bumagsak sa sahig. Muling bumuhos ang dugo mula sa kanyang bibig.Wala na siyang lakas kahig na makabangon. Nangingisay ang buong katawan niya na parang namamarry na aso. “Binibigyan mo siya ng oras?!Tinitigan nang masama ni Shuji si Aliya.“Kahit aso di makakatakas sa akin!”Nagipit ang mga disipulo.Hindi nila inaasahang may magagawaa si Aliya sa sitwasyon.‘Talaga bang ganyan kalakas si Shuji?!’‘Hindi ba talaga natitinag ang isang King of Arms?!’Nadismaya ang grupo ng mga henyo.Hindi nila napagtanto na walang laban ang martial arts nila sa mga Islander.Pakiramdam nila parang gumuguho ang paniniwsla nila habang tumatayo sila.‘Masyadong malakas ang mga Islander!’“Ano
Kalmadong tumango si Harvey York.“Niloloko mo ba ako?“Alam naming lahat na ang taong gumawa nito ay mula sa Yorks ng Hong Kong!“Atsaka, tinambangan pa kami ng mga taong ‘yun sa gitna ng gabi!“Tinipon pa nila lahat ng mga elite nila para doon!“Malaki ang nawala sa Yorks of Hong Kong dahil doon, tapos ngayon gagamitin mo ‘yan para magyabang!“Sinong tinatakot mo bata?“Tingin mo ba uto-uto ako?”Makikita ang panghahamak sa mukha ni Shuji Kubota. Malinaw na hindi siya naniniwala sa kahit isang sinabi ni Harvey.Kasabay nito, humarap siya kay Harvey bago ilabas ang lahat ng kanyang aura, balak itong takutin.Mas mabuti kung lumuhod ito at magmakaawa dahil sa nakita nito.Nanginginig sa takot sila Aliya Patel, para bang mararamdaman na nila ang hagupit ng isang bagyo.Kung hindi dahil sa kanilang dangal, lumuhod na sana sila ngayon.“Papaniwalain kita kung ayaw mo.Ginalaw ni Harvey ang kanyang daliri sa harapan ni Shuji.“Aamin ako ng pagkatalo kapag hindi kita natalo g
Galit na galit si Shuji Kubota.Bilang isang eksperto ng Abito Way, lagi siyang nasusunod kahit saan siya magpunta.Maging ang ibang eksperto sa underworld ay tinatrato siya nang may takot at respeto sa isang bayani!Hindi iba ang mga karaniwang tao. Sa loob ng mga Islander, ang isang ekspertong tulad niya ay may mataas na reputasyon.Magagawa niya ang kahit anong gusto niya…Kahit tuwing interesado siya sa mga babaeng nakita niya, ipapadala pa ito ng pamilya nito sa bahay niya nang nagpapasalamat.Ang mayabang na ugali at pananalita ni Harvey ay hindi lamang isang hamon. Isa itong matinding kahihiyanDahan-dahan niyang itinaas ang kanyang spada bagoniyo itutok kay Harvey nang nakangiti.“Dahil isa ka lang karaniwang tao, balak ko lang baliin ang mga braso mo at ipadala ka kay Young Master Nameless…“Pero kung magyayabang ka nang ganyan, wala akong magagawa kundi patayin ka!”Kaagad niyang sinunggaban si Harvey nang ihawi niya ang kanyang spada na may anino kasunod nito.Nap
Habang kalmadong inaasikaso ni Harvey York ang mga problema niya.Sa kabilang bahagi ng Golden Sands, sa loob ng isang eleganteng pribadong club.Dinaanan ni Amora Foster ang isang grupo ng mababagsik na mga lalaki. Maging ang may-ari ng club ay kusang tumabi nang makita ang mukha ng babae.Pumasok si Amora sa isang kwarto na may paskil na ‘do not disturb’.Sa isang hawi ng kanyang kamay, isang nakakatakot na lalaki ang lumapit bago sipain ang pinto.Isang maliit na pagsasalo ang nagaganap. Si Mandy Zimmer ang nagsagawa nito.Ang mga tao sa paligid niya ay mga business partner. Pinag-uusapan ng lahat ang posibilidad na magtulungan sila sa negosyo.Kaagad na tumahimik ang lugar dahil sa pagpasok nila Amora.Napatingin si Mandy nang nagtataka bago kumunot ang noo sa mga tao sa harapan niya.“May kailangan ka ba, Ms. Amora?”“Tingin mo ba ang galing mo na kasi tinatawag kitang CEO?“Magaling ka diba?Humalukipkip si Amora habang mayabang na tinuturo si Mandy gamit ng kanyang i
”Isa lang ang dahilan ng pagpunta ko dito.“Nakikiusap ako sa’yo na kausapin ang ex-husband mo para tulungan ang tatay ko sa problema niya.Kahit na humihingi ng tulong si Amora Foster, hindi niya mapigilang magmataas.“Nagpunta ako dahil hindi na namin kaya pang magsayang ng oras.“Tawagin mo ang ga*ong ‘yun ngayon na, at aalis rin agad ako.“Papakainin ko rin ang lahat ng nandito.”Sobrang yabang at mapagmataas ng kanyang pag-uugali.Gayunpaman, nanatiling tahimik ang mga business partner ni Mandy Zimmer. Hindi nila magawang ipagtanggol siya.Maging ang mga taong interesado kay Mandy ay alam na hindi ito ang oras para sagipin siya.Ang pagtatanggol kay Mandy sa sandaling ito ay pagbangga sa Foster family. Mga taong gustong mamatay lang ang gagawa nito.Tiningnan ng lahat si Mandy nang hindi nagsasalita.Hindi inasahan ni Mandy na pupunta si Amora dito para lang diyan.Pero naisip niya na nakarating na siguro ang mensahe ni Harvey York bago siya umalis ng Ostrane Five.Hi
Malinaw na alam ng mga business partner ni Mandy kung gaano kalakas ang Foster Family.Hindi sila magtatapang na kalabanin si Brayan Foster.Higit pa rito, matutulungan nila ito kapag nakumbinsi nila si Mandy na tumulong.Sa ganitong sitwasyon, makikinabang ang lahat kapag kumapit sila sa Foster family.“Masasabi ko, Mandy. Hindi mo alam ang makabubuti sa’yo, pero talagang alam ng mga business partner mo.“Alam nila na ang pakikipag-ugnayan sa Foster Family ay isang pambihirang pagkakataon.“Tama na ang paligoy-ligoy. Sabihin mo sa akin, tatawag ka ba?” galit na sigaw ni Amora.Umiling si Mandy nang walang magawa.“Hindi sa ayoko. Sadyang hindi pwede…”“Tama na!Hinampas ni Amora ang lamesa habang nakatitig nang masama.“Sabihin mo sa akin anong gusto mong gawin ko!“Kahit ano pa ‘yan, gagawin ng pamilya namin kapag sinabi mo ang presyo!”Walang masabi si Mandy nang makita ang pagmamataas ni Amora.“Kung kaya kong tumulong, hindi mo na kailangang gumawa pa ng kahit ano. P