‘Nabasag ng kotse ang espada mula sa Island Nations?!’Ang espada ay itinayo mula sa pinakamataas na uri ng mga materyales na pag aari ng militar.Hindi kayang bilhin ng pera lamang ang gayong mga bagay. Ang mga taong nagmamay ari nito ay likas na mga kilalang tao na may pambihirang pagkakakilanlan.Ang sabi, ang lahat ng ito ay nagbigay lamang ng karapatan para kay Colson John na bahagyang magulat.Bahagyang ngumiti si Harvey York sa kanya. Ang kanyang tingin ay malalim at kalmado ng siya ay nanatiling tahimik."Alam kong may kakayahan ka, Harvey..."Huminga si Colson ng kanyang tabako."Alam kong maganda rin ang relasyon mo kay Kairi Patel.""Sabi nga, sa tingin mo ba ay may karapatan kang labanan ang pamilya John dahil lang doon?"“Babae lang si Kairi. Sa palagay mo ba ay magagawa ng pamilya Patel na tumayo kasama mo?""Sa huli, isa ka lang live-in son-in-law na pinalayas ng ika siyam na sangay ng pamilya Jean.""Wala kang karapatang makipagtalo sa amin.""Kung gugustuhi
Ngumiti si Harvey York.“Lumuhod ka na lang. Mas madali pa ‘yun.Sinulyapan ni Harvey ang relo sa kanyang braso.“Dahil ikaw ang second eldest young master, bibigyan kita ng dalawang minuto para mag-isip.“Kung hindi, ako mismo gagawa nito para sa’yo!”Suminghal si Colson John bago ngumiti pabalik.Hindi mapigilan ni Sasaki na lumapit habang tumatawa.“Hindi ito pwede, Young Master Colson. Masyadong magaling magyabang ang batang ito!“Ang tagal ko na sa siyudad, pero ito ang unang beses kong makakita ng isang tulad niya!“Gusto ko siya!Tinutok ni Sasaki ang sira niyang espada sa ilong ni Harvey.“Hindi masyadong mahaba ang pasensya ko, bata!“Bibigyan kita ng isang minuto!“Dalhin mo si Silas!“Kung hindi, papatayin ko ang bawat isang kaibigan at pamilya mo sa harapan mo bago ko tapusin ang buhay mo!”Kasabay ng paggalaw ni Sasaki, dumating ang mga taong nakasuot ng ginintuang damit.Sinindihan ng magagandang babae ang kanilang sigarilyo bago humipak ng usok, iniisip n
Kumpara sa bukod-tanging aura ni Colson John, si Harvey York ay mukhang isang dukha.Naningkit ang mata ni Harvet bago siya ngumiti nang marahan.“Kung ganoon, sinasabi niyo bang sasamantalahin niyo ako?”“Tama! May magagawa ka ba dito?!” sagot ni Colson nang mukhang seryoso.Humipak ang magagandang babae bago tumawa nang malakas.‘Nagpapanggap pa rin siya hanggang ngayon?!’‘Para saan pa ba?!’Lumapit si Sasaki Tairo habang hawak ang kanyang sirang spada.“Hangal ka!“Hindi ka pa rin luluhod?!“Hindi mo pa rin ilalabas si Silas?!“Gusto mo bang magalit ako o ano?!”Tumawa ang mga taong nakasuot ng ginintuang damit.Bam!Sa sandaling ito, narinig ang mga tunog ng makina sa paligid, tuluyang bumulabog sa tahimik na gabi.Halos lahat ay naabala sa malakas na tunog.Kusang napatingin sila Colson nang mukhang seryoso.Gusto niyang makita kung sinong gumagawa ng gulo sa mga oras na iyon.Kumirot nang husto ang mga mata niya nang makita niya ito.Maraming tao ang lumitaw s
”Sino ka ba, Harvey?!Hindi tanga si Colson. Ang bukod-tangi niyang kakayahan ay sapat na para ipakita ito.Higit sa lahat, ang pinakamagaling lamang ang makakaangat sa ranggo ng John family.Bilang nasa unahan kasunod lamang ni Blaine John, hindi rin mawari ng karaniwang tao kung gaano kalakas si Colson.Alam niya na siguradong may mali sa nakalap niyang impormasyon.“Kailanman hindi ko pa narinig ang isang malaking taong tulad mo sa siyudad noon,” sinabi niya pagkatapos huminga nang malalim.Natural, marami na rin siyang karanasan.Ngunit hindi kapani-paniwala para sa kanya na malaman ang tungkol sa ganitong kilalang tao sa siyudad.Higit pa rito, nakikita niya si Cliff Saban, Kellan Ruiz, Luca Robbins, at ang iba na nakatayo sa gitna ng madla.Ang mga taong iyon ay kadalasang sinasalubong siya nang magalang.Ngunit para bang hindi siya nakikita ng mga ito sa oras na iyon. Magalang rin silang nakatayo sa tabi ni Harvey.Wala siyang magawa kundi muling suriin si Harvey.“K
Nabigla ang isipan ng lahat sa nakita nila.Ang magagandang babae ay napasinghap at napasigaw sa takot. Hindi na nila magawang maliitin pa si Harvey.Umabante si Harvey bago kalmadong apakan ang binti ni Sasaki Tairo.Isang malakas na tunog ang narinig.“Luhod!”Ang mga kalmadong salita ni Harvey ay parang isang sagradong kautusan na walang magagawa ang lahat kundi sundin.Nanggigil sa galit si Colson John.“Harvey York!”Crack!Walang bahalang binali ni Harvey ang kabilang bindi ni Sasaki.“Luluhod ka ba o hindi?”“Oo! Oo!”“Luluhod kami!”Ang mga lalaking nakasuot ng ginto ay lumuhod pagkatapos makita ang mabagsik na titig ni Harvey.Kaagad nilang binitawan ang kanilang mga sandata bago sila lumuhod sa sahig.Higit sa lahat, walang sinumang magtatapang na sumagot sa ganito kabangis na fighter.Kung makakaligtas sila, ano naman kung sumuko sila?Ano naman kung lumuhod sila?Nang hindi nagsasalita si Harvey, lumapit sila Kellan Ruiz bago lumpuhin ang mga ito at ihagis
”Eksperto?Walang bahalang ngumiti si Harvey bago iharap ang kanyang daliri kay Colson John.“Lapit. Tingnan natin ang makakaya mo.”Nagalit nang sobra si Colson habang sumusugod nang umiilaw nang sobrang tindi ang kanyang espada.“Ending Slash!”Ang atakeng ito ay itinuro sa kanya ng Evermore. Sinasabing kaya nitong patayin ang kahit sinong medyo mas mataas ang lebel sa gumagamit.Kasabay ng katotohanang si Colson ay isang baguhang King of Arms, malaki ang tiwala niya sa kanyang kakayahan.Naniniwala siyang bukod kay Quill Gibson at Azrael Bolton, kaya niyang talunin ang kahit sino sa Golden Sands!Wala man lang siyang pake kay Blaine!Gayunpaman, hinampas ni Harvey ang kanyang palad paharap kasunod nito!Slap!Ang lahat ng kalokohang iyon ay walang kwenta kay Harvey.Sa mata ni Colson, naglaho ang liwanag niya sa sandaling makita niya ang palad ni Harvey.Isang palaki nang palaking palad na lamang ang nakikita niya!Nakaramdam siya ng hapdi bago siya bumagsak sa sahig.
Nanigas si Sasaki Tairo pag-upo niya sa sahig.Hindi siya nagulat na natalo siya ni Harvey York. Nagalit lang siya.Ngunit higit sa inaasahan niya ang makitang ganito kadaling tumatalsik si Colson John.Sa paningin niya, si Colson ay katumbas ng Top Ten Talents of Kendo!Ngunit nangyari ito…Slap!Umabante si Harvey bago muling manampal.Nangisay si Colson sa sahig sandali bago sumuka ng dugo na may kasamang ilang ngipin niya.Sinubukan niyang tumayo, ngunit patuloy na nanginginig ang kanyang katawan.Siya lang ang nakakaalam na pagkatapos masampal nang napakaraming beses, ang kanyang dignidad, lakas ng loob, at ang lahat ay halos gumuho na kaagad!Muling itinaas ni Harvey ang kanyang kamay nang mukhang seryoso.Bam!Walang alinlangang lumuhod si Colson sa sahig.Natakot siya!Takot na takot!***Kinabukasan, nitong alas siete nang umaga.Lumabas si Alma John ng Swan Hotel nang mukhang presko.Hindi lamang niya ibinigay si Mandy Zimmer kay Silas John kagabi, ngunit na
Nakita ni Alma John ang tao sa sahig bago siya hindi makapaniwala.Ang taong ito ay walang iba kundi si Colson John mismo!Ang kadalasang malakas at magiting na young master, isang tunay na mataas at hindi natitinag na taong yuyuko lamagn kay Blaine John, ay mukhang isang patay na aso!“Anong nangyari sa’yo Colson?Kusang lumapit si Alma pagkatapos mabigla nang sobra, gustong iangat si Colson sa sahig.“Ikaw ang second young master ng John family! Ikaw ang kumakatawan sa dangal ng pamilya!“Hindi ka pwedeng lumuhod nang ganito!“Anong nangyari dito?!Hindi nagsalita si Colson habang mukhang galit na galit, gusto itong sakalin nang sobra.Kung hindi dahil sa pagbabalak ni Alma at Silas John na manamantala ng isang babae…Hindi sana nawawala si Silas ngayon.Hindi sana mapapahiya nang ganito si Colson.Kung papipiliin ulit siya, siguradong hindi na siya mangingialam sa ginagawa ni Silas.“Bakit ka nandito Harvey?!“Bakit ka nakaupo sa upuan ng kapatid ko?!Kusang napatingi
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”