Nanginginig si Mandy Zimmer sa galit.Sa oras na ito, malinaw na iniinsulto siya ni Quinn Zimmer.Eh ano ngayon?Kamangha-mangha ang mga tao ng pamilya Silva!Tunay na karapat-dapat silang maging isang first-class na pamilya sa Buckwood!Hindi pa tagapagmana si Brent Silva. Isa siyang outcast.Gayunpaman, dumating ang general manager ng mga York para ihatid ang mga invitation card pagkatapos tumawag si Brent.Maaari lamang itong ipalagay na masyadong malakas ang network ng pamilya Silva.Bukod sa Yorks, ang pamilya Silva ay isa sa mga pinakamalakas sa South Light.Labis itong pinagsisihan ni Simon Zimmer.Paano niya ipinangako kay Mandy na magsasabi siya ng maganda para sa basurang ito, si Harvey York?Kinakailangan ni Simon at ng kanyang asawa na hiwalayan ni Mandy si Harvey sa lalong madaling panahon at pagkatapos ay tingnan kung magagawa nilang maghanap ng isa pang mabuting son-in-law.Kung may ganoong mabuting son-in-law tulad ng young master ng pamilya Silva, tiyak na
Hindi na makapagpigil pa si Zack Zimmer. Sinabi niya, “Harvey York, pwede bang tumigil ka sa pagiging kahiya-hiya? Maliwanag na hiningi ni Young Master Brent Silva ang mga invitation gamit ang kanyang mga koneksyon. Ano ang kinalaman nito sa iyo?"Galit din si Brent. “Sino ka sa palagay mo? Ang kapal mong agawin ang credit mula sa akin?"Diretso pang tinuro ni Sean Zimmer ang ilong ni Simon Zimmer at sumigaw. “Simon! Tingnan mo ang son-in-law mo! Iuwi mo na siya agad!"Paalisin mo na siya sa lalong madaling panahon!”"O, pigilan mo siyang lumabas para pahiyain tayo!”"Tayo—ang pamilya Zimmer ay hindi kayang mapahiya dahil sa kanya!"Nang may sasabihin pa sana si Harvey, sinampal siya ni Mandy sa mukha."Sumama ka sa akin!!!"Hindi na makapagpigil pa si Mandy. Hindi na niya matiis ang kahihiyan.Pakiramdam niya ay sobra-sobra na ang kahihiyang natanggap niya ngayon. Gayunpaman, patuloy siyang pinahiya ni Harvey.Gaano pa man siya ka-kalmado, pakiramdam niya ay masisiraan na si
Sa loob ng restaurant ng hotel.Sa ngayon ay malamig ang ekspresyon ni Mandy Zimmer. Kakaiba rin ang mga mukha ng ibang mga tao.Sinabi lamang ni Mandy na dadalo ang kanilang buong pamilya sa welcome banquet ni Prince York bukas.Samantala, nakabaling ang tingin ng lahat kay Harvey nang pumasok siya.“Halikayong lahat. Hulaan natin kung paano nakakuha ang lalaking ito ng invitation card? Ninakaw ba niya ito?”"O binili niya ito?"Tumawa si Brent Silva nang marinig iyon. "Pupusta akong hindi mo alam ang tungkol dito. Kahit pwede kang bumili ng mga ganitong klaseng invitation card, karamihan sa mga tao ay walang paraan para bilhin ang mga ito...”"Kahit na may paraan, ang presyo ng isang piraso ay higit sa four hundred and sixty thousand dollars. Kung gusto niyang bumili ng limang piraso para sa kanyang pamilya, ang minimum na halagang kinakailangan ay 2.3 million dollars!”"Mayroon ba silang ganoon karaming pera?""Malamang, ‘di ba? Mamahalin ang diamond sa daliri ni Mandy, ‘di
Umiling si Brent Silva habang bumuntong hininga, saka tumalikod at umalis."Hay..."Bumuntong hininga din sina Simon Zimmer at Lilian Yates.Kung ang kumag, si Harvey York, ay hindi pumunta sa Buckwood, nakataga na sa bato ang diborsyo nila ni Mandy Zimmer.At pwedeng pakasalan ni Mandy si Brent.Ang buong pamilya ay magiging napakayaman.Pero ngayon…Walang saysay ang magsabi ng kahit ano!Naglakad si Brent sa harap nila, parang gusto nilang sumuka ng dugo sa mga sinabi ni Brent.***Pagtatapos ng banquet."Mga kasama, pumunta tayo sa bago nating villa.”"Kailangan nating mga Zimmer na mag-usap nang masinsinan, pag-usapan ang pag-asenso sa Buckwood at ang banquet bukas!”“Dapat kayong makinig lahat, dahil magiging kapaki-pakinabang ito sa inyong lahat!”"At Mr. Brent, malugod ka naming iniimbitahan."Sinimulan ni Senior Zimmer na ayusin ang meeting.Excited na nagkatinginan sina Simon at Lilian kay Senior Zimmer.Lalo na si Simon, ang makasama sa inner circle ng pamil
Nagpuyat si Mandy Zimmer sa pagbabasa ng ilang mga materyal nang hindi nagsasalita hanggang sa inabot na siya ng umaga.Kahit na hanggang sa sumunod na gabi, hindi nagreklamo si Mandy, hindi rin nalugmok kanyang mukha sa buong oras.Malapit na ang oras ng banquet.Hindi na makaupo nang maayos si Mandy at saka tumayo siya."Harvey York, nagtitiwala ako sa iyo sa puntong itataya ko ang lahat sa iyo.""Pero paano mo ako hahayaang magtiwala sa iyo?”“Meron ka bang invitation card?”"Akala ko may mga ideya ka para makakuha ng kahit konti.”"Natutulog ka mula pa kagabi!”"Hindi ka man lumabas, o tumawag man lang!”“Tatanungin kita, saan mo ba balak kumuha ng mga invitation card? Mahuhulog lang ba ang mga iyon mula sa langit?"Sa sandaling iyon, walang pasensyang kumatok sina Simon Zimmer at Lilian Yates sa pinto."Harvey, anong nangyayari?"“Ano ba ang hinanda mo?”“Malaki ang sinabi ni Mandy kahapon. Kung hindi mo kayang tuparin ang pangako mo, mawawalan kami ng lugar sa pamil
Bumuntong hininga si Senior Zimmer."Akala ko’y kahit papano may pinagkatandaaan ka makalipas ang isang dosenang taon o higit pang pagtira sa Buckwood!”"Hindi ko naisip na hangal ka pa rin tulad ng dati. Talagang nahihiya akong may anak akong tulad mo!”"Hindi ko sukat akalaing ikaw at ang son-in-law mo ay pare-parehong mga walang silbing basura!”"Ang buong pamilya, mga walang kwentang basura!""Pfft hahaha..."Ang lahat ng mga tao mula sa pamilya ng Zimmer na naroroon ay tumawa.Mapangutya silang nakatingin kay Simon Zimmer.Nais ni Simon na maghanap ng paraan para umalis doon dahil sa kahihiyan. Talagang kinamuhian niya si Harvey York.Sa sandaling iyon, tinapon niya ang kanyang natitirang dignidad sa harap ng buong pamilya Zimmer.Si Mandy Zimmer ay nakatingin kay Harvey, dismayado.Hindi na maipapakita ni Simon at ng kanyang pamilya ang kanilang mga mukha kahit saan.Tungkol naman kina Mandy at Harvey, kakailanganin din nilang maghiwalay."Ang lakas ng loob niyong du
Ngunit nang maisip ni Zack Zimmer si Harvey York na nakatayo hindi kalayuan sa kanya, hindi siya pwedeng mag-atubili. Nakangisi siya at tahimik na sinabi, "Bakit hindi mo ako subukan at hawakan? Alam mo ba alam kung sino ako?”"Ang pamilya Zimmer ang nag-imbita kay Prince York sa banquet. Nangako siyang pupunta!”"Mangangahas ka bang apakan ang mga Zimmer nang ganito? Bodyguard ka lang..."Pak!Ang taong mukhang kapitan ay agad na sinampal sa mukha si Zack agad itong nawalan ng malay."Kung hindi ka aalis ngayon, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari," malamig na sinabi ng kapitan.Nanginginig ang mga Zimmer. Hinila nila palayo si Zack, handa na silang umatras.Hindi kalayuan, nakita iyon ni Simon Zimmer at biglang nabuhayan.“Harvey, tama ka nga. Hindi sila pinapasok."Ngumiti si Harvey at hinawakan ang kamay ni Mandy Zimmer.“Dad, mom. Dapat na tayong pumasok.""Huwag! Hindi ka ba natatakot mamatay? Kahit ang mga invitation card mula sa mga Silva ay hindi sapat p
Sina Simon Zimmer, Lilian Yates, Mandy Zimmer, at Xynthia Zimmer…Lahat sila ay napatigil, hindi sigurado kung ano ang nararamdaman tungkol dito.Bukod sa hindi nag-check ang mga personal bodyguard para sa kanilang mga invitation card, magalang pa silang pinapasok sa Silver Nimbus Outer Courtyard?At ang mga taong naghihintay na kutyain sila, kasama na si Zack Zimmer, ay napatigil."Paano... sila nakapasok? Paano… ito nangyari?”Matamlay si Senior Zimmer. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.Lumingon nina Simon at Lilian na may malugod na mukha.Nagdiwang sila. Kung ano man ang nangyari, nakapasok na sila.Nanatili si Simon sa Buckwood nang maraming taon. Alam niya kung gaano kahirap pumunta rito. Pakiramdam niya nananaginip siya sa sandaling iyon."Ganito lang kadali? Mabuti kong son-in-law, paano mo ito ginawa?”Binago pa niya kung paano niya tawagin si Harvey sa oras na iyon.Dati, si Harvey York ay isang basura lamang, isang walang kwentang basur, isang taong basur
"Pagkatapos ng pagkamatay niya, na nangyari noong madaling-araw, binigyan mo si Cristan Gibson ng isang daan at limampung libong dolyar."Pinag-isipan ni Prince Gibson ang sitwasyon.“Tama ‘yun. Kamag-anak ng pamilya si Cristan. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa’min.“Sinabi niya na papakasalan na niya ang kasintahan niya. Ibinigay ko sa kanya ang pera na ‘yun para mabili niya ang bahay na binabalak niyang bilhin.”“Malamang ibinigay mo sa kanya ang pera para sa ibang dahilan…?” malamig na tanong ni Kensley Quinlan.“Ang perang iyon ay para sa matagumpay niyang pagpatay kay Master Aung, tama ba?”Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Prince. Napagtanto niya na pinapaikot lang siya ni Kensley.“Syempre, hindi ako magdududa kung kaya mong patunayan na totoo ang sinasabi mo.“Pero yung totoo, inimbestigahan na namin si Cristan.“Wala siyang kasintahan. Ibig sabihin nun nagsisinungaling ka!”Nanahimik si Prince sandali bago siya tumingin kay Cristan.“Siguradong kaya itong p
Alas dyis ng gabi.Opisyal nang nagsimula ang paglilitis.Napakalinis ng main hall ng Golden Cell.Ang mga kinatawan ng apat na haligi ay nakaupo sa matataas na upuan sa magkabilang gilid.Nakaupo si kensley Quinlan sa gitna ng nakasimangot.Sila Faceless at Flawless ay nakaupo sa isang pwesto na sinadya para sa pamilya ng biktima.Pagkatapos malapatan ng first aid ang kanyang mga sugat, sa wakas ay muling huminahon si Flawless noong nagpakita siya ng malamig na tingin.Yung totoo, maraming beses nang pinag-isipan ni Faceless na tumakas, ngunit pinakalma niya ang kanyang sarili noong sunud-sunod na dumating ang mga kinatawan ng apat na haligi.Maliban sa kanya, pati sila Shay Gibson at Prince Gibson ay sinabihan na manatili.Si Darwin Gibson at ang iba pa ay nakaupo sa hanay ng mga manonood.Ang upuan ng defendant ay inilaan para kay Harvey York.Pinagkrus ni Eliel Braff ang kanyang mga braso habang nakatingin siya ng maigi sa eksena sa di kalayuan.“Halina! Papasukin ang m
Bago matapos sa pag-uusap ang dalawa, isa pang tao ang dumating.Ang taong ito ay isang lalaking may mukha na kasing ganda ng sa isang babae, na nakangiti ng malumanay.Ang mga taong pamilyar kay Yvonne Xavier ay siguradong makikita ang pagkakapareho nila.Naglakad ang lalaki palapit kay Eliel Braff bago yumuko bilang paggalang.“Ang tagal nating hindi nagkita, Mr. Braff. Kamusta ka?" “Ayos naman," sagot ni Eliel bago siya tumingin kay Harvey York.“Hayaan mong ipakilala kita, Sir York. Ito si Jesse Xavier mula sa isa sa top ten families. Siya ang young master ng Xavier family at siya rin ang huling disipulo ng master ng Dragon Guards.“Hindi rin isang pagmamalabis na tawagin siyang susunod na tagapagmana ng master.”Tinitigang maigi ni Harvey si Jesse bago siya ngumiti ng bahagya.“Nagkita na tayo dati." Gulat na gulat si Eliel. Hindi niya inasahan na nagkita na pala noon ang dalawa.Ngumiti pabalik si Jesse matapos niyang makita ang ekspresyon ni Harvey.“Dapat ba kitan
Malaking problema ito!Umupo si Kensley Quinlan sa kanyang upuan ng may pangit na ekspresyon.Ni hindi nagsama ng ibang tao si Eliel Braff, ngunit walang sinuman ang nangangahas na kumilos dahil lang sa mismong presensya niya.Namumutla nang husto ang mga mukha ng mga tao ng Golden Cell. Natural, hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari.Pagkaraan ng dalawang oras, sumulpot sa malayo ang mga armadong sasakyan, na hinarangan ang lahat ng mga daanan.Agad na lumala ang ekspresyon ni Kensley!Ito ang Dragon Cell!Nagpunta sila dito sa Golden Sands bago nila kinontrol ang mga depensa ng Golden Cell. Hindi maniniwala si Kensley kapag may nagsabi sa kanya na walang ideya ang mga nakakataas tungkol sa sitwasyon.Nagsimulang magdatingan ang mga mamahaling sasakyan.Dumating ang iba’t ibang mga prominenteng tao.Ang mga taong iyon ay hindi ang mga namumuno sa apat na haligi ng bansa, ngunit ang bawat isa sa kanila ay siguradong mas mataas kumpara sa libo-libong mga tao.Si
Sa isang palasyo sa pinakamataas na bundok ng Country H.Naipon ang niyebe sa may entrance sa loob ng matagal na panahon. Matagal nang walang nagpupunta sa lugar na ito.Ngunit sa araw na ito, tatlong armored helicopter ang dahan-dahang lumapag dito, na tumangay sa niyebe palayo.Isang kalmadong boses ang umalingawngaw mula sa loob ng palasyo noong huminto ang mga rotary blade.“Ano ‘yun?”Dose-dosenang tao ang lumabas mula sa cockpit bago lumuhod ang taong nangunguna sa grupo.“M’lord! Hinihiling ng first-in-command na pumunta ang apat na haligi ng bansa para sa paglilitis sa Golden Sands!“Papunta na doon ang binibini nang marinig niya ang balita.”“Kung ganun, hayaan niyo siya. Gayunpaman, sabihin niyo sa kanya na hindi pagmamay-ari ng kahit na sino ang Dragon Palace,” sagot ng tao na nasa loob ng palasyo pagkatapos niyang bumuntong-hininga.“Dahil kinakatawan niya ang Dragon Palace, kailangan niyang sundin ang batas. Kung hindi, hindi ko siya maililigtas.”Ang fifth lady
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin. Tama?""Gusto mong magtuos tayo sa susunod na pagkakataon?"Si Harvey York ay mukhang kalmado."Pasensya na, pero hindi ako interesado diyan!""Tutuldukan ko na ang sitwasyon ngayon!"Nagpakita si Kensley Quinlan ng malungkot na ekspresyon nang matagal."Anong gusto mong gawin?"Bahagyang ngumiti si Harvey."Syempre, gusto kong lumuhod ka at humingi ng tawad sa ngalan ng Dragon Cell upang aminin ang iyong mga pagkakamali.""Para ipaalam sa taong sumusuporta sa iyo...""Na may kapalit ang mga ginagawa niya."Tungkol sa lahat ng mga paratang na ibinato mo sa akin..."Kung may ebidensya ka, ipakita mo na ngayon."Naniniwala ako na habang nandito si Mr. Braff..."Magkakaroon ang lahat ng patas at makatarungang paglilitis na nararapat sa kanila!”Nagngitngit ang mga ngipin ni Kensley."Nasa panig na si Mr. Braff!“Tapos nagsasalita ka tungkol sa pagiging patas?!""Oh? Hindi ka ba naniniwala kay Mr. Braff?Ngumiti si Harvey."Kun
”Sobra na?”Tumawa si Eliel Braff."Sabi ko bibigyan kita ng pagkakataon, pero ayaw mo naman! Ano ang dapat kong gawin kung ganun?"Dahil hindi ka tatawag, malinaw na inosente si Harvey.""Tatapusin na natin ito dito.""Utusan mo ang mga tao mo na umalis!"Matapos makita si Eliel na kumikilos nang napaka-dominante, napuno ng takot at galit si Kensley Quinlan."Sige!" malamig niyang sinabi."Dahil patuloy mo pa rin siyang poprotektahan, bahala ka na!""Sa kabila ng lahat ng ito, palaging magkakaroon ng pagkakataon para magkita tayong muli!""Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin!""Tatapusin na natin ito dito!"“Pero hindi magtatagal magtutuos tayo ulit!”Ikinumpas ni Kensley ang kanyang kamay na may pangit na ekspresyon. Si Maisie Xavier at ang iba pa ay nakaramdam ng sama ng loob, ngunit wala silang ibang pagpipilian kundi ang tumabi.Ang mga tao ng Golden Cell ay labis na nagalit!Matagal na silang nagtatrabaho para sa organisasyon, ngunit ito ang unang pagkakataon
Di nagtagal, ibinaling ni Eliel Braff ang kanyang tingin kay Harvey York, habang nakangiti."Aalis na ba tayo, Sir York?""Walang dahilan para mag-aksaya pa ng oras sa kanila."Pagka-tingin ni Harvey na magsasalita na, biglang lumundag si Flawless mula sa likuran ni Faceless, na may isa pang napakagandang baril na nakatutok kay Harvey."Ano ang ibig sabihin nito, Eliel?!""Pinatay niya ang kapatid ko!""Ang mga binti ko ay naparalisa dahil sa kanya!""Patay na sana ako ngayon kung hindi ako sinuwerte!""Bilang pamilya ng biktima, natural lamang na dalhin ko si Harvey sa korte!""Kung sumusunod ka sa batas, hindi mo siya dapat kunin!""O sinasabi mo bang ang isang lalaking malapit nang maging isa sa Nine Elders ay pwedeng balewalain ang lahat ng iyon?!""Kung ganon, hindi patas ang bansa!""Mag-isip ka nang mabuti, Eliel! Ikaw ang kinatawan ng buong royal court!"Habang patuloy na nagsasalita si Flawless, lalo siyang nagiging balisa. Gusto niyang hilahin ang gatilyo para pa
"Hello, Ginoong Braff. Ako si Kensley Quinlan."Ako ay isang direktang inapo ng pamilya, at ako rin ang namamahala sa Golden Cell...""Bilang pansamantalang warden."Ang mga tao ng Golden Cell ay hindi magtatangkang magsalita kahit isang salita matapos makita ang nangingibabaw na asal ni Eliel Braff. Mabilis na huminga ng malalim si Kensley bago humarap sa madla."Ang Golden Cell ay palaging isang makatarungang organisasyon!""Inilabas lang namin ang aming mga armas dahil tumanggi si Harvey York na makipagtulungan sa amin! Kinuha pa niya bilang hostage ang isang tao para lang makaalis dito!"Ang sangay ng Heaven’s Gate sa Golden Sands ay pumasok pa dito para lang palibutan kami!""Sila ang mga hindi makatuwiran!""Nilabas lang namin ang aming mga crossbow dahil kailangan namin!""Kung talagang nandito ka para ipaglaban ang katarungan, dapat si Harvey ang pabagsakin mo!"Siyempre, si Eliel ay isang God of War at ang pangunahing pinuno ng lungsod.Sa kabila nito, nakabawi si K