Kasabay ng isang malakas na kalabog, makikitang pumapasok sa loob si Harvey.“Hindi mo ba alam na mabubugbog ka kapag sinabi mo ‘yan sa isang babaeng may asawa na?” galit niyang sinabi.“Huwag, Harvey…”Natulala si Mandy Zimmer bago siya magsalita.Natatakot siya na baka saktan ni Harvey ang tagapagligtas niya.Nakita ni Harvey ang pagkabahala sa mukha ni Mandy bago tumingin pabalik kay Silas John.“Dahil ayos lang si Mandy, palalampasin kita.“Wala nang susunod.”“Tingin mo ba?”Hindi natakot si Silas sa mga pagbabanta ni Harvey. Naniniwala siyang hindi magtatapang si Harvey na magwala sa lugar na ito.“Ang yabang yabang mo sa cruise diba?!” bulong ni Silas pagkatapos matahin si Harvey.“Hindi mo ako mapalagan kahit na gagalawin ko na ang asawa mo?!“Ano? Natatakot kang baka maawa siya sa akin bago siya tuluyang mahulog?“Huwag kang mag-alala!“Sisiguraduhin ko ‘yan!“Hindi lang ako matutulog kasama ang asawa mo, siya pa mismo ang gagawa nito!“Kapag nangyari ‘yan, sis
Krik!Sa sandaling iyon, may tumulak ng pinto.Sabay-sabay na dumating si Simon Zimmer, Lilian Yates, at ALma John.Nasa likuran nila si Maya Lee dala ang dalawang bag.Sa sandaling nakita niya si Harvey, kaagad siyang nailang.Nahimasmasan si Alma nang makita niya ang kaguluhan.“Anong ginagawa mo Harvey?!” galit niyang sigaw, sumusugod bago tulungang tumayo si SIlas John.“Nandito lang ang kapatid ko para dalawin si Mandy! Ang kapal naman ng mukha mong saktan siya nang ganito?!“Kahit na nagseselos ka, hindi pa rin tama na gawin mo ito!“Hiwalay na kayo ni Mandy!“Kahit kung ikaw pa rin ang live-in son-in-law, wala kang karapatang magselos!“Kung ganyan ka kagaling, bakit hindi mo sinagip si Mandy noon? Hindi ko maisip na kaya mong bugbugin si Anthony nang ganito!”Sumimangot si Lilian.“Anong binabalak mo dito, Harvey?!” galit na sigaw niya.“Sinabi ko na sa’yo! Hanggat hindi mo pa nagagawang gawing head ng Jean family si Mandy, hindi ako papayag na ikasal kayo ulit!
”Hindi kita sisisihin dahil ayos naman si Mandy, Harvey…“Pero huwag mong sasagarin!“Gagawin mo ang lahat dahil sa selos!”Makikita ang lakas ng loob sa mukha ni Lilian Yates.“Kahit gaano ka pa kagaling, tingin mo ba talagang mas magaling ka kay Young Master John?“Humingi ka ng tawad sa kanya ngayon na, at palalampasin na namin ito!“Kung hindi, huwag ka nang magpapakita pa ulit sa amin!”“Binibigyan ka na namin ng kahihiyan! Dapat alam mo ang makabubuti sa’yo!” galit na sigaw ni Simon Zimmer.Ayaw mag-abala ni Harvey na sumagot sa mag-asawa.“Naniniwala ka rin bang kaya ka talagang sagipin ng basurang ito?” tanong ni Harvey York habang nakatingin kay Mandy Zimmer.“Talaga ba?”Nagdalawang-issip si Mandy. Sinasabi ng isip niya na magiging madali lang para kay Harvey na sagipin siya…Pero nandoon na ang lahat ng pruweba. Sa puntong ito, mahirap na para mapaniwala niya pa ang iba na siya ang gumawa nito.Alam ni Harvey na nauto rin ni SIlas si Mandy nang makita niya ang
Tuluyang namutla ang mukha ni Maya Lee habang umaatras siya. Pagkataapos ay bumangga siya sa pader at walang masabi.“Hindi kita masisisi dito.“Nagdusa ka nang sobra para kay Mandy sa gabing iyon. Nabugbog ka nang husto. Muntik ka na rin madakip.“Kaya pinapatawad kita.“Pero, wala na kaming utang na loob sa’yo ni Mandy.“Tingin ko sapat na ang naibigay sa’yo ng John family.”Hindi galit si Harvey York, hindi rin niya minamaliit si Maya, ngunit ang bawat salita niya ay tumaga sa kanyang puso na parang mga patalim.Kaagad na tiningnan ni Silas John si Alma John nang makitang natutuliro na si Maya.“Huwag mo nang baliin ang katotohanan Harvey!” sigaw niya pagkatapos lumapit.“Kasama si Maya sa nangyari! Ang kapatid ko ang sumagip kay Mandy! Siya na ang nagsabi!“Hindi mo kayang protektahan si Mandy, pero kaya ng kapatid ko!”Natawa si Lilian Yates.“Nakikita ko na ang tunay mong kulay, Harvey!“Gusto mo umaayon lagi sa gusto mo ang lahat!“Akala ko kahit paano magaling ka!
Humalakhak si Harvey."Mas gugustuhin mong magtiwala sa isang tagalabas kaysa sa akin?"“Magtiwala sayo? Paano ko gagawin iyon?" Ngumisi si Mandy.Matalas siyang tumitig kay Harvey."Nasa harap ko ang larawan!""Sinabi pa sa akin ng secretary ko ang totoo!""Paano mo gustong pagkatiwalaan kita?"“Harvey York…”"Masyado akong nagtiwala sayo!"Bago pa makapagsalita si Harvey, sunod sunod na katok sa pinto ang nakakuha ng atensyon niya.Pumasok ang ilang mabangis na inspektor.Ang lahat ay likas na lumingon upang tumingin.Ang inspektor na nangunguna ay may dalawang badge na naka-pin sa kanyang balikat.“Hello,” sabi niya. "Kami ay mula sa Golden Sands Police Station. Narito ang aming credentials."Tinitigan sila ni Lilian nanliliit ang mga mata, mabilis na napagtanto na sila ay isang grupo ng mga walang kwentang tao.“May problema ba?” tanong niya."Napag usapan na natin si Anthony kagabi, 'di ba?""Tama iyan! Sinabi namin sa inyo ang lahat ng aming nalalaman,” Sabi ni S
Natigilan si Alma."Patay na si Marlon?" Tanong niya sa nanginginig na boses. "Pati na rin si Ronnie at kanyang ama?"Ngumiti ang inspektor."Tama iyan.""Pinaghihinalaan namin na ang taong nanakit ng husto kay Anthony ay sangkot din sa mga insidenteng ito.""Huwag mag alala, hindi kami magbibintang ng sinuman ng walang matibay na patunay.""Kahit na hinihiling namin sayo na makipagtulungan sa pagsisiyasat, hindi ito nangangahulugan na ikaw ay may kasalanan sa anumang bagay.Pinandilatan ni Silas ang inspektor. "Nalaman mo na ba kung sino ang pumatay?"Siya ay tiyak na ang mga pulis ay hindi dapat laban sa kanya sa umpisa pa lamang.Pagkatapos ng lahat, batay sa patotoo ni Anthony, dapat na malinaw na hindi kasangkot si Silas.Hindi niya maisip kung sino ang may napakaraming kapangyarihan para kalimutan ng mga pulis ang lahat ng ebidensya at ibaling ang lahat ng sisihin sa kanya.‘Talaga bang makapangyarihan si Harvey para linisin ang mga akusasyon sa kanya?''Kaya ba ako s
Tiningnan ng inspektor ang magandang mukha ni Alma at nag dadalawang isip."Ayon sa patotoo ni Anthony, ang taong nagbigay sa kanya ng concussion ay ang parehong tao na nagligpit sa kanyang kapatid.""At dahil nasugatan ang mga ugat ni Anthony, siya ay ganap na bulag.”"Sinabi ito, ayos pa din siya.""Anumang kaso, hawak namin ang lahat ng katibayan na kailangan namin.""Base sa sentensya ng batas, si Silas ay malamang na patayin sa pamamagitan ng baril."“Ang aking pakikiramay. Dapat mong paghandaan ang mas masahol pa."Napabuntong hininga ang inspektor.Ang bayani ay nagpunta upang iligtas ang isang dalaga sa pagkabalisa, ngunit ito ang kinalabasan. Kawawa naman!'Bulag si Anthony?!'‘Yung nagbigay sa kanya ng concussion ay siya ring pumatay kay Marlon?!’'May sapat na ebidensya!'‘Papatayin ang kapatid ko!’Nataranta si Alma.'Tapos na tayo...!''Tapos na tayo!'‘Sino bang nakakaalam na ang pagnanakaw ng ginawa ni Harvey ay magiging ganito?!’"Halika, mga kasama!" S
Matapos makitang umalis si Harvey, natisod sina Silas at Alma palabas ng silid.Sa puntong ito, ganap na nabahiran ang kanilang pagmamataas.Nandito sila para kumuha ng kredito, ngunit wala silang pagpipilian kundi ibigay ito muli.Gaano man kawalanghiya si Silas, hindi niya kayang manatili.Napaupo si Mandy sa kama na puno ng panghihinayang ang mukha.Nagsisi siya na hindi niya lubos na pinagkatiwalaan si Harvey.Sa parehong sandali, natakot siya na may pinatay talaga si Harvey para sa kanya.Kahit magalang na pinalabas ng kwarto si Harvey, pulis pa rin sila."Kailangan mong manatiling matatag, Mandy!""Isang beses kang nailigtas ng ganid na iyon, ngunit ganito ka na nagpapasalamat?"Nakaramdam ng inis si Lilian matapos makita ang kanyang anak na mababa ang loob.“Walang karapatang gawin ng isang live-in son-in-law na tulad niya ang ganitong bagay sayo!”"Kung ako ang may desisyon, dapat nag iisip ka na ng mga paraan para makapangasawa ng mayamang pamilya sa ngayon!""Sa