Magulo ang mga bagay sa nakalipas na mga araw sa Niumhi City.Alam ng lahat na pagkatapos ng magpalit ng CEO ng York Enterprise, nag-terminate ang kumpanya ng maraming luma at bumabagsak na negosyo.Naghanda pa ang bagong CEO ng fifteen million dollars para maghanap ng mga bagong proyekto at collaboration.Napakaraming nakiusap para sa mga proyektong ito, at mabilis lang na tinanggihan.Sinong mag-aakalang ang isang second-class na pamilya tulad ng mga Zimmer ay matagumpay na nakakuha ng investment ng York Enterprise at bumuo ng isang friendly collaboration sa kumpanya?Ang problema ay, hindi masyadong pinahalagahan ng mga Zimmer ang oportunidad na ito.Marahil ay baliw ang isa sa kanilang nais na ibenta ang collaborated project.Sa huli, pinilit ng dominanteng mga York ang mga Zimmers na bayaran ang finances alinsunod sa kanilang pinirmahang mga kontrata.Sinubukan ng mga Zimmer na ipadala ang kanilang Vice CEO, si Zack Zimmer, para makipag-ayos. Dahil dito, napilitan si Zack
Nang marinig ang pagtitiyak ni Senior Zimmer, natuwa si Zack Zimmer. Yumuko siya kay Senior Zimmer, naka-angle ang kanyang likod sa perpektong ninety degrees. "Lolo, bilang panganay na apo ng pamilya, maliit na bagay ang aking pagsisikap! Ang ginagawa ko ay para sa mas magandang kinabukasan para sa ating mga Zimmer!""Pagkatapos naming lumipat sa Buckwood, mag-aambag pa ako at magsisikap pa para sa pamilya!"Tumango si Senior Zimmer at ngumiti ng maluwag. “Mabuti! Iyan ang apo ko!"Sa sandaling iyon, narinig ng lahat ang tunog ng mga yapak sa labas ng gate ng Zimmer's mansion.Si Yvonne Xavier, na nakasuot ng suit, ay dumating sa entrance.Agad na nakatuon ang tingin nila sa kanya.Talagang bumisita ulit ang isang VIP na tulad ni Yvonne sa kanila! Tila ang CEO ng York Enterprise ay hindi na galit sa kanila. Isa itong masayang okasyon mahalagang ipagdiriwang!"Secretary Xavier, hinihintay namin ang iyong pagdating." Nakangiti si Senior Zimmer. "Halika, pasok ka!"Ang makitang pu
Ano?!One hundred and fifty million dollars?!Sa magaang tono ni Yvonne Xavier, nagulat ulit ang bawat isa sa mga Zimmer at nagsimulang manginig.Talagang napakahusay ng York Enterprise!Hindi makakatulog ng maraming gabi ang mga Zimmer sa sobrang panic tungkol sa one hundred and fifty million dollars.At ngayon?Madaling makakagawa ang mga York ng ganoon karaming pera, na parang wala silang pakialam sa pera!Kahit na ibenta ng mga Zimmers ang kanilang buong mga negosyo at pag-aari, aabot lamang ito sa one hundred and fifty million dollars. Marahil ay mas mababa pa!Habang gulat pa rin, lalong naging mainit at desperado ang kanilang mga titig kay Yvonne.Sa halagang iyon, hindi na kailangang ibenta ng mga Zimmers ang kanilang mga pag-aari o proyekto para lumipat sa Buckwood.Hindi ka kailangang mag-alala pa ni Senior Zimmer. Sa parehong oras, pwede pa niyang panatilihin ang kanilang negosyo sa Niumhi City!Sobrang nasabik si Senior Zimmer, na halos ma-stroke siya doon.Nasa
Nang hindi humihinto para patapusing magsalita si Senior Zimmer, pinutol siya ni Yvonne Xavier. "CEO Zimmer, sinasabi nilang curiosity kills a cat...""Sa ngayon, dapat mong pagtuunan ng pansin ang kasalukuyang isyu. Time is gold, at hahayaan kitang pag-isipan ito sa loob ng limang minuto.""Dapat niyong talakayin kung anong gusto niyong gawin. Babalik ako pagkalipas ng limang minuto."Pagkatapos nito, tumalikod si Yvonne at umalis para bigyan ng espasyo ang mga Zimmer na mag-usap.Nandilim ang mukha ni Senior Zimmer.Sa ngayon, wala talagang ibang pagpipilian ang mga Zimmer.Pwede lamang silang pumili sa pagitan ng pagbabayad ng four hundred and fifty million dollars at isang piraso ng lupa, o mawala ang kanilang kapangyarihan sa buong negosyo ng pamilya.Kahit anong piliin nila, napakahirap ng mga pagpipilian.Sa oras na iyon, malamig na nagsalita si Quinn Zimmer, "Mandy, hindi namin alam kung anong klaseng relasyong meron ka sa CEO ng York Enterprise, pero kaya mo bang makit
Kahit na hindi katanggap-tanggap ang kondisyon ng York Enterprise, kahit papaano, maaari nitong bigyan ang mga Zimmer ng konting oras para makapag-relax.Sa katunayan, masisiguro ng suporta ng York Enterprise ang kinabukasan ng mga Zimmer sa Buckwood.Pag-iisipan na lamang nila kung paano babawiin ang kanilang shares paglaon. Sa ngayon, ang pinakamahalagang bagay ay makalusot sa paghihirap na ito.Nang marinig ng mga Zimmer ang mga salita ni Senior Zimmer, nag-panic sila."Lolo, hindi natin ito pwedeng gawin!""Tama iyan! Kung tatanggapin natin, mawawalan tayo mga karapatang magsalita para sa mga family business natin!""Lolo!""Mag-iisip tayo ng ibang paraan!"Sa oras na iyon, mabilis na nagsalita ang lahat ng mga Zimmer.Hindi mahalaga kung gaano kapaki-pakinabang ang dominance ng mga York para sa paglago ng negosyo ng mga Zimmer, magiging subordinate ng York Enterprise ang pamilya Zimmer kung wala ang fifty-one percent na mga share."Tama na! Tumahimik kayong lahat!”Sumi
"Siya?" Ngumuso si Senior Zimmer. Nagsalita siya nang hindi nagpapahinga. "Malinaw na hindi deserding ang isang live-in son-in-law na tulad niya! Isang importanteng bagay ang paglipat sa Buckwood!”"Pero siguradong sumama si Simon, at gayundin si Mandy. Harvey York, kawawa ka naman!” Kinutya ni Zack Zimmer si Harvey. "Ang asawa mo at ang kanyang buong pamilya ay lilipat sa Buckwood, iiwan kang mag-isa dito sa Niumhi City. Mag-isa ka bang mamamatay sa gutom?"Nang makita kung gaano ka-proud si Zack Zimmer ang kanyang sarili, hindi naka-imik si Harvey.Ang isang tangang tulad ni Zack ay hindi maunawaan na kayang bumalik ni Harvey sa Buckwood kahit kailan niya gusto.Bago pa magsalita si Mandy para kay Harvey, biglang tumayo si Quinn Zimmer at sumigaw, "Hindi! Dapat sumama rin si Harvey York sa Buckwood!"Ang buong pamilyang Zimmer ay nakatitig kay Quinn, hindi makapaniwala. Wala na ba siya sa kanyang isip? Talagang nanindigan siya para kay Harvey York!Hindi tinangka ni Quinn na it
Makalipas ang kalahating buwan, sa Buckwood.Ngayon, siksikan ang mga tao sa paliparan ng Buckwood. Ang mga respetadong pamilya at enterprise ay agad na inayos ang lahat ng kanilang mahahalagang executive na maghintay dito nang matanggap nila ang balita.May mga security pang armado ng mga baril na nagpapatrolya sa paligid para maiwasang mangyari ang anumang sakuna.Sa nakaraang kalahating buwan, may mga tsismis na isang hotshot na bumisita sa Buckwood tatlong taon na ang nakalipas ang babalik na makapangyarihan!Maaga itong nalaman ng mga upper-class na pamilya sa Buckwood kaysa sa karamihan. Sa ngayon, marami ang naghihintay para sa pagdating ng sikat at enigmatic na lalaking ito, sabik na makita siya.Usap-usapang ang maalamat na taong ito ay may buong kontrol sa Buckwood tatlong taon na ang nakaraan. Gayunpaman sa rurok ng kanyang kapangyarihan, bigla siyang nawala sa manipis na hangin. Walang nakakaalam kung anong nangyari pagkatapos nito.Sinabi ng ilan na namatay siya. May
Matapos mag-isip sandali, sinabi ni Simon Zimmer, "Tanda, nag-ayos ang mga Silva ng isang welcome dinner para sa ating mga Zimmer para ipagdiwang ang unang pagkakataon nating makarating sa Buckwood. Bali-balitang nag-imbita rin sila ng maraming mga kilalang tao.""Bakit hindi rin tayo magpadala ng invitation sa makapangyarihang taong ito? Malamang ay nasa satin ang kapalaran at swerte para lumabas sa VIP lounge kasama siya sa parehong araw. Sinong makakaalam, baka maswerte tayo ulit sa oras na ito."Lalong natuwa ni Senior Zimmer. "Pwede nating subukan."Kung magawa nilang makipagkita sa lalaking ito sa kanilang welcome dinner, ituturing ang mga Zimmer malakas kapag itayo nila ang kanilang negosyo sa Buckwood!Tiyak na magdadala ito ng magagandang mga pagkakataon sa mga Zimmer, at para tumaas na rin ang kanilang katayuan.Sa likod ng madla, walang pakialam si Mandy Zimmer sa mga ingay sa harap nila. Nag-aalala siyang tumingin sa likod at pagkatapos ay bumulong, "Mom, babalik ako s
"Pagkatapos ng pagkamatay niya, na nangyari noong madaling-araw, binigyan mo si Cristan Gibson ng isang daan at limampung libong dolyar."Pinag-isipan ni Prince Gibson ang sitwasyon.“Tama ‘yun. Kamag-anak ng pamilya si Cristan. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa’min.“Sinabi niya na papakasalan na niya ang kasintahan niya. Ibinigay ko sa kanya ang pera na ‘yun para mabili niya ang bahay na binabalak niyang bilhin.”“Malamang ibinigay mo sa kanya ang pera para sa ibang dahilan…?” malamig na tanong ni Kensley Quinlan.“Ang perang iyon ay para sa matagumpay niyang pagpatay kay Master Aung, tama ba?”Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Prince. Napagtanto niya na pinapaikot lang siya ni Kensley.“Syempre, hindi ako magdududa kung kaya mong patunayan na totoo ang sinasabi mo.“Pero yung totoo, inimbestigahan na namin si Cristan.“Wala siyang kasintahan. Ibig sabihin nun nagsisinungaling ka!”Nanahimik si Prince sandali bago siya tumingin kay Cristan.“Siguradong kaya itong p
Alas dyis ng gabi.Opisyal nang nagsimula ang paglilitis.Napakalinis ng main hall ng Golden Cell.Ang mga kinatawan ng apat na haligi ay nakaupo sa matataas na upuan sa magkabilang gilid.Nakaupo si kensley Quinlan sa gitna ng nakasimangot.Sila Faceless at Flawless ay nakaupo sa isang pwesto na sinadya para sa pamilya ng biktima.Pagkatapos malapatan ng first aid ang kanyang mga sugat, sa wakas ay muling huminahon si Flawless noong nagpakita siya ng malamig na tingin.Yung totoo, maraming beses nang pinag-isipan ni Faceless na tumakas, ngunit pinakalma niya ang kanyang sarili noong sunud-sunod na dumating ang mga kinatawan ng apat na haligi.Maliban sa kanya, pati sila Shay Gibson at Prince Gibson ay sinabihan na manatili.Si Darwin Gibson at ang iba pa ay nakaupo sa hanay ng mga manonood.Ang upuan ng defendant ay inilaan para kay Harvey York.Pinagkrus ni Eliel Braff ang kanyang mga braso habang nakatingin siya ng maigi sa eksena sa di kalayuan.“Halina! Papasukin ang m
Bago matapos sa pag-uusap ang dalawa, isa pang tao ang dumating.Ang taong ito ay isang lalaking may mukha na kasing ganda ng sa isang babae, na nakangiti ng malumanay.Ang mga taong pamilyar kay Yvonne Xavier ay siguradong makikita ang pagkakapareho nila.Naglakad ang lalaki palapit kay Eliel Braff bago yumuko bilang paggalang.“Ang tagal nating hindi nagkita, Mr. Braff. Kamusta ka?" “Ayos naman," sagot ni Eliel bago siya tumingin kay Harvey York.“Hayaan mong ipakilala kita, Sir York. Ito si Jesse Xavier mula sa isa sa top ten families. Siya ang young master ng Xavier family at siya rin ang huling disipulo ng master ng Dragon Guards.“Hindi rin isang pagmamalabis na tawagin siyang susunod na tagapagmana ng master.”Tinitigang maigi ni Harvey si Jesse bago siya ngumiti ng bahagya.“Nagkita na tayo dati." Gulat na gulat si Eliel. Hindi niya inasahan na nagkita na pala noon ang dalawa.Ngumiti pabalik si Jesse matapos niyang makita ang ekspresyon ni Harvey.“Dapat ba kitan
Malaking problema ito!Umupo si Kensley Quinlan sa kanyang upuan ng may pangit na ekspresyon.Ni hindi nagsama ng ibang tao si Eliel Braff, ngunit walang sinuman ang nangangahas na kumilos dahil lang sa mismong presensya niya.Namumutla nang husto ang mga mukha ng mga tao ng Golden Cell. Natural, hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari.Pagkaraan ng dalawang oras, sumulpot sa malayo ang mga armadong sasakyan, na hinarangan ang lahat ng mga daanan.Agad na lumala ang ekspresyon ni Kensley!Ito ang Dragon Cell!Nagpunta sila dito sa Golden Sands bago nila kinontrol ang mga depensa ng Golden Cell. Hindi maniniwala si Kensley kapag may nagsabi sa kanya na walang ideya ang mga nakakataas tungkol sa sitwasyon.Nagsimulang magdatingan ang mga mamahaling sasakyan.Dumating ang iba’t ibang mga prominenteng tao.Ang mga taong iyon ay hindi ang mga namumuno sa apat na haligi ng bansa, ngunit ang bawat isa sa kanila ay siguradong mas mataas kumpara sa libo-libong mga tao.Si
Sa isang palasyo sa pinakamataas na bundok ng Country H.Naipon ang niyebe sa may entrance sa loob ng matagal na panahon. Matagal nang walang nagpupunta sa lugar na ito.Ngunit sa araw na ito, tatlong armored helicopter ang dahan-dahang lumapag dito, na tumangay sa niyebe palayo.Isang kalmadong boses ang umalingawngaw mula sa loob ng palasyo noong huminto ang mga rotary blade.“Ano ‘yun?”Dose-dosenang tao ang lumabas mula sa cockpit bago lumuhod ang taong nangunguna sa grupo.“M’lord! Hinihiling ng first-in-command na pumunta ang apat na haligi ng bansa para sa paglilitis sa Golden Sands!“Papunta na doon ang binibini nang marinig niya ang balita.”“Kung ganun, hayaan niyo siya. Gayunpaman, sabihin niyo sa kanya na hindi pagmamay-ari ng kahit na sino ang Dragon Palace,” sagot ng tao na nasa loob ng palasyo pagkatapos niyang bumuntong-hininga.“Dahil kinakatawan niya ang Dragon Palace, kailangan niyang sundin ang batas. Kung hindi, hindi ko siya maililigtas.”Ang fifth lady
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin. Tama?""Gusto mong magtuos tayo sa susunod na pagkakataon?"Si Harvey York ay mukhang kalmado."Pasensya na, pero hindi ako interesado diyan!""Tutuldukan ko na ang sitwasyon ngayon!"Nagpakita si Kensley Quinlan ng malungkot na ekspresyon nang matagal."Anong gusto mong gawin?"Bahagyang ngumiti si Harvey."Syempre, gusto kong lumuhod ka at humingi ng tawad sa ngalan ng Dragon Cell upang aminin ang iyong mga pagkakamali.""Para ipaalam sa taong sumusuporta sa iyo...""Na may kapalit ang mga ginagawa niya."Tungkol sa lahat ng mga paratang na ibinato mo sa akin..."Kung may ebidensya ka, ipakita mo na ngayon."Naniniwala ako na habang nandito si Mr. Braff..."Magkakaroon ang lahat ng patas at makatarungang paglilitis na nararapat sa kanila!”Nagngitngit ang mga ngipin ni Kensley."Nasa panig na si Mr. Braff!“Tapos nagsasalita ka tungkol sa pagiging patas?!""Oh? Hindi ka ba naniniwala kay Mr. Braff?Ngumiti si Harvey."Kun
”Sobra na?”Tumawa si Eliel Braff."Sabi ko bibigyan kita ng pagkakataon, pero ayaw mo naman! Ano ang dapat kong gawin kung ganun?"Dahil hindi ka tatawag, malinaw na inosente si Harvey.""Tatapusin na natin ito dito.""Utusan mo ang mga tao mo na umalis!"Matapos makita si Eliel na kumikilos nang napaka-dominante, napuno ng takot at galit si Kensley Quinlan."Sige!" malamig niyang sinabi."Dahil patuloy mo pa rin siyang poprotektahan, bahala ka na!""Sa kabila ng lahat ng ito, palaging magkakaroon ng pagkakataon para magkita tayong muli!""Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin!""Tatapusin na natin ito dito!"“Pero hindi magtatagal magtutuos tayo ulit!”Ikinumpas ni Kensley ang kanyang kamay na may pangit na ekspresyon. Si Maisie Xavier at ang iba pa ay nakaramdam ng sama ng loob, ngunit wala silang ibang pagpipilian kundi ang tumabi.Ang mga tao ng Golden Cell ay labis na nagalit!Matagal na silang nagtatrabaho para sa organisasyon, ngunit ito ang unang pagkakataon
Di nagtagal, ibinaling ni Eliel Braff ang kanyang tingin kay Harvey York, habang nakangiti."Aalis na ba tayo, Sir York?""Walang dahilan para mag-aksaya pa ng oras sa kanila."Pagka-tingin ni Harvey na magsasalita na, biglang lumundag si Flawless mula sa likuran ni Faceless, na may isa pang napakagandang baril na nakatutok kay Harvey."Ano ang ibig sabihin nito, Eliel?!""Pinatay niya ang kapatid ko!""Ang mga binti ko ay naparalisa dahil sa kanya!""Patay na sana ako ngayon kung hindi ako sinuwerte!""Bilang pamilya ng biktima, natural lamang na dalhin ko si Harvey sa korte!""Kung sumusunod ka sa batas, hindi mo siya dapat kunin!""O sinasabi mo bang ang isang lalaking malapit nang maging isa sa Nine Elders ay pwedeng balewalain ang lahat ng iyon?!""Kung ganon, hindi patas ang bansa!""Mag-isip ka nang mabuti, Eliel! Ikaw ang kinatawan ng buong royal court!"Habang patuloy na nagsasalita si Flawless, lalo siyang nagiging balisa. Gusto niyang hilahin ang gatilyo para pa
"Hello, Ginoong Braff. Ako si Kensley Quinlan."Ako ay isang direktang inapo ng pamilya, at ako rin ang namamahala sa Golden Cell...""Bilang pansamantalang warden."Ang mga tao ng Golden Cell ay hindi magtatangkang magsalita kahit isang salita matapos makita ang nangingibabaw na asal ni Eliel Braff. Mabilis na huminga ng malalim si Kensley bago humarap sa madla."Ang Golden Cell ay palaging isang makatarungang organisasyon!""Inilabas lang namin ang aming mga armas dahil tumanggi si Harvey York na makipagtulungan sa amin! Kinuha pa niya bilang hostage ang isang tao para lang makaalis dito!"Ang sangay ng Heaven’s Gate sa Golden Sands ay pumasok pa dito para lang palibutan kami!""Sila ang mga hindi makatuwiran!""Nilabas lang namin ang aming mga crossbow dahil kailangan namin!""Kung talagang nandito ka para ipaglaban ang katarungan, dapat si Harvey ang pabagsakin mo!"Siyempre, si Eliel ay isang God of War at ang pangunahing pinuno ng lungsod.Sa kabila nito, nakabawi si K