Sabay-sabay na tumango ang mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Silas John pagkatapos marinig ang mga salita ni Kaylee Lowe. Nagpakita ng malamig na ekspresyon si Silas nang nagtanong siya, “Sino ba ang lalaking yan?”Naglabas si Kaylee ng isang laptop. “Harvey York ang pangalan niya. Isa siyang live-in son-in-law,” mahinang sagot ni Kaylee. “Ang asawa niya ay ang bagong head ng ninth house ng Jean family, si Mandy Zimmer mismo…“Pero ayon sa maaasahang pinagkuhanan ko ng impormasyon, pumirma na sila ng divorce papers…”Bago pa man ibunyag ni Kaylee ang iba pang pagkatao ni Harvey, kaagad siyang pinutol ni Silas sa pagsasalita. “Akala mo ba isa lang akong tatlong taong gulang na bata?!” Malamig na sumigaw si Silas. “Sinasabi mo sa'kin na pinagsamantalahan ako ng isang basura?! “Kakampi niya sina Queenie York at Elias Patel…“Napaluhod niya rin ay Rylee Patel sa harapan niya. “Sa tingin mo ba isang live-in son-in-law lang ang taong kagaya niya?!”Si Silas ay madalas na ma
Medyo kumalma si Silas John pagkatapos marinig ang mga salita ni Kaylee Lowe. Sobra siyang napahiya ng isang asong ulol kanina. Malaki rin ang nawala sa kanya dahil dito…Pero sa huli, malaki pa rin ang pagkatao niya kahit na ampon lang siya ng pamilya. Base sa katayuan niya, magmumukha siyang hangal kung lalabanan niya ang isang pangkaraniwang baliw. Mabuti na nagpasya siyang huminto hangga't magagawa niya pa… Kung hindi, mamamatay siya kasama ng taong nilabanan niya. Kaagad na mas kumalma si Silas pagkatapos mapagtanto ang katotohanang iyon. Tumayo siya at naglakad papunta sa malaking bintana sa harapan niya bago tumingin sa malayo. “Wala akong pakialam kung naiinggit siya o baliw ang h*yop na'to…“Pero gusto ko siyang mamatay sa paglaban at pambabastos niya sa'kin!“Paano ko magagawang makipagkita sa young master kung buhay pa siya?!”Bahagyang ngumiti si Kaylee. “Wag kang mag-alala, Young Master John!“Tinawagan ko na ang master ko!“Tinatrato niya ko na pa
”Hindi na masama! Hindi talaga masama!“Aaminin ko, ang galing ng lalaking to sa trabaho niya… “Kahit ako ay interesadong matikman ang babaeng ito…“Kukuha ako ng pinakamagagaling na doktor sa Golden Sands para sa'yo! Kukuha ako ng ilang eksperto para tulungan kang gumaling sa abot ng makakaya nila!“At kung hindi ka gumaling, bibigyan kita ng labing-limang milyong dolyar para maging masaya ka buong buhay mo!“Kahit na anong mangyari, hindi ko hahayaang magdusa para sa wala ang mga taong naglilingkod para sa'kin!“Isa pa! Gusto kong makasama si Mandy Zimmer! “Lalo na't mauuwi sa wala ang lahat ng kahihiyang tiniis ko dahil kay Harvey York!”Dinilaan ni Silas John ang tuyo niyang labi nang may nasasabik na ekspresyon. Bahagyang ngumiti si Kaylee Lowe. “Naiintindihan ko. Gagawin ko na kaagad.“Sa huli, hindi siya ipapadala ng Jean family sa Golden Sands para ayusin ang lahat ng problemang yun kung talagang tinitingala nila siya. “Marami tayong oras para ipadala siya dire
”Kahit ano pa ang kaso, nandito talaga ako para ilibre ka ng makakakain. “Lalo na't hindi pa kita nakakausap nang maayos bago ito. “Ang pagkain habang nakikipag-usap ay ang paraan ko ng pagpapakita ng respeto! Hindi mo ko pwedeng tanggihan nang ganito!”Masiglang ngumiti si Harvey York. “At saka kahit ang mga pinakamasasamang kriminal ay may huling hapunan bago sila bitayin. “Sigurado ka bang hindi mo gustong kumain?“Masarap to! Kukuha pa ko ng isang bote ng Ruesling mula eighty-two para sa'tin!”Pagkatapos, nagsalin si Harvey ng wine sa baso niya. Ang kulay amber na alak ay may matamis na lasang naiiwan sa dulo. Lalo na't isa itong alak na may napakataas na kalidad. Malamig ang titig ni Grandma Cobb pagkatapos niyang makitang magpanggap si Harvey na para ba siyang isang top-rated young master. “Patayin mo na lang ako kung gusto mo! Ano bang punto ng pag-arte mo nang ganito?!“Bw*sit ka talagang h*yop ka!“Hindi ako natatakot na magsabi sa'yo sa puntong to!“Nagbigay
”Sinasabing maski ang pinakamalalakas na bansa sa kanluran ay narinig na ang tungkol dito simula noong sinaunang panahon. “Isang alamat na nagsimula simula noon…“Ang walang hanggang buhay. “Mabilis na lumalawak ang edukasyon at ekonomiks. Hawak ng Kanlurang mundo ang halos siyamnapung porsyento ng resources ng mundo. “Natural na gusto ng namumuno sa kanila ng mahabang buhay para mamuno siya habangbuhay at maging buhay na Diyos! “Iyon ang dahil kung bakit nangyari ang kaguluhan ng Whip Dynasty nang isandaang taon. “Kahit na ganun, hindi nagawang nakuha ng Kanluran ang sikreto sa mahabang buhay. “Sa halip, dahil sa pagpapahirap nila, sa wakas ay umangat at nakakuha ng karangalan ang Country H pagkatapos ng limang libong taon. “Pinagpapatay ang Kanluran ng sarili nilang kasakiman. “Pagkalipas ng isandaang taon, nangyari ang Euro-American battle. Para bang naiiba sa Whip Dynasty ang labanan, pero nangyari ito sa parehong dahilan. “Sayang lang. Mas lalong nabigo ang lima
”Magpanggap ka pa!”May namumuhing ekspresyon si Grandma Cobb sa mukha niya. “Sa tingin mo pwede mo kong siraan gamit lang ng mga sabi-sabing narinig mo?! “May sasabihin ako sa'yo! Ginawa ko ang lahat ng to para sa kapangyarihan!”Naging seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Harvey York. “Hindi. Hindi ka interesado diyan. “Ang hinahanap mo ay walang-hanggang buhay. “Ang organisasyong kinabibilangan mo ay walang iba kundi ang Evermore mismo.”Nanginig ang mga mata ni Grandma Cobb pagkatapos marinig ang pangalan ng organisasyon. Ngumiti si Harvey. “Paano kung ganito? Gumawa tayo ng kasunduan…“Kapag sinabi mo sa'kin lahat ng alam mo tungkol sa Evermore, hahayaan kitang mabuhay. Ayos ba yun?“Hahayaan ko rin si Elder Cobb na magpasya sa kapalaran mo. “Baka mas gusto mo to?“Lalo na't baka bigyan ka niya ng pagkakataong magbago para sa relasyon niyo.”Malamig na tumawa si Grandma Cobb. “Mangmang ka, Harvey! Sa tingin mo makukuha mo ang lahat ng impormasyon sa'kin nang
"Kahit mukhang imposible ito para ea'yo, huhukayin ko pa rin ang bawat isang miyembro ng Evermore ea bansa ko. "Kaya bakit hindi mo sabihin sa akin ang buong detalye?"Natawa nang seryoso si Grandma Cobb. "Mamamatay ako nang walang libingan kapag nagsalita pa ako!"Magiging abo ang buong bangkay ko!Pagkatapos ay nagsalin siya ny isang baso ng wine bago uminom. "Mamamatay na rin naman na ako! Bakit ko pa sasabihin sa'yo ang lahat ng ito?!"Ang kagandahan ng buhay ay mararamdaman sa mapait at matamis na lasa ng wine. Nagbalik-tanaw si Grandma Cobb nang inumin niya ito. Higit sa lahat, siya ay kasama sa Evermore. Gusto niya rin mabuhay habang buhay. Muling ngumiti si Harvey. "Dahil mas makikinabang ka kapag nagsalita ka!"Halimbawa, nasira ko na ang buong plano mo sa puntong ito. Ako na ang bahala sa Evermore kapag sinabi mo sa akin ang lahat…"Baka mapatay mo ako sa ganitong paraan para makapaghiganti. "O baka maisip kong pakawalan ka at ang pamilya mo nang buo pa an
"Tama na ang paliguy-ligoy!"Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Evermore!"Pagbibigyan ko sila kapag ginawa mo ito!"Kung hindi, ipapakain ko silang dalawa sa mga isda!"Ayaw na itong patagalin pa ni Harvey. Sinabi na niya ang lahat ng kailangan niyang sabihin.Kaagad na nagdilim ang mukha ni Grandma Cobb."Akala mo ba marami akong alam dahil lang may kaugnayan ako sa kanila?"Sa huli, isa lang akong tagalabas!"Wala akong masyadong alam!"Nasabi ko na sa'yo ang lahat!"Ngumiti si Harvey habang kumukuha ng isang pirasong karne. "Maniniwala ako kung karaniwang tao ka lang…"Pero ikaw si Grandma Cobb!"Paano mo nagawang ipahanap kay Elder Cobb ang isang sinaunang puntod nang walang sapat na impormasyon? Sigurado akong isa kang maisip na tao."Kung wala ang posisyon mo, bakit lagi mong sinusubukang patayin ang isang God of War?"Sa madaling salita, hindi ka gagawa ng ganito kalaki para sa Evermore kung hindi ka nila tinutulungan nang husto."Ngumiti si Harvey. Kulang pa an