Maging ang taong tulad ni Noemi Moreno, na kayang panatilihing kalmado ang sarili anumang oras, ay nanginginig. Nararamdaman niya ang matinding pressure na dumudurog sa kanya sa mismong sandaling ito.Kung ang Silver Elixir ay talagang magkakaroon ng pagkakataong magbenta sa ibang bansa, ito ay magiging isang lubhang nakamamatay na dagok sa pamilya Cobb.Nanginginig si Lola Cobb. Naiintindihan din niya ang katotohanang iyon."Napakagagalang namin sayo! Bakit mo kami lalabanan ng ganito?!" Likas na sigaw ni Lola Cobb.“Lalaban ka?”Natigilan si Mr. Finley bago nagpakita ng mahinang ngiti.“Wala akong interes na gawin ang ganoong bagay, Lola Cobb.”"Wala ring kinalaman sa akin ang sama ng loob mo."Kung tutuusin, bakit may mag aabala pa sa kanila mula sa maharlikang pamilya?Sa kanyang paningin, walang karapatan ang pamilya Cobb.“Hindi mo naisip yun?”Ang tono ni Lola Cobb ay naging mas mabangis.“Ginagamit mo ang iyong reputasyon at katayuan para tulungan ang mga g*go na ib
Pagkatapos ay sinabihan ni Mr. Finley ang mga pinagkakatiwalaang tauhan niya na kumuha ng ilang ointment na inihanda nina Harvey York at ng iba pa. Pagkatapos, pinahiran niya nang kaunti ang sugat niya. Malinaw na nakita ng lahat ang dumudugong sugat na gumaling sa isang iglap! Umimpis din kaagad ang namagang kalamnan na dala ng sugat! “Ang galing! Talagang nakakamangha!”Tumawa nang malakas si Mr. Finley. “Hindi ko naintidihan kung bakit pipirmahan na lang ng mga tao mula sa militar at pulisya ang petisyon para rito noon!“Makakapagligtas ito ng buhay para sa mga taong kagaya nila!” Kalmadong ngumiti si Harvey. Ang totoo, ang produktong binigay niya kay Mr. Finley ay may limampung porsyento lang ng bisa ng orihinal. Ang perpektong produkto ay malamang na nakalaan para sa mga tao ng Country H. Lalo na't pinaghirapan nila nang todo ang paggawa nito. Pero kahit na ganun, gulat na gulat pa rin ang Empire na may ganitong bagay sa mundo ngayong naniniwala lang sila sa an
”Ah! Yun pala ang nangyari! Akala rin namin ganun kagaling ang ointment!”“Isang gentleman si Mr. Finley, di ba? May pakialam siya sa reputasyon niya higit sa kahit na ano! Bakit niya gagawin ang ganito?!”“Kailangan niyang tumaliwas sa prinsipyo niya dahil mismo diyan! Iyon ang tinatawag na gentleman’s spirit!”“Masama ito! Kinakampihan ni Mr. Finley ang isang walanghiyang lalaki para gumawa ng palabas para lang tumanaw ng utang na loob niya! Sinong magtitiwala sa kanya pagkatapos nito?!”Nagsimulang magtsismisan ang madla pagkatapos marinig ang mga salita ng mag-ina. Ang mga masasamang titig kay Harvey ay nalipat kay Mr. Finley sa isang iglap. Nakahinga ang maluwag sina Grandma Cobb pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Tinuro pa ni Ellen Moreno si Harvey gamit ng maganda niyang ilong habang nagpapakita ng aroganteng ekspresyon na parang isang maluhong prinsesa. “Tama na ang pagpapanggap, Harvey!“Maliban na lang kung magpapakita ka ng tunay na talentong mas mataas kay
Lalo na't mula sa isang pananaw, ang isang prominenteng taong kagaya ni Allen Olford ay may mas mataas na katayuan kaysa kay Mr. Finley. Hindi lang nakakatakot sa lakas si Allen, pero sapat na ang mga koneksyon niya para matakot ang mga tao sa kanya. Sinasabing kahit ang leader ng organisasyon na si Chase Smith ay nirerespeto rin siya. Inanunsyo noon ni Chase na kung mailalagay siya sa South Sea Martial Arts Alliance o kung may masamang mangyari sa kanya…Si Allen ang papalit sa kanya!Sa madaling salita, siya na ang susunod kay Chase! Napakaliwanag ng hinaharap niya!Sumigla ang mga mata nina Grandma Cobb ago sila sumugod papunta sa convoy. “Ang dami mong nagawa para sa pamilya namin, CEO Moreno! Salamat sa suporta mo!”“Tatandaan namin to buong buhay namin!”“Wag kang mag-alala. Tiyak na magiging lady ng pamilya si Ellen balang araw!”Pinakita ni Grandma Cobb ang pasasalamat niya habang humakbang siya paharap. Desidido siyang ikasal sina Eden Cobb at Ellen Moreno ka
Tumingin si Noemi Moreno sa anak niya pagkatapos maramdaman ang nakamamatay na titig niya. “Mukha man siyang kalmado, Ellen…” paliwanag niya pagkatapos tumawa nang mahina. “Pero malamang pinagpapawisan na siya ngayon.“Sigurado ako natulala siya sa sitwasyon. “Walang magagawa ang isang basurang kagaya niya kundi magpanggap sa puntong ito!”Tumango si Eden Cobb nang may seryosong ekspresyon. “Tama! Walang kayang gawin ang mga mapagpanggap na'to kundi magyabang!” Medyo gumaan ang pakiramdam ni Ellen Moreno pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Kahit na ganun, tinitigan niya pa rin nang masama si Harvey York habang tahimik na umaasang gumulong sana siya sa lapag sa panlulumo. Sa mismong sandaling ito, isang lalaking may mapula at matabang mukha ang naglakad kasama ng isang dosenang taong nakapaligid sa kanya. “Grandma Cobb! CEO Moreno! Kumusta!“Binabati ko kayo sa masaganang anniversary niyo!”Mahinang tumango ang lalaki sa harapan ni Grandma Cobb bilang pagbati,
”Oh? Hindi siya nandito para sa Cobb family?”Bahagyang naningkit ang mga mata ni Allen Olford nang may bakas ng galit na nakikita sa mga mata niya. Ngumiti si Noemi Moreno bago bumulong sa tainga ni Allen. Mabilis na naintindihan ni Allen ang sitwasyon. Pagkatapos, tumingin siya sa mukha ni Harvey York mula sa gilid. Para bang pamilyar ang mukha ni Harvey, pero hindi niya ito maalala dahil masyado pa siyang malayo. Namuhi ang mukha niya nang malamig siyang tumawa. “Ang lakas ng loob ng isang probinsyano mula Country H na hamunin ang Cobb family sa sarili nilang teritoryo.”Nainis si Allen pagkatapos napagtantong hindi siya pinansin nina Harvey at ng iba pa nang hindi nagpapakita ng respeto. Umubo si Grandma Cobb nang may nanlulumong ekspre bago nagsabing, “Vice Leader Olford! Minalas ang pamilya namin!“Hindi lang kami isinantabi ng isang walang utang na loob ba anak, pinalaban pa niya sa'min ang isang walang kwentang lalaki! “Pasensya na at nakita mo to! “Ninakaw
Walang kapaki-pakialam si Harvey. Kalmado siyang uminom ng tsaa habang nakatingin kina Noemi Moreno at sa mga kasama niya. “Ang dami mong koneksyon, CEO Moreno. Nakakatakot.“Nakaluhod na dapat sa harapan mo ngayon ang mga pangkaraniwang tao, di ba?“Kung ganun, sigurado ka bang hahamunin mo ko gamit ng tangang yan?”Kalmadong ngumiti si Noemi. “Hindi ito isang hamon, Harvey. Hustisya ito.”May napansin si Allen Olford pagkatapos marinig ang pangalang iyon…Pero hindi niya ito masyadong inisip nang nakita niya ang magandang babae sa harapan niya. “Anong sabi mong h*yop ka?” sabi ni Allen nang may malagim na tono pagkatapos tumawa nang malamig. “Tinawag mo ba akong tanga?“Kilala mo ba kung sino ako? Naiintindihan mo ba kung gaano ako kalakas?“Pupulbusin ko ang buong tindahan mo sa isang salita lang!“Lumuhod ka at humingi ng tawad ngayon din!“Kung hindi, hindi ka magkakaroon ng pagkakataong humingi ng tawad mamaya!”Humarap ang isang dosenang tao sa likod ni Allen h
Gulat na gulat sina Grandma Cobb at ang iba pa!Mahihirapan ang Cobb family na manatiling laos pagkatapos nito!“Nandito ang first-in-command ng Industrial and Commercial Bureau!”“Nandito si Trey Bierstadt mismo!”“Nandito sina Rhett at Gael Padlow!”“Nandito si Chase Smith!”“Nandito rin maski ang kinatawan ng South Sea Martial Arts Alliance, si Gordon Moreno!”Palakas nang palakas ang mga anunsyo nang sunod-sunod na dumating ang mga kilalang personalidad. Nalaglag kaagad ang panga ng mga panauhin. Hindi sila nakapagsalita. Lalo na't napakatinding awtoridad ang kinakatawan ng mga taong ito sa buong lungsod. Ang bawat isa sa kanila ay magsasanhi ng kaguluhan kahit magpakita lang sila. At saka nakakagulat na dumating silang lahat nang sama-sama sa maliit na lugar na kagaya nito!Ang mga kagaya nina Noemi Moreno at Allen Olford ay walang binatbat sa mga kagaya nila!Maski si Allen ay napadiretso kaagad ng tindig nang may marespetong ekspresyon sa mukha niya pagkatapos m