Bigla na lang, narinig sa labas ang malakas na pagtugtog ng mga trumpeta. Hindi nagtagal ay libo-libong tao ang lumitaw sa kalsada. Nahahati sila sa apat na grupo at may dalang mga pulang kabaong. Ang ilan ay nagdadalamhati na para bang umiiyak sila para sa pamilya nila. Maliban roon, may mga hilera ng puting wreath sa labas ng property ng first phase. Ang mga taong iyon ay papunta rin sa parehong direksyon. Sa lahat ng kabaong, wreath, at malalakas na trumpeta…Mukha itong isang malaking burol! Ang engrandeng district ay naging nakakatakot at nakakapanindig-balahibo sa isang iglap. Ang mga matatandang nagdala ng pera ay halos himatayin sa nakakatakot na eksena. Sa lahat-lahat, ang pinakakinatatakutan nila ay malas. Nang nakita nila ang napakaraming kabaong at ang mga nakakatakot at malalakas na trumpeta… Kahit na nasa isang sales office sila… Ang mga taong hindi nakakaalam ay tiyak na iisiping isang malaking sementeryo ang lugar na ito!"Gagawin kong libingan a
Pagsapit ng gabi sa manor ng Bauer family. Umilaw ang mga ilaw sa paligid ng side hall. Pinakalma ni Joseph ang ilang mahahalagang miyembro ng business alliance ng Flutwell bago sila inihatid palabas. Pagkatapos, lumapit siya sa isang magandang calligraphy na nakasabit sa pader. Ang maliit na kapabayaan ay maaaring magsanhi ng malaking katusuhan!Pinangatawanan ni Joseph ang prinsipyong ito nang seryosong-seryoso—ito ang pangunahing dahilan kung paano siya umangat nang ganito kabilis sa loob lang ng anim na taon. Maraming taon na siyang nagpaplano para sa bagong district ng Flutwell; isa itong napakahalagang laban para sa kanya na kailangan niyang mapanalunan para lang maging makapangyarihan. Ngunit… Hindi lang ginawang biro ni Harvey ang buong event, ginawa niya ring pinakamalaking biro si Joseph sa buong pamilya niya. Ang malala pa roon, ginawa ni Harvey na pinakamamahaling sementeryo ang buong district Ibig sabihin nito, ang top district ng Flutwell ay naging pinakama
Nanigas si Joseph. Pagkatapos ay kumunot ang noo niya. "Paano nagawa ni Harvey na matakot sa kanya ang Law Enforcement ng Golden Palace?" "Madalas ko silang bigyan ng maraming pera." "Bakit masyado silang nag-aalangan ngayong may gusto akong ipapatay?"Kumunot din ang noo ni Ruby. "Baka natatakot sila sa taong kasama ni Harvey sa gabing yon." "Lalo na't kasama ng taong yun ang Dragon Guards. Nakasakay din siya sa isang kotseng may plaka mula Wolsing. Pambihira siguro ang pagkatao niya." "Bago muna malaman ang pagkatao nina Harvey at ng taong iyon, tiyak na hindi kikilos ang Golden Palace." "Baka tama ka…" Bumuntong-hininga si Joseph. "Nakakamangha si Harvey!" "Alam na alam niya kung paano gamitin ang lakas ng ibang tao." "Sa tingin mo alam ko kung bakit nauwi sa mga kamay niya ang mga bahay na iyon." "Tinulungan siguro siya ng taong mula sa Wolsing." "Kung hindi, base sa mga young master at prince na yun, imposibleng matatapos nila ang proseso magdamag." "M
"Pwede namang ipadala na lang ni Joseph sa mga tao niya palabas ang mga kabaong diba?" Nagtaka si Mandy. "Hindi niya 'yan gagawin," kalmadong sagot ni Harvey. "Ang mga Kshatriya ang nakahimlay doon. Bawat isa sa kanila ay namatay sa Flutwell nang walang dahilan." "Ngayong binigyan sila ng isang mabuting tao ng isang de-kalidad na libing, siguradong magpapasalamat dito ang mga Indiano kahit ano pa talagang nasa isip nila." "Kapag inilayo ni Joseph ang mga kabaong, tuluyan na niyang tatalikuran ang mga Indian at ang Celestial Temple." "Mula sa kinikilos ni Joseph, hindi siya gagawa ng bagay na mahihirapan." "Iisip siya ng ibang paraan upang asikasuhin ito." "Gayunpaman, hindi ito ang dapat nating inaalala sa ngayon." "Pagkatapos mawala ang capital return ng new district, babagsak ang kontrol ni Joseph at ng business alliance sq Flutwell." "Kung gusto mong manatiling nakatayo dito…" "Dapat talaga maghanda ka na habang maaga. Siguraduhin mong samantalahin mo ang sitwa
Ngumiti nang kalmado si Harvey. "Hindi ko alam kung talagang ibabalik ni Jeff ang pera…" "Pero isa lang ang alam ko: natural lang na ibalik ang mga bagay na hiniram." "Kung gusto mo ng kapangyarihan sa Hearthstone Corporation at gamitin ang pagkakataong ito para bumuo ng sariling pangalan…" "Magandang magsimula sa pagbawi sa pera." Natawa si Harvey. "Habang wala ang nanay mo, pwede kitang samahan sa Whitebane Center kung ayos lang ang pakiramdam mo." "Pwede kong bawiin ang pera para sa'yo." Umiling si Mandy at nginitian si Harvey. "Ayos lang. Nakahanap na ako ng taong gagawa nito para sa akin." "Mababawi niya ang pera. Ang kailangan ko lang gawin ay bigyan siya ng bagay bilang kapalit." Nang makita ang pagiging kampante ni Mandy, ngumiti si Harvey at hindi nagsalita. Matagal na siyang nagsusumikap sa negosyo. Sigurado namang may sarili na siyang ideya sa puntong ito. Kaya matiyagang hinintay ni Harvey na asikasuhin ni Mandy ang sitwasyong ito. …"Brother-I
“Huh?”Ang pangalan ng babae ay Larosa Lee; nang marinig ang sinabi ni Harvey, natulala siya at namula ang kanyang maputlang mukha. Kusa siyang lumapit kay Xynthia at bumulong, "Nababaliw na ba ang brother-in-law mo?" "Paano niya nagagawang makipag-usap sa babae nang ganito?""Siya pa rin ba ang manyakis na hindi pa kailanman ginalaw ang ate mo sa loob ng tatlong taon, tulad ng sinabi mo?" Natural, nasabi siguro ito ni Xynthia noon. Kaya tumingin si Larisa nang kakaiba habang nakatitig nang masama kay Harvey. Nailang si Xynthia. "Nagkakamali ka, Larisa…" Kaagad na nag-isip ng paraan si Xynthia para bawasan ang ilangan. "Mahusay ang brother-in-law ko, Larisa." "Hindi niya ito itatanong sa'yo nang walang dahilan." "Totoo bang hirap kang matulog?" Tumango si Larisa, mukha pa ring nagtataka. "Hindi naman ba manloloko 'yang brother-in-law mo, Xynthia?" "Balita ko may mga taong nakakakita ng problema sa katawan ng iba, at ginagamit ito para makapanloko…" Tuliro si
Umiling si Harvey nang makita niyang naglalakad palayo si Larisa. Nainis si Xynthia. "Seryoso! Hindi ba niya alam kung gaano ka kagaling?!" "Sadyang ayaw niyang maniwala sa'yo!" Nagdalawang-isip si Xynthia saglit bago siya matapos magreklamo. "Brother-In-Law, totoo ba ang lahat ng sinabi mo?" tanong niya habang nakatingin kay Harvey. "Nasa panganib ba si Larisa?" Tumango si Harvey. "Syempre. Kalaunan ay manganganib ang buhay niya." "Oo nga pala. Maapektuhan ka rin ng masamang enerhiya niya. Mas mabuti kung mag-iingat ka." Naglagay si Harvey ng ilang patak ng dugo sa isang bagong tisyu bago ito iabot kay Xynthia. "Lagi mo itong dalhin." “Okay.”Tumango si Xynthia bago masayang itabi ang tisyu sa kanyang bulsa. "Oo nga!" Pagkatapos itabi ang tisyu, pinalo ni Xynthia ang kanyang ulo at sinabi, "Sinabi ko kay Larisa na maglalaro kami ng Script Murder kasama ang iba naming kaibigan." "Gusto mo bang sumama?" “Script Murder?”Natulala si Harvey nang marinig a
Hindi naman malubhang nasugatan si Larisa—wala siya sa panganib.. Ngunit gulat na gulat siya. Nanginig siya sa sahig habang hawak niya ang kanyang sugat, at hindi siya sumasagot sa kahit sinong tumatawag sa pangalan niya. Nanginig si Xynthia sa sobrang takot. Siya ang kumalabit ng gatilyo. Hindi niya inakalang talagang may totoong bala ang baril na ito. Kung hindi dahil sa recoil, namatay na siguro si Larisa! Kumabog ang dibdib ni Xynthia. Alam niyang kailangan niyang tawagin si Harvey pagkatapos mangyari ang ganito. Pagkatapos maunawaan ang sitwasyon, kaagad na nagpunta doon si Harvey. Ang Film City ng Flutwell ay isang maliwanag na lugar na puno ng pagkain at libangan. Nanginig si Xynthia habang nakaupo siya sa isang bangko. Hawak niya ang isang bote ng tubig, ngunit hindi naman niya ito ininuman. Ang lokal na pulisya doon ay kasama na sa sitwasyon. Kaagad na hinuli ang may-ari ng lugar ng Script Murder. Kinailangang manatili ng mga kaibigan ni Xynthia para mai