Nagawang ipakalimot ni Dahlia John ang hindi pagpunta ng dalawang importanteng personalidad ng John family sa mourning hall. Kalmadong tumingin si Frankie Garcia kay Dahlia. "Masyado ka naman, Ms. John! "Maraming taon nang nasa Flutwell ang Bharata Business Council. May away din dati sina Eli Burton at ang iba pa sa pumatay sa kanya!"Iyon ang dahilan kung bakit alam naming walang kinalaman ang John family sa sitwasyon! "Kahit na walang nangyari sa gabing iyon, makakaaway pa rin namin si Harvey York. "Kahit na ganun, aaminin kong kami ang may mali sa nangyari noon. "Pero dahil naglakas ng loob si Harvey na patayin si Freddy Garcia habang nagpapahinga siya sa ospital nang hindi man lang nirerespeto ang Celestial Temple… "Natural lang na manghingi kami ng fair statement! "Mata sa mata! "Ganun ang takbo ng mundo!" May malamig na titig sa mga mata ni Frankie. Maraming taon na siyang nakatira sa Flutwell. Siya ang sworn brother ni Joseph Bauer. Hindi pa siya nakaranas n
Sa ganun, hindi hahayaan ng royal palace ang mga tao sa labas ng borders na magtayo ng paaralan sa Country H. Iyon ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ng mga Indian sa pagkatagal-tagal. Pero sinong makakaisip na magbibigay ang John family ng ganitong permit? Maski si Frankie Garcia na kadalasang kalmado ay hindi napigilang magpakita ng bakas ng sabik sa mga mata niya. Ang permit na ito ay mas mahalaga pa kaysa sa buhay ni Freddy Garcia! Kung alam mo Frankie na maipapakita niya ang buhay ni Freddy para sa permit… Siya na mismo ang tumapos sa buhay niya! At saka, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Indian na sakupin ang Country H o baka pati ang sirain ang pinakapundasyon ng bansa, ang mismong Longmen! Kung magkakagiyera sa pagitan ng Country H at India, tiyak na makukuha ng mga Indian ang lahat ng benepisyo. Sa madaling salita, ang permit ay nagbukas ng oportunidad para sa kanila. Kaagad na kinuha ni Frankie ang mga dokumento ang walang pag-aalinlangan. "Ms. John
“Harvey York?!”Nakilala ng mga Indiano ang mukhang iyon. Nanggigil sa galit ang mga Indiano nang marinig nilang tinatawag ni Harvey ang pangalan ni Cody Garcia. Inilabas nilang lahat ang kanilang spada habang galit na sumisigaw. Napapaligiran ng masasamang titig si Harvey sa sandaling iyon. “Harvey York…”Natulala saglit si Frankie Garcia bago siya matawa. "Gusto mo bang mamatay?!"Pinatay mo ang junior ko, tapos ngayon gumagawa ka ng gulo sa mourning hall ko habang tinatawag ang pangalan ng master ko?! "Tingin niyo ba ang galing niyo na?! "Naisip niyo man lang ba ang kalalabasan ng pagbangga niyo sa amin?!" Hindi inakala ni Frankie na basta na lang susulpot si Harvey bago pa makakilos ang Celestial Temple at Bharata Business Council. Sumosobra na ang taong ito! Dose-dosenang Indiano ang galit na sumigaw habang sumusugod, hinahawi ang kanilang mga spada, para bang gusto nilang punitin si Harvey. Umabante si Dahlia John habang kumikislap ang kanyang mata. "Ang
Napalunok ang lahat nang marinig ang sinabi ni Harvey York. Napapansin na nila ang totoo sa sandaling iyon ngunit hindi nila inakalang magdadala si Harvey ng taong tetestigo para sa kanya. Kung titingnan maigi, natutukoy na ng mga Indianong nandoon sa araw ng pagpatay na malamang ang doktor ang gumawa nito at hindi si Harvey.Napalitan ng seryosong titig ang galit sa mukha ng lahat. Kumirot ang mukha ni Dahlia John bago siya umabante. "Huwag mong ipasa sa amin ang sisi, Harvey!" sigaw niya. "Ano ba ang tingin mo sa John family?! Bakit naman namin iyon gagawin?! "Huwag mong sirain ang pangalan namin! "Baka ang taong ito ay isa lamang pulubi sa kalye na ginagamit mo laban sa amin?! "Mag-iingat ka sa sinasabi mo Harvey! "Magbabayad ka sa pagsasabi mo ng ganyang bagay!" Kampanteng pakinggan si Dahlia. Sinubukan niyang ilihis ang atensyon nila Frankie Garcia para balewalain nila ang sinasabi ni Harvey.Naningkit sandali ang mata ni Frankie bago titigan nang masama si
"G*go ka! Ang kapal naman ng mukha mong magbintang nang ganyan sa John family?!" Nagbago kaagad ang mukha ni Dahlia John pagkatapos marinig ang sinabi ni Thirty-Nine. Kaagad niyang itinaas ang kanyang baril, balak itong barilin. Bam!Umapak si Harvey York sa sahig at pinatamaan ng bato ang braso ni Dahlia kaya hindi tumama ang bala nito. "Huwag kang magmadalai, Ms. John."Kahit paano habang nandito pa ako. "Dahil balak mong patayin ang lalaking ito, hindi naman mali na isipin kong sinabihan mo ang taong ito na pagmukhain akong masama, tama?" Kusang napatingin ang lahat kay Dahlia nang makita nila ang ngiti ni Harvey. Kumirot nang husto ang mata ni Dahlia habang sinisigaw, "Ga*o ka talaga, Harvey! "Gagawin mo talaga ang kahit na ano para lang dungisan ang pangalan namin?!"Hintayin mo lang at pagbabayarin ka namin! "Kapag ipinagpatuloy mo pa ito, itutumba ko ang pamilya at mga kaibigan mo kasama mo! "Huhukayin ko rin ang mga ninuno mo! "Susunugin ko silang lahat!"
"Matalino kang tao, Mr. Garcia!"Dapat alam mong nililito ka lang ni Harvey York sa mga sinasabi niya! "Gusto niyang makinabang habang nilalabas niya ang sarili niya sa gulo!"Kaagad na sinisi ni Dahlia ang lahat kay Harvey habang mukhang kampante. Para bang totoo ang lahat ng sinabi niya. Gayunpaman, medyo namangha si Harvey sa pagiging kalmado ni Dahlia. Humakbang paharap si Harvey. "Dahil masyado kang kampante, tumawag na lang pala tayo ng mga pulis. "Si Director Torres ay isang patas at makatarungang tao. "Sigurado akong bibigyan niya tayo ng sagot na sasang-ayon tayong lahat." Kumislap ang mata ni Frankie Garcia nang marinig ang sinabi ng dalawang panig. Ang seryoso ng mukha niya sa sandaling ito. Pagkatapos, humakbang siya paharap, para bang nakapagpasya na siya. "Huwag kang mag-alala, Ms. John! "Ang isang napakasamang taong tulad mo ay hindi kami maloloko! "Ang Bharata Business Council at ang John family ay magkasundo! Hindi niyo papatayin ang isa sa am
"Tama na ang salita!"Isara niyo ang pinto! "Walang makakaalis hanggat hindi kami tapos kay Harvey York!" sigaw ni Frankie Garcia. Hindi nagtagal, isinara na ang pintuan. Tuluyan silang nawalan ng koneksyon sa labas sa sandaling iyon. Walang makakapasok at makakalabas sa lugar na ito. Wala ring makakaalam ng katotohanan tungkol sa pangyayari. "Talaga? Palalabasin mo na ba ang mga aso ngayon?" kalmadong tanong ni Harvey. "Tingin mo ba mapipigilan akong makalabas ng pintong ito?" "Kahit ang Diyos ay hindi ka matutulungang makalabas dito ngayon! Tumawa nang malakas si Frankie. "Sinabi ko na!"Tinulungan ka ng pulisya noong nakaraan, Harvey! "Gusto kong makita kung sinong tutulong sa'yo ngayon!" Kalmadong itinaas n Harvey ang espadang hawak niya bago padaanin ang kanyang daliri sa talim nito nang nakangiti. "Sinong nagsabi sa inyong kailangan ko ang tulong ng pulis noong nakaraan? "Baka nga kayo pa ang pinoprotektahan nila.""Ano? Sinasabi mo bang kawawa kami d
Mukhang walang pakialam si Rachel Hardy nang tingnan niya nang masama ang mga Indianong nanlilisik ang mga mata sa sahig. Muli niyang hinawi ang kanyang espada, inatake ang dalawang Indianong nagbabalak na umatake sa kanya. Limang tao ang nakahiga sa sahig at wala nang lakas na lumaban, habang ang iba ay mukhang malakas ang loob. Winawasiwas nila ang kanilang espada bago sila sumugod paharap. Hindi natinag si Rachel dito. Umapak siya sa sahig bago lumipad habang hawak ang kanyang espada. Pfft!Nanginig ang Indiano sa harapan niya at hindi makapaniwala nang mahati sa dalawa ang espada nito. Walang nakakaalam kung buhay pa ba ito o hindi. Tinutok ni Rachel ang kanyang espada sa likuran niya at tinusok ang kamay ng isang tao. Bago pa makakibo ang mga Indiano, umiikot na si Rachel sa ere bago paliparin ang isa pang tao sa isang sipa. Sobrang liksi niyang kumilos sa sandaling iyon. Pagkatapos lumpuhin ang ilang Indiano, sumugod si Rachel nang sobrang bilis bago atakihin a