Ng may sasabihin sana si Sienna, nagbuntong hininga si Harvey at naglakad papalabas.“Meron akong gustong sabihin,” Kalmado niyang panimula.“Oh? Meron bang gustong mamatay dito!”Tinaas ni Logan ang kanyang ulo na may galit sa kanyang mata.“Ano ang sasabihin mo sa akin, binata? Gusto mo ba akong…”Bago pa man siya matapos magsalita, nanigas ang kanyang katawan hindi makapaniwala sa sandali na makita niya ang mukha ni Harvey.Ang kanyang buong katawan ay hindi mapigilang manginig.“S… S… S…”Hindi magawa ni Logan na masabi ang pangalan ni Harvey ng ayos.Kaagad nanlambot ang kanyang katawan at tumayo sa harap ni Harvey na may balisang itsura.Nanigas si Dahlia sa kanyang nakita.“Anong problema, Director Bowie? Kilala mo ba ang batang ito?”Akala niya ay nagkamali si Logan ng nakilala.Sa kanyang isip, walang sino ang kayang takutin si Logan ng ganito maliban sa pamilya Bauer at pamilya John.Tuluyang hindi pinansin ni Harvey si Dahlia at tumingin kay Logan ng kalmado.
”Kung hindi mo ito gagawin, kung gayon sabihin mo sa master mo na gawin ito mismo!”“O napagtanto mo na wala din siyang kayang gawin sa akin?”“Hindi pa ba sapat ang leksyon ko sayo?”“Gusto mo ba na mamatay? Bakit mo pinoprotektahan ang mga may sala muli?”“Mukhang kailangan kong tanggalin ang iyong posisyon sa oras na ito. Magkakaroon ka ng maraming oras na pagisipan ang iyong mga pagkakamali pag nakulong ka!”Bam!“Pasensya na, Sir York!”Hindi mapigilan ni Logan na gumapang sa sahig.“Pinapangako ko na hindi ko na ito gagawing muli! Pakiusap! Bigyan mo ako ng pagkakataon!”“Kasalanan ko itong lahat, Miss Wright!”“Pero wala talaga akong magagawa tungkol dito!”Si Logan ay nagpapakita ng miserableng itsura.Naiintindihan na niya kung ano ang ibig sabihin ng mahatak sa laban sa pagitan ng makapangyarihang mga tao.Parehong panig ay merong makapangyarihang mga background at malalim na kasaysayan…Subalit, siya ay hamak na isang second-in-command ng Flutwell Police Statio
“Ngh!”Nanginig si Freddy sa sakit sa sahig, na para bang siya ay sinaksak ng isang dosenang beses.Siya ay kumikilos ng mapagmataas at mayabang dati. Akala niya na napagplanuhan na niya lahat, pero walang mahalaga sa sandaling iyon.Sakit ang tanging bagay na nakikita niya sa kanyang mukha. Hindi man lang siya makasabi ng isang salita, paano na lang ang magbanta kay Harvey.Siya ay buhay, pero malamang mas mabuti para sa kanya na mamatay.“Young Master Garcia!”“Anong problema?”“Anong nangyari sayo?!”Si Dahlia at iba pa ay biglang nagbago ang ekspresyon matapos makita si Freddy sa nakakaawang katayuan.Walang nakakaalam sa nangyari. Paano biglang bumagsak si Freddy sa sahig?!Siya ba ay nagulat sa mga putok ng baril ni Harvey?Imposible!Si Freddy ay mas malakas kaysa diyan!Ang may edad na tao na nakaitim na robe ay mabilis na sumugod paharap papunta kay Freddy.Ang pangalan niya ay Croix. Siya ay eksperto ng Celestial Temple sa India at personal na bodyguard ni Fredd
Galit na sumigaw si Croix. Tapos, hinampas niya ang kanyang binti papunta sa mukha ni Harvey.Ang kanyang katawan ay kakaibang pumihit. Nakakatakot na lakas ang bumalot sa paligid niya.Hindi tinaas ni Harvey ang kanyang ulo para tumingin kay Croix. Patuloy niyang tinaas ang kanyang baril, handa na bumaril muli.Sa parehong sandali, si Rachel ay lumitaw sa kanto ng box at hinampas ang kanyang kamay. Isang tinidor ang tumalsik papunta sa ulo ni Croix!Isang ambush!Grabeng nakakatakot na atake!Ang ekspresyon ni Croix ay nanlamig. Nararamdaman niya kung gaano nakakatakot ang atake ni Rachel. Siya ay walang magawa kung hindi pigilan ang atake at ihampas ang kanyang kamao sa tinidor.Clank!Ang tinidor ay tumalsik palayo, pero umungol si Croix bago humakbang ng ilang beses paatras.Si Dahlia at iba pa ay tuluyang nagulat sa nangyayari.Ang Indian na eksperto ay biglang nalugi!Si Croix ay mula sa Celestial Temple.Masasabi na sila ay lahat Kings of Arms, kahit papaano! Sila ay
Swish!Kaagad na pinutol ni Rachel ang braso ni Croix. Tumalsik ang dugo sa kung saan-saan. Isa itong nakakatakot na eksena. Wala man lang oras si Croix na sumigaw. Nagngitngit ang ngipin niya habang napaatras siya, sinusubukan niya ang lahat para tiisin ang sakit. Dahil isa rin siyang bihasang eksperto, malinaw niyang nararamdaman ang malagim na intensyong nagmumula kay Rachel. O sa katotohanan, balak na ni Rachel na patayin siya sa sandaling kinalaban ni Croix si Harvey. Nang umatras si Croix, inihampas ni Rachel ang espada niya paharap. Mas mabilis ito kumpara sa mga tinidor na ibinato niya kanina. Natakot si Croix na maramdaman ang bilis at lakas ng bato ni Rachel. Napailag siya sa pinakamabilis na paraang magagawa niya. Ngunit kahit na mabilis siya, mas mabilis si Rachel. Sa sandaling kumibo si Croix, kahit bahagya pa lang, tumusok na ang espada sa katawan niya. “Ngh…!”Bumagsak si Croix sa lapag nang may takot na ekspresyon sa mukha niya bago ibuga ang huling
Nakahiga sa lapag ang bawat isa sa mga tauhan ni Dahlia; si Dahlia lang ang natirang nakatayo. Malamig ang mukha niya habang kusa niyang sinubukang umatras. "Buhay pa ako, Ms. John. Balak mo bang umalis ngayong nandito pa ako?" Sa wakas ay tumayo si Harvey at humakbang paharap. Napakabagal ng kilos niya, ngunit kaagad siyang lumitaw sa harapan ni Dahlia. Pagkatapos ay tinapik niya siya sa balikat. Bigla na lang, isang nakakatakot na bigat ang nagpahinto kay Dahlia sa pagkilos. Ngunit bilang lady ng John family, imposibleng susuko siya nang ganun kadali! Huminga nang malalim si Dahlia at malamig na sumigaw, "Saktan mo ko kung kaya mo, h*yop ka!" Kasabay nito, natauhan ang Overlord Gang sa labas; balak nilang sumugod papasok at iligtas si Dahlia gamit ng mga sandata nila, ngunit pinigilan silang lahat ni Rachel. "Saktan ka?" Tinaas ni Harvey ang panga ni Dahlia bago niya siya sinampal nang malakas sa mukha. Namaga kaagad ang mukha ni Dahlia. "Ano naman kung gawin
Kahit na napahinto ang lahat sa gulat, sa sobrang interesado ni Harvey ay nakita ito sa mukha niya. Alam ni Harvey na ang isang taong may ganitong palayaw ay malamang na isang tunay na eksperto. Siguro ay kaya ng lalaking iyon na palabanin nang medyo seryoso si Harvey. "Hindi mahalaga kung gaano ka kayabang umasta sa ibang lugar, binata…" "Pero kapag nasa Flutwell ka, hindi mahala kung sino ka. Luluhod ka!" "Kahit na anong mangyari, dapat mong pakawalan si Lady John ngayon din!" "Iligtas mo rin si Young Master Garcia! Palalampasin kita kapag ginawa mo yun!" "Pero kapag tumanggi ka, wag mo kong sisihin sa susunod na mangyayari!" Biglang nabasag ang bintana ng box. Sa sumunod na sandali, isang anyo ang tumalon papasok ng bintana. Nagkalamat ang marmol na lapag sa sandaling lumapag siya. Para itong sapot ng gagamba. Sa sobrang tindi ng pagpasok niya ay hindi napigilan ng madla na mapaatras. Nagulat din ang lahat ng mga Indian. Naniniwala talaga silang malakas sila
Nagkibit-balikat si Harvey. "Sabihin mo yan kapag napatay mo talaga siya." Ngumisi si Bulldozer bago tumalon papunta kay Rachel at nagsimula ng isang malaking laban. May karapatan si Bulldozer na magyabang; isa talaga siyang eksperto. Kumpara kay Croix, mas mataas na siya sa lebel ni Croix. Nakakatakot ang Bloodshot Hands niya—ang bawat isang kilos na ginawa niya ay puno ng lakas at nagdadala ng masamang amoy. Naramdaman ang mga pwersa tuwing lumalapag ang mga atake niya, na para bang gusto niyang lamunin nang buo ang mga kalaban niya. Isang bihasang fighter si Rachel—binunot niya ulit ang espada niya para lumaban… Pero dahil medyo di pa perpekto ang mga kilos niya, patuloy na nakakahanap si Bulldozer ng kahinaan para umatake siya. Kahit na hindi masyadong nasaktan si Rachel sa ilalim ng ganitong sitwasyon, dehado pa rin siya. Masayang tumawa sina Dahlia at ang iba pa habang nanonood sila. Natural na sa mga mata nila, katapusan na ng mayabang na si Harvey kapag na