"Oo, kakilala ko lang siya. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinawagan bigla." Tinakpan ni Wendy ang telepono niya at maingat na sinabi iyon.Bahagyang ngumiti si Harvey. "Sabihan mo siyang lumayas siya.""Sige!" Hawak ni Wendy ang telepono niya at lumabas ng opisina. Malamig niyang sinigaw, "Sabi ng CEO namin na lumayas ka!"Pagkatapos nito, dali-dali niyang binaba ang telepono. 'Isa talagang tanga si Zack!'***Sa kabilang dulo ng telepono ay umastang mayabang si Zack sa una. Ngayon, bigla siyang nagulat. Maya-maya pa ay halos tumalon siya. “P*nyeta! Isa lang siyang manager! Sino siya para maging arogante sakin! Sino ba siya sa akala niya? Sino ba siya para sabihan akong lumayas? Sino ba siya para maliitin ang mga Zimmer nang ganito!"Malungkot na nagkatinginan ang mga Zimmer. 'Hindi ba narinig ni Zack ngayon?''Sinabi niyang ang kanyang CEO ang nagsabing lumayas siya.'"Lolo, sumosobra na ang York Enterprise!" Napangisi si Zack. "Sino sila para tratuhin nang ganito tayong m
Malalim ang iniisip ni Senior Zimmer. Tumango siya pagkatapos. Dahil pinaka paborito niyang apo si Zack, tumingin siya kay Mandy nang marinig iyon. Sinabi niya pagkatapos, “Mandy, gawin mo na. Huwag ka nang pumili ng oras. Basta pumunta ka para makipag-ayos ng business deal sa York Enterprise bukas. Dapat magawa mo yan. Hindi ako papayag na mabigo ka!""Lolo, sa palagay ko..." Kita ang inis sa mukha ni Mandy. Sinigawan sila ng York Enterprise ngayon-ngayon lang. Ngayon ay gusto nilang pumunta at makipag-ayos sa isang kasunduan sa enterprise na iyon bukas. Hindi ba't parang gusto nila pahiyain ang kanilang sarili?Hindi na pinayagan ni Senior Zimmer na makapagsalita pa siya. Malamig niyang sinabi pagkatapos, "Napag-desisyunan na ito. Kailangan mo lang gawin ang misyon mo, hindi maghanap ng dahilan!"Pagkatapos nito, lahat ng mga Zimmer na naroroon ay yumuko at tumayo. Pakiramdam nila ang swerte nila. Hindi madali ang gawaing iyon. Ang malas ng taong napili para gawin iyon.Nang maka
Gabi na sa Zimmer Villa.Nagtipon muli ang mga Zimmer. Marami sa kanila ang walang magawa kundi tumingin sa isa't isa.Ilang sandali, natanggap nila ang balita. Kaya't hindi pa sila nakapag-hapunan nang umuwi para mag-meeting. Sa wakas, nalaman nilang hindi lang sumang-ayon ang York Enterprise na mag-invest sa kanila, kusa pa silang nagdagdag ng investment funds.Alam na alam nila kung ano ang reaksyon ng York Enterprise kagabi. Halos lahat ay malinaw na narinig iyon. Inakala nilang imposibleng magawa iyon, ngunit nagawa ito ni Mandy. Bakit?Si Mandy ay anak ng pangatlong anak na lalaki ng mga Zimmer. Karaniwan siyang hindi pinapaboran. Bukod pa dito, ang kumpanya niya ay nalulugi. Malapit na siyang itakwil ng mga Zimmer.Gayunpaman, nakuha niya ang kontrata. Paano kung pinaboran siya? Ito na ba ang hinihintay ni Mandy na pagkakataon?Lubos na hindi makapaniwala si Zack sa nangyari. Kung matagumpay si Mandy, ibig sabihin wala siyang silbi.“Mandy, nakagawa ka ng kontrata nang ga
Sa sandaling iyon, si Senior Zimmer, na nakaupo sa seat of honor, ay natapos nang basahin ang kontrata. Inilabas pa niya ang magnifying glass at tiningnan nang mabuti ang selyo. Makalipas ang ilang sandali, sinabi niya, "Huwag na kayong magtalo. Tunay ang kontratang ito. Pero tama ang sinabi ni Zack. Mukhang hindi ginawa sa huling minuto ang kontratang ito . Mukhang kahapon pa ito na-draft.""Syempre, may ambag si Mandy kasi siya ang nagpunta roon. Pero handang tiisin ni Zack ang kahihiyan para sa mga Zimmer kahapon. Ang kanyang ambag ay mas makabuluhan."Nang marinig iyon, mayabang na tumingin si Zack kay Mandy. Pagkatapos ay yumuko siya sa harap ni Senior Zimmer at sinabi, "Lolo, bilang isa sa mga Zimmer, talagang handa akong tanggapin ang lahat ng mga pagsubok para sa pamilya natin. Ano ngayon kung mapahiya ako? Kung kailangan akong bugbugin para lang kumita ang mga Zimmer, handa akong gawin iyon!""Lolo, sa palagay ko alam ng bagong CEO ang halaga ng bahagi ng commercial land ng
Sa una, hinatid ni Yvonne si Harvey gamit ang kanyang Bentley, ngunit bumigat ang trapiko. Kung kaya, kinuha ni Harvey ang kanyang electric bike mula sa compartment at sinakyan iyon pauwi. Ngunit nasira ang kanyang electric bike, at nahulog siya sa kanal. Mukha siyang kaawa-awa.Maliligo na sana si Harvey at magbibihis, ngunit nakita siya ni Cecilia. Malamig siyang tumawa at sinabing, “Nagpakita rin sa wakas ang taong pinag-uusapan natin. Narito na ang walang kwentang tao! Harvey, nahulog ka ba sa inidoro? Ang baho mo!"Ayaw ni Harvey na maistorbo siya. Nilagay niya ang malaking plastic bag na hawak niya sa sulok ng sala at maliligo na.“Harvey, ang lakas ng apog mong umuwi pa? Anong tingin mo sa pamamahay ko, hotel? Tapos lalayas ka at uuwi kung kailan mo gusto? " Sa sandaling iyon, narinig ni Lilian ang ingay. Nang lumabas siya, hindi malugod ang kanyang ekspresyon sa mukha.‘Kung hindi dahil sa walang kwentang ito, hindi maaagaw ni Zack ang naging malaking ambag ni Mandy! Dahil
"Tama iyan!" Mabilis na naulit ni Cecilia ang sinabi ng isa. "Posibleng gawin ni Harvey ang ganong nakakahiyang bagay. Wala siyang kwenta habang si Don ay isang bangkarote. Posibleng magsabwatan sila. Kung hindi, paanong ligtas at maayos si Harvey ngayon?"“Cecilia! Anghel! Tama na yan!" Sa wakas, hindi na napigilan ni Harvey ang kanyang sarili. Umabante siya at mapagmataas na tinignan ang dalawang babaeng nasa harap niya.Walang duda, sina Cecilia at Angel ay kaakit-akit. Ang isa sa kanila ay seksi, habang ang isa ay cute. Kahit na maldita sila ngayon, kaakit-akit at kaibig-ibig pa rin sila.Nang napansing nakatingin sa kanya si Harvey, napuno ng pagkasuklam si Cecilia. ‘Tong walang kwentang lalaking to! Ang kapal ng mukha niyang tumingin sa best friend ng asawa niya! Isa siyang b*stardo!’"Alam ko sinabi mo sakin to dati. Ang kumpanya ng aking asawa ay nangangailangan ng eight hundred thousand dollars. Kung magagawa kong ibigay ang halagang iyon, luluhod ka sa harap ko at tatawag
Ang mga matalik na kaibigan ni Mandy—sina Cecilia at Angel, ay takot na takot na ang kanilang mga binti ay nanginig. Nakita nila sa harap nila ang eight hundred thousand dollars. Hindi kayang ipisin ang naging epekto ng eksenang iyon sa kanila."Mga mabubuti kong anak, tatawagain niyo na ba akong daddy ngayon?" Ani Harvey habang pumapalakpak at bahagyang nakangiti.Sa sandaling iyon, huminga nang malalim si Cecilia. Bumalik ang kanyang ulirat mula sa labis na pagtataka ngayon lang. Pagkatapos ay tumingin siya kay Harvey, at mapanlait na sinabi, "Harvey, huwag mong isiping hindi ko alam. Binibigyan ka ni Mandy ng pocket money sa loob ng tatlong taong ito. Napakawalang kwentang tao ka talaga. Paano mo naman nakuha ang eight hundred thousand dollars na yan? Baka hindi mo yan nakuha sa maayos at legal na pamamaraan.”Nang marinig iyon, medyo sumimangot din si Mandy. Walang malay niyang hinila si Harvey papasok sa kwarto.Tuliro si Harvey. Ito ang kauna-unahang pagkakataong kusang hinaw
"Hindi niya pwedeng kunin iyon. Mangyayari ba talaga yun dahil sinabi mo? Sino ka ba sa palagay mo? Ikaw ba ang CEO ng York Enterprise? Sa tingin mo ba kamag-anak mo sila dahil ang apelyido mo ay pareho sa kanila? Maraming tao ang may apelyidong Marshall. So ibig sabihin na nito magkakapamilya silang lahat?" Galit na galit si Lilian sa maraming bagay, at napuno siya ng matinding sama ng loob.May sasabihin pa sana si Harvey. Lumabas na ngayon si Mandy sa kwarto. Sinabi niya pagkatapos, "Ma, wala si Harvey doon kanina. Hindi talaga natin siya pwedeng sisihin. Si Zack lahat. Masyado siyang walanghiya. Isa pa, tinulungan ako ni Harvey na humiram ng eight hundred thousand dollars, at tumulong siya sa paglutas ng emergency noong isang araw. Pwede po ba…”“Na ano? Na i-trato siya nang maayos? Tingnan mo ang kanyang mapanirang hitsura! Hindi siya mukhang prinsipe kahit na magbihis siya nang maayos!" Pinagalitan ni Lilian si Harvey. Nakalimutan na niyang banggitin ang diborsyo. “Bilisan mo a
Habang nag-iisip pa, bumalik si Harvey sa Fortune Hall.Hindi alam nina Castiel at ng iba pa na siya ay dumaan sa isang sitwasyon ng buhay at kamatayan. Agad nilang inihain kay Harvey ang isang tasa ng tsaa pagpasok niya.“Nasaan si Mandy?”Nang makita niyang walang tao sa lugar, tumingin si Harvey sa back hall.Nag-atubili si Castiel sandali."May gusto sanang sabihin sa'yo ni Mrs. Zimmer."Nagpunta siya para magpaalam."Kung handa kang pumunta sa Wolsing kasama siya, maaari mo siyang tawagan kahit kailan."Natigilan si Harvey; nabanggit ni Mandy ang pagpunta sa Wolsing, pero hindi niya akalain na ganito siya kabilis.Tumingin si Harvey sa direksyon ni Mordu.Hindi siya maniniwala kung ang pag-alis ni Mandy ay walang kinalaman sa pamilya Jean o sa sampung pinakamalalaking pamilya. Marahil hindi niya alam na ginagamit na siya bilang isa sa mga trump card laban sa kanya.Ang mga taong pinakamalapit sa kanya ang siyang makakasakit sa kanya ng pinakamarami, pagkatapos ng lahat!
May ngiti sa magandang mukha ni Lexie."Sa usaping katandaan, kailangan mo akong tawaging Tita."Hindi ko papatayin ang isang tao para lang patahimikin sila!“Alam ko na ang mga Islander ay mga mapagsamantala, at ikaw ay isang binatang halos walang karanasan!"Iyon ang dahilan kung bakit ako nagpakita para patayin ang mga taong ito!"Sinagip kita! Kahit hindi mo ako pasalamatan, sana huwag mo naman akong siraan ng ganyan!”Nagpakita si Lexie ng isang kaawa-awang ekspresyon nang walang magawa siyang tumingin kay Harvey. Parehong walang kapintasan ang kanyang mukha at katawan. Anumang lalaki ay maloloko sa kanyang kaakit-akit na kilos.Si Harvey ay kumunot ang noo kay Lexie, pagkatapos ay ngumiti."Kung ano ang inaasahan mula sa ginang ng Dragon Palace.""Hindi lang ikaw magaling sa pagbaril, magaling ka rin sa mga salita.""Wala akong laban sa'yo, sa totoo lang."“Gayunpaman, medyo mabagal ka.“Sinabi na sa akin ng elder ang kailangan kong malaman."Hindi pa tayo tapos dito
Mas mahalaga, si Harvey ay gumagamit lamang ng kanyang palad.Kung gumamit siya ng anumang galaw mula sa sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts, aaminin ng mga nakatatanda ang pagkatalo.Sa wakas, ang mga sining ng pakikidigma ng Country H ay hindi matutumbasan.Gayunpaman, ang mga atake ni Harvey ay simple. Ang kanyang bilis ay talagang pambihira.Bawat sampal ay tila mahina, ngunit ang mukha ng matanda ay ngayon ay lubos nang namamaga. Patuloy siyang natitisod paatras.Sige na! Ikaw ay isang kilalang tao sa Island Nations!Sabihin mo sa akin nang tapat!“Sa kabila ng iyong Bushido Spirit, ang tanging magagawa mo lang ay lumuhod, di ba?”Patuloy na pinagsasampal ni Harvey ang matanda hanggang napilitan itong gumapang muli sa lupa.Ang iba pang pitong matatanda ay natigilan sa kanilang kinalalagyan. Hindi sila maglalakas-loob na gumalaw kahit kaunti, at agad silang lumuhod sa lupa.‘Nagbibiro ka ba? Ang mga sampal niya ay talagang nakakatakot!Ang mga sampal niya ay tal
”Tapusin na natin ‘to, Harvey!”Matapos makita na lahat ng iba ay itinaboy, ang nakatatandang lalaki sa harap ay natumba mula sa lupa at itinutok ang kanyang espada kay Harvey."Ako pa rin ang elder ng pamilya Masato! Ako ay isang tunay na royalty, na may dugong maharlika!“Maging sa Island Nations, ako ay isang pigura na sinasamba ng maraming tao!”"Kaming makapangyarihang mga Islander ay hindi mapapahiya ng isang katulad mo!"Pinagkrus ni Harvey ang kanyang mga braso. "Lumuhod ka, at hindi kita papatayin.""Gusto mong lumuhod ako?!"Ang elder ay nag-aapoy sa galit. Galit na galit siyang tumawa."Sino ka ba sa akala mo, hayop ka?"Talaga bang iniisip mo na magagawa mo ang lahat ng gusto mo dahil lang ikaw ang kinatawan ng Country H Martial Arts Alliance at ang young master ng Longmen?""Walang sinuman sa buong bansa ang makapagpapaluhod sa akin!"Kahit na ang Head Coach niyo!“Mas pipiliin ng pamilya Masato na mamatay kaysa magmakaawa para sa aming buhay!"Mga onmyoji kam
Nakita ang pagbabago kay Harvey, ang ekspresyon ng nakatatanda ay patuloy na nagbabago. Dinala niya ang kanyang espada patungo sa lalamunan ni Harvey sa bilis ng liwanag.Hinampas ni Harvey ang kanyang daliri sa talim nang walang balak na umiwas dito.Clang!Isang malakas na tunog ang narinig; ang matanda ay umatras ng ilang hakbang, ang buong katawan niya ay nanginginig. Isang sigaw ang biglang narinig mula sa Demon Sword.Pinunasan ni Harvey ang kanyang mga daliri nang may pagduduwal habang nakatayo sa kanyang pwesto, na parang may nahawakan siyang nakakadiring bagay.Ang matanda ay sumabog sa galit; siya ay lumundag sa hangin bago muling ibinaba ang kanyang espada. Siya ay isang onmyoji, ngunit mayroon din siyang malalim na pag-unawa sa martial arts ng Island Nations.Ang kanyang atake ay katulad ng killer move ng Shindan Way.Gayunpaman, hindi man lang maalala ni Harvey ang pangalan ng galaw, lalo na hindi siya nagmamalasakit. Tinapakan niya ang lupa; nagkabasag-basag ang mg
Swoosh, swoosh, swoosh!Winasiwas ng natitirang pitong elder ang kanilang mga kamay, agad nilang hinagis ang mga talisman nila.Lahat ng klaseng napakasamang hugis na kamukha ng iba’t ibang bagay ang sumulpot sa ere. Mga fox, mga python, at sumulpot din ang isang cyclops.Bumuntong-hininga si Harvey, pagkatapos ay muli niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Nagsimulang umubo ng dugo ang pitong elder, agad na nanginig ang kanilang mga katawan.“Witchcraft! Anong ginawa mo?!”Galit na galit ang pinuno ng mga elder.Walang nagawa ang isang elder kay Harvey… Pero ngayon, kahit na ang pito ay hindi man lang siya nagalusan.“Paninira! Isa itong paninira!” sigaw ni Harvey.“Natutunan ko lang ito mula sa Book of Changes!“Malinaw na isa itong geomancy art, pero sinasabi niyo na isa itong witchcraft?“Gaano kawalanghiya ba kayong mga tao kayo?”“Ang Book of Changes?”Tumingin ang mga elder sa isa’t isa.Ayon sa mga alamat, ang Book of Changes ay mayroong maraming anyo, kabilan
Tinitigang maigi ni Harvey ang uwak na pasugod sa kanya. Noong sandaling dumapo sa katawan niya ang uwak, kalmado niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Isang dilaw na talisman ang lumipad mula sa kamay niya, at biglang naglaho ang uwak. Dahan-dahang nahulog sa lupa ang talisman, at pagkatapos ay naging abo.Kalmado niyang hinipan ang amoy ng sunog mula sa kanyang mga daliri. “Ito lang ba ang kaya niyong gawin? Kulang pa ‘to…”“Imposible!”Nanigas ang mga mukha ng mga elder; napasigaw sila sa gulat sa mga isip nila.‘Isa ‘yung Shikigami!‘Isang Shikigami! Mula sa Island Nations!‘Paano ito nasira ni Harvey gamit lang ang isang talisman na basta na lang niyang inilabas kanina?!‘Kalokohan ‘to!‘Kailan pa naging ganito kahina ang technique ng Masato family?!’“Iniisip niyo ba na imposible ‘to?” Sumimangot si Harvey. “Hindi ko maintindihan. Matagal na kayong mahina, pero gustong-gusto niyong magyabang. Mahilig lang ba kayong magpanggap?”Pffft!Halos umubo na ng dugo ang e
Inunat ni Harvey ang kanyang leeg habang nakangiti.“Tutal mamamatay naman na ako…“Bakit hindi niyo ipaintindi sa’kin ang isang bagay?“Pagkatapos akong subukang kumbinsihin ni Peyton na iwan ang sitwasyon, bigla kayong sumulpot.“Tauhan ba kayo ng Dragon Cell? O tauhan ba kayo ni Blaine?" Tumawa ng malamig ang elder. “Walang karapatan ang isang taong gaya ni Peyton na kontrolin kami!" Tumango si Harvey.“Naiintindihan ko na.“Mukhang maraming ginawa si Blaine para lang paghandaan ang pag-angat niya.“Pero kung gamit lang ang pagkatao niya, hindi niya rin kayo makokontrol.“Malamang mula siya sa Evermore. At malamang mataas din ang katayuan niya dun.“Hindi ko inakala na may makikita akong mga buhay na saksi nun!" Bukod sa hindi natakot si Harvey, mukhang natuklasan na din niya ang katotohanan.“Mukhang hindi ako makakaalis sa Golden Sands hangga’t buhay pa si Blaine!" Dumilim ang mga mata ng elder.“Wala ka nang pag-asa, bata. Ikaw ang kinatawan ng Martial Arts All
Dumilim ang mga mata ni Peyton matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey. Pagkaraan ng mahabang oras, bumuntong-hininga siya at umalis mula sa kabilang panig.Noong sandaling umalis siya, biglang huminto sa paglalakad si Harvey. Nahulog ang mga piraso ng papel mula sa langit.Sumimangot si Harvey. Tumingin siya sa magkabilang gilid, at pagkatapos ay sumipa siya paharap.Bam!Lumipad ang isang brick sa lupa patungo sa isang mukhang sinaunang puntod.Sumabog ang puntod, at isang kulay pulang kabaong ang lumipad patungo sa direksyon ni Harvey. Umatras siya, masama ang kanyang loob.Bam!Sumalpok ang kabaong kung saan nakatayo si Harvey.Isang mabahong amoy ang tumagas, at binalot ng alikabok at lupa ang buong lugar. Kasabay nito, lumabas mula sa iba’t ibang direksyon ang mga taong may matataas na sombrero at nakadamit na pang-onmyoji.“Yin-Yang Techniques?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa kanila.“Magaling.“Gaya ng inaasahan kay Representative York.“Hindi na nak