Habang si Vince York ay sinasabi sa lahat ang kanyang balak, isang tawag mula sa Las Vegas ang gumising kay Harvey York mula sa pagtulog niya sa hapon.Si Harvey ay medyo nagulat matapos makita ang numero.Ang King of Gambling, si Fabian Hamilton, ay sinabi na ilalagay niya ang casino license ng Casino Palace ng Mordu sa ilalim ng pangalan ni Harvey, pero hindi ito kailanman nangyari…At dahil ang relasyon ni Harvey sa pamilya Hamilton ay umayos, ang lahat ay kinukunsidera na nasa parehong panig. Ang sitwasyon ay naiwan sa ere ng dahil dito…Pero matapos makakuha ng tawag mula kay Fabian, si Harvey ay merong masamang pakiramdam tungkol dito…Kung sabagay, si Fabian ay hindi kailanman tumawag kay Harvey ng walang rason.Ng tumunog ang phone ng pangalawang beses, saka sinagot ni Harvey ang tawag.Mahabang buntong hininga ang maririnig mula sa kabilang panig ng phone, na para bang si Harvey ay may napagtantong bagay. Ang tunog ay biglang tumigil bago makarinig si Harvey ng malakas
Ang mga salita ni Fabian Hamilton ay puno ng kawalan ng pagasa, kalungkutan at maraming sama ng loob…“Ang pamilya ko ay maunlad ng maraming taon. Kami ay tinatawag na mga hari ng Las Vegas, pero hindi ko inasahan na ako ay matatalo ng sobra sa ganito katandang edad…”“Pero huwag kang magalala. Kahit na mawala ang casino license na iyon, kukuha ako ng isa pa para palitan ito para sayo.”“Nararapat ka dito kung sa baga.”Sinubukan ni Fabian na panatiliin ang kanyang dignidad sa kanyang mga sasabihin. Siya ay mukhang kailangan niya ng tulong, pero pinanghawakan niya pa din ang pride ng kanyang pamilya gamit ang kanyang lahat.Tumawa si Harvey York bago magpakita ng seryosong itsura sa kanyang mukha.“Sige, Fabian. Tapos na akong magbiro.”“Maging tapat ka sa akin, ang taong kalaban mo sa sugal ay mahirap talunin?”“Oo, pero kaya dapat namin siyang talunin…”Natahimik si Fabian ng matagal na panahon bago sabihin ang mga salitang iyon.Pero matapos niyang hindi marinig ang tugon
Pagkatapos pag-isipan sandali ang sitwasyon, tahimik na nagtanong si Harvey York, "Ano ang background niya?" Natural ay natuklasan na ito ni Fabian Hamilton bago ang lahat. "Pambihira ito. Pamangkin siya ng Leo family mula sa The Empire of the Sun that Never Sets, at ang commander din ng Knights Templar, si Mateo Leo." Napahinto si Harvey. Pamilyar ang bansa at ang Knights Templar, pero ito ang unang beses niyang narinig ang pangalang iyon. "Idetalye mo." "Ang Leo family mula sa The Empire of the Sun that Never Sets ay isang sangay na nakahiwalay mula sa main family ng Hong Kong noon. "Sinasabi na ang acting young master ng pamilya ay si Jason Leo. Ang lalaking ito ay ang dating head ng Four Masters or Hong Kong. Ang lahat ng mga taktika at pamamaraan niya ay nakakamangha." "Si Mateo ang pinakamagaling niyang tauhan sa kanilang lahat." "Jason, Mateo, at ang Leo family…" Napangiti si Harvey pagkatapos ng isang sandali ng pagbulong sa sarili niya. "Pupunta ako diyan k
Uminom si Harvey York mula sa baso ng tubig sa mesa habang nag-utos na itutok ang mga kamera kay Mateo Leo. Sa sandaling iyon, napaisip nang malalim si Harvey mula sa kanyang mainit na ngiti. Kasabay nito, sa loob ng VIP room one, tumango si Mateo sa mga tao sa paligid niya pagkatapos umupo bago tumingin sa dealer nang may maliit na ngiti. "Salamat ngayong gabi, Miss. "Sabihin mo sa boss mo na mananatiling walang pagbabago sa patakaran kagaya nitong nagdaang ilang gabi."Pwede kang magdala ng kahit na sino para hamunin ako. "Pwede ka ring magpalit ng players sa gitna ng laro." Napakamarahan ng tono ni Mateo. Walang pang-iinis na narinig sa mga salita niya na para ba siyang isang mabait na lalaking nakatira sa katabing bahay. Hindi lang ito makakagawa ng magandang impresyon sa mga manunuod, maski ang mga staff members ay kinagigiliwan siya. Lalo na't kumpara sa mga mayayamang taong may dalang maraming pera na sumasabog sa galit pagkatapos matalo… Isang sariwang mukha
Ayon sa kasunduan, may isa pang round na natitira. Kahit na may pagkakataong makabawi ang Hamilton family, natalo na sila. Magagawa nilang magmukhang maganda ang casino-palace kung mananalo sila kahit isang round. Pero kung natalo sila sa tatlong rounds, tuluyang madudumihan ang reputasyon ng Great Gambler. Sumama ang ekspresyon ni Fabian Hamilton pagkatapos makita na nakatadhana silang matalo ulit. "Sir York, may nakita ka bang mali?" bulong niya. Kumunot ang noo ni Harvey York, inayos ang ilang surveillance camera, pagkatapos ay sinabihan ang iba na tutukan ang dealer at ang lalaki. Sa malaking screen, tatlong mukha ang magkakatabing pinakita. Kumpara sa kalmadong si Mateo, sa sobrang kaba ng dalawa ay tumulo ang malamig na pawis sa mga leeg nila. Sobrang nag-alala si Fabian pagkatapos makita ang eksena. Kung matatalo sila sa round na ito, hindi lang ang casino license ang mawawala sa kanila… Ang matalo ng labinlimang sunod-sunod na rounds ay malubhang makakasira sa
"Kaya sinabi kong isa tong mild hypnosis," kalmadong sagot ni Harvey. "Ang mga ganitong hipnotismo ay ginagamit ng Knights Templar at maituturing na isang sacred art. "Simple lang ang layunin nito. Ginagamit ito para sabihin sa sarili nila na sila ang Knights Templar at walang makakatalo sa kanila sa kapangyarihan ng banal na liwanag. "Kahit papaano ay nagpapataas nito ang lakas nila. "Maapektuhan ng malaki ng isipan ng tao ang sarili nila. "Kung naniniwala silang malakas sila, natural na mas nakakatakot sila kumpara sa pangkaraniwang knights. "At kung tama ang hula ko, malamang ay bihasa ang commander na ito sa paggamit ng mild hypnosis. "Hindi niya kailangang kontrolin nang tuluyan ang kalaban niya. Ang kailangan niya lang gawin ay iparamdam sa kanila na parang matatalo sila!"Kasabay ng galing niya sa pagsusugal, natural na hindi siya matatalo laban sa isang kalabang nawalan na ng kumpyansa sa sarili." Ito ang unang beses ni Fabian Hamilton na marinig ang ganitong b
Nagwala ang buong casino palace. Nasaksihan ng lahat ang Hamilton family na mawalan na naman ng sampung porsyento ng kanilang casino license. Kung patuloy na mananalo si Mateo Leo, magkakaroon ng bagong may-ari ang Mordu Casino Palace nang wala sa oras. Sa loob ng surveillance room, nagpapakita ng masamang ekspresyon si Fabian Hamilton. Natauhan si Harvey York. Sa wakas ay naintindihan na niya ang bawat isang detalye. Ipinipitik ni Mateo ang mga daliri niya para gamiting ang hipnotismo niya, na nagbibigay ng pakiramdam sa mga kalaban niya na matatalo sila. Sa ganitong paraan, magagamit niya ang pagbabago para talunin nang tuluyan ang Hamilton family. "Ang ganda ng plano mo, Mateo!" Huminga nang malalim si Fabian at tumayo. "Salamat sa gabay mo, Sir York. Ayon sa patakaran sa Las Vegas, ang mga taong nandaraya ay dapat na putulan ng daliri. "Sa puntong ito, nandaya si Mateo nang limang sunod-sunod na araw. Dapat ay mag-utos ako na putulin ang kamay niya ngayon din."
Ayon sa plano ni Harvey York, gusto niyang si Fabian Hamilton ang maging kasunod na kalaban ni Mateo Leo. Hindi mag-isang nakipagkita si Fabian kay Mateo. Sa halip, pinaunlakan niya si Mateo na patuloy na hamunin ang Mordu Casino Palace gamit ng ilang social platforms. Kasabay nito, naihanda na ng Hamilton family ang mga eksperto nila para sa susunod na laban. Nagwala ang buong Las Vegas pagkatapos marinig ang balita. Lalo na't maraming taon nang hindi nagpapakita sa media ang King or Gambling. Inanunsyo ni Fabian ang balita para sa dalawang layunin… Una. Para ipakita sa lahat na ang Hamilton family ay hindi direktang sangkot sa insidente. Sa ganitong paraan, magmumukhang maganda ang pamilya sa panlabas. Pangalawa. Handa na ang Hamilton family para sa laban. Sa madaling salita, kung mananalo ang Hamilton family sa susunod na laban, mawawa kaagad ang lahat ng pagdududa sa pamilya. At kung matalo sila, habangbuhay na madudumihan ang reputasyon ng Hamilton family at ng K