Kalmadong kinunan ni Harvey ng larawan ang mga kotse at pinadala ito, pagkatapos ay inapakan ang pedal ng kotse. "Anong binabalak nila, Harvey?" "Kung balak nilang tayong patalim, hindi ba ibig sabihin nun ay nasa panganib si Mama?" Sobrang nag-aalala si Mandy, bakas ang takot sa mukha niya. "Wag kang mag-alala," kalmadong sinabi ni Harvey. "Basta't hindi pa ako patay, ligtas na ligtas siya. Hindi siya mawawalan ng kahit isang hibla ng buhok." "Malamang gagamitin nila siya bilang huling alas laban sa'kin." "Kapag namatay ako, mamamatay din siya." "Kaya wag kang masyadong mag-isip. Tapusin muna natin ang problema sa likuran natin." Tumingin si Harvey sa rear view mirror pagkatapos niyang magsalita. Nakita niyang lumabas mula sa sunroof ng kotse ang isang malakas at maskuladong lalaking may dilaw na buhok. May hawak siyang RPG. Tinutok ng lalaki ang RPG niya sa kotse ni Harvey. Nang walang pag-aalinlangan, kinalabit niya ang gatilyo. "Seryoso ka ba?!" Kaagad na
Ang Arcburn villa sa loob ng Las Vegas ay nakaharap sa dagat, habang punong-puno ng kabundukan ang paligid. Makikita ang Victoria Harbor mula doon. Isa talaga itong distrito para sa mayayaman. Napuno ng mamahaling villa ang lugar, at ang bawat isa dito ay nagkakahalagang higit sampung milyong dolyar. Walang karapatan magpakita dito ang mga karaniwang tao. Mahigpit rin ang pagbabantay dito, at ito ang pinakamahigpit ang seguridad sa buong Las Vegas. Si Harvey ay nasa loob ng isang villa sa isang bulubundukin, tulalang nakatingin sa Victoria Harbor mula sa balkonahe. Lumabas ng banyo si Mandy. Lumapit siya kay Harvey at binalutan ito ng kumot. "Magiging mahangin sa gabi. Pumasok na tayo sa loob," tahimik niyang bulong. Umiling si Harvey at sa halip ay inilapag ang kumot kay Mandy. "Hindi naman ako nilalamig. Pero kailangan mong mag-ingat. Huwag kang magkakasakit," sagot ni Harvey. "Higit sa lahat, hindi ka naman nagpunta lang dito para sa nanay mo, diba?" Kumurap ang ma
Tinawag ni Harvey ang isang cab at tinuro ang driver sa gusto niyang puntahan. Pagkatapos ay inilabas niya ang kanyang phone. Sa loob lamang ng dalawang araw, natukoy na niya ang buong proseso sa pagdakip kay Lilian sa pamamagitan ng kanyang koneksyon. May ilang mga guwardiyang kasama si Lilian, sa publiko at palihim. Nitong nakaraang tatlong araw, biglang nawala si Lilian pagpasok nito sa isang pampublikong banyo sa isang mall. Bigla siyang naglaho pagpasok sa loob. Nang hindi siya mahanap ng mga guwardiya, pinaalm nila kay Mandy ang biglang pagkawala ni Lilian. Kaagad na kumilos si Mandy at nagpadala ng isang malaking grupo ng tao para halughugin ang buong mall. Sa kasamaang-palad, walang nangyari. Ngunit pagkatapos suriin ang kuha sa labasan ng banyo, may naisip si Harvey. Hindi nagtagal pagpasok ni Lilian ng banyo, isang tagalinis ang lumabas at dala ang isang cleaning cart. Hinala ni Harvey na tinamaan si Lilian sa ulo at kaagad na nawalan ny malay, at inilagay siy
Seryoso ang titig ni Harvey. Nakasalubong niya si Teresa Thompson sa lugar kung saan niya mismo pinaghihinaalaang dinala si Lilian. Pagkakataon nga lang ba ito? O hindi kaya matagal na itong planado? Maraming pumasok sa isipan ni Harvey, ngunit nagpanggap pa rin siyang nagulat. "Oh! Ikaw pala 'yan!""Pagkakataon nga naman. Sa kasamaang-palad, may kailangan akong gawin. Sa susunod na lang tayo mag-usap." Nang makita ni Teresa na lalayo na si Harvey, kaagad nitong hinawakan ang kamay nito. "Sandali! Hindi ko pa alam ant pangalan mo, aking tagapagligtas," mahinang sinabi ni Teresa. "Ako si Teresa." Napakalapit ng mukha ni Teresa, halos nakadikit na ito sa mukha ni Harvey. Sa kanyang labi ay mayroong malaking ngiti, at kumikislap ang kanyang mga mata. Ang halimuyak ng isang dalaga ay dumaan sa ilong ni Harvey, kaya medyo nailang siya.Kusang bumitaw si Harvey, at kaagad na umatras. "Hindi maganda para sa ating magdikit nang ganito, Ms. Thimpson. Atsaka, pakiusap tawag
Pagkatapos ibaba ang tawag, tumingin si Teresa kay Harvey nang nalulungkot at sinabi nang marahan, "Ikinalulungkot kong hindi kita masasamahang uminom ngayon, Harvey. May nangyari, at kailangan ko itong asikasuhin ngayon na." Mula sa tawag na iyon, natutukoy na ni Harvey na isa itong importanteng bagay. "Anong nangyari? Sabihin mo sa akin. Baka makatulong ako," tanong ni Harvey nang hindi ito napapansin. Nagbago nang bahagya ang mukha ni Teresa. Pagkatapos ay dinala niya si Harvey sa presidential suite at binigyan ito ng isang baso ng tubig. "Hindi naman ito malala," sinabi ni Teresa habang sumisinghal. "Itinayo ko ang sarili kong kompanya na nakatuon sa import at export businesses." "Sa pagkakataong ito, nag-import kami ng ilang high quality Red Tea sa Las Vegas." "Dahil sa kasaysayan, hilig ng mga tao dito ang Red Tea. Ito ang dahilan kung bakit mabenta ang Red Tea.""Pagkatapos, nakipagtulungan kami sa isang maliit na negosyo dito na sinusuportahan ng Hamilton family.
Lumingon ang mga lalaking nakasuot ng shades nang may mababangis na mukha sa sandaling napansin nila na may tao rito. Gayunpaman, hindi sila binigyang pansin ni Teresa. Hindi niya sila pinansin, nilagpasan niya sila habang dinala niya si Harvey papasok ng warehouse. Sa loob ng warehouse, ilang mamamayan ng Country H ang nakikitang nakatali nang mahigpit. Isang lalaking mukhang hindi mapagkakatiwalaan na may suot na mabulaklaking damit at may hawak na sigarilyo ang nakaturo sa mga estante sa likuran niya habang sumisigaw. "Tignan mo to! Ano tong supplies na to?!" "Lahat ng to mga bulok na tea leaves na may mabahong amoy! Paano ko to ibebenta sa mga customer ko?!" "Dahil hindi namin nalaman kaagad ang tungkol dito, nakapagbenta na ako ng isang batch sa isa sa mga customer ko! Hinihiling nila na bayaran daw namin ang mga nawala sa kanila!" "Napakasama ng kumpanya mo! Ang lakas ng loob mong lokohin kami sa una nating partnership?!" "Gusto mo bang mamatay?!" "Dalhin mo rit
Ilang lalaki sa labas ang pumasok nang may malamig na ngiti. Nakatitig sila kay Teresa na parang isang lobong nakatingin sa kanilang pakay. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Teresa sa bigla nilang paglitaw. "Sigurado ka ba, CEO Hamilton?" malamig niyang tanong. "Oo! Siguradong-sigurado ako! Kung magsisinungaling ako sa'yo, tamaan sana ng kidlat ang buong pamilya ko!" Sumumpa ang malokong lalaki. "Pero! Kapag nilura mo ang tsaa, hindi na'to magiging kasing dali ng pagbayad sa danyos. Kapag nangyari yun, kailangan mo rin tong bayaran gamit ng katawan mo!" Malamig na tumawa ang mga tao niya na nakapalibot sa lugar. Tinignan nila si Teresa nang may makamundong titig. Kinuha ni Teresa ang tasa nang may mukhang diring-diri at inihanda ang sarili niya. Pero sa huling segundo, sinampal ni Harvey ang tasa mula sa kamay niya at nalaglag ito sa lapag. "Anong punto ng pangkakanti niyong mga malalakas na lalaki sa isang dalaga?" "Hindi ba kayo nahihiya na sinubukan niyong manl
Pak!Kasing bilis ng kidlat ang mga kilos ni Harvey, at winasiwas niya ang kanyang kamay ng may bilis na hindi nakikita ng mga mata ng isang karaniwang tao.“Sigurado ka ba na ayaw mong pag-usapan natin ang tungkol dito?”Pak!“Alam na alam mo kung anong nangyari sa tsaang ‘to, hindi ba?”Pak!"Pero may tapang ka na manghingi ng kompensasyon? Sa tingin mo ba talaga pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo dahil nasa Las Vegas ka?" Natulala ang lalaki pagkatapos masampal nang maraming beses. Nang binuhat ni Harvey ang lalaki sa kwelyo niya, magang-maga na ang mukha niya. "Ikaw… Ang lakas ng loob mong sampalin ako?! Kilala mo ba kung sino ako?!" "Isa akong miyembro ng Hamilton family!" "Kung lalabanan mo ako, nilalabanan mo ang buong pamilya!" "Nilalabanan mo ang buong Las Vegas!" "Patay ka nang bata ka! Hindi lang ikaw, tapos na ang buong pamilya mo!" "Ipapakain ka namin sa mga isda at kukunin namin ang babae sa likuran mo para magsilbi sa mga customer sa Sky Casino-
Maging si Lance Gibson, na laging minamaliit ang lahat, ay napagtanto na si Harvey York ay estudyante ni Quill Gibson, lalo na si Clover Gibson.Kailangan niyang tapusin si Harvey bago pa man bumalik ang buong lakas niya.Agad niyang pinigilan ang ibang damdamin niya at kumilos siya ng may respeto kay Harvey.Ang ibang mga miyembro ng Gibson family ay walang magawa kundi sumakay na lang.Nagbigay si Harvey ng bahagyang tango bilang tugon bago nagpakita ng kaunting kalungkutan habang tinitingnan ang mga labi ni Quill.Matapos masusing suriin ng puneraryo, halos pareho pa rin si Quill tulad ng noong siya'y buhay.Matiwasay na masasabing ang ilalim ng lupa ay isang mapanganib na lugar.Kahit isang kilalang tao ay mamamatay dahil sa maraming dahilan, lalo na ang isang karaniwang tao.Magulo pa rin sa Country H...Sa kabila ng tahimik na anyo, may nagaganap na karahasan sa ilalim ng ibabaw.Si Harvey, na ang tanging nais lamang ay mamuhay ng tahimik, ay nagbabago.Para umunlad an
”Nagawa nating ipapatay si Quill!” sigaw ni Adler."Makakabawi ba ang isang tao sa kanyang mga aral, kung badge lang ang meron siya?"“Tingnan mo. Bakit hindi na lang natin siya ipalaban sa mga Gibson?“Nagtigilan si Osman, pagkatapos ay bigla siyang napatawa."Hindi masamang ideya!" Gawin natin yan!"Noong panahong iyon, para makuha ang posisyon ng ikapitong nakatatanda, lumuhod ang kapatid ni Quill sa harap natin para maging sworn brothers tayo!""Kung sasabihin natin sa kanya na ilang taon na lang ang natitira sa kanyang posisyon... Sa tingin mo ba makakakuha siya ng ulo ng lalaking iyon para sa atin?"Ngumiti si Adler."Hindi lang niya gagawin iyon. Kung sabagay, isa siyang masamang tao!”Nauunawaan ito nang mabuti nila Adler at Osman.Nabigla sila sa kayabangan ni Harvey, pero… Nagpasya silang magpigil sa ngayon.Ang dahilan ay simple: hindi sila naging kasing hindi makatuwiran ni Calvin, dahil si Harvey ang may badge ng lider. Bukod doon, hindi pa nila natutuklasan ang
“Ama, Osman…”Nagtigilan si Calvin, pagkatapos ay gumawa ng ilang hakbang pasulong."Nandito ka na sa wakas! Kailangan mo akong tulungan!”Sumimangot so Emory; yumuko siya nang walang sinasabi.Nagliliyab ang mga mata ni Osman nang makita ang mga ginawa ng kanyang anak na babae, ngunit wala siyang sinabi tungkol dito.Lumapit si Adler at sinuri si Calvin; pagkatapos masigurong hindi nasaktan ang kanyang sanggol, tiningnan niya ang paligid.“Kahanga-hanga! Talagang kahanga-hanga!"Nagpunta siya dito sa headquarters para lang bastusin ang ating pamilya!“Narinig ko na pinoprotektahan din niya ang mga Gibson!"Napakayabang ng hayop na ‘yun, ano?""Ano naman ang tungkol sa Law Enforcement Hall at ang mga tagapangalaga nito?""Hindi ba't lagi nilang tinatawag ang kanilang sarili na ang pinakamalupit na tao ng Heaven's Gate?""Bakit hindi na lang natin patayin ang hayop na ‘yun?!"Naramdaman ni Calvin na hindi siya komportable; may mga bagay na wala siyang oras para ipaliwanag.
Ang mga taong ito ay dapat na mga mahalagang tagasunod ni Calvin upang makuha ang kapangyarihan matapos siyang maging batang panginoon ng Heaven’s Gate.Hindi niya akalain na lahat sila ay magiging pilay bago niya magamit ang mga ito para kumbinsihin ang iba pang mga eksperto na maging panig niya!Kahit na palitan niya ang lahat ng mga taong ito, malamang na hindi sila magiging kasing tapat.Higit pa rito, batay sa kasalukuyang sitwasyon, maaari ba siyang umangat?Agad na nagdilim ang kanyang mukha.Agad na umiwas si Emory sa kanya.Isang lalaking walang pagkakataong umangat ay magiging isang karaniwang batang panginoon lamang ng Heaven’s Gate. Maraming tao na may parehong katayuan sa banal na lugar ng pagsasanay sa martial arts.Bilang pinakamatingkad na hiyas ng Heaven’s Gate, tiningnan ni Emory si Calvin nang may paghamak!"Yung tarantadong yun! Ang lahat ng ito ay dahil sa kanya!”Piniga ni Calvin ang kanyang lata ng soda bago niya ito galit na inihagis sa lupa; hindi niya
Lahat ay nagtinginan sa isa't isa nang umalis na sina Harvey at ang iba pa.Ang party ay tuluyang nasira dahil sa kanyang biglaang pagdating. Hindi nasaktan sina Calvin at Emory, pero nawasak ang kanilang reputasyon.Ang lalaking pinakagusto ni Calvin, si Cullan, ay naparalisa rin. Ang mga elite mula sa pamilya Lowe at Bowie ay nagdusa rin ng parehong kapalaran.Higit pa rito, alam ng lahat kung ano talaga ang nangyari sa pagkamatay ni Quill.Upang makuha ang mental circulation technique, hindi nag-atubiling i-frame ng pamilya Lowe si Quill, na isang labis na respetadong tao sa Heaven’s Gate…Pinatay pa nila siya.Si Quill ay kumakatawan sa mga nakatataas sa Heaven’s Gate na hindi masaya sa pamilya Lowe at pamilya Bowie. Kung kumalat ang balita tungkol dito, tiyak na magsasama-sama ang mga nakatataas upang harapin ang dalawang pamilya nang tuluyan.Ang dalawang pamilya ay tila may kalamangan, ngunit kung hindi sila suportahan ng Inner at Outer Eight Halls kasama ang tatlumpu't a
Kung talagang may silbi ang badge ng lider…Ang pamilya Lowe at ang pamilya Bowie ay hindi sana kumilos laban kay Quill sa unang pagkakataon.Tungkol naman sa Dakilang Tagapangalaga at ang iba pang nakatayo kasama si Harvey…Lahat ay naniwala na pagkatapos nilang maayos ang sitwasyon, malalaman na nila kung sino ang kanilang kakampihan.Clap, clap, clap!Pumalakpak si Harvey, ang kanyang mukha ay puno ng paghanga."Kayo ang good cop at bad cop, ano?""Bagay na bagay kayo!“Si Quill ay isang tapat na tao. Talagang naniwala siya na may kaayusan sa Heaven’s Gate!"Ngunit, hindi niya naisip kung gaano kayo kasuklam-suklam."Sayang. Siya ay isang senior ng Heaven’s Gate. Kahit na hindi kayo sumusunod sa ilang mga patakaran, kailangan niyang sundin ang mga ito."May mga paniniwala siya na kailangan niyang sundin, kahit na hindi niyo naman gagawin ang pareho. Kung hindi ganun, hindi niyo siya magagalaw."Wala akong interes sa pera, at wala rin akong interes sa mga benepisyo na ibi
Habang lahat ay nasa pagkabigla pa, may naisip sila.Ang pamilya Lowe ay malamang na walang teknik sa mental na pagsasanay. Si Quill ay malamang na na-frame up. Kung hindi, bakit susuko si Calvin?Kinuha ni Harvey ang tseke, at tiningnan ang mga numero na may malalim na ekspresyon."Kunin mo na ang pera at umalis ka na, Harvey!" Sumigaw si Calvin.“Matulog ka ng mabuti at kalimutan mo na ang lahat ng nangyari dito."Pakakainin kita bukas at tutuparin ko na ang iba pang mga kondisyon sa oras na iyon."Hayaan mong sabihin ko sa iyo ang iba pa!"Binigay ko sa'yo lahat ito hindi dahil natatakot ako!"Dahil ang tatlong kilalang tao ay nakatayo kasama mo...“At dahil mayroon ka ng badge ng lider…“Naniniwala ako na dapat akong nasa iyong mabuting kalooban."Sa ganitong paraan, hindi masasayang ang lakas ng Heaven’s Gate.“Mas mabuti pang pag-isipan mo ito!"Lalo na, isa itong sacred martial arts training ground!"Kahit na narito ang nangungunang sampung pamilya, ang limang nakat
"Wala!" Sumagot si Kaysen nang mariin.“Nakasulat nang malinaw ang mga patakaran namin."Ang badge ay may parehong awtoridad tulad ng lider!"Ang may hawak ng badge ang magiging acting head!""Ang mga hindi susunod ay ituturing na mga traydor, at dapat silang patayin agad!"“Huh?!”Ang mga bisita ay napahinto, naguguluhan.Bilang pinuno ng Law Enforcement Hall, hindi kailanman lalabag si Kaysen sa mga patakaran ng Heaven’s Gate…At gayunpaman, sinabi ni Calvin na maaari niyang balewalain ang badge basta't humingi siya ng tawad sa mga ninuno ng Heaven’s Gate. Sa huli, nag-iimbento lang siya ng dahilan para sa sarili niya.Sa mga sandaling ito, nagsisimula nang magtanong ang buong tao kay Calvin.“Mukhang walang silbi ang iyong trick."Luluhod ka ba kapag inilabas ko na ang badge?""Kung hindi mo gagawin, malamang na papatayin ka ng Law Enforcement Hall sa kinatatayuan mo dahil sa pagsuway, di ba?"Mukhang kalmado si Harvey. Hindi siya nagmamadali na ipakita ang badge sa nga
Pumasok nang may paggalang ang Dakilang Tagapangalaga at ang iba pa niyang mga nasasakupan. Agad silang tumayo sa tabi ni Harvey, nakatupi ang kanilang mga braso.“Ang mga tagapagtanggol ay hindi kailanman kakampi sa isang kasuklam-suklam na tao tulad niya!"Kami ang may pananagutan sa pagprotekta sa buong Heaven’s Gate, at hindi lang sa ilang mga random na tao!" ang Great Protector ay sumigaw. “Dahil nandito ka upang ipaglaban ang katarungan, tiyak na susuportahan ka ng mga tagapagtanggol!”"Ang Law Enforcement Hall ay palaging patas at makatarungan!" dagdag ni Kaysen nang malamig."Ang paggamit ng pangalan ng Law Enforcement Hall nang walang pahintulot upang takutin ang mga tao ay magkakaroon ng malubhang kahihinatnan!""Ang mga testimonya nina Ricky at Devon ay naitala na sa Imperial Prison!" Sigaw ni Ridge. “Ayon sa batas, lahat ng ebidensyang nakuha namin ay wasto!”‘Ano?!’Matapos makita ang tatlong kilalang tao ng Heaven’s Gate na nakatayo kasama si Harvey, na parang isan