”Imposible ito. Paano ito naging posible?!”“Ano ang katayuan ni Representative Luke? Bakit siya luluhod sa entrance ng Walker Corporation?”“Binali ni Harvey ang isa sa braso niya! Ang hindi niya pagpapadala ng kahit anong mga legal letter ay maikukunsiderang biyaya! Sinasabi mo sa akin na siya ay nakaluhod sa entrance ng kumpanya natin? Niloloko mo ba ako?”“Receptionist, siguro ay mali ang narinig mo. Sinabi ba ni Representative Luke na si Harvey ay luluhod sa gate ng kumpanya at humingi ng tawad sa kanya?”Ang mga executive at mga shareholder ay natahimik ng ang receptionist ay pumasok para sabihin ang balita. Isang segundo pa, sila ay nagkagullo at nagsimulang magusap.Si Justin ay may reaksyon agad. Siguro ang receptionist ay masyadong balisa, kaya mali ang sinabi niya..Ang mata ng lahat ay nasa kanya habang naghihintay siya na magpaliwanag.Ang receptionist ay masyadong balisa na paiyak na siya. Nautal siya, “Hindi lang si Representative Luke ang nandito, pero meron din
Hindi pinansin ni Harvey si Ronald. Sa halip, tumingin siya ng walang pakialam na tingin sa magandang babae na nakaupo sa gitna.Si May Lee, ang representative ng Star Chaebol sa Far Eastern region.“Ah! Ikaw pala, Representative Lee. Pasensya na sa hindi pagbati sayo ng maayos!”Malinaw, kilala ni Justin si May Lee. mahinhin niyang binati siya ng may ngiti sa kanyang mukha.Ang mga core executive ng grupo katabi niya ay humakbang paharap para batiin siya.Nakilala nilang lahat si May Lee.Ang representative ng great Country H ay tinanggal nakaraang buwan.Ang siyang pumalit sa kanya ay si May Lee, ang representative ng Far East region.Para gawing simple, ang kapangyarihan ni May Lee sa loob ng StarChaebolay mas hhigit pa kay Peter Lee.Ang kanyang katayuan din ay ilang beses na mas mataas kay Peter Lee.Ang ganitong klaseng kilalang tao ay lumitaw sa maliit na lugar tulad ng Walker Corporation. Kahit si Justin ay medyo nnatuwa.Isang tabi na ang kanyang pagtataka at tuwa,
Sa ilalim ng takot na mga tingin ni Ronald at iba pa, si Luke ay makikitang nakahiga sa sahig, nahihirapan. Yumuko siya kay Kait.“CEO Walker, pakiusap patawarin mo ang aking kamuangan!”“Lahat ng pagkakamali ngayon ay kasalanan ko!”“Pakiusap pakawalan mo ako!”Bang, bang, bang! Ang noo ni Luke ay namamaga. Ang kanyang gwapong mukha ay balot ng dugo, pero hindi siya naglakas loob na punasan ito.Pinanood ni May ang kanyang mga kilos, hindi apektado. Humarap siya kay Kait at pinaliwanag, “Si Luke ay collateral na miyembro na pamilya Lee. Siya ay mapagkakatiwalaan ko.”“Kaya hinayaan ko siya na maging representative ng Mordu.”“Ang orihinal na intensyon ay ang hayaan siya na maging magandang partner at panatiliin ang magandang reputasyon at mga interes ng Star Chaebol.”“Hindi ko maisip na siya ay talagang maglalakas loob na ihalo ang negosyo kasama ang katuwaan at gamitin ang kanyang kapangyarihan para matupad ang kanyang mga kagustuhan.”“Hindi lang niya inabuso gamit ang pan
Hindi pinansin ni Kait si Justin. Sa halip, siya ay walang malay na tumingin kay Harvey.Kahit na hindi niya alam ang nangyari, alam niya na ang pagdala ni May kay Justin dito para humingi ng tawad ay may kinalaman kay Harvey.Kung kaya, tanging si Harvey lang ang makakapagdesisyon sa bagay na ito.“Okay, tumigil ka sa pagmakaawa. Magbabayad ka ba kung masisira ang sahig?”Tanging matapos yumuko niLuke ng isang daang beses saka lang humakbang paharap si Harvey. Yumuko pababa at nakangiting tumingin kay Luke. “Natatandaan mo ba ang sinabi ko sayo nitong umaga?”“Ano ang sinabi ko?”Nagwalang nanginig ang talukap ng mata ni Luke. Nagmadali niyang sinabi, “Pumunta ka kasama ang attorney contract ng alas dos ng hapon…”“Nasaan na ang kontrata?” Ngumiti si Harvey at sinabi.“Ang kontrata ay hindi pa handa.” Umiyak si Luke, “CEO York, mali ako! Alam ko na ang pagkakamali ko ngayon!”“Pakiusap bigyan mo ako ng pagkakataon!”Tumayo si Harvey at walang pakialam na sinabi, “Bibigyan ki
Bago pa makapagsalita ang kahit na sino, nagsalita na kaagad si Luke. "Si Ronald John!" "Tinawagan niya ako kaninang hapon, sinabihan niya ako na pagsamantalahan ko si CEO Walker!" "Sinabi niya rin sa'kin na hindi na magtatagal si CEO Walker sa posisyon niya. Kung wala sa kanya ang power of attorney ng Star Chaebol sa Mordu, mapapalayas siya sa kumpanya!" "Kapag ginamit ko to sa kanya, magagawa ko ang kahit na anong gusto ko sa kanya!" "Hindi talaga ako padalos-dalos, pero pinipilit ako ni Ronald. Sinabi niya sa'kin na virgin pa si CEO Walker at biyaya raw para sa'kin na makuha siya!" "Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya…" Patuloy na inuntog ni Luke ang ulo niya sa lapag habang nagsasalita siya. "CEO York, CEO Walker, isa akong basura! Nararapat lang sa'kin ang mangyayari sa'kin!" "Pero hindi niyo pwedeng pabayaan na lang ang pinagmulan nito!" Pagkatapos marinig ang mga salita ni Luke, tusong ngumiti si Harvey. Nagbago rin ang ekspresyon ni Kait. Pero bago siy
Naningkit ang mga mata ni Harvey habang tinitigan niya nang maigi si Justin na para bang ito ang unang beses niyang makita si Justin. Hindi kailangang mag-isip ni Harvey para malaman na ang nagsagawa ng lahat ng ito ay walang iba kundi si Justin o si Angelina. Sapat na ang pagpatay ni Justin kay Ronald para matukoy ang katotohanan. Kahit na ganoon, namangha talaga si Harvey sa kawalan ng awa ni Justin. Talagang napakataas ng ambisyon niya! Hindi man lang makahanap si Harvey ng kahit isang pagkakamali sa kinikilos ni Justin. Lalo na't maiintindihan ng lahat ang pagpatay ng isang mapagmahal na ama sa salarin pagkatapos niyang malaman ang totoo. Tumulo ang pawis mula sa likod ni Luke nang nakita niya ang buong eksena. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit sinabi ni May na si Harvey ang nagmamay-ari ng buhay niya. Kung hindi dahil sa kabutihan ni Harvey, matutulad siya kay Ronald. Isa isang laro sa pagitan ng dalawang makakapangyarihang personalidad, ang mga taong ka
"Anong ibig mong sabihin?!" Dumilim ang mukha ni Justin; masama ang kutob niya sa sitwasyon. Kalmadong sumagot si Harvey, "Mukhang nakalimutan mo na ang tungkol sa pustahan natin dahil masyado kang maraming ginagawa.""May dahilan ako para ipaalala yun sa'yo." "Ayon sa pustahan natin, kapag nakuha ni Kait ang power of attorney ng Star Chaebol sa Mordu…" "Kailangan mong bumaba sa posisyon mo." "Oo nga pala, Chairman Walker… oh, di na pala tama na tawagin kang ganun." "Tama, Mr. Walker. Mabuti na lang at matalas ang memorya ko at napaalala ko to sa'yo." "Kung hindi, baka nawala na ang reputasyon mo sa mundo ng business!" "Lalo na't ikaw ang umaaying sa posisyon ng branch leader ng Longmen branch ng Mordu." "Hindi pwedeng mawala ang tiwala ng lahat sayo ngayong nasa tuktok ka na nang pag-akyat sa posisyon, tama?" Nagulat ang mga taong naroon nang marinig nila ang mga salita ni Harvey. Tinakpan ng ilang magagandang higher ups ang mga labi nila, halatang hindi sila m
Bago pa makapagsalita si Harvey, nagsalita na si Kait. May pag-aalinlangan sa boses niya. "Harvey, kakagising lang ng ama ko sa ospital. Pagkatapos niyang magising, sinabi niya sa'kin na pumunta sa Walker family's residence bukas." "Ang sabi niya ipapaliwanag niya ang lahat sa'kin sa harapan ng buong pamilya." "Kaya sa tingin ko…" "Hindi ka dapat pumunta bukas." "Lalo na't isa itong family scandal." Para bang nadurog ang puso ni Kait. Napahinto si Harvey, pagkatapos ay may napagtanto siya. Malamang ay matagal nang alam ni Kait ang katotohanan at ayaw niyang malaman ito ni Harvey. Nakasalalay dito ang huling patak ng dignidad niya. Base sa personalidad ni Kait, hindi niya matatanggap kung malalaman ni Harvey ang katotohanan tungkol sa sitwasyon. Tumango si Harvey nang hindi nagdadalawang-isip. "Sige, ikaw na lang ang pumunta. Hahayaan ko si Brennan na sumama sa'yo. Kung may mangyaring problema, tawagan mo ko kaagad sa lalong madaling panahon." "Sige." Tumango s
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”