Naintindihan na rin ni Xynthia kung bakit siya pinapahirapan ni Seth. Nagngitngit ang ngipin niya at sumagot, "Hindi ko gagawin ang kahit ano sa mga bagay na iyon! At saka wala namang kinalaman sa'kin ang aksidenteng ito sa simula pa lang!" Pak! Sinampal ulit ni Seth ang mukha ni Xynthia. "Meron kang kinalaman kapag sinabi kong meron!" "Isa ka lang hindi sikat na aktres! Paano ka nakakapagsalita sa'kin tungkol sa lohika?!" Malamig na tumawa si Seth. Isa siya sa pinakamalaking real estate tycoons sa Mordu na may daan-daang milyong dolyar na halaga ng assets. Maganda rin ang relasyon niya sa Holt family. Kung gugustuhin niya, pwede niyang ikama ang kahit na sinong aktres sa entertainment industry. Ngunit isang supporting character ang nagtangkang labanan siya. "Sige! Dahil ayaw mong pumili, ako ang pipili para sa'yo!" Hinablot ni Seth ang buhok ni Xynthia at kinaladkad siya papunta sa isang kwarto sa tabi. "Pagsisilbihan mo ko nang maayos. Pagkatapos, luluhod ka sa h
"Hindi ganun ang nangyari!""Malas lang talaga si Stacy!" "Gustong ipasa ni Director Miller ang sisi, at napakawala sa katwiran ni CEO Keaton! Kaya binuhos nila ang lahat ng galit nila kay Xynthia!" "Hindi talaga tao si CEO Keaton! Sa umpisa pa lang ay may binabalak siya kay Xynthia!" Hindi nakapagtimpi ang mga babae at mabilis na ipinaliwanag ang lahat kay Harvey. Sinabi rin nila kay Harvey na muntik nang pagsamantalahan ni Seth si Xynthia. Kung hindi lang sa matibay na karakter ni Xynthia, mas malala pa ang kauuwian niya. Noong una ay galit na galit si Harvey, pero pagkatapos ng ilang sandali ay napakalma niya ang sarili niya. Mabilis niyang naintindihan na ang buong insidente ay nangyari laban kay Xynthia. Parte siguro ng plano ang masaktan si Stacy at ang pagkabayolente ni Seth. Kahit na sino pa ang nagplano nitong lahat, kailangan pa ring maparusahan nina Seth at lahat ng mga taong kaugnay dito sa mga nagawa nila. Bago makapagsalita si Harvey, tinitigan nang m
Bumukas ang mga pinto ng kotse at lumabas ang ilang dosenang inspector na nakauniporme. Sinubukan silang pigilan ng ilang mga security guard na nasa paligid, pero sinipa sila ng inspector na namumuno sa grupo. Pagkatapos ay nagmartsa sila papunta sa infirmary sa isang diretsong pila. Sumaludo sa harapan mismo ni Harvey ang inspector na namumuno sa grupo. "Sir York! Ako si Jay Bourne, kapitan ng Mordu Police Station mula sa Hengdian district. Tinawagan na ako na Ms. Lynch noon." "Ibigay niyo sa'min ang mga utos niyo!" "Sisiguraduhin namin na gagawin namin ang lahat ayon sa utos mo!" Bahagyang nanginig ang staff pagkatapos makitang lumitaw ang mga armadong inspector. Wala na roon ang kayabangan niya. Hindi niya inasahan na talagang lilitaw ang mga pulis mula sa Hengdian district nang dahil lang sa tawag ni Harvey. "Nawawala ang Apple phone ni Xynthia, Hermes bag, Cartier na relo, mga singsing, pera… at marami pang iba." Kanina, tinanong na ni Harvey ang mga babae tungko
Napakamapagmataas ni Fred. Hindi lang siya isang director, nagmula rin siya sa Hong Kong. Madalas, may hawak siyang awtoridad sa Country H. Kahit ang mga pulis ay hindi magtatangkang hawakan siya. Dahil dito, kampante siya na kaya niyang tapakan ang mga taong nakatayo sa harapan niya. "Ikaw ang director?" Kalmadong tanong ni Harvey. "Tama, ako nga! Sino ka…" Pak! Bago pa matapos magsalita si Fred, lumapit na si Harvey at sinampal siya nang malakas. Sa isang simpleng sampal, namaga na kaagad ang mukha ni Fred. Napahinto si Fred, pagkatapos ay sumigaw sa sakit. Tinakpan niya ang mukha niya at sumigaw, "G*go ka! Ang lakas ng loob mong saktan ako!" "Hindi mo ba alam kung ano ang kamatayan?!" Nanggagalaiti ang mga tao sa likuran niya. "Alam mo ba kung anong lugar to, bata?! Ang lakas ng loob mong manakit ng iba rito!" "Sa tingin mo hindi ka namin kayang tapusin?!" "Maharlika si Director Miller, pero nagtangka lang saktan siya? Tapos ka na!" Tumalon sa galit ang m
Napahinto si Fred. Nagngitngit ang ngipin niya at mabilis na tumawag. Pagkatapos ng sampung minuto, narinig ang tunog ng mga takong mula sa pintuan. Isang magandang babaeng may nakakahalinang katawan at magandang makeup ang pumasok, kasama niya ang mga bodyguards niya. Pumasok ang babae suot ang kanyang mga takong, malamig at kampante. "Fred, narinig ko na mayroong mangmang na lalaking nagdala ng problema sa Hengdian World Studios." "Wag kang mag-alala, makukuha mo ang hustisya. Sinabihan ako ni Young Master Flynn na mamagitan sa bagay na ito." "Gusto kong makita kung sino sa Mordu ang may tapang na banggain si Young Master Flynn!" Ang nakakahalinang babae ay walang iba kundi ang Black Widow, si Faye Goddard mismo. Hindi inasahan ng lahat na lilitaw siya sa Mordu pagkatapos niyang mapalayas mula sa Buckwood, at nagtatrabaho pa rin pala para kay Matthew, ang lalaking namumuno sa Four Masters ng Mordu. Naghalukipkip siya at naglakad papunta sa gitna ng kwarto. Lumapag ang t
Walang-bahalang lumapit si Harvey at tinapik nang mahina si Faye sa mukha. Kalmado siyang nagtanong, “Ikaw pala ang tumutulong kay Fred?” “O-Oo… Hindi…”Pak! Hinampas nang malakas ni Harvey ang kanyang kamay sa mukha ni Faye at sumigaw, “Lakasan mo! Hindi ka ba kumain?”“Hindi!”Nanginig si Faye nang mahimasmasan siya. Lumuhod siya sa sahig, takot na takot.“Sir York, wala akong kaugnayan sa lalaking ito!”‘Sir York?!’Nagulantang ang madla nang marinig nila kung paano niya tinawag si Harvey.Walang nag-akalang ang isang matapang at mapagmataas na babaeng tulad ni Faye ay talagang luluhod sa harapan ni Harvey, at tatawagin pa itong Prince York!Anong nangyayari dito?!“Talaga?” “Ano palang ginagawa mo dito?” nagtanong ulit si Harvey. “Nandito ako upang batiin ka mismo, Sir York. Kung wala ka nang tanong, aalis na ako… aalis na ako…!”Hiniling ni Faye na sana hindi na lang siya nagpunta dito. Pinalipad ng lalaking ito si Matthew sa isang sipa lang. Syempre wala lang
Pak, pak, pak! Walang awa si Larry. Hinampas niya nang malakas ang mukha ni Fred, sinampal ito nang mahigit isang dosenang beses. Ang bawat sampal niya ay punong-puno ng lakas. Tuwing tinatamaan si Fred, napapasigaw siya sa sakit.Pinanood ni Harvey ang lahat nang naniningkit, hindi nagsasalita. Nagtaka siya.Patuloy na sinampal ni Larry si Fred habang nagsasalita. “Hindi naman malaking bagay na may mga taong nagpupunta dito para gumawa ng gulo.” “Ang problema ay masyado kang walang kwenta! Hindi mo lang hinayaang magwala ang mga tao, pinapasok mo pa dito ang mga walang kwentang tao! Tingin mo ba hindi ako mahihiya?!”Natural, may ibang iniinsulto si Larry. Hindi mapigilan ni Jay na magsalita, “Ikaw…” Kinumpas ni Harvey ang kanyang kamay, sinenyasan si Jay na manahimik. Gusto niyang makita ang gagawin ni Larry. “At ilang beses ko na bang sinabi sa’yo?! Hangga’t maaari layuan mo ang babaeng ‘yan!” “Isa lang siyang babaeng sumsama sa maraming tao! Pwede siyang magyabang ka
“Tama, tinamaan si Xynthia. Pero hindi man lang siya napuruhan nang sobra. Mababaw na sugat lang ‘yun, hindi man lang niya kailangang magpunta ng ospital.”“Medyo marahas si Seth, pero makatwiran naman ang damdamin niya. Sinusubukan lang niyang kumuha ng hustisya para sa asawa niya.”“Atsaka, wala pang malay si Stacy ngayon. Hindi tama para sa’yo na gumamit ng karahasan para lutasin ang problema mo!” “At para naman sa katotohanan, naunawaan ko na ang buong sitwasyon. Isa lang itong aksidente na wala sa ating gustong makakita.” “Kaya bata, bibigyan kita ng respeto ngayon.” “Kailangan mong palagpasin na lang ito para magkasundo pa tayo sa hinaharap, ano?” “Nauunawaan mo ba ang sinasabi ko?”Hindi pa rin matukoy ni Larry ang tunay na pagkatao ni Harvey, kaya nagpapakita siya ng paggalang imbes na dayhas.Ayos lang sa kanyang magbayad kahit paano upang maayos ang gusto na ito kung papayag si Harvey na hayaan na lang ito.Higit sa lahat, nadamay na ang mga pulis. Kapag lumala a
Sa kabila ng kalmado niyang ekspresyon, si Harvey York ay nagpakita ng mapanganib na aura paglabas niya.Miserable ang itsura ni Derek Lowe at ng iba pang mga disipulo, kumikibot ang kanilang mga mata.Si Alani Carlson at Shinsuke Yamamoto ay nakatingin kay Harvey ng nakasimangot.Natural, hindi nila alam ang mga kakayahan ng lalaking kadarating lang.“Tch tch tch…”Agad na natauhan si Derek bago siya nagpakita ng nahihiyang ngisi.“Ano? Nandito ka rin ba para kunin ang katawan ni Quill Gibson?“Mukhang marami pala talaga siyang mga koneksyon sa Golden Sands!“Gayunpaman, nakalimutan ba ng lahat na ganun lang siya kapambihira dahil sa suporta ng Heaven’s Gate?“Sayang naman! Dapat alamin niyo kung sino ang mga taong binangga niya!“Gayunpaman, dapat kang lumuhod ngayong nandito ka na!“Kanina pa kami nakaupo dito! Kahit paano kailangan naming magpakita ng resulta, hindi ba?“Lumuhod ka!”Tumatawa ng masama ang ibang mga disipulo. Ang ilan ay pinapaikot ang kanilang mga rep
Kasinlamig ng yelo ang ekspresyon ni Derek Love.Bilang kapitan ng Heaven’s Gate law enforcement at bahagi ng Lowe family, isa siyang eksperto sa armas.Mukhang matibay ang mga guwardiyang Islander pero kulang sa karanasan sa pakikipaglaban dahil mula sila sa Way of Water.Sa sandaling iyon, madali silang natakot sa lakas ni Derek.“Bitawan niyo ang mga armas niyo.Pumunta si Shinsuke Yamamoto sa harapan ni Alani Carlson.“Kapag patuloy mo kaming hinamon, ipapaintindi ko sa’yo kung anong ibig-sabihin ng pagkakaroon ng Bushido Spirit!"Dapat mong malaman na kailangan naming wakasan ang mga buhay namin kung hindi namin mapapanatiling ligtas ang kamahalan!"Dahil dito, mas gugustuhin naming mamatay na lang sa pakikipaglaban sa inyo!"“Bushido Spirit?Mabangis na tumawa si Derek."Dapat pala pinatay niyo na ang mga sarili niyo pagkatapos niyong matalo sa Second World War noon!“Lumuhod ka! Wag niyong sayangin ang oras ko!”Ikinaway ni Derek ang kamay niya bago muling may humil
“Oh? Mukhang balak mo kong hiwain gamit ng mahabang espadang yan!”Namumuhi ang kalbong lalaki matapos makita ang mga ginawa ni Alani Carlson.“Halika! Narinig ko na ang tungkol sa Six Schools of Martial Arts!"Saan ka kaya nanggaling?!“Ang Shinkage Way? Ang Nen Way? Ang Shindan Way?“Kikilalanin kita kung kaya mo talaga akong pabagsakin!"Pero kung hindi, kailangan mong sundin ang mga utos ko ngayong gabi!”Ikinumpas ng kalbong lalaki ang espada niya nang biglang sumabog ang aura niya. Hindi siya King of Arms pero kaya niyang lumaban.Tuwang-tuwa ang mga kasama niya matapos makita ang eksena at iniwan siyang mag-isa na labanan si Alani.Maingat na nakatayo sa labas ang mga Islander bodyguard. Nang wala ang utos ni Alani, hindi rin sila mangangahas na kalabitin ang gatilyo ayon sa gusto nila.Natural na ang mapagmataas at makapangyarihang mga Islander ay walang nagawa kundi sumuko sa harap ng tunay na kasamaan.Masama ang itsura ni Alani habang walang tigil na kumibot a
“Kahit na ganun… “Patay na si Quill Gibson!"Ano naman kung galit ka sa kanya?"Kahit hindi naalis ang galit mo sa kanya pagkatapos niyang mamatay, hindi mo pwedeng ipahiya na lang ang katawan niya nang ganito!“Masama na nga na hindi niyo inilibing nang maayos ang katawan niya, nandito ka pa para itaboy kami?!"Hindi man lang sumasalamin sa limang-libong taong sibilisasyon ng bansa ang kinikilos niyo! Nasaan ang kabutihang-asal niyo?!"Isusumbong ko ito sa World Civilization Department! Ipapakita nila sa mundo kung gaano ka hipokrito at hindi sibilisado ang mga tao niyo!”Bahagyang ngumiti si Harvey York."Binanggit niya ang World Civilization Department?"Mukhang napakalaki ng katayuan niya sa Island Nations..."Siya ba talaga ang ampon na anak ni Quill?"Kumunot ang noo ni Rachel Hardy.“Walang duda."Pero, maaari rin siyang isang espiya mula sa Island Nations.”Malalim ang ekspresyong ipinakita ni Harvey nang naningkit siya sa eksena."Ang World Civilization Departm
“Saan ka kumuha ng tapang na subukang kunin ang ulo ni Quill Gibson sa presensya namin?”Pinaikot-ikot ng kalbong lalaki ang espada niya nang may masamang tingin."Hindi mo ba alam na isa itong karumal-dumal na krimen?!"Ninakaw ni Quill ang energy regulation technique ng Lowe family! Nararapat siyang parusahan!"Narito ang ulo niya para gawing halimbawa!“Ang mga taong sumusubok na kunin ito ay maysala rin!“Nag-utos din ang great elder at second elder!"Gaano man kalakas ang mga tao…“Papatayin namin ang sinumang sumubok na sumuway sa mga patakaran!“Kaya nga, binibini! Kahit gaano ka pa kaganda, mas maganda kung lumuhod ka na at hayaan mong paglaruan ka namin bago ka ipadala sa Law Enforcement Hall para tanggapin ang iyong parusa!"Kung hindi, kailangan mong mamatay dito!"Magiging masaklap pa nga ang kamatayan mo!"Sumipol ang kalbo bago nagpakawala ng malamig na tawa.Inilabas ng ibang mga disipulo ang mahahabang espada nila at itinutok ito kay Alani Carlson at sa mga
Ang gusali sa pinakagitna ay may daan-daang taong kasaysayan, ngunit ang buong lugar sa paligid nito ay puno ng mga lubak at putik dahil hindi ito naaalagaan. Isang malaking butas ang nakita sa gitna ng gusali.Isang ulo ang nakabitin sa ilalim nito.Nagpadala pa ang Heaven’s Gate ng grupo ng mga disipulo para bantayan ang lugar.Natural, ayaw nilang magkaroon ng pagkakataon ang Gibson family o ang mga taong sangkot dito na makuha ang ulo.Kakila-kilabot ang itsura ni Harvey York. Sa mismong sandaling iyon, nag-aalab ang apoy sa kanyang mga mata.Ikinumpas niya ang kamay niya nang hahakbang na sana siya kasama nina Rachel Hardy at ang iba pa.Ngunit pagkatapos, lumitaw ang isang magandang pigura.Mayroon din siyang ere ng pagmamalaki.Natigilan si Harvey nang makita niya ang babae.Napakaganda ng babae para maituring na tao. Para siyang isang diwata.“Sino siya?” Sabi ni Harvey nang nakakunot ang noo.Sandaling tumingin si Rachel sa laptop niya bago sumagot, “Kung tama ako
“Kasal?”Kalmado pa rin ang ekspresyon ni Harvey York.“Kanino?”"Kay Calvin Lowe, ang young master ng Lowe family..."At si Emory Bowie ng Bowie family."Tapos, kumunot ang noo ni Harvey."Kilala ko ba ang mga taong ito?"“Hindi si Emory, pero baka naaalala mo si Calvin."Noong lumaban ka kay Sword Saint Shinosuke sa Hong Kong, nandoon din siya…”Napaisip si Harvey bago ito naalala sa wakas.May ilang mga disipulo mula sa ibang sacred martial arts training grounds noon.Medyo mababa ang tingin ng mga taong iyon kay Harvey. Isa si Calvin sa kanila.Naglabas ang isang disipulo ng isa pang laptop na may mga larawan para makita ni Harvey.Sumilip sandali si Harvey bago pumikit.Napakaraming bagay pa ang hindi niya nalalaman. Hindi pa niya sigurado kung sino ang hahabulin niya.Ngunit nang walang pag-aalinlangan, tiyak na hindi magiging masaya ang pagpunta niya sa Heaven's Gate.Makalipas ang tatlong oras, dumating ang sasakyan sa harap mismo ng headquarters ng Heaven's Ga
“Hindi ganun kasimple ang lahat, Sir York.“Nagpakita ng sapat na ebidensya ang Lowe family at ang Bowie family para patunayan ito. “May ilang elder sa elder group ng Heaven's Gate, pero itinuring na itong sarado para sa Lowe family at Bowie family…”“Paano naman ang head?” tanong ni Harvey York. “Hindi ba hinahawakan ng head ang sitwasyon?”Huminto sandali si Rachel Hardy. “Ikinulong ng head ng Heaven's Gate ang sarili niya ilang taon ang nakaraan para subukang makalampas sa limitasyon niya. “Kung kaya't ang elder group ang may hawak sa karamihan ng mga usapin. “Ikaw na lang ang natitirang head…”Bahagyang tumango si Harvey. Bigla niyang napagtantong ang badge niya siguro ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkaganito si Quill. Voom voom voom!Umugong ulit ang phone ni Rachel. Mabilis niyang sinagot ang tawag bago namutla ang mukha niya. “Anong nangyari?” Tanong ni Harvey pagkatapos makita ang ekspresyon sa mukha ni Rachel. Huminga nang malalim si Rachel. “Ngayo
Sa sumunod na araw. Isang Toyota Prado ang umandar papunta sa Heaven's Gate headquarters. Sa upuan sa harapan, nakatingin si Harvey York sa tanawin sa labas nang may kalmadong ekspresyon. “Mapanganib na pumunta sa Heaven's Gate headquarters, Sir York. Talaga bang hindi tayo kukuha ng backup?” tanong ni Rachel Hardy ibang nagmamaneho. Noon, si Rachel ang top disciple ng Longmen branch leader ng Mordu na si Oliver Bauer, at ang top expert ng sangay. Mas lalo siyang lumakas pagkatapos nang mahabang panahong pagsasanay sa Flutwell. Sayang lang at hindi gustong makipag-usap ni Harvey. Sa mga panuto niya, tiyak na mas tataas pa ang mararating ni Rachel. “Pupunta tayo sa Heaven's Gate headquarters. Isa itong sa sacred martial arts training grounds. “Kapag inutusan nating umikot ang mga tao ng Longmen, tayo ang gumagawa ng gulo. “Ang mas mahalaga pa roon, teritoryo nila ito. “Walang magbabago kung nagdala tayo ng backup. “Aalamin natin ang katotohanan, hindi gagawa ng probl