Sumimangot si Mandy Zimmer ng marinig niya ang sinabi ni Quinn Zimmer. Pagkatapos ay malamig na sinagot, “Sila Matthew Flynn, Quinton York, at Peter Lee ay sinabi na din ang mga yan. Anong nangyari pagkatapos?” Natawa si Quinn. “Mandy, sa tingin mo ba ay talagang maabilidad at pasensyoso ang pipitsugin mong asawa? “Hinalughog na ni Prince Jean ang pagkatao niya! “Sila Sheldon Xavier at Yoel Graham ay pinoprotektahan lang siya dahil kay Yvonne Xavier! “Pinagtanggol lang siya ni Oskar Armstrong dahil sa may utang na loob ito sa kanya!“At para naman sa master ng Longmen na kumampi sa kanya, nagkataon lang ng bagay na iyon!“Kung pag-uusapan natin ang tunay na lakas, matagal na siyang naudrog ng apat na top families ng Hong Kong at Star Chaebol! “Alam niya nga kung paano makipaglaban, ngunit paano naman magkakaroon ng silbi ito sa panahon ngayon?“Pinagmulan, koneksyon, kapangyarihan, kayamanan, at awtoridad ay kinakailangan sa mundong ito. Pwede ka lang maging mandirigma
Pagkatapos tignan si May Lee, sinenyasan ni Harvey York ang babae sa front desk na umalis. "Magsalita ka. Maganda kung gusto kong marinig ang sasabihin mo. Kung hindi, hindi mo na kailangang umalis ng South Light." Tinignan ni Harvey ang Rolex na relo sa kanyang braso. Halos dalawang oras na lang ang oras na binigay niya sa Star Chaebol. Huminga nang malalim si May nang walang intensyon na magsabi ng kalokohan. Malakas siyang nagsabi, "Prince York, ang pangalan ko ay May Lee, isa sa mga tigapagmana ng Star Chaebol. Ang lalaking nagpasama ng loob mo, si Peter Lee, ay isa lamang malayong kamag-anak." Malarong sumagot si Harvey, "Kung ganun, gagantihan ako ng amo pagkatapos kong bugbugin ang aso niya?" "Hindi ko gagawin yun! Walang kaalam-alam ang Star Chaebol sa kahit na anong ginawa ni Peter. Iyon ang dahilan kung bakit niya kami patuloy na niloloko. Nagpunta ako rito kaagad para mamagitan pagkatapos kong matanggap ang balita ngayong araw kasabay ng pagbibigay sa'yo ng isang p
Nahirapang magdesisyon si May Lee pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey York. Kahit na pera lang ito mula sa Country H, ang malaking bahagi ng pera ay halos kalahati na ng assets ng Star Chaebol. Kapag ibinigay nila ang kalahati ng assets ng Star Chaebol sa Country H, ibig sabihin nito ay mawawalan sila ng isang-kapat ng kanilang assets! Malinaw na hindi lang humihingi ng malaking presyo si Harvey. Gusto niyang magdusa ang Star Chaebol, at gusto niya ring maging mas mahirap ang buhay nila sa Country H. "Pangatlo, ako na ang pipili ng representative ng Star Chaebol sa Country H mula ngayon. "Ikaw ang pipiliin kong representative, at ikaw ang hahawak sa isang bagay para sa'kin." Kalmadong nagpatuloy si Harvey sa kanyang pahayag. "Kapag nagawa mo ang tatlong kondisyon na'to, magpapanggap ako nawalang nangyari sa pagitan natin noon. "At kung hindi, may dalawa pang oras para makaalis ka rito. At kung hindi ka aalis dito at hihintayin mo akong kumilos, hindi lang kita b
Hindi interesado si Harvey York sa pera. Pero napagtanto niya sa bahay na ito na hindi aayon sa kagustuhan niya ang lahat kung tanging ang pagkatao niya bilang si Prince York ang sasandalan niya. May ideya si Harvey kung paano lalabanan ang branch ng Longmen sa Mordu. Iyon ang dahilan kung bakit niya pinagmukhang mas importante ang kanyang pagkatao bilang si Prince York. Talagang palaging nanggugulo ang Star Chaebol, pero magiging interesante kung gagamitin ito ni Harvey laban sa Island Nation at Amerika sa hinaharap. Walang pakialam si Harvey kung papayag ang Star Chaebol sa mga kondisyon niya o hindi. Iyon ay dahil wala silang ibang magagawa. Sa sandaling natalo ang top Taekwondo professional na si Wallace Park, nasira na ang pundasyon nila. At ganoon pa rin ang paningin ng Country J, napakayabang nila kahit na binigyan na sila ng pagkakataon. Pero sa sandaling nasira ang tapang nila, magiging kasing mapagkumbaba sila na parang mga alalay! Ibigay ang kalahati ng a
"Prince York, hindi mo babasahin ang nilalaman nito?" Naguluhan si May Lee. "Hindi ka ba nag-aalala na may gawin kaming masama sa'yo?" Kalmadong sumagot si Harvey York, "Ang tatlompung porsyento ng assets ng Star Chaebol ay nagkakahalaga lang ng ninety-three billion dollars. Isa lang tong numero para sa'kin, at hindi ako masyadong maaapektuhan nito. "Pero naiiba ito para sa'yo. Kung wala ang tatlompung porsyentong share at ang suporta ko, hindi titibay ang posisyon mo bilang representative ng far east. "Iyon ang dahilan kung bakit mas umaasa ka kaysa sa'kin sa pagtatagumpay ng bagay na ito. Malaman ay binasa mo ito nang paulit-ulit bago mo ito ipinasa sa'kin. "Lalo na't kapag niloko mo ako, nangangahulugan ito na niloko mo rin ang sarili mo. "Mawawalan lang ako ng pera, pero sa'yo, mawawala ang buhay mo. Mali ba ako?" Nagpakita ng isang tusong ekspresyon si Harvey sa sandaling iyon. Kumibot ang mga mata ni May. Pagkatapos ay magalang siyang sumagot, "Wag kayong mag-al
Nakaumbok ang mga baywang ng mga lalaki. Mukhang mayroong kung anong klase ng baril na nakatago rito. Lumabas ang malamig na paghinga mula sa kanilang bibig sa tuwing hihinga sila. Nakikita sa kanilang mga mata ang malalamig na titig. Lumitaw si Handel pagkatapos ng isang sandali. Hindi nagtagal ay lumitaw si Michelle at tumayo sa isang tabi. Tumawa lang si Harvey York pagkatapos makita ang dalawang taong naroon. "Akala ko may kasunduan na tayo, Tita. Anong ibig sabihin nito?" Bahagyang ngumiti si Michelle kay Harvey. "Harvey York, hindi ko ginustong pahirapan ka. Si Master Thompson ang nakaalam na may umaagaw sa babae niya. Isa rin siyang napakamapagmataas na lalaki. "Iyon ang dahilan kung bakit siya nagpadala ng ilang tao para tignan kung anong laban ng kanyang karibal sa pag-ibig."Isa lang akong sibilyan. Hindi mo ko masisisi rito, tama?" Isang malamig na pakiramdam ang bumalot sa paligid pagkatapos magsalita ni Michelle. "Mga tao mula sa Thompson family ng Wol
“Ayos pa ang lahi ng Smith family dahil hinihintay pa ng pinuno ng organisasyon ang ika-labinlima sa susunod na buwan.“Ito ay dahil ang araw na iyon… ang araw na pinatay namin ang pinuno ng organisasyon noong nakaraang dalawampung taon! “Gagamitin niya ang buong Smith family bilang alay sa kanyang pinuno!”“Wala na akong oras!” “Nalalabi na lang ang oras ng Smith family!”“Kaya mabuti pa at huwag mo nang idawit ang sarili mo, Harvey York. Hindi lang sa hindi mo malulutas ang problema, pero makakagulo ka rin!” Ang natirang pinuno ng organisasyon ay si Trisha Cloude. Siya ang pinakamalakas na tao sa organisasyon noon. Matagal na siyang naghihintay sa loob ng dalawampung taon. Walang nakakaalam kung gaano na siyang kalakas. Wala ring nakakaalam kung gaano karami ang nakahanda niya. Laban sa isang grupo ng mamamatay-tao na gagawin ang lahat upang makuha ang gusto nila, ang pera, awtoridad, kapangyarihan, suporta, at koneksyon ay walang kwenta sa kanila. Kung hindi, kahit pa
Natawa si Harvey York.“Kung ang kailangan ko lang gawin ay tumawag ng isang top ten killer para ayusin ang problema, edi kahit ako ay magagawa ‘yun. “Dahil may utang na loob sa akin ang top three killers.“Uutusan ko lang ang isa sa kanilang gawin ito.” Totoo ang sinasabi ni Harvey. Sa Euro-American Battlefield noon, ang bawat malakas na bansa ay gumamit ng malaking pera sa pagkuha sa top ten killers para itumba si Harvey.Ngunit halos kalahati sa kanila ay namatay. Kaunti lamang ang pinaslang ni Harvey sa kanila sa malinaw na dahilan. Hindi pa kinakausap ni Harvey ang kahit isa sa kanila nitong mga nagdaang taon. Ngunit kung kailangan, ang isang simpleng mensahe ay makakapagpauwi sa isa o dalawang killer. “Ikaw?” Natawa si Michelle nang hindi sumasagot pagkatapos marinig ang mga salitang iyon.“Aaminin kong marami kang pera at impluwensya, pero hindi pa rin ako naniniwala sa’yo.“Nang hindi sila tinatawagan. Luluhod ako kapag naibigay mo ang pangalan ng kahit isang k