At sa mga oras na iyon. Ngayon naman ay dinala ni Harvey York si Oskar Armstrong sa kampo militar ng South Light. Kaagad na naghanda si Bellamy Blake ng isang military plane at dinala si Oskar Armstrong sa Central Plains. Nang makaalis si Oskar, napasimangot si Bellamy. “Chief Instructor, kailangan kong akuhin ang responsibilidad na ito!“Ang mga taong ito ay masyadong mayabang dito sa Country H. kailangan kong humanap ng pagkakataon na turuan sila ng leksyon!”Tinignan siya ni Harvey at mahinahon na sinagot, “Hindi mo pwedeng gawin ang mga bagay na ito sa kasalukuyan mong titulo. Baka ang bagay na ito ay maging isang giyera sa pagitan ng dalawang bansa kapag hindi tayo nag-ingat.“Kahit na hindi takot ang Country H sa anumang bansa, ang mga magdudusa naman ay ang mga mamamayan kapag sumabak tayo sa giyera. “Kaya dapat nating iwasan na lumala ang sitwasyon na ito hangga’t maaari…” Pagkatapos ay sumagot si Bellamy, “Pero ang mga Amerikano na ito ay masyadong mayabang!“
Walang magawa si Butler Yates habang nagwawala si Third Master Yates. "Third Master, ayon sa impormasyon na natanggap ko mula sa mga pinagkukunan ko, nasa Central Plains na si Oskar Armstrong. Sa ganitong sitwasyon, wala tayong paraan para maibalik siya!" Huminga nang malalim si Third Master Yates at kumalma. "Pabalikin siya mula sa Central Plains? Napakaraming malalaking tao roon! Sa tingin mo ba tanga ako? "May ideya ba tayo kung sino ang nagpadala kay Oskar palayo?" "Malamang si Harvey York!" sabi ni Butler Yates. "Narinig ko na si Harvey ang mismong nagpasakay kay Oskar sa eroplano!" Clang!Binato ni Third Master Yates ang tasang hawak niya sa lapag, pagkatapos ay galit na sumigaw, "G*go! "Ang g*gong yun! "Hindi niya lang ginawang imbalido ang anak ko, pinadala niya rin sa malayo si Oskar? Gusto ba niyang mamatay?" Pagkatapos ay tahimik na sumagot si Butler Yates, "Third Master, sinuri ko ang pinagmulan ni Harvey York. Isa siyang driver na nagtatrabaho para kay
Sa opisina ng CEO. May inaayos na ilang papeles si Yvonne Xavier nang nakita niya ang tao mula sa front desk na kinakabahang naglalakad papunta sa opisina para mag-ulat sa kanya. "Ms. Xavier, may nagpadala ng invitation." "Hindi rin pangkaraniwan ang nilalaman nito. Kaya tignan niyo!" Saglit na sinilip ni Yvonne ang invitation at kaagad na kumunot ang kanyang noo. Iyon ay dahil ang invitation na iyon ay hindi talaga isang imbitasyon kundi isang pagbabanta. Simple lang ang nilalaman nito. Inuutusan si Prince York na pumunta sa tamang oras sa banquet bukas ng gabi. Hindi nagtagal, pinadala ang imbitasyon sa mesa ni Harvey York. Ngumiti siya habang hawak ang invitation. Medyo nagulat si Yvonne na nasa isang tabi. "CEO, balak mo pa rin bang lumitaw sa tinatawag nilang banquet na to kahit na ganito kasama ang kinikilos ni Third Master Yates?" Kalmadong sumagot si Harvey, "Syempre pupunta ako. Paanong hindi ako pupunta? "Hindi mo ba nakikita rito? Kung pinili kong hin
Sobrang guminhawa ang pakiramdam ni Grandma Yates. Kailan pa ba ang huling beses na naging ganito kadakila ang Yates family? Hindi sila ganito ka-prestihiyoso noon, kahit noong naroon pa si Keith Yates. May kaunting katungkulan lang ang dating Yates family sa gobyerno. Dagdag pa rito, hindi sila tinitingala ng iba pang mga pamilya dahil sa kakulangan nila sa ari-arian. Pero naiiba ang lahat noon. Ngayon, sa suporta ng Yates family mula sa Amerika, lahat ng tao ay susundin sila kahit na anong mangyari. Pinapakita ni Ben Yates ang kanyang pagmamalaki sa kanyang mukha habang sinasalubong ang mga panauhin. Lahat ng mga mayayamang tao mula sa mga malalaking pamilya ay namumuhing nakatingin sa kanya bago nagpakita ng matinding interes. Ang ilang mayayamang dalaga ay kusa pang nag-iwan ng kanilang mga numero, nagpapahiwatig na pwede nilang palalimin ang kanilang pagkakaibigan sa hinaharap. Pakiramdaman ni Ben ay nasa isang panaginip siya. Samantala, si Phoebe Yates ay hinahabo
Sa pagbaha ng mga bisita, hindi nagtagal ay magsisimula na ang evening banquet. Nang nakaupo na nang maayos ang lahat, nakita nila na wala pa ring nakaupo sa main seat. Sa sandaling sumapit ang alas otso, nagtipon-tipon ang lahat ng mga tao mula sa Yates family at sumigaw, "Welcome, Third Master Yates!" Sa sabik ng mga tao, lumabas si Third Master Yates mula sa back hall habang hawak ang kanyang kamay. Nakasuot siya ng berdeng suit. Simple itong tignan, pero ginamitan ito ng ginintuang seda para magburda ng mga dragon rito. Mukha itong mabangis. May matinding aura si Third Master Yates sa sandaling ito. Isa siyang malaking karakter na mayroong mataas na katayuan sa loob ng mahabang panahon. Sa isang kilos o tingin niya lang ay kusa nang mapapatayo ang mga tao. Ang ilang malalaking karakter ay napabuntong-hininga rin nang palihim nang tinignan nila si Third Master Yates. 'Kagaya ng inaasahan kay Third Master Yates. Sa aura at kilos na ganyan, sino ang posibleng maikukumpar
Nanginginig sa galit si Grandma Yates habang galit siyang sumigaw, "Hayop ka! Ano bang alam mo?! Magkapamilya na kami ng Yates family mula Amerika mula sa umpisa! "Subukan mo ulit na siraan ang Yates family mula sa Buckwood. Mag-uutos ako na baliin ang mga binti mo!" Kalmadong sumagot si Harvey York, "Alam na alam mo na kinikilala kayo ng Yates family mula Amerika bilang tao. Kailangan pa ba na ipaalala ko to sa'yo?" Nagulat ang mga tao pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Aaminin nila. Nagsasabi ng totoo ang live-in son-in-law. Wala lang ang Yates family mula sa Buckwood sa harapan ng Yates family mula sa Amerika! Tumayo si Ben Yates at tinuro si Harvey sa sandaling ito, pagkatapos ay malamig na nagsabi, "Harvey York, nagtatangka ka pa rin na lumitaw sa harapan ng pamilya namin? Nararapat ka ba?" Simple siyang tinignan ni Harvey nang kalmado. "Iniisip niyong lahat na isa tong Golden Temple? Isa tong dog pound. Pupunta at aalis ako kahit kailan ko gusto." "Ikaw n
”Luhod!” Walang-bahalang tumawa si Ben Yates habang lumalapit kay Harvey York. Didiinan na niya sana pababa ang balikat ni Harvey para pilitin itong lumuhod. Ngunit paano niya ito magagawang ibaba? “Luhod ngayon na!”Pakiramdam ni Ben pinapahiya niya ang kanyang sarili sa harapan ni Third Master Yates. Gipit na niyang sinusubukang itulak ito pababa.“Croak!”Biglang sinampal ni Harvey ang mukha ni Ben. Tumalsik si Ben. Nangisay ang katawan niya nang bumagsak siya sa sahig.Tumahimik bigla! Sa puntong maririnig mo kapag may nahulog na karayom!Hindi makapaniwala ang lahat sa nakita nila.Gulat na gulat ang lahat lalo na ang Yates family.Anong pagkatao ang mayroon sila ngayon? Anong katayuan bang mayroon sila?‘Ang kapal ng mukha ng basurang Harvey na ‘tong sampalin siya nang ganito?!’“Croak—”Habang nagsusumikap na tumayo si Ben, nakalapit na si Harvey para apakan siya sa leeg.Napahikbi ang lahat nang makita nila ang nangyayari. Pagkatapos, lahat sila ay mukha ri
Kumaway si Third Master Yates sa sandaling ito, pagkatapos ay sumigaw nang seryoso, “Pakawalan niyo na muna siya ngayon. Ang araw na ito ay isang mahalagang araw para sa Yates family. Hindi natin kailangang magmadali.“Kapag naayos na ang kasal sa Chief Instructor, magiging madali na para durugin ang insektong ito pagkatapos!”Nanigas si Grandma Yates at nahihiyang sumagot pagkatapos, “Third Master, napag-isipan mo na ang lahat! Hindi naman na tayo matatagalan bago itumba ang live-in son-in-law na ito!“Ang pagdalaw ng Chief Instructor ang main event ngayong gabi!”“Kapag nagawa nating ipakasal sa pamilya natin ang Chief Instructor, ang Yates family ay tiyak na magiging pinakamalakas na pamilya sa buong South Light!”Nang ganoon na lang, umalis si Harvey habang nakatitig sa kanya ang lahat.Naibalik ni Third Master Yates pagkatapos ang hindi niya natitinag na ekspresyon, at kalmadong nagtanong pagkatapos, “Diba sinabi mo na dadating mamaya ang Chief Instructor? Kailan siya dadati