Naintindihan ng lahat ng mga dumalo sa Enchantment Resort Auction ang lahat. Ang dahilan kung bakit napaka-arogante ni Harvey. Mayroong sumusuporta sa kanya, at ito ay walang iba kundi si Prince York! Kaya pala nagtangka siya na harapin si George III mula sa Morgan Financial Group. Kasabay nito, isa pang haka-haka ang kumalat. Maraming tao ang nagtsismisan tungkol sa pagpo-propose ni Prince York sa asawa ni Harvey na si Mandy, ngunit tinanggihan siya nito. Ngayon na alam na ang balita na nagtatrabaho si Harvey bilang driver ni Prince York, maraming nagsuspetya na pinamigay ni Harvey ang asawa niya sa pintuan ni Prince York para makuha ang trabaho. Kinainisan at kinamuhian ng buong upper social circle si Harvey. Hindi lang siya isang palamunin, pinamigay niya rin ang sarili niyang asawa. Napakawalanghiya! Ang pinakaimportante roon, napakaarogante pa niya at pinagyayabang sa kahit saan ang kapangyarihan na nakuha niya sa ganitong paraan! Natural ay natanggap din ng
Ito ang pinakamainit na balita ngayon sa Buckwood. Simple lang ang nilalaman ng balita, ilang salita lamang ito. Si Mandy Zimmer na ang bagong chairman at CEO ng Regency Enterprise. "Ayon sa ebalwasyon, kasalukuyang nasa seven hundred and seventy-five million dollars ang halaga ng Regency Enterprise. Naniniwala kami na sa ilalim ng gabay ni Mrs. Zimmer, magiging isang billion-dollar corporation ang Regency Enterprise sa loob lang ng maikling panahon. Baka nga maging isang trillion-dollar pa ito!" Pinapakita ang balita sa tv. Nagkatinginan ang Yates family sa isa't-isa. "Paanong nangyari to? Naging chairman ng Regency Enterprise si Mandy?" "Nasa six hundred and twenty-five million dollars ang Regency Enterprise sa merkado! Paanong nagpalit kaagad ang may-ari nito?" "Paano to nagawa ni Mandy? Hindi naman yata tayo nananaginip, di ba?" Halos himatayin ang mga Yates. Ang ilan sa kanila ay sinampal ang kanilang mga sarili. Nang naramdaman lang nila ang sakit ay doon lama
Hindi nagtagal, nagpunta ang buong Yates family sa pintuan ng Regency Enterprise building nang walang kahihiyan. Inaamin nila na maswerte pa rin sina Mandy at ang pamilya niya. Nang makarating sila, nakita nila si Mandy na napapalibutan ng isang grupo ng mga higher-up habang naglakad siya palabas ng building. Sobrang nainggit ang mga Yates sa puntong halos sumuka sila ng dugo sa kinatatayuan nila. Nakaramdam sila ng pagkapahiya at kagustuhan na makapaghiganti. Kailangan nilang pigilan ang inis sa puso nila at nilapitan nila si Mandy habang tinatakpan ang kanilang mga mukha. "Oh, Mandy! Nandito ka na!" "Napakaignorante ko noon. Nagkamali talaga ako ng tingin sa'yo!" "Kasalanan tong lahat ng tita at tito mo. Sinampal ko na sila!" "Mandy! Kung gugustuhin mo, magsasagawa tayo ng press conference at sasabihin sa lahat na ikaw ang pinakapinagmamalaking kamag-anak ng mga Yates!" "Kailangan ka ngayon ng Yates family!" "Kung wala ka, katapusan na ng buong pamilya!" "Tignan
Natawag ng Regency Enterprise ang pansin ng bawat isang media channel sa Buckwood sa araw na iyon. Marami ang naglabas ng kanyang mga phone at camera para kuhanan ng larawan at video ang mga taong nakaluhod sa harapan ng Regency Enterprise building. Sobrang napahiya ang tinaguriang top-rated family, ang mga Yates, sa eksenang ito. Walang habas na pinagaapakan ang kanilang dignidad. Sa sandaling iyon, palihim silang nangako sa mga puso nila na aagawin nila ang lahat ng pera ni Mandy. Kung makakalagpas siya sa pagsubok na ito, ibabato nila ang Mandy na ito sa mga putahan! Kailangang mabayaran ng sampung beses ang kahihiyan na naramdaman nila ngayong araw! Hindi lumuhod si Grandma Yates kagaya ng iba, pero patuloy na namumutla ang kanyang mukha. Sobra siyang napahiya. Nawala na ang dignidad ng buong Yates family. Pero para palambutin ang puso ni Mandy, kailangan nila itong tiisin. Maski ang malamig at manhid na si Mandy ay nagulat sa nakita niya. Sa kanyang mga mata,
Habang nag-aalinlangan si Mandy, biglang umalis ang mga nakakataas sa likuran niya. Lumitaw si Harvey.“Darling, oras na para umuwi tayo mula sa trabaho.”Nanginig sa galit ang Yates family nang makita nila si Harvey.Alam nilang nandito si Harvey para gumawa ng gulo.Masasabing kapag nandito siya, siguradong hindi maganda ang pakay niya.“Mandy, makipag-usap ka sa lola mo. Magkadugo tayo kahit anong mangyari!”“Isa lang siyang live-in son-in-law! Wala siyang kinalaman sa atin.”Gustong hilahin ni Grandma Yates ang damit ni Mandy.Ngunit pinigilan ni Harvey ang babae.Tapos hinawakan niya ang kamay ni Mandy at kalmadong sinabi, “Nakalimutan mo na ba kung paano ka trinato ng mga taong ito? Tingin mo ba talaga may pakialam sila sa pamilya? May pakialam lang sila sa Regency Enterprise na pagmamay-ari mo ngayon.”“Kapag wala kang pera, wala ka sa mata nila.”“Ako ay…”Kinagat ni Mandy ang kanyang labi. Naunawaan niya ang ibig-sabihin ni Harvey, ngunit nagdalawang-isip pa rin
”Kayo…” Pagkatapos mainsulto at malait ng pamilya niya. Namuti ang mukha ni Mandy. Nagsimula siyang gumewang nang bahagya at muntik nang bumagsak sa sahig.Kailan pa siya nainsulto sa ganitong paraan?Tahimik na tumulo ang luha sa kanyang mukha.Tumawa si Finn.“Umiiyak ka? Anong nakakaiyak? Kapag naglakas-loob kang gawin ang ganitong kawalang hiyaan, syempre ipag-iingay namin ito!”“Walang hiya ka!”Gumaan ang pakiramdam ni Finn pagkatapos sabihin ang lahat ng ito.Pagkatapos tinignan niya nang masama si Harvey.‘Anong magagawa sa akin ng isang live-in son-in-law na tulad mo?’Ngunit kasunod nito, huminto si Harvey sa harapan niya ang sinipa siya.Bang!Ang tinaguriang kampeon ng Police Force Fight League, si Finn, ay hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong kumibo. Kaagad na tumalsik si Finn sa sipa ni Harvey.“Pffft!”Tumama si Finn sa isang poste ng telepono at sumuka ng dugo.Ngunit bago pa siya makatayo, nakalapit na si Harvey at inapakan siya sa ulo, tapos ihinam
Sa kabilang banda.Dinala ni Harvey si Mandy at umalis. Maraming bagay silang kailangang asikasuhin kaagad sa Regency Enterprise.Sa kasamaang-palad, naapektuhan ng paglitaw ng Yates family ang timpla ni Mandy. Kaya kinailangang iurong ang lahat sa susunod na araw. Kasinlamig ng yelo ang mukha ni Harvey. Sa paningin niya, tapos na ang Yates family.Kapag dinalaw niya ang mga ito, ibabaon niya ang mga ito sa kasaysayan! …Kasabay nito, sa tahanan ng mga Yates. Nakahiga sa kama si Finn, kumikirot ang mukha niya paminsan-minsan. Ang sama ng mukha niya. Ang lahat ng mga Yates ay nakaupo sa tabi niya. Kumikirot din ang mukha nila.Naisugod na sa ospital si Finn noon. Subalit, walang kahit isang kusing ang pamilya nila. Kaya hindi nila mababayaran ang pagpapagamot kay Finn. Ito ang dahilan kung bakit walang silang ibang magawa kundi ang umuwi na lang sa huli. Tinignan nila si Finn na nagtamo ng malubhang sugat, at pagkatapos sa ancestral house na nakasanla na. Napuno n
”Ang Yates family ng America?” Bulong ni Grandma Yates. Hindi nagtagal, napuno siya ng sigla.“Naaalala ko na. Sinabi dati ng asawa ko, nagpunta ng America ang tito niya para palawakin ang pamilya. Naging maganda ito para sa kanya, at nagkaroon siya ng assets na isang bilyong dolyar ang halaga sa America!”“Isa ka ba sa mga kaapu-apuhan niya?” Narinig ng ibang mga Yates ang sinabi ni Grandma Yates. Tumayo ang nanlulumong pamilya, ngayong nagaganahan na nang sobra, at yumuko nang magalang.Ang yates family mula sa America! Narinig na nila ang pangalang ito noon! Sa mata ng mga taong ito, ang mga taong ito mula sa America ay katumbas ng mga prinsipe at maharlika! Para magpunta dito ang Yates family mula sa America ay hindi iba sa pribadong pagbisita ng mga hari noong sinaunang panahon.“Anong nangyari dito?” Tanong ni Norton habang nakasimangot.Hindi interesado ang Yates family mula sa America sa Yates family ng Buckwood.Ngunit dahil sa nangyari sa Morgan Financial Gr