“Holy sh*t! Mayaman ba siyang lalaking may low profile?”“Hindi man lang siya nag-dalawang isip bago ipa-swipe ang kanyang card. Ang galing!”“May pag-aari kaya siyang kahit anong properties?”Nang makita si Harvey York na deretsahang kumikilos, karamihan sa madla ay napanganga.Sa gitna ng madla, si Weston Jackman ang nag-iisang malinaw na nakakakita. Pagkalabas ni Harvey ng kanyang card, maging siya ay nagulat.“Isang Amex Black Card!”Sa kanyang bulalas, nabalot sa nakakabinging katahimikan ang buong store.Hindi pa man nakakita ang karamihan ng isang Amex Black Card dati, pero hindi ibig sabihin ay hindi nila narinig ang tungkol dito.Ang isang holder ng Amex Black Card ay kailangang may ilang daang milyong dolyar na cash sa kanyang bank account. Cash, hindi assets! Maging ang isang big shot na tulad ni Weston, meron lamang siyang ilang daang libong dolyar na cash sa kanyang mga kamay. Ano mismo ang hitsura ng ilang daang milyong dolyar?Para sa isang card na tulad nito, i
“Babe, napansin kong gusto mo talaga ang phone na iyon. Paano ko ito bilhin ko ito para sa iyo?" Sinamantala ni Weston Jackman ang pagkakataong mapalapit kay Yvonne. Nang hindi siya binibigyan ng anumang pagkakataon para tanggihan siya, inabot niya ang kanyang bank card. "I-swipe mo ang sa akin!"“Kawawang daga, alam mo ba kung ano ang silver card? Subukan mo kayang maglagay pa ng mas maraming effort sa susunod na magpapakitang gilas ka ulit.” Mayabang na tiningnan ni Weston ai Harvey. “Baka maniwala pa sa iyo ang mga tao kung gumamit ka ng silver card, pero Amex Card? Asa ka!”“Wow! So iyan ang silver card. Narinig kong kailangan may higit sa one hundred and fifty million dollars sa iyong bank account bago ka maka-order ng isa!”“Si Mr. Jackman talaga ang mas mayaman sa kanila! At mapagkumbaba pa siya!”“Hindi maganda ang pagkumparahin silang dalawa!”“...”Halos mahimatay na sa galit si Harvey. Walang dudang meron siyang fifteen billion sa kanyang account, pero pinahamak siya n
“Mr. York, anong nangyari?” Isang naguguluhan na Yvonne Xavier ang nagtanong kay Harvey sa kanilang Ferrari.“Tatawag ako at tatanungin ang tungkol doon."Ginawa nga iyon ni Harvey York, at natulala nang nakuha niya ang sagot. Sabi niya, “Sabi sa akin ng bangko, ang default spending limit ng card ko ay seven hundred and fifty thousand kada buwan. Dahil nag-withdraw ako ng seven hundred and fifty thousand in cash kamakailan, lumagpas na ako sa aking quota. Kung gusto kong taasan ang limit, kailangan kong pumunta sa bangko at pumirma ng agreement.”“Pfft…”Hindi mapigilan ni Yvonne na malibang siya. Hindi niya kailanman inasahan na may ganoong talagang pangyayari.Si Harvey ay walang imik din na ang ganoong bagay ay nangyari sa kanya. Tila kinakailangan na niyang dumaan ng bangko o magkaka-problema siya sa kanyang araw-araw na paggastos.“Iyong phone, ituring mo iyon na regalo ko sa iyo.” Ngumiti si Yvonne sa kanya. Wala lang sa kanya ang ganoong halaga ng pera.“O sige. Bibilhan
Hindi siya naglakas-loob gumalaw kahit konti. Maaaring mukhang matikas at makapangyarihan Si Yvonne Xavier, ngunit sa pagkaka-alam ni Harvey York, hindi pa siya nagkaroon ng karelasyon.Sa sitwasyong ito, hindi siya nagulat kung saksakin siya ng kutsilyo sa sandaling bumalik siya sa kanyang ulirat...Nagsimulang mautal si Yvonne. "Sir… sir… Tapos ka na bang yakapin ako?""Oh!" Agad siyang pinakawalan ni Harvey. Siya mismo ay hindi napansin na niyakap niya si Yvonne nang walang kamalay-malay.Naging sobrang awkward si Harvey, at ang kaya niya lang gawin ay bitawan siya. Tumayo si Yvonne sa sandaling iyon, pero nanatili ang kanyang mahiyain ekspresyon sa mukha niya.Pareho nilang naramdaman na ang sitwasyon ay masyadong awkward. Kahit na para sa isang self-admitted na walang hiyang taong tulad ni Harvey, hindi niya natiis ang awkwardness ng buong sitwasyon.Lalong nahiya si Yvonne. Sinabi niya, "Narinig ko… tatlong taon ka nang kasal."Saglit na napatahimik si Harvey. Maya-maya, n
Napansin ni Yvonne Xavier si Harvey York na naglalakad palapit sa kanya. Ngumiti siya at sinabi, “Saglit na lang, sir. Malapit na ako matapos sa paghahanda ng agahan."Nakatingin si Harvey kay Yvonne na may paghihinala. Sa ilang dahilan na hindi niya mawari, pakiramdam niya ay malamig ang trato ni Yvonne sa kanya.Mahimbing ang pagkakatulog ni Harvey, ngunit hindi niya alam na hindi makatulog si Yvonne sa paggalaw niya sa kama. Iniisip niya kung dapat niyang iwang bukas ang pinto sa pagkakataon na dumating si Harvey.Lumabas na si Harvey ay parang troso kung matulog at walang ganoong intensyon. Ikinainis ni Yvonne iyon.Pagkatapos nilang mag-agahan, hindi na sila nagtagal pa sa bahay ni Yvonne. Minaneho ni Yvonne ang kanyang Bentley at hinatid si Harvey sa York Enterprise. Alas nuwebe na ng umaga, at unti-unting nagmamadali ang mga tao sa lugar.Isang malaking grupo ng mga tao ang nagtipon sa main entrance ng York Enterprise sa hindi malamang dahilan. May mga manggagawa mula sa fl
“Oh, ikaw pala, Miss Xavier.” Isang lalaking nakasuot ng white suit ang naglakad palabas ng kumpanya. Nang marinig ang kaguluhan, lumabas siya.Kumunot ang mga kilay ni Yvonne sa inis. Ang lalaking nakatayo sa harapan niya ay walang iba kundi si Zack Zimmer, na ni-reject ni Wendy Sorell. Alam niya kung anong gusto ng lalaking ito sa kanya at malamig niyang sinabi, “Ah, ikaw pala, Zack Zimmer. Sa kasamaang palad, hindi kami tumatanggap ng romantic na kalokohan dito, kaya mangyaring umalis ka na.”“Teka, teka, hindi mo kailangang magmadali…” Nakangising sumagot si Zack. Nanlamig bigla ang kanyang mga mata nang makita siyang iba.‘Anak ng?! At nandito rin si Harvey York?! Parang kabute ang nakakabwisit na lalaking ito, nakikita ko kahit saan ako pumunta!’“Ano bang meron sa iyo, Harvey York?” Dinuro ni Zack Zimmer si Harvey at sinimulang sigawan siya, at hindi humihinto para hintayin ang sagot ni Harvey. “Inii-stalk ko ba ako? Baliw ka na!”Sa parehong oras, nagsimulang mag-alala si
Naririndi na siya kay Zack, hindi na siya pinansin ni Harvey York at tumalikod patungo sa grand entrance ng York Enterprise.“Hindi ba sabi ni Zack Zimmer ay live-in son-in-law lang siya? Bakit siya pumapasok sa grand entrance? At tsaka, may access card pa siya?”“May posisyon kaya siyang hinahawakan sa kumpanya?”Walang tigil sa pagsasalita ang madla habang sinimulan niyang kwestiyunin ang pagkakakilanlan ni Harvey York.Kutya ni Zack Zimmer, “Ano pa ba siya? Ang live-in son-in-law namin ay nagtatrabaho bilang tagalinis sa York Enterprise!”“So tagalinis siya dito!” Nalutas ang misteryo habang nagtataka sila kung paano nakapasok sa kumpanya ang pulubing ito. Hindi nakapagtataka!Nang tapos na siyang magsalita, nagpasikat si Zack kay Yvonne Xavier, sabi niya, “Miss Xavier, huwag nating hayaang sirain ng walang hiyang taong ito ang magandang mood ngayon. Magkita kaya tayo sa ibang lugar ngayong gabi at mag-usap?”Sa wakas ay naintindihan ni Yvonne ang pakiramdam ni Wendy kagabi.
Agad na kumalat sa buong lungsod ng Niumhi ang balitang nag-confess si Zack Zimmer kay Yvonne Xavier pagkatapos mismo ng aksidente. Sa parehong oras, ang business relationship sa pagitan ng mga York at mga Zimmer ay nasira dahil din sa kanya.…Sa Zimmer Villa.Nagtipon ang buong pamilya Zimmer sa living hall ng villa. Wala sa kanila ang alam kung ano ang gagawin. Maging si Senior Zimmer ay nandilim ang mukha.Tumayo si Zack Zimmer sa gitna ng hall, nahihiya at nagulat, habang ang mga kamag-anak niyang nakapaligid ay ininsulto siya na may mga itsura ng pagkadismaya.“Isa kang tanga, Zack Zimmer!”“Hindi ba sinabi mong may nararamdaman si Yvonne Xavier para sa iyo? Ano na ngayon? Wala ka talaga!”“Alam kong hindi talaga maaasahan! Hindi talaga!”"Wala akong pakialam kung ano ang dapat mong gawin, pero kailangan mo kaming bigyan ng paliwanag tungkol dito! Sinira mo hindi lamang ang ating business operation, pati na rin ang reputasyon ng mga Zimmer!"Lalong nagalit ang mga Zimmer