[Maureen Aira Jensen]
"Ma naman.. bakit kailangan kong lumipat ng school? dalawang taon na lang graduate na ako. Isa pa doon ko na nga lang nakikita, nakakasama si Margaux."Nakatulong kahit paano yung pagka usap ni Jezra kay Margaux para hindi ito tuluyang makipag hiwalay sa akin.Ayoko mang magkaroon ng utang na loob sa babaeng yun, wala na akong nagawa. Wala na akong maisip na paraan para hindi ako iwan ng girlfriend ko."I told you to break up with her. You are married, Maureen! May asawang tao ka na, for god's sake!!"Hindi pa din yun mag sink in sa utak ko. Natali ako sa taong never ever kahit sa next life ko magugustuhan."Dahil pinilit niyo ko! You ruined my life! You know how much I love her." I walk out bago pa kung anong masabi ko sa kanya na mas iindahin niya.Nag uunahan nanaman ang mga luha ko sa pagtulo. I hate it! I hate my situation! I hate my mother!SAPILITAN akong umalis ng bahay para pumasok sa bagong university ko. Masakit pa din ang dibdib ko sa mga mabilis na pangyayari.Hindi pa din ako makapaniwalang nagawa akong linlangin ng sarili kong ina. Siya na lang dapat nagpakasal sa Jezra na yun."You are new here?" Habang naglalakad papunta sa klase ko isang lalaki ang sumabay sa akin.Hindi ko siya pinansin dahil bakit? Wala akong panahon sa mga katulad niya.Dire-diretso lang ako gang malapit na ako sa pintuan ng room ko."Ikaw?!" Siyang agad na lumabas sa labi ko ng mabungaran ko ang babaeng kinamumuhian ko. Huling taong gugustuhin kong makita."You?!" Halatang gulat din siya at kagaya ko hindi inaasahan makita siya rito.Pero napalitan ng ngisi ang pagkagulat niya na para bang may masamang balak na namuo sa kanyang utak.Professor ko siya??? Tang-ina naman talaga. Kaya ba ako dito nilipat ni mama? Dahil sa babaeng ito? Dahil sa University na to siya nagtuturo??Para ano??? Bantayan ako?? Bakuran?? What??Deadpanned akong pumasok. Tumabi din naman siya kaya tahimik at walang naging follow up na bardagulan sa aming dalawa.Aba.. Makaramdam siya ng hiya kung aawayin niya ako. Naturingan pa namang Professor siya dito sa bwisit na university na to.Pweh!!Ayoko man siyang pakinggan sa discussion niya wala akong magawa dahil isa ito sa major subject ko."Grabe walang kupas ng ganda ni Ma'am anu?""Oo nga, bro.. Ang swerte siguro ng boyfriend nito. Damn. Ang hot. Paano pa kaya kapag... Hmmm..."Naririnig kong bulungan ng mga asshole kong katabi.Ahhh!! Nakakairita talaga."Ano kayang feeling mahawakan ng matatambok na yun?" The heck with these two. Isa pa talaga. Makaka sampal ako ng wala sa oras.Mind you guys. Nakata likod kasi si Jezra. May sinusulat siya sa whiteboard."Ahh.. Sarap siguro paungulin ng isang to." Kitang kita ko kung paano niya pasadahan pataas baba ang kabuuan ni Jezra.Napatayo na lang ako bigla. "Hindi ba talaga kayo titigil??? Nakakarindi!!" Saka ko lang narealize ang ginawa ko ng lahat ng mata ay nasa akin na.Alam nyu yung sobrang tahimik na parang dinaanan ng anghel tapos bigla ka na lang nag cause ng ingay.So embarrassing pero wala akong pakialam."What's the matter?" Si Jezra yun."Nothing... Ma'am.." Saka ako muling umupo. Tumingin ako sa wristwatch ko. Gusto ko na lang talaga matapos tong subject na to."Dude.. Mukhang palaban tong bagong transferee natin ah." Fuck them. Wala talaga sila balak tumigil."Oo nga, bro. Pero wag ka. Mukhang masarap din ikama." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.Tumayo ako at lumapit sa hina-yupak na to na nagsabi ng ikama."Aww!!" Isang malakas na sampal ang ikina da ing niya."May reklamo ka?? Deserve, right??" Akmang susunggaban nya ako pero nagsalita si Jezra."Both of you.. Detention!!" Sabay kaming napalingon."What?? No way!! I didn't do anything wrong." Totoo naman kasi."Physical assault is a violation, Ms. Rendez.." Napasinghal ako."Correction po. Jensen po." Ang babaeng to feel na feel niyang idikit ang apelyido niya sa magandang pangalan ko."Verbal assault, too." Matapang kong dagdag."Yeah.. You are right. Then detention with the both of you. Now leave my class.."I can't believe it. Kung alam lang niya kung paano siyang pag usapan, pag nasaan ng mga maniac niyang student.Ganito ba sa school na to?? Hindi tama ang pag pataw ng justice."Unbelievable." Pabulong pero narinig pa din ng bruha."May sinasabi ka Ms. Rendez?" Fuck! Sinabi ng Jensen. Ahhh!!! May araw din siya sakin."Wala ho."Balagbag akong lumabas, bitbit ang bag ko. Nakakainis ang babaeng yun."Anong violation mo?" Isang babae ang pumukaw sa akin. Nasa katapat ko siyang upuan."Nanampal ng bastos na lalaki." Napa oh ito at tango tango."Wow! Just wow! That's so bold move." Komento niya."How about you?" Wala curious lang. Palipas oras. Mukhang magtatagal pa ko sa kwarto na to eh."Nothing much. Ayoko lang pumasok." Bakit naman? Napa isip naman ako bigla.Wala sa itsura niya ang pasaway na student."Problema sa bahay?" Ngumiti ito. Maganda siya lalo na kapag naka smile. Pero mas maganda pa din ang girlfriend ko. Walang makaka higit sa kanya.Speaking of her. Hindi nanaman niya sinasagot ang mga tawag message ko. I know this is about me transferring school.Wala na talagang magandang nangyari. Masisiraan na ata ako ng bait."What made you think that?" Nag taas baba ako ng balikat."Don't know." Alangan naman kasing nagpapasaway siya dahil broken hearted siya. Well for me mababaw yun.I won't destroy my future just because of some pathetic love problem—Hindi naman ako ganun karupok."Well. My parents despise me for.. Amm.. Being different.""What do you mean by that?" I shook my head in confusion."I'm so gay. They did some horrible things para mapag hiwalay kami ng girlfriend ko, and they won." Mula sa ere bumagsak ang mga kamay niya.Halos parehas lang pala kami ng sitwasyun. Ang pinag kaiba lang, tanggap ako ni mama. Iba nga lang ang gusto niyang babae para sakin.Arrggg... naalala ko nanaman ang demonyita na yun.NATAPOS ang isang oras na detention namin ni Aya sa pag aayos ng mga libro sa library. Ang dami naming napag usapan.Nakakatuwa siya sa totoo lang. Okay siyang kausap kaya naging mabilis lang ang oras.Wala pa akong klase kaya naisip kong magpunta ng Cafeteria. Inaya ko na din si Aya. Ayaw ko naman pilitin siya pumasok sa next subject niya so nagkasundo kami."Ibig mong sabihin pumayag kang makasal kasi buong akala mo may sakit ang mama mo?" Tumango tango ako habang nilalapang ang pasta ko."Tapos professor mo pa yung so called wife mo??""No no no... Don't utter those freaking word. She's not my wife." Kontra ko. Hindi naman kasi talaga. Si Margaux lang ang para sakin."Damn..." Bigla na lang lumabas sa bibig ko ng makita ko nanaman ang dalawang asshole na pumuwesto malapit sa table namin.Wag lang talaga akong may maririnig nanaman na ikaka init ng dugo ko."Bro.. May naisip ako. What if let's throw a party for the block and then let's invite all our professors and then..." Nagsalubong ang kilay ko."And then lasingin natin si Ms. Rendez." Sinasabi ko na nga ba. Kumuyom ang mga palad ko sa dugtong na salita nung isang asshole."Hey.. Okay ka lang??" tanong ni Aya na humawak pa sa kamay kong nanginginig na sa galit."Andito yung mga bastos. They were talking about my so-called wife." Saka ako tumayo."Hey! Look who's here." Usal ng isa ng makalapit ako.Wala naman sa detention ang isang to kanina kaya unfair."At kasama ang isang dyke.." Yung isa naman ang nagsalita. Maiintindihan mong si Aya agad ang tinutukoy niya dahil sa mga tinging binabato niya sa kasama ko."No wonder kung bakit nasampal ang isa sa inyo." Nakwento ko kasi lahat kay Aya ang kabastusan ng dalawang ulupong na to."Tss.. That's nothing you know.." Singit nung asshole na nakatikim ng palad ko kanina sa klase ni Jezra."Mas matindi pa ang mga hagupit sakin ng ex mo. I didn't know, huh.. She's so wild in bed." Shit! Lagot na.Parang bulkang sumabog si Aya. Nilapitan ang huling nagsalita. Agad ko siyang inawat sa bewang bago pa man siya makagawa ng isa pang violation niya."Tell your ex.. Hindi ako umuulit ng babae. Panay kasi habol sakin. Pwede naman siyang bumalik sayo." Mas lalong nag init si Aya.Ako na ang sumampal sa lalaki sa kabilang pisngi naman at sinigurado kong ubod lakas nun."You are getting to my nerve, newbie!" Tumayo ang animal, naka ambang ang kamao niya. Subukan lang niya.Hindi ko siya uurungan."Baka bagong chikas niya ang newbie na to, Bro." Ngisi nitong isa. Gusto din ata makatikim.Parehas na silang nakatayo."Bro.. I really don't get it yung mga pumapatol sa kapwa nila babae. Paano sila nasa-satisfy sa sundot sundot lang?"Mga homophobic na animal na to. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nahila ang buhok nitong isa.Tama lang na maka-tikim din siya ng bangis ko."Get off me!!" Himutok niya. Binuweltahan naman ni Aya ang isa. Nagsimulang umingay ang paligid."Oh my God.. Yung dalawang heartthrob..." Ang mga ungas na to heartthrob? Pweh!! Malabo ba paningin nila. "Saan ang pusta niyo!?" "Sa mga ladies ako syempre. Prone to girl to!" Narinig ko pang pag tili ng isang bakla. [3RD person pov] "Anong kaguluhan to??" Wala pa din paawat sa apat kahit may Professor ng dumating. "Ms. Jensen! Enough.." Sambit ni Jezra habang palapit sa gawi ng dalawang nagrarambulan. Salampak na sila sa sahig. "Sinabi ng tama na yan! Mahiya ka naman!" Pilit inaalis ni Jezra ang pagkaka sabunot ni Maureen sa lalaking katunggali. Isang malakas na sampal ang ikina tigil ni Maureen. Hindi niya inaasahan iyon. Madilim ang mukha niyang bumalin kay Jezra, napasapo pa siya sa kanyang pisngi na ngayo'y namumula na. "What the fuck is that for??? How dare you lay a hand on me???" Naka tayo na ngayon si Maureen habang ang lalaki inaayos ang sarili, sinuklay ng daliri ang k
[Maureen pov]Sa hallway papunta ng room ko nakita ko si Jezra na posturang naglalakad ng bigla itong natipalok. Napatigil, bend pa nga ako na parang sasaklolohan na sana siya. Hindi naman ako natuloy ng umayos siya ng tayo. .Pero ng muli siyang lumakad halatang nasaktan sya dahil natigilan siya at rinig ko ang pagda ing niya. Ang arte kasing lumakad tas ang taas pa ng heels. Napapala mo tuloy! Sabi ko sa isip-isip ko.Buntong hiningang lumapit ako. "What are you doing?" Tila gulat ito ng sumulpot ako at alalayan siya sa paglakad. "Are you blind? I'm helping you." Hindi naman ako galit. Di ko lang feel makipag usap sa babaeng to. "You don't have to." Pag-angal niya pero naka kapit naman na siya sa akin. "Yes, I have to. Ano pa magagawa ko kung ako ang nakakita." Sa true lang tayo. "T-thank you." Nahiya pa siya. Pero... Ito ang unang beses na narinig ko sa kanya ang two words na yun. Much better if mag s-sorry siya sa sampal na inabot ko sa kanya. Hindi nga ako padapuan sa la
NAGISING ako ng marinig ko ang tunog ng alarm ko. Wala sa sariling tinungo ko ang kwarto ni Maureen pag bangon ko pa lang. Ang gulo pa nga ng buhok ko at wala pang mumog, hilamos man lang. Pagdating ko roon naka uwang ang pinto kaya sumilip ako. Wala na siya pero ang magulong kama niya ang kumuha talaga ng atensyon ko. Idagdag mo pa ang parang binagyong kwarto niya. Mahahalata mong hindi sanay sa buhay mag-isa. Siguro dahil anak mayaman o baka dahil bata pa?? Sanay siyang may taga ayos ng mga gamit niya. Ganun. Pero mayaman din naman kami. Kung sabagay naging masinop ako sa lahat ng bagay dahil sa dating nobyo ko. Ewan ko ba pero lahat ata ginawa ko noon para ma impress ang kumag na yun. Kahit pananamit ko ibang iba noon—Nagsimulang magdilim ang lahat ng iwan niya ko. Ang sakit pero ganun talaga ang buhay. Kahit ibigay mo pa ang lahat kapag iiwan ka iiwan ka talaga. Alam ko naman... Because of his parents, pero wala ba siyang bayag para ipaglaban man lang ako? Lalo pa at hindi
[JEZRA]Halos time na pero wala pa din si Maureen. Panay ang sipat ko sa wristwatch ko. Malapit na mapunta ang mahabang kamay sa 12. Kapag nangyari yun, I need to mark Maureen absent. Walang exemption kahit pa mag asawa kami sa papel. I'm very strict when it comes to my rules. Saktong pag tungtong ng 1 pm dumaan sa harap ko si Maureen. Napangiti ako ng hindi ko alam kung bakit. I guess as a Professor, you'll be happy if all your students are present. "Today, we'll just have a quiz. When you finish answering ahead of time, then you may go." Nag sigawan sa tuwa ang lahat maliban sa isang tao. Wala bang ibang kayang magpa saya sa kanya kundi si Margaux? Umiikot lang ba mundo niya ron? Hai naku.. Pinahihirapan niya lang ang sarili niya. It's not worth the grief. Kung talagang mahal siya nung tao hindi dapat siya sinukuan ng ganun kabilis. Lalo na kung ginawa naman niya ang lahat. I know she promised Margaux about the divorce. Yun naman talaga ang plano namin ni Maureen. Magtatapos l
[MAUREEN] "Fuck! I told you I'm fine." Hindi ko alam kung paanong may number siya ni Jezra. Si Papa naman talaga ang pinapa tawagan ko sa kanya pero out of reach. Ayoko namang si Mama dahil war lang bagsak ko dun tas malalaman pa niya ang secret ko. "Asawa mo naman siya kaya okay pa yan." Mababatid mo pa din talaga ang pag-aalala sa kanya. I'm lucky to have Aya as my newfound friend. Sobrang introvert ko kasi kaya wala akong kaibigan. Hindi din naman ako friendly na tao"Where is she? OH MY GOD! What happened to you??" Ang OA naman maka react ng babaing to. "Nothing happened. Exaggerated ka lang." Masamang turan ko sa bagong dating. "Maiwan ko muna kayo. May gusto kang kainin?" Umiling ako kay Aya. Ang gaga lumabas naman. Akala niya ata pagkain yung tinutukoy ko. Ayokong maiwan mag isa sa babaing to. Hindi ako komportable. Tss. "Sinong gagong may gawa nito sayo? Huh? Tell me.. I will sue them.." Oh Gosh.. Patience, please, lord. Give me more of it. "I'm fine, Jezra." "Anong
[MAUREEN] Nang magising ako ulit andito pa din si Jezra pero di gaya kanina, nakatulog na to. Shit naiihi ako. Sinubukan kong gumalaw. Kaya naman pero nahirapan pa din akong makababa ng bed. Fuck! Hindi ko na alam kung anong gagawin. Lalabas na talaga. Nagpakawala pa ko ng hangin bago binalingan si Jezra at napa isip kung gigisingin ko ba siya. Sabi ko pa man din kanina kaya ko ang sarili ko tapos ngayon aabalahin ko siya. "Hmm.. J-je.. Jezra.." Walang naging epekto. "Jezra!" Damn! Tulog mantika. "Jezra!!" Mas nilakasan ko pa pero wala pa din. Nag isip ako ng ibang paraan hanggang makita ko ang magazine na nasa table malapit sakin. Kinuha ko yun saka ibinato sa kanya. "Aw!! What's your problem, spoiled brat??" Hindi maipinta ang mukha nito. "Hindi ako spoiled brat noh!" Wala naman kasing basihan nung paratang niya sakin. Sandali pa lang kaming magkakilala at halos hindi nga kami magpanagpo sa bahay. May masabi na lang ang babaing to. Kung spoiled brat ako edi sana nasunod yung
PAGBALIK niya may bagong paper bag na itong dala. "Do you eat fast food naman diba?" Hindi agad naproseso ng utak ko yung tanong niya pero tumango na lang ako bilang sagot. Isa isa niyang nilabas ang laman ng dala niya. What the actual fuck?? Mukha ba kong piglet sa kanya? "Are you planning to kill me with those slowly?" Amuze kong tanong. "You know what.. Ikaw ang exaggerated.." May spaghetti, palabok?? Pies? Joyrice?? Burger and fries??? "I don't know what you prefer to eat, so...." Nguso niya sa mga pagkain. Isa isang nakalapat ang mga yun sa kama. Yes, katabi ko. Malaki naman kasi tong bed. "Where did you buy those?" Halos inabot din kasi siya ng isang oras bago nakabalik kaya yun ang tumakbo sa isip kong tanong. "Hindi ba obvious yung brand?" Inirapan ko siya. I know Jollibee yun. There are tons of them around the area, noh. May binanggit siyang lugar na nagpa bigla talaga sakin ng husto dahil ang layo nun dito. "Nagpunta ka pa talaga dun?" "Eh, walang 24 hours in th
[JEZRA] "Hmmmm!!" Napa inat ako sa sobrang pagod, mentally and physically. Malapit na kasi ang FD ng Samson University tapos ang faculty pa namin ang naatasan mag manage ng lahat. This year daw kasi it's our turn—timing pa talaga sakin natapat. Two years pa lang naman ako dito. Dahil ako ang head ng faculty nasa akin tuloy yung matinding pressure. Ahh!! Nakaka stress malala. Sa dami ng activities alam naman ng lahat na mas focus ang mga bata sa mananalong Mr. and Ms. Samson. Shemay.. Speaking of that. Mamaya pala yung screening ng bawat section from different courses. Wala akong idea kung ilang oras aabutin yun. Maisip ko pa lang napapagod na ko. Damn! Buhay Professor. Kasama ba to sa job description namin? May dagdag sahod ba sa dagdag effort maliban sa pagtuturo, handle ng mga stupidyante? Pag gawa ng lesson plan. [MAUREEN] "Who the fuck voted me??" "Kalmahan mo lang, Aira. Ano bang iniiyak mo diyan?" Andito kami ngayon ni Aya sa quadrangle naka lupasay literal. Naiinis a
IMBITADO ang lahat, relatives, friends sa enggrandeng kasal ni Maureen Aira at Jezra Renze sa pangalawang pagkakataon na gaganapin sa isang private beach resort sa kabilang isla ng Palawan. Tanging eroplano at barko lamang ang daan para makarating sa naturang lugar kaya panay ang reklamo ng ilang malalapit nilang kaibigan. Kakaiba ang naging tema ng kasal dahil naka pang swimming outfit ang lahat. Kanya kanyang kwentuhan. Ang iba ay abala sa pagkuha ng kani kanilang anggulo sa iba't ibang parte ng venue. Masaya at purong good vibes lang ang awra. Maririnig mo din ang relaxing, calm and romantic background music mula sa mga kilalang orchestra na sadyang inimbitahan ng mag asawa. Nagmula pa ang mga ito sa New Zealand kung saan nanirahan ni Maureen ng isang taon at mahigit. Humahalo sa saktong lamig na simoy ng hangin sa paligid ang kanilang tinutugtog. Animo'y sumasayaw din ang mga dahon ng ilang puno. Pati ang hampas ng alon sa pang pang ay tila sumasabay din at nakiki ce
Sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon. Walang nagsasalita at tanging pagod na pag hinga namin ang maririnig maliban pa sa tibok ng aming puso. Marahan niya itong hinugot. Damang dama ko. Mula sa pagkakabanat ay muling nagsara ang haligi ng garden ko. Nadiligan sa wakas ang mga iniingatan kong bulaklak. Ang ni reserve ko para sa araw na to ng kanyang pagbabalik. "Hindi ka na aalis?" Ngumiti siya kasabay ng pag iling. Nangilid naman ang luha ko hanggang maiyak na nga ako. "Hey.. I promise.. I won't leave again. Love.." Inamo amo niya ako. Niyakap, kinulong sa kanyang bisig matapos dampian ng masuyong halik ang noo ko. Sobrang calm at satisfying ng pakiramdam kapag nasa piling ka na ng taong mahal na mahal mo. Parang ang perfect ng lahat. "I love you.." Mas humigpit pa ang yakapan namin. Buong tamis ko siya sinagot ng I love you. "Sorry kung pinag antay kita ng matagal. Sorry kung nainip ka. Those years that we're not together.. I'll make it up to you.." Kumawala siya
[JEZRA] "What are we doing here?!" Hindi ko makakalimutan ang lugar na to dahil minsan kaming nag love making sa maliit at tagong bahaging ito ng library. "You should have thought twice or more before you decided to take it off.." Oh gosh. I'm in trouble. Mukhang alam ko na kung bakit kami andirito. Sa bawat paghakbang niya pa abante siya namang pag atras ko. "Mau.. Stop.. Whatever in your mind. You can't do it." Banta ko pero parang mas nilagay ko sa alanganin ang sarili ko dahil mas naging seryoso, decided ng mukha nito. Inalis ko lang naman yun dahil maliligo ako. Hindi ko naman alam na mawawala kung saan ko inilapag. Perhaps si Renzo ang nakadampot nun. Ahhhh. Ang batang iyon. Anu bang naisip niya at kinuha ang wedding ring ko. At teka nga. The whole time magkausap ba sila? Ang unfair pala nya. Isang taon, wala siyang paramdam sa akin. Tuluyan ng tumigil sa paghakbang ng mga paa ko ng lumapat ang likuran ko sa kung anong matigas. Ito na marahil ang hangganan.
[MAUREEN AIRA JENSEN RENDEZ] Bago ako umalis ng bansa ay nagbilin ako kay Renzo about sa mommy niya. Sinabi kong habang wala ako ay wag hahayaang may umaligid rito. Lahat ng nangyayari kay Jezra ay nalalaman ko kay Renzo. Lagi kaming magkausap nito sa phone thru international calls. Isang taon kong trinabaho ang sarili ko. I healed myself first and now that I'm fully recovered I decided to finally go home. I really miss her. Paglapag ko pa lang ng airport gusto ko ng dumiretso sa Samson University. Kay Renzo ko nalaman na bumalik sa pagtuturo ang mahal kong asawa. Nakukwento din niya ang madaming asungot sa paligid ng mommy niya. Bago ako pumunta ay nagkita na muna kami ni Renzo sa bahay nila. Pinapunta niya ako roon dahil sa singsing. Nainis pa ako na hindi ito suot ni Jezra. Anong gusto niyang palabasin? Buhay dalaga siya? One year ago suot suot niya pa ito kaya nagtataka ako kung bakit ngayon ay hindi na. At iyon ang aalamin ko ngayong araw. "I'll punish y
LUMIPAS ANG ISANG TAON. Maraming nangyari sa bawat buhay ng isa. Nagbalik ang daddy ni Jezra. Nalaman din niya ang buong dahilan kung bakit sila noon iniwan nito. Pinagtapat ni Janette ang katotohanang si Vivian, ang mama ni Maureen talaga ang isinisigaw ng kanyang puso magpa simula noon hanggang sa kasalukuyan. Dahilan kung bakit hindi magawang suklian ang pagmamahal ng kanyang ama. Sa mga revelation na iyun ay nabawasan ang malalim at matagal ng sama ng loob. Naunawaan na ito ni Jezra. Pinili ng kanyang ama lumayo, maging masama sa paningin ng anak para paghilumin ang sariling sugat sa puso. Humingi ng pangalawang pagkakataon ang Daddy niya na siyang hindi naman niya ipinag damot. Nagkapatawaran din sila at ipinakilala sa apo. Tuwang tuwa naman si Renzo ganoon din ang matanda. Sa mahabang panahon nanatili itong single at namuhay ng mag isa. Nalaman ni Jezra na maski wala sa tabi niya ang daddy ay sinusubaybayan pala siya nito sa malayo. Isang bagay lang an
Buong akala ni Maureen ay kontrolado na ang sitwasyun pero ng umiling iling si Margaux, tila back to zero siya. Nagbago ang magandang impression nito. "Do you think I'm still naive to believe that?" Binalot muli ng pangamba si Maureen sa naging tono ng sunod nitong mga salita. "I know why you're here.." Nalipat ang panunutok niya ng baril kay Jezra na wala pa ding malay tao. "Please!" Tarantang sigaw, awat ni Maureen. Na alarma siya ng husto sa sunod na kaganapan. Iyon na ata ang pinaka nagdulot sa kanya ng matinding takot. Ang isi-ping mawala sa kanya ang babaeng mahal dito sa mundong ibabaw. "..It's just and only because of this girl.." Tiim bagang nitong hayag kasabay ng mas pag higpit ng hawak niya sa baril. Tinapunan niya ng madilim na tingin si Jezra. "No! That wasn't true.. Listen to me, Margaux! I know everything now. I fully understand you now.."Sa sinabi ay bahagyang lumambot si Margaux ngunit hindi sapat para maging kampante. Humarap siya kay Maureen
NANG makabalik ng Pinas si Maureen ay agad siyang dumiretso sa mommy ni Margaux kahit wala pa siyang tulog. Sa sobrang pag aalala para sa mag ina ay hindi niya na magawang tapunan ng pansin ang sarili. Napag alaman niyang halos dalawang buwan ng hindi nahahanap si Margaux. Tumakas ito sa instituition para sa may mga case kagaya ng kanya. "Please, iha.. Could you have mercIt'sn her? Its all my fault. I'm the reason she became this way. I-I let her suffer because I'm aA useless.. Useless mother who can't protect her own child." Binalikan niya ang mga sandaling sinubukan itakas ang anak sa demonyong asawa pero palagi siyang bigo at binubugbog siya nito. Marahil nawaglit sa ala ala ni Margaux pero madaming pagkakataong pinagtanggol din siya ng nanay niya. Humahantong na lang sa sukdulan na lupasay na ang nanany niya sa sahig dahil sa bugbog mula sa kanyang ama. Hanggang siya naman ang balingan sa kwarto para halayin. Isang gabi. Paulit ulit sa kanyang tainga ang s
SA MALAMIG na simoy ng hangin na dala ng gabi tanging silang tatlo ang nagsilbing nilalang sa liblib na lugar na iyon. Sa magkahiwalay at magkabilang dulo ng silid nakagapos ang mag ina. Nagdulot ng sobra sobrang sakit sa dibdib ni Jezra ang paghikbi ng kanyang anak. Takot na takot ito na maaring mag iwan ng trauma sa bata. Pilit siyang kumakawala sa pagkaka tali kahit nasusugatan ay walang kasing hapdi ang nasa puso niya dahil sa nakikitang kalagayan ng anak. Tanging pag da ing ang lumalabas sa kanyang bibig dahil may naka pusal dito. "Don't waste your energy and effort.. That rope won't let you escape." Sabi ng paparating na babae. Nag echo ang tunog ng takong nito sa buong lugar. Isa itong abandunadong building. Pag mamay ari ng Ama ni Margaux. "Demonyo ka!!" Agad na sigaw ni Jezra ng hugutin ng pwersahan ni Margaux ang nasa bibig niya. "Yeah.. But not like the usual.. I'm pretty, young and fresh. Not a rotten and scary one.." Pinagkrus nito ang mga kamay ng
"I'm glad it worked." Nasa phone si Rara kaaalis pa lang ni Maureen. Ibinalita niya ang good news. "If not my guilt won't stop. I will blame myself for the rest of my life-" "Stop that drama, Juno!" Awat niya rito. "How's your... What do you call that again? Your game of love w-with that.. What's her name again?" Napailing na lang si Rara sa pagiging chismoso ng kaibigan. "And what about you? What's the score? Sa inyo ni Hayes? Hindi ko alam lalaki pala talaga gusto mo." "Parang ang laking kasalanan. Ikaw nga babae ang gusto." "Yeah.. In born na yun sakin. Eh ikaw? When did you discover?" Nangingiting tanong ni Rara. Nagpatuloy lang sila sa masayang pag uusap. Hindi alintana ang isang nagbabadyang masamang balita. Hindi nila alam na paparating ito at ikagugunaw ng lahat. NAGUGULUHAN ang maid ng makarating sa address si Maureen. "Sigurado po ba kayo?" Tumango sa pangatlong beses ang nasa edad ng babae. Hindi magawang mapanatag ni Maureen. Lalo pa at wala siyan