Isa ba sa mga babaeng kasama niya noon ang ipapakasal kay kyle? Para akong sinasaksak ng paulit ulit. Bakit kyle? Bakit?! Bakit ka nag lihim sakin. Bakit moko sinaktan ng ganito. Kaya pala.. kaya pala malaki ang pinag-bago mo. "I knew it. Sinasabi kona nga ba. May hindi tama. At ang pag-sulpot ni donna ay isang problema. Beshie tara na, Umalis na tayo sa lugar nato. Tara.." Inakay ako ni beshie ngunit umiling iling lang ako. "D-dito muna tayo, G-gusto ko malaman ang lahat." "Oh god! Beshie naman wag muna ngayon. Baka hindi mo kayanin lahat at isa pa baka makita ko yang mga yan at pagsusuntukin ko lalo na si sky at donna!" Gigil nitong untag. "Iha hindi sa ganoon yun." "Kung hindi ganoon bakit ganto siya? Bakit ayaw niyang pumayag na mag-pakasal kay marga?" "Kahit anong sabihin mo donna si markisha ivy pa rin ang pakakasalan ko!" "Kahit sabihin ko sa'yong Buntis si margaret?!" "What?!" Gulat na sagot ni kyle. "T*ngina!" Mura ni beshie. Napa-up
Eizel point of view Hindi ako mapakali. Kahapon pa nagku-kulong sa kwarto si beshie. At si myloves kanina pa tawag ng tawag. Kahapon sinabi ko kong mag-kasama kami ni beshie na doon ako matutulog sa kanila pumayag ito. Buti nalang sumaktong pupunta siya ng Cebu kahapon. At ngayon ang balik. Hinahanap na ako nito. Hindi ko alam kung sasabihin ko kay myloves. Ayoko pangunahan ang bestfriend ko. Dinala ko muna si beshie dito sa bagong bili kong condo. Actually binili ko talaga to para saming dalawa. Para dito kami mag-i-istay kapag gusto namin mag bonding na kaming dalawa lang. Hindi ko inaasahan na magagamit agad namin tong condo nato. At isa pa hindi din alam ni myloves na bumili ako ng condo. Ipon ko ang ginamit ko para sa condo nato. Kahapon pag sunod ko kay beshie, naabutan ko siya sa kotse at doon iyak ng iyak. Buti nalang sa passenger seat na siya na-upo. At ako na ang nag-drive. Iyak lang siya ng iyak hanggang dalin ko siya
MARK IVAN Mabilis kong pina-harurot ang kotse. T*ngina mo damiene. Sa lahat ng tinalo mo ang kapatid kopa! Pinag-katiwala ko sa'yo ang kapatid ko tapos lolokohin mo lang din? Ang malala pa naka-buntis kapa! Hinding hindi kita mapapatawad. Babasagin ko ang mukha mo hanggang masira! D*mn! Traffic pa. Saktong tumunog ang phone ko. Miguel calling... "Hello?" Mahinahon kong sagot. "Bro! Nasaan ka? Busy kaba?" "Hindi. Why? Nasa biyahe ako." "Yown! Sakto papunta kami ngayon sa Pink Bar kasama ko ngayon si Ken. Sama ka?" "Sino sino kayo?" Tanong ko. "Buong DSHM band, Sila mikael, Ken, si Marj at Kyrah. Sila eizel sama mo din." "Andoon si damiene?" "Oo siya nga nag-papunta samin sa Pink Bar e." Biglang nag-init ang ulo ko sa narinig. May gana pa talaga siyang mag-bar? Habang ang kapatid ko, umiiyak, malungkot. Nagdurusa? "Ok. Pupunta ko." "Yown! See you bro! Bye." Pag-kababa ng phone, at mag GO signal na. Mabilis kong pinah
KYRAH "My god boys bakit ngayon lang kayo?" Bungad na tanong ng pinsan ko kela miguel. "Sorry traffic din kase e.""Nasan sila kisha? Si eizel? Si sky at mark?" Tanong ko sa kanila. "Hindi ko alam kung isasama ni sky at ivan sila eizel at ivy e. Basta ang sabi ni ivan sakin kanina pupunta siya." Tumango tango naman ako. "Oh ayan na pala si Sky e. Kasama niya si kis---" Biglang napatigil si ken sa sinasabi. Nag-taka kami at sinundan ang tinitignan niya. Nanlaki ang mata ko. Nagkatinginan kami ni marj. Dahil ang kasama ni sky ay hindi si kisha. Kundi yung babae na kasama ni donna kanina. Marga ba yun? Or marsi? Natahimik ang barkada. Nakahawak ang babae sa braso ni sky. Mag-tatanong na sana ako ng unahan ako ni marj. Nakataas ang kilay nito. "Anong ibig sabihin nito sky? Sino yang kasama mo? Where is kisha?"mag-sasalita na sana si sky ng biglang sumulpot si donna. Maayos na ang suot nito. Maayos na rin ang buhok. "What are you doing here witch?!" Galit na sabi ni marj.
"WHAT?!" sabay na bigkas ni beshie at kuya. Napatulala ako sa papel na hawak ko. B-buntis ako? Napapikit ako ng maalala ko ang lahat. God hindi ko alam na mag-bubunga yon. Oo may nang-yare na samin ni Kyle. Nung fourth aniversarry namin nang-yare ang lahat.. Two months ago.. "Mr. Barcelon eto nga pala ang mga kailangan inumin ng pasyente. Anjan na din ang vitamins para sa pag-bubuntis niya. Maiwan ko muna kayo. Excuse me.""Sige po, Salamat doc." Rinig kong sagot ni beshie. Narinig ko na lang nag-bukas sara ang pinto. Nakalabas na si doc. Napadilat naman ako ng may marinig ako lagabog. "Bullsh*t!" Galit na sigaw ni kuya. Lumapit naman sa tabi ko si beshie. "Beshie... Why? Diba sinabi mo sakin, Ibibigay mo lang ang bataan pag-kasal na kayo? Pero anong nang-yare?""I'm--I'm sorry.."Unti unti naman nagtutuluan ang luha ko. Nag-lihim ako sa kanila. Naglihim ako sa BFF ko. Hindi ko natupad ang sinabi kong kasal muna bago ang honeymoon. "Gosh. Ang ganda pa ng sabi ko kay s
Markisha*tok! tok! tok!*Dahan dahan akong napamulat ng marinig ko ang mahihinang katok. "Twin?"Si kuya. Dahan dahan akong naupo. Tinignan ko ang oras na nasa side table ko. 8:14 am na pala.Three days na rin pala ako dito sa condo. "Twin gising kana ba?"Muling pagsasalita ni kuya, Bumaba ako sa kama at nag-tungo sa pinto para pag-buksan sya. Pag bukas ko bumungad sakin si kuya na Nakangiti habang may hawak na tray na punong puno ng pag-kain. "Wow!" unang lumabas sa bibig ko. "Breakfast in bed? Papasok sana ako kaso nakalock pinto mo, kaya kumatok nalang ako.""Ok lang kuya. Tara pasok kana.""Nagising ba kita? Sorry.""Ok lang yun kuya."Naupo naman ako muli sa kama, Nilapag ni kuya ang dala niyang tray sa tabi ko. "Bakit dinalan mo pa ako dito sa kwarto kuya. Sana doon nalang sa dinning para sabay sabay tayo.""Actually twin kanina pa kami nakakain ni love. Wala din sya, maaga umalis, Binilin sakin na pakainin ka agad. Kaso naisip ko nga baka tulog kapa. Kaya ngayon lan
Lumapit naman sa kanya si kuya. Humalik ito sa noo ni beshie. "Ang ganda mo rin sa suot mo love."Kinilig naman ng bongga ang beshie ko. "iiiih.. Thenk yeu meyleves." Natawa naman ako, Naging pabebe na naman sya. "Nasan na sila?"Tanong ko. "Ay tara na! โMalapit na mag-simula tayo nalang ang kulang doon."Naglakad na kami papasok sa loob. Pag pasok namin halos mamangha ak sa ganda ng BAR simple pero sosyal. Dinala kami ni beshie sa gitna sa tapat ng DJ. May mga upuan din sa gilid. At sa harap ang dance floor at Stage. Nasa pangalawang helera ang table namin. Nakaharap mismo sa stage at dance floor. Masaya naman akong sinalubong at niyakap nila marj at kyrah. "Oh gosh. Why so pretty sis?""Bagay sayo ang suot mo sissy."Sabay na sabi sakin ng mag-pinsan. "Ganyan na ba pag broken? Gumaganda? Gosh." "Nag-ayos lang guys. Kayo talaga. Nasan sila miguel?""Nasa back stage na. Kakanta sila sa opening e."Sagot sakin ni kyrah. Si mikael, Ken, kyrah, marj lang ang naabuta
Parehas nag-tagpo ang aming mga mata. Andito sya. Pumunta sya. Kasama ang fiance nya...Mabilis kong iniwas ang tingin ko at ngumiti sa mga taong nasa harap. Lumapit sakin si miguel, Inabot ko naman sa kanya ang mic. "Ang daming nag-enjoy sa performance ng kaibigan ko ah. Hahaha alam niyo guys hindi namin alam na magaling pala syang kumanta. Nagulat kami. Surprise mo ba samin to kisha?" "Hahaha Oo? Naisipan kolang talaga kumanta. Gulatin kayo.""Okeeey, So sige na balik kana doon. Hahaha thank you.""Welcome."Bumaba ako at sinalubong ni beshie. Siguro nakita niya sila kaya andito sya. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko sya. Kaso sobrang nasasaktan pa rin ako. Sino bang hindi diba? Hays hayaan na nga andito ko para sa mga kaibigan ko. Natapos ang kantahan, Nag-patugtog ang DJ ng pang party at halos lahat nag-puntahan sa Dance floor. "Whooooo! Party! Party! Yeah!" Kahit nakaupo sila marj, Sumasayaw pa rin sila hahaha cute. Lumapit naman sakin si kuya at tumabi.
Napatingin naman ang dalawa kay kisha.."Para saan?" Mahinang tanong ni donna."Gusto ko sana humingi ng tawad sainyong dalawa. Tsaka pinapatawad kona kayo. Na-iintindihan ko, Bakit niyo nagawa ang mga bagay na'yon. Alam ko rin na pinag-sisihan niyo na ang lahat.." Nakangiting sabi ni Vy sa dalawa. Tumayo si donna at lumapit kay vy, Inabot niya ang kamay nito at nagsalita..."Kami ang dapat na humingi ng tawad sa inyo. Malaki ang naging kasalanan namin sayo. At sa buong barkada niyo. Nakaka-inggit lang dahil maraming nag-mamahal sayo, sainyo.. Nakita ko ang lahat ng 'yon noon.. Ang swerte swerte mo, dahil hindi ka binibitawan at sinusukuan ng pamilya at mga kaibigan mo. Sana.. Sana ganoon din ang pamilya ko.. Sana may naging tunay rin akong kaibigan.. Sorry sa lahat kisha, sorry din kyle. Hindi ko akalain na ikaw pa ang hihingi ng tawad samin. Sobrang bait mo talaga. Kaya hindi na ako mag-tataka kung bakit mahal na mahal ka ni kyle, Pati ng mga kaibigan niyo." Napaiwas ako ng tingin s
Three Years Later..Ang bilis ng panahon. Tatlong taon na ang lumipas.Ganito pala ang pakiramdam pag nabuo ang pamilya mo. Hindi mo kayang ipaliwanag 'yung sayang nararamdaman mo.Ang sarap tignan na masaya ang asawa at mga anak mo.At mas masaya ako dahil may panibagong miyembro na kami ng pamilya. Vy is three months pregnant. Malaki na ang kambal kaya pumayag na rin siyang sundan ito.Wala na akong hihilingin pa. Kase kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Masaya na ako na napakasalan kona yung babaeng ini-istalk kolang noon. Yung babaeng lagi kong tinitignan sa malayo.Nakangiti akong nakatingin sa mag-iina ko at sa barkada. Ngayon kase namin sinabi sa kanila na buntis si kisha."Oh my gosh beshie buntis kana ulit!. Ang tagal niyo sundan ang kambal ah." Natutuwang sabi ni eizel. Napapatalon pa ito dahil sa galak."Careful love. Alam mong hindi kana pwedeng maging magaslaw. Baka mapano ka." Napatigil naman si eizel. Kahit kami ang napatingin sa dalawa. Oww, mukhang hindi lang si Vy an
SKYLER DAMIENEpoint of viewSabi nga nila, Hindi ka bibigyan ng pag-subok ni god kung hindi mo 'to kayang lagpasan.Kahit maraming nangyare sa relasyon namin ni Vy, Hindi ako sumuko. Ipinag-laban ko ang pag-mamahal ko sa kanya.Noong panahon na nag-uumpisa palang ako sa kompanya ni Simon. Ang lagi kong iniisip noon ang magiging future namin ni Vy, Lagi kong tinatatak sa isip ko na lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Kaya kahit nahihirapan na ako noon, Kinakaya ko. Dahil alam ko mag-bubunga naman ito sa huli.Walang araw na masaya akong pumapasok noon. Pag-napapagalitan ako ni simon, Hinahayaan ko nalang. Basta lagi kong iniisip si Vy, siya ang lakas ko, siya ang dahilan ko kaya ako nag pupursige. Hanggang sa dumating na nga si marga sa kompanya kasama ang daddy niya. Doon nagbago ang lahat.Kung hindi lang inuutos ni simon na samahan ko si marga noon, hindi ko gagawin. Iniisip ko palang na may kasama akong babae, Nag-kakasala na agad ako kay Vy. Noong mga naunang buwan naging ok pa,
"Marami kaming nilagay na lingerie sa maleta mo. Hehehe tinanggal namin ang ibang pang-tulog mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni beshie."W-what?! Anong ginawa niyo?!"Mabilis na umatras ang dalawa sakin."Sorry sis, gusto namin pag-uwi mo may baby na kayo ulit. Lahat ng pajama mo tinaggal namin. Puro Nighties and lingerie ang andoon!""Enjoy beshie! RAWR!" Mabilis na umalis sila marj at nag tungo kela kuya.Hindi ko napigilan ang pamumula. Bruha talaga ang mga 'yon. Oh gosh, puro pang sexy ang nilagay nila sa maleta ko! Paano 'yan? Nasa bahay pa nila kuya ang gamit ko! Anong oras na rin gagahulin kami sa oras kapag dumaan pa ako sa bahay!"."Nako sissy, pag pasensyahan mona 'yang dalawa nayan. Wala na tayong magagawa sa kalokohan nila." Naiiyak akong napalingon kay kyrah."Nakakainis sila. Bakit nila pinakealaman ang maleta ko." Lumapit sakin si kyrah sakin at tinapik ako sa balikat."Tanggapin mona lang sissy, wala kana rin nagagawa anjan na e." Magsasalita pa sana si kisha ng lu
Naglakad sila papunta sa gitna.Tumugtog ang kantangIkaw at Ako By TJ Monterde๐ถ Hawakan mo ang kamay koNg napakahigpitPakinggan mo ang tinig koโDi mo ba pansin?Ikaw at akoTayo'y pinagtagpoIkaw at akoDi na muling magkakalayoNakahawak si kyle sa bewang ni kisha habang nakahawak naman sa balikat niya ang dalaga. Dahan dahan na sumayaw ang dalawa. Napangiti si kisha ng maalala niya ang kanta. Ito 'yung kinanta sa kanya ni kyle noon bago niya ito sinagot. Lumapit pa lalo si kisha at sinandal ang ulo sa dibdib ni kyle. Humigpit din ang hawak ni kyle sa bewang ng asawa, may tipid na ngiti sa labi."Alam mo bang kinanta ko 'yan sayo nung na coma ka?" Nagulat si kisha dahil sa sinabi nito, inangat niya ang ulo at tumingin sa lalaki. "Talaga?" Hindi niya makapaniwalang sabi. Ngumiti si kyle at tumango."Inisip ko na kantahan kita non. Baka sakaling marinig mo at magising ka."๐ถ Sa tuwing kasama kitaWala nang kulang paMahal na mahal kang talagaTayo ay iisa ๐ถHindi umimik si kisha
Pag pasok na pagpasok ni kyle. Tinanong ko agad siya kung saan kami pupunta."Saan tayo pupunta babe? Bakit kailangan natin tumakbo?" Ngumisi ito sakin."Wala lang, para maiba naman ang pag exit natin diba?" Loko din ang isang to."Eh paano ka nag-karoon ng susi nitong kotse? Na kay kyrah yun ah?""Binigay niya sakin kanina.""Oh, eh saan tayo pupunta ba? Kailangan natin pumunta sa reception. Mamaya pa namang gabi ang flight natin papunta sa hongkong.""Hmm, dont worry babe, pupunta pa rin naman tayo sa reception ng kasal natin. Sa ngayon gusto ko munang masolo ka. Well joy ride?" Ok, hahaha iba din ang trip ng asawa ko. Yes naman. Asawa. Ang sarap pakinggan."Joy ride na ang gamit natin wedding car?" Natawa ito sa sinabi ko."Why not? Gusto kong ipangalandakan sa buong mundo na kasal na ako sa taong mahal ko. Ganoon ako kasaya ngayon babe." Napangiti ako at kinilig. Ang dami talagang alam ng lalaking 'to."Ok Mr. Martinez.""Seatbelt Mrs. Martinez." Agad kong kinabit ang seatbelt ko.
Unti-unti ng bumukas ang pinto. Narinig kona rin ang wedding song namin ni kyle.๐ถ Heartbeats fastColors and promisesHow to be braveHow can I love when I'm afraid to fallBut watching you stand aloneAll of my doubtSuddenly goes away somehowOne step closerNang mabuksan na ng tuluyan ang pinto. Dahan dahan na akong naglakad papasok. Habang nasa likod ko si beshie hawak ang dulo ng wedding gown ko.๐ถI have died everyday waiting for youDarling, don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI love you for a thousand more๐ถAgad dumako ang mata ko sa taong nasa unahan. Siya agad ang hinanap ng mga mata ko.At doon nakita ko itong nakangiti. Katabi niya si kuya ivan.God, salamat po dahil kahit ang dami naming pinag-daanan. Kami pa rin po sa bandang huli. Salamat po at binigyan niyo ako ng taong mamahalin ako ng totoo. Taong bubuo sa pagkatao ko.๐ถTime stands stillBeauty in all she isI will be braveI will not let anything take awayWhat's standing in front of meEvery b
WEDDING DAYABALA ang lahat para sa kasal nila Kisha at kyle.Maaga gumising sila kisha para pumunta sa hotel kung saan ang venue ng kasal, Doon din kase sila aayusan."Oh gosh, Totoo na talaga! Ikakasal na talaga kayo ni sky, Oras nalang ang hihintayin at Mrs. Marinez kana!" Masayang sabi ni eizel. Finally, sa dami ng pinag-daanan nila ni sky. Matutuloy na rin ang kasal na inaasam nila."Kinakabahan ako." Mahinang sabi ni kisha. Nasa kotse na sila, Patungo sa hotel kung saan sila aayusan."Relax. Ganyan talaga sissy." Nakangiting sabi naman ni kyrah. Masaya rin siya na ikakasal na ang kaibigan."H'wag ka masyadong ma-tense sis, May konting photoshoot pa tayo mamaya. Kailangan pretty ka sa lahat ng kuha mo okey?Napangiti naman si kisha. Kailangan ko irelax ang sarili ko.Ilang oras nalang matutupad na 'yung isa sa pangarap ko. Ang makasal sa taong mahal na mahal ko.****"Ok Ma'am tabi na po kayo sa bride, lahat po ng brides maid at yung maid of honor. Ngiti po kayo habang nakatingi
Sh*t gusto kong iiwas ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko kaso bakit hindi ko magawa? Nakakadala ang seryoso niyang tingin. Bakit ganito? Umiwas ka ng tingin kisha, Magkakasala ka sa fiance mo. Kaso ang pasaway kong mata ayaw sumunod. Sinalubong pa nito ang nakaka-akit na tingin ng lalaki.Sobrang bilis ng pang-yayare, halos mawalan ako ng ulirat ng biglang lumapit ang mukha nito sa mukha ko.Ngumiti ito. Napapikit ako ng mas lalo nitong ilapit ang mukha niya.Sh*t! Sh*t! Hahalikan ba ako nito?! Jusko, kisha itulak mo!Hanggang sa marinig ko itong bumulong."Hello my beautiful fiance." Agad akong napadilat at nanlalaki ang matang nakatingin sa lalaking kaharap."K-kyle?!" Gulat kong saad."yes babe, miss me?"Oh my gosh!Sa KABILANG banda.Hindi na makapag salita si eizel. Napatunganga na ito sa lalaking kaharap. Napatili pa siya ng bigla itong yumuko.Oh My!Napamaang siya dahil sa ngisi nito. Jusko po,Biglang nanlaki ang mata niya ng papalapit ng papalapit ang mukha ng lalaki s