nMatapos maihayag ni kyle ang kanyang plano. Isa-isa nang nag-tayuan ang lahat' para gawin ang kani-kanilang trabaho.Habang naiwan naman sa Sala sila kyle, Kisha, ivan, brae, at eizel."Ako nang bahala alamin kung nasaan ang tito ko." Basag ni kyle sa katahimikan. Bumaling ito kela ivan at kisha. "Maiwan kayo dito babe, Hintayin niyo ang tawag ng kidnapper. On the way na rin ang pulis at iba pa para matulungan tayo malocate kung nasaang lugar ang kumidnap sa kambal.Sabay tumango ang magkapatid."Eizel at Brae kayo nang bahala kontakin ang ibang barkada para alamin kung anong balita ok?""Copy.""Ok."Lumapit si kyle kay kisha at ginawaran ito ng halik sa noo. Napapikit naman si kisha."Babe everything will be alright. Makikita rin natin ang kambal. Hindi ako makakapayag na may mang-yari sa kanilang hindi maganda. Sa ngayon' aalis muna ako." Nagaalala naman na tumingin si kisha sa nobyo."Mag-iingat ka ok? Itext at tawagan mo ako." Ngumiti si kyle at tumango, ayaw niyang mas mag-ala
Nakalipas ang ilang minuto."Oh sh*t! S'ya nga!" Sigaw ni marj. Nakaturo ito sa screen ng laptop. Lahat kami nasa kanila ang atensyon."D*mn sana pala s'ya ang sinundan natin! Hindi ang mag-pinsan." Sabi naman ni kyrah."What's going on guys? Ano ang ibig n'yong sabihin?" Seryosong tanong ni kuya,Hinarap ni kyrah ang laptop kela kuya, Bumalik na rin ako sa tabi ni kuya para tignan at pakinggan ang sasabihin ng dalawa."Tignan n'yo yung lalaking may mask at sumbrero." Tinignan naman namin nila kuya iyon. Sumilip na rin si brae at napa-tiim bagang ito. Eto 'yung lalaking bumugbog at nag patulog sa kanya kagabi."That bastard!." Gigil na saad ni brae. Kita ang galit sa mukha 'nya. Hinawakan ko ang kamay nito para kumalma. Bumaling ito sakin."Calm down Bi." Mahinahong sabi ko, Kumalma naman ito."Sorry Mi, Hindi kopa rin makalimutan ang ginawa ng g*gong 'yan." Magsasalita pa sana ako ng mag salita si kuya. Tumahimik nalang ako."So anong meron sa lalaking 'yan?""Eto tignan n'yo rin 'to
SKYLERMa-tyaga kong pinag mamasdan ang matandang hukluban na nasa isang restaurant. May mga kausap ito.Malakas ang kutob ko na siya talaga ang nasa likod ng pag-kidnap sa kambal. Napatiim bagang s'ya ng makitang nakikipag-tawanan ito sa mga kausap.nMasaya ka huh? Masigurado kolang na ikaw ang may pakana ng lahat. Kakalimutan kong kadugo kita!Bumaba muna ako ng kotse bibili muna ako ng kape. Tinatablan na ako ng antok. Kailangan kopang sundan ang matandang hukluban na'yon. Hindi pa naman siguro aalis ang magaling kong tito, dahil kararating lang ng iba niyang kausap.Buti nalang sa hindi kalayuan may Cafe. Mabilis akong naglakad at bumili ng kape. Pagkalabas ko ng store, Madali akong bumalik kung saan nakaparada ang kotse ko. Pag lingon ko sa restaurant kung nasaan ang matandang hukluban. Napamura ako ng wala na ito doon!"Nalintikan na! Saan pumunta ang matandang 'yon?"Baka pumunta ng banyo! Tama.Patungo na sana ako sa restaurant ng may biglang pumukpok sa likod ko. Nag dilim ang
"Are you our real father?" Seryosong tanong nito sa kanya. Lumuhod naman siya para mapantayan ang anak."Yes baby." Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya."If you our real father then why? Bakit ngayon lang kayo nagpakita samin?" Bumuntong hininga muna s'ya bago tipid na ngumiti sa anak. Kahit ipaliwanag niya ito sa kanila hindi pa rin nila maiintindihan ang lahat."It's a long story baby." Nagulat siya ng ismidan siya ng anak."Don't call me baby, I'm a bigboy na. Kung may tatawag man sakin ng baby si mom lang. Hmp!" Natawa siya ng bahagya dahil sa inakto ng anak. Hindi niya akalain na ganito ito kasungit. Kasuplado. Parang alam na niya kung kanino ito nagmana ng ganoong ugali."Ok big boy!""Question Mister." Napakunot noo siya dahil mister ang tinawag sa kanya nito. Hindi daddy."Call me daddy or dad." Seryoso lang siyang tinignan nito."I don't want. Hindi pa ako sure kung ikaw nga ang daddy namin. Kailangan ko muna makausap si mom." Hindi s'ya makapaniwala sa sinabi nito. Tot
Tumayo na siya at muling sinundan ang tito nito..HINDI alam ng lahat na sa oras na'yon napapalibutan na ang buong warehouse ng mga pulis. Maingat ang bawat galaw nila para hindi makagawa ng ingay.Habang sa loob ng kotse hindi mapakali si kisha. Lahat sila pinag-bawalan na lumabas ng sasakyan. Masyado daw delikado.Pero hindi kayang mag-tiis ni kisha doon. Nasa loob ng warehouse ang kaibigan niya at ang mag-aama niya. Umayos siya ng upo at mabilis na kumilos palabas. Hindi na niya pinansin ang tawag ng kapatid at mga kaibigan. Ang importante sa kanya ang kambal. Ang kaligtasan ng mga ito.Ngunit hindi pa sya nakakalayo ng may humigit sa braso niya. Napalingon naman siya"Mi ano ba? Nahihibang kana ba?! Gusto mo bang mapahamak?!" Inis niyang kinuha ang braso sa kaibigan."Hindi ko kayang mag hintay nalang brae! Mga anak ko ang pinag uusapan dito, si Aimee at kyle!.""Nag-iisip kaba Mi? Paano kung sa pag pasok mo d'yan sa loob ikaw naman ang mapahamak?! Sa tingin mo anong mararamdaman
"Kyrah!" Doon lang nabaling ang tingin ni eizel sa mga kaibigan. Nanlaki ang mata nito dahil natumba si kyrah. Agad niyang inilang hakbang ang tali na nakita kinuha niya ito at mabilis na tumakbo sa mga kaibigan.Agad tinulungan ni marga ang pinsan."M-my hair.. My freaking hair! Magbabayad kayo sa ginawa niyo!" Galit na galit na tumayo si donna. Tumingin siya sa mag pinsan. Nakaluhod sa sahig si kyrah, Iniinda ang sakit sa likod. Habang inaalalayan naman siya ni marj."T*ngina ka donna." Mura ni marj kay donna."Dapat sainyo tinatapos na! Mga panira kayo ng plano! Imbes na kanina pa dapat namin nakuha ang pera at si kyle! Dapat sainyo mamatay!!" Sinugod ni marga sila kyrah, ganoon din ang ginawa ni donna. Malapit na ito sa dalawa ng may biglang humampas sa likod ni marga. Isang malakas na hampas, dahil doon nawalan ito ng malay, Ganoon din ang ginawa niya kay donna na nanlaki ang mata ng makitang bumaksak sa sahig ang pinsan. Hinampas niya rin ito. Parehas bumulagta sa lapag ang mag
SA KABILANG BANDA.Nakahinga ng maluwag si kisha ng makitang makasakay sa kotse ang kambal at si aimee. Ngunit kinakabahan pa rin siya dahil nasa labas pa si kyle. Kinakausap nito ang tito niya.Pinagmamasdan niya lang sila kyle ng may biglang humila sa kanya. Natakot siya. Nakita ba siya? May nakakita ba sa kanya?! Nagpapalag siya ngunit tinakpan nito ang bibig niya."Sssssshhhh. Twin its me." Agad naman binitawan ni ivan ang kapatid.Lumingon agad si kisha sa kanya."Kuya? What are you doing here? Paano mo nalaman na andito ako?" Seryoso siyang tinignan ng kapatid. Hindi talaga nito gusto ang ginawang pag takbo sa kanila kanina, Hindi man lang naisip ng kapatid niya na pwede siyang mapahamak."Kisha calm down and think well. H'wag munang uulitin 'yung ginawa mo kanina. Sa tingin mo pag napahamak ka hindi mag aalala ang kambal? Tsaka nakita ka namin ni brae. Doon kami nagtatago." Tinuro ni ivan kung nasaan si brae. Sakto naman na naka-dungaw ito at nakita niya. "Sinundan namin ang mg
May tumamang bala sa balikat nito."T*NGINA!" sigaw ni simon. Agad siyang pinalibutan ng tauhan para protektahan.BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! sunod sunod ang putok ng baril. Nag tumbahan naman ang mga nakapalibot na tauhan kay simon. Si simon at ang lalaking may hawak nalang kay kisha ang naka tayo sa gitna."Die fvcking old man!" Galit na sambit ni ivan. Ito ang bumaril sa balikat nito.Si brae, kyle at ivan ang bumaril sa mga nakapalibot na tauhan ni simon. Sinabayan na ni kyle at brae ang ginawang pag baril ni ivan kanina.agad namang kumilos ang may hawak kay kisha. Tinutukan nito agad ng baril ang dalaga. Unti-unti namang bumabalik ang lakas ni kisha."Ikaw! Ang lakas ng loob mong barilin ako! Magbabayad ka!""Fckyou! Ang lakas din ng loob mong saktan ang kapatid ko?! Binastos mo pang matanda ka!" Tumawa ng malakas si simon."Napaka swerte naman pala ng babaeng ito. Ang daming nagmamahal. Hmmm..""Let her go simon. Sakin ka may kailangan. Ako ang harapin mo! H'wag kang magtago
Napatingin naman ang dalawa kay kisha.."Para saan?" Mahinang tanong ni donna."Gusto ko sana humingi ng tawad sainyong dalawa. Tsaka pinapatawad kona kayo. Na-iintindihan ko, Bakit niyo nagawa ang mga bagay na'yon. Alam ko rin na pinag-sisihan niyo na ang lahat.." Nakangiting sabi ni Vy sa dalawa. Tumayo si donna at lumapit kay vy, Inabot niya ang kamay nito at nagsalita..."Kami ang dapat na humingi ng tawad sa inyo. Malaki ang naging kasalanan namin sayo. At sa buong barkada niyo. Nakaka-inggit lang dahil maraming nag-mamahal sayo, sainyo.. Nakita ko ang lahat ng 'yon noon.. Ang swerte swerte mo, dahil hindi ka binibitawan at sinusukuan ng pamilya at mga kaibigan mo. Sana.. Sana ganoon din ang pamilya ko.. Sana may naging tunay rin akong kaibigan.. Sorry sa lahat kisha, sorry din kyle. Hindi ko akalain na ikaw pa ang hihingi ng tawad samin. Sobrang bait mo talaga. Kaya hindi na ako mag-tataka kung bakit mahal na mahal ka ni kyle, Pati ng mga kaibigan niyo." Napaiwas ako ng tingin s
Three Years Later..Ang bilis ng panahon. Tatlong taon na ang lumipas.Ganito pala ang pakiramdam pag nabuo ang pamilya mo. Hindi mo kayang ipaliwanag 'yung sayang nararamdaman mo.Ang sarap tignan na masaya ang asawa at mga anak mo.At mas masaya ako dahil may panibagong miyembro na kami ng pamilya. Vy is three months pregnant. Malaki na ang kambal kaya pumayag na rin siyang sundan ito.Wala na akong hihilingin pa. Kase kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Masaya na ako na napakasalan kona yung babaeng ini-istalk kolang noon. Yung babaeng lagi kong tinitignan sa malayo.Nakangiti akong nakatingin sa mag-iina ko at sa barkada. Ngayon kase namin sinabi sa kanila na buntis si kisha."Oh my gosh beshie buntis kana ulit!. Ang tagal niyo sundan ang kambal ah." Natutuwang sabi ni eizel. Napapatalon pa ito dahil sa galak."Careful love. Alam mong hindi kana pwedeng maging magaslaw. Baka mapano ka." Napatigil naman si eizel. Kahit kami ang napatingin sa dalawa. Oww, mukhang hindi lang si Vy an
SKYLER DAMIENEpoint of viewSabi nga nila, Hindi ka bibigyan ng pag-subok ni god kung hindi mo 'to kayang lagpasan.Kahit maraming nangyare sa relasyon namin ni Vy, Hindi ako sumuko. Ipinag-laban ko ang pag-mamahal ko sa kanya.Noong panahon na nag-uumpisa palang ako sa kompanya ni Simon. Ang lagi kong iniisip noon ang magiging future namin ni Vy, Lagi kong tinatatak sa isip ko na lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Kaya kahit nahihirapan na ako noon, Kinakaya ko. Dahil alam ko mag-bubunga naman ito sa huli.Walang araw na masaya akong pumapasok noon. Pag-napapagalitan ako ni simon, Hinahayaan ko nalang. Basta lagi kong iniisip si Vy, siya ang lakas ko, siya ang dahilan ko kaya ako nag pupursige. Hanggang sa dumating na nga si marga sa kompanya kasama ang daddy niya. Doon nagbago ang lahat.Kung hindi lang inuutos ni simon na samahan ko si marga noon, hindi ko gagawin. Iniisip ko palang na may kasama akong babae, Nag-kakasala na agad ako kay Vy. Noong mga naunang buwan naging ok pa,
"Marami kaming nilagay na lingerie sa maleta mo. Hehehe tinanggal namin ang ibang pang-tulog mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni beshie."W-what?! Anong ginawa niyo?!"Mabilis na umatras ang dalawa sakin."Sorry sis, gusto namin pag-uwi mo may baby na kayo ulit. Lahat ng pajama mo tinaggal namin. Puro Nighties and lingerie ang andoon!""Enjoy beshie! RAWR!" Mabilis na umalis sila marj at nag tungo kela kuya.Hindi ko napigilan ang pamumula. Bruha talaga ang mga 'yon. Oh gosh, puro pang sexy ang nilagay nila sa maleta ko! Paano 'yan? Nasa bahay pa nila kuya ang gamit ko! Anong oras na rin gagahulin kami sa oras kapag dumaan pa ako sa bahay!"."Nako sissy, pag pasensyahan mona 'yang dalawa nayan. Wala na tayong magagawa sa kalokohan nila." Naiiyak akong napalingon kay kyrah."Nakakainis sila. Bakit nila pinakealaman ang maleta ko." Lumapit sakin si kyrah sakin at tinapik ako sa balikat."Tanggapin mona lang sissy, wala kana rin nagagawa anjan na e." Magsasalita pa sana si kisha ng lu
Naglakad sila papunta sa gitna.Tumugtog ang kantangIkaw at Ako By TJ Monterde🎶 Hawakan mo ang kamay koNg napakahigpitPakinggan mo ang tinig ko‘Di mo ba pansin?Ikaw at akoTayo'y pinagtagpoIkaw at akoDi na muling magkakalayoNakahawak si kyle sa bewang ni kisha habang nakahawak naman sa balikat niya ang dalaga. Dahan dahan na sumayaw ang dalawa. Napangiti si kisha ng maalala niya ang kanta. Ito 'yung kinanta sa kanya ni kyle noon bago niya ito sinagot. Lumapit pa lalo si kisha at sinandal ang ulo sa dibdib ni kyle. Humigpit din ang hawak ni kyle sa bewang ng asawa, may tipid na ngiti sa labi."Alam mo bang kinanta ko 'yan sayo nung na coma ka?" Nagulat si kisha dahil sa sinabi nito, inangat niya ang ulo at tumingin sa lalaki. "Talaga?" Hindi niya makapaniwalang sabi. Ngumiti si kyle at tumango."Inisip ko na kantahan kita non. Baka sakaling marinig mo at magising ka."🎶 Sa tuwing kasama kitaWala nang kulang paMahal na mahal kang talagaTayo ay iisa 🎶Hindi umimik si kisha
Pag pasok na pagpasok ni kyle. Tinanong ko agad siya kung saan kami pupunta."Saan tayo pupunta babe? Bakit kailangan natin tumakbo?" Ngumisi ito sakin."Wala lang, para maiba naman ang pag exit natin diba?" Loko din ang isang to."Eh paano ka nag-karoon ng susi nitong kotse? Na kay kyrah yun ah?""Binigay niya sakin kanina.""Oh, eh saan tayo pupunta ba? Kailangan natin pumunta sa reception. Mamaya pa namang gabi ang flight natin papunta sa hongkong.""Hmm, dont worry babe, pupunta pa rin naman tayo sa reception ng kasal natin. Sa ngayon gusto ko munang masolo ka. Well joy ride?" Ok, hahaha iba din ang trip ng asawa ko. Yes naman. Asawa. Ang sarap pakinggan."Joy ride na ang gamit natin wedding car?" Natawa ito sa sinabi ko."Why not? Gusto kong ipangalandakan sa buong mundo na kasal na ako sa taong mahal ko. Ganoon ako kasaya ngayon babe." Napangiti ako at kinilig. Ang dami talagang alam ng lalaking 'to."Ok Mr. Martinez.""Seatbelt Mrs. Martinez." Agad kong kinabit ang seatbelt ko.
Unti-unti ng bumukas ang pinto. Narinig kona rin ang wedding song namin ni kyle.🎶 Heartbeats fastColors and promisesHow to be braveHow can I love when I'm afraid to fallBut watching you stand aloneAll of my doubtSuddenly goes away somehowOne step closerNang mabuksan na ng tuluyan ang pinto. Dahan dahan na akong naglakad papasok. Habang nasa likod ko si beshie hawak ang dulo ng wedding gown ko.🎶I have died everyday waiting for youDarling, don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI love you for a thousand more🎶Agad dumako ang mata ko sa taong nasa unahan. Siya agad ang hinanap ng mga mata ko.At doon nakita ko itong nakangiti. Katabi niya si kuya ivan.God, salamat po dahil kahit ang dami naming pinag-daanan. Kami pa rin po sa bandang huli. Salamat po at binigyan niyo ako ng taong mamahalin ako ng totoo. Taong bubuo sa pagkatao ko.🎶Time stands stillBeauty in all she isI will be braveI will not let anything take awayWhat's standing in front of meEvery b
WEDDING DAYABALA ang lahat para sa kasal nila Kisha at kyle.Maaga gumising sila kisha para pumunta sa hotel kung saan ang venue ng kasal, Doon din kase sila aayusan."Oh gosh, Totoo na talaga! Ikakasal na talaga kayo ni sky, Oras nalang ang hihintayin at Mrs. Marinez kana!" Masayang sabi ni eizel. Finally, sa dami ng pinag-daanan nila ni sky. Matutuloy na rin ang kasal na inaasam nila."Kinakabahan ako." Mahinang sabi ni kisha. Nasa kotse na sila, Patungo sa hotel kung saan sila aayusan."Relax. Ganyan talaga sissy." Nakangiting sabi naman ni kyrah. Masaya rin siya na ikakasal na ang kaibigan."H'wag ka masyadong ma-tense sis, May konting photoshoot pa tayo mamaya. Kailangan pretty ka sa lahat ng kuha mo okey?Napangiti naman si kisha. Kailangan ko irelax ang sarili ko.Ilang oras nalang matutupad na 'yung isa sa pangarap ko. Ang makasal sa taong mahal na mahal ko.****"Ok Ma'am tabi na po kayo sa bride, lahat po ng brides maid at yung maid of honor. Ngiti po kayo habang nakatingi
Sh*t gusto kong iiwas ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko kaso bakit hindi ko magawa? Nakakadala ang seryoso niyang tingin. Bakit ganito? Umiwas ka ng tingin kisha, Magkakasala ka sa fiance mo. Kaso ang pasaway kong mata ayaw sumunod. Sinalubong pa nito ang nakaka-akit na tingin ng lalaki.Sobrang bilis ng pang-yayare, halos mawalan ako ng ulirat ng biglang lumapit ang mukha nito sa mukha ko.Ngumiti ito. Napapikit ako ng mas lalo nitong ilapit ang mukha niya.Sh*t! Sh*t! Hahalikan ba ako nito?! Jusko, kisha itulak mo!Hanggang sa marinig ko itong bumulong."Hello my beautiful fiance." Agad akong napadilat at nanlalaki ang matang nakatingin sa lalaking kaharap."K-kyle?!" Gulat kong saad."yes babe, miss me?"Oh my gosh!Sa KABILANG banda.Hindi na makapag salita si eizel. Napatunganga na ito sa lalaking kaharap. Napatili pa siya ng bigla itong yumuko.Oh My!Napamaang siya dahil sa ngisi nito. Jusko po,Biglang nanlaki ang mata niya ng papalapit ng papalapit ang mukha ng lalaki s