“Walanghiya ka! Malandi! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin? Ng mga kakilala natin? Ng mga kamag-anak natin? Buntis ka! Dalagang-ina? Doktora ka pa naman! Tangang doktora! Hindi mo ginamit ang pinag-aralan mo!” pasiigaw na sabi ng galit na galit na Tatay ko.”Ikaw pa naman ang inaasahan namin ng Nanay mo na makakatulong sa amin sa pag-aaral ng mga kapatid mo!” dagdag pa ni Tatay. Dahil sa sobrang galit ay napagbuhatan ako ng kamay ng Tatay ko. Magkapatid na sampal na halos ika-walang malay ko ang dumapo sa aking pisngi.“Nasaan ang ama ng magiging anak mo? Wala! Pinabayaan ka na? Hindi namin kilala kung sino ang boyfriend mo! Ni anino ng lalaking iyan ay di namin nasilayan dito! Tapos yan ang sasabihin mo sa amin? Buntis ka?”pasiigaw na sabi ng galit na galit ngTatay ko. Halos marinig ng mga kapitbahay namin ang kaguluhan sa loob ng bahay namin. Ang Nanay ko naman na hindi makapaniwala sa nangyari sa akin ay iyak ng iyak at walang masabi.“Lumayas ka! Layas! Ayaw ko ng m
Ang isang gabing kaligayahang pinagsaluhan namin ni Robert ay saglit lang at napalitan ng lungkot at kaba dahil dalawang buwan na akong walang menstruation. Nag self-testing ako.... POSITVE. Sabi ko baka mali ito. Kaya't nagdesisyon akong magpa-pregnancy test sa isang klinika. Positive pa rin ang resulta. Na-shock ako. “Paano na ang mga pangarap ko? Paano pa ako nagiging isang magaling na doktor? Paano na ang pamilya ko, ang mga kapatid kong pag-aaralin ko pa? Ako pa naman ang pangany sa anim na magkakapatid. Magandang halimbawa ba ang ginawa ko? Nabuntis ng hindi pa kasal? Dalagang-ina? Napaka-tanga ko! Ni hindi pa nga kilala ng mga magulang ko si Robert! Tapos ito?” pagmumuni-muni ko. Nung araw ring iyon, tinawagan ko si Robert at sinabing magkita kami. Nagtatarabaho na si Robert sa isang kilalang Law Firm, ang SyCip Salazar Hernandez & Gatmaitan Law Firm bilang isang Corporate Lawyer. Dalawang taon na syang.pumapasok dito bilang paghahanda sa pag take-over nya sa kanilang mga nego
After almost 17 hours sa eroplano, nasa Pilipinas na kami. Ah..... iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa sariling bansa ka. Mga hand carry luggages lang ang bitbit namin ni Steven dahil naipadala ko na in advance ang mga gamit namin sa States. Si James Sy, ang aking bestfriend magmula pa noong UP days namin, ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin ko dito sa Pilipinas. Isa na syang Senior Partner CPA sa isang malaking kumpanya, ang SGV & Co. na me tie-up sa Ernst & Young LLP / New York. Inasikaso nya ang titirahan naming condo na binili ko, mga basic appliances and furnitures, pati na ang kasambahay na makakasama namin, at iba pa kakailanganin namin dito sa Pilipinas. Sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 2 kami lumapag, mga 7 o'clock am. Excited na si Steven sa pagbaba ng eroplano. Susuduin kami ni James sa airport at mula dito ay tutuloy na kami sa condo. Maliban kay James, walang nakakaalam ng pag-uwi naming ito. Lalong walang nakakaalam ng tungkol sa anak ko. Sa loob
Namamahay marahil ako at naninibago sa time zone sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kung kaya't hindi ako nakatulog ng maayos. Samantalang si Steven ay mahimbing na ang tulog. Sabado ngayon at alas-kwatro na ng madaling araw. Pumunta ako sa balkonahe ng condo at tinanaw ang kapaligiran. Hmmm... mukha ngang maganda dito at tanaw ang swimming pool sa ibaba mula sa kinalalagyan namin sa 10th floor.Dahil maaga pa, nagpasya akong maghanda na ng almusal, para pag gising ni Steven ay magkakapag-agahan na sya at aayain kong magswimming sa pool sa ibaba. Seven o'clock nagising si Steven at habang nag-aalmusal ay sinabi kong, “Why don't we try out the swimming pool downstairs?” Excited na umoo si Steven kung kaya't alas otso ay nasa pool na kami. Walang katao-tao sa swimming area kaya't para kaming mga bata ni Steven na nag-swimming. Marunong ng lumagoy si Steven, four years old pa lang sya ay nag-aral ng lumangoy sa States.Sa di kalayuan ay may lalaking nagmamasid sa amin. “Akala ko ay maaga
Samantala sa tabi ng pool, naiwan si Robert na namamangha sa mga pangyayari. Totoo ngang bumalik na si Megan... ang mahal niyang si Megan. Pitong taon na ang nakalipas magmula ng biglang umalis ito sa bahay nila sa Makati. Ipakikilala sana nya ito sa kanyang mga magulang at upang ipaalam sa mga ito ang plano nyang pakasalan si Megan. Alam nyang tututol ang Baba at Mama nya na pakasalan si Megan. Hindi naman matapobre ang kanyang mga magulang subalit, may pangalan itong inaalagaan at syempre and nais nilang mapangasawa ko ay nabibilang sa alta-sosyedad,. Mayaman na tulad namin at higit sa lahat, dapat ay Chinese rin.Naaalala pa nya ang mga sinabi ng Baba at Mama niya tungkol ke Megan, bagama't hindi pa nila ito nakikilala o nakakaharap man lang. Pulos panlalait at nakakababa ng pagkatao ang mga narinig nito. Naaala pa nya.“Bakit mo dinala rito ang babaeng yan?” tanong ni Mama. Sabi naman ng Baba nya, “Wala akong pakialam kung isa syang doktora, mahirap pa rin sya. Ang gusto kong ma
CHAPTER 6“What a beautiful morning! Ang dami ko pa palang aasikasuhin, today. I have to enroll Steven to a public school near here this morning then I will report at St. Luke's Medical Center in the afternoon to submit my credentials.” bulalas ni Megan. Nilista ko ang mga itinerary ko for the day para hindi ako magahol sa oras. Ginising ko si Steven na katabi ko sa kama at paglabas namin ay nakahanda na ang breakfast. “Good morning, Ate Rose.” bati ko sa kasambahay ko. “Mam, nakahain na po ang almusal, kain na po kayo.” wika ni Rosa. “ Sumabay ka na sa aming kumain, tatatlo lang naman tayo rito. “ sabi ko. Habang kumakain ay nag-ring ang doorbell. Tinignan ni Ate Rose kung sino ang nag-doorbell at sinabing si James pala.“Good morning, Megan! Good morning Steven! Aba taman-tama pala ang dating ko! Makikikain na rin ako.” bati ni James. Nag-setup pa ng isang plato at kubyertos si Ate Rose sa mesa para makakain din si James. Habang kumakain ay nabangit ni James na nasa parking
CHAPTER 7Hatingabi na hindi pa rin ako makatulog. Umiisip ako ng paraan kung paano ako makikipagkita kina Tatay at Nanay. Bigla kong naisip na anibersaryo pala ng kasal nila isang linggo mula ngayon. Tamang-tama ang okasyong iyon para makipagkita sa kami ni Steven sa kanila at maipakikilala ko rin ang aking anak. Tinawagan ko si James sa cellphone nito. “Hello, Megan. Me problema ba? Hatingabi na!” parang inaantok pang sagot ni James.“So sorry James sa pagtawag ko ng dis-oras ng gabi. Naisip kong wedding anniversary pala nina Tatay at Nanay sa 19th ng buwang ito. Di ba napagandang okasyon iyon para makipagkita na kami ni Steven sa kanila?” excited na sabi ko. “Okay, I will arrange the venue on the 19th at sekreto kong kakausapin ang kapatid mong si Andy. Siya naman ang lagi kong kausap tuwing magbibigay ako ng pera para sa kanila na galing sa iyo.” sabi ni James na tila wala pa sa wisyo. “I will drop by at your place tomorrow para mapag-usapan natin ang details. Goodnight.
CHAPTER 8Samantala, si Robert na nasa kanyang opisna ay kausap nito ang private investigator na kinomisyon niyang imbestigahan ang tungkol ke Megan at sa anak nitong si Steven magmula ng mawala ito pitong taon na ang nakalilipas.“ Ano ang mga nakalap mong impormasyon, Mr. Valdez?” tanong ni Robert. “Sir, si Ms. Megan Reyes po ay isang doktora. Umalis po siya ng Pilipinas papuntang New York, pitong taon na ang nakalilipas. Doon na po sya nagtapos ng residency nya sa medisina at nagtrabaho sa New York-Presbyterian Hospital bilang isang Internal Medicine Specialist. Ang New York-Presbyterian Hospital is one of the largest comprehensive health care facilities in the world and the largest in New York. Mahirap pong makapasok ng trabaho doon kung hindi ka magaling. Mayroon po siyang isang anak, si Steven na six years old. Tumira po sila ng anak niya sa isang Manhattan apartment kasama ang isang pinay na nanny. Wala po akong nakalap na impormasyon kung me asawa ba siya o wala. Bumali
Chapter 135 - Akala ko natagpuan ko na ang quest for love ko! Isang buwan pa ang nakalipas mula ng ibaba ng hukuman ang hatol nito sa aking annulment case, napag-alaman ko mula sa aking lawyer na hindi na inapela ni Trevor ang kaso kaya final ang executory na ang Decree of Annulment. Nabili ko na ang condo sa Magnolia Residences pero ipinarenovate ko pa ito sa aking kapatid na Architect bago kami tuluyang lumipat dito. Gusto ko kasi maliwanag at mahangin ang loob ng condo kaya sa condo pa rin ni Robert kami nakatira.Isang araw, tumawag si Trevor, “Hello, Megan. Puwede na ba tayong mag-usap? Please?” “Kailan at saan?” maikling sagot ko.“Dinner, tomorrow night, 7pm! I will pick you up!” masayang sabi ni Trevor.“Okay. Sunduin mo ako sa Mckinley Park Residences, sa lobby ako maghihintay.” pormal kong sabi.“What! All this time, dyan ka lang pala tumira sa condo mo? Akala ko ba pinaparenta mo yan?” gulat na sabi ni Trevor. “Kung alam ko lang na dyan kayo nag-stay ng mga anak n
Chapter 134 - From ex-lovers to BFF!Halos isang taon na ang nakalipas magmula ng mag-file ako ng petition for annulment. Buwan-buwan ang trial hearings namin. Ngayon ang araw ng paghuhukom. Nagpaganda ako ng husto dahil ngayon ibaba ng judge ang desisyon ng kaso kong annulment laban kay Trevor. Kung pabor sa akin ang desisyon, okay! Pero kung hindi naman, at least maganda ang hitsura ko at hindi mukhang kawawa.Bagamat hindi kailangang nandoon si Trevor sa pagbabasa ng judge ng desisyon ay dumating siya. Tumango siya sa akin ng makita ko siya. Tumayo ang lahat ng pumasok sa court room ang judge. Unang kasong tatalakayin ay ang annulment case ko. Ipinaliwanag ng judge kung paano niya napagdesisyunan ang kaso, ang mga ebidensya at ang mga testimonya ng mga testigo. Sa dulo ng kanyang desisyon, ay ito ang sinabi niya, “It is ordered that the marriage between Megan Reyes Tee, the Petitioner and Trevor Tee, the Respondent is null and void. The court grants the annulment, it will issue
Chapter 133 - I am done with this marriage thing!Nagkaroon na kami ng pre-trial hearing sa korte ng kasong annulment laban kay Trevor two months after ng pagsampa nito. Dito natiyak na ng lawyer o prosecutor sa panig ni Trevor at ng gobyerno na hindi kami nagsabwatan para makapag-file ng annulment. Napag-usapan rin ang child custody at support, pati na rin ang visitation privileges ni Trevor. Nakita ng judge na ayaw ko ng makipagbalikan kay Trevor at may sapat akong ebidensya at testigo para ituloy na ang paglilitis ng kaso. Sa unang trial hearing sa Office of the City Prosecutor, Muntinlupa City ay pinatawag si Trevor ng korte kung sumasang-ayon siya na ituloy ang Petition for Annulment na isinampa ko. “Hindi po ako tumututol sa petition for declaration of nullity of marriage ni Dr. Megan Tee.” pahayag ni Trevor. Kaya tuloy ang kaso.Pagkatapos ng unang trial hearing, nakiusap si Trevor kung puwede akong makausap ng solo. “Bakit para ano pa? Nakasampa na ang kaso!” sabi ko.
Chapter 132 - Yan lang ba ang kayang mong sabihin? I'm sorry?“So, indirectly, inamin mo na rin na may anak ka sa labas! Sabi mo noong una kang nambabae, hindi mo na uulitin ang ginawa mo. Remember? Nasa simbahan pa tayo noon ng humingi ka ng tawad sa akin. Ngayon, ginawa mo ulit at may anak ka pa! This is an improvement from the first one.” sumbat ko kay Trevor. “I'm sorry!” sabi ni Trevor.“Yan lang ba ang kayang mong sabihin? I'm sorry?” ngumisi ako. “ Alam mo? Marami akong katanungan sa aking sarili kung bakit nagawa mong akong pagtaksilan! Ako ba ang may diperensya? Kulang ba ang pagmamahal na binibigay ko sa iyo? Nagpabaya ba ako sa pamilya natin? Hindi ba kita inaalagaan ng mabuti? Hindi ko ba nagampanan ang obligasyon ko sa iyo bilang asawa? Am I not enough for you? Sumagot ka!”“You are the perfect wife for me and the best mother to our children.” pag-amin ni Trevor.“Pero bakit nagawa mo ito sa akin?!? maluha-luha kong tanong sa kanya. “Patawarin mo ako, Megan!” pags
Chapter 131 - Alin ng hindi mo sinasadya? Ang pagkakaroon mo ng anak sa labas?Inumpisahan ko na rin ang kasong annulment laban kay Trevor. Nag meeting na kami ng lawyer na inirekomenda ni James mula sa Sycip Law firm. Dapat ay sasamahan ako ni Robert sa naturang meeting na ginanap sa opisina ng lawyer, pero susunod na lang daw siya sa akin.“Good morning! I am Atty. Respicio.” bati nito.“Good morning too! I am Dr. Megan Tee. We already spoke on the phone. You were referred to me by James Sy, a senior partner at the Sycip Accounting firm.” kinamayan ko siya habang nagpapakilala ako.Bigla namang dumating si Robert. “Atty. Respicio! Long time no see panyero!” bati ni Robert. Apparently, kilala pala niya si Atty. Respicio dahil classmate pala niya ito sa law school noon.“Ah... Atty. Robert Chen! Good to see you!” bati rin ni Atty. Respicio kay Robert. “Anything I can do for you?”“I am just accompanying Dr. Megan here, who happens to be my ex-girlfriend, for her possible annulme
Chapter 130 - Once a cheater, always a cheaterSa wakas, sinagot ko na rin ang tawag ni Trevor sa akin sampung araw matapos akong maaksidente. Lumabas ako ng kuwarto para hindi maistorbo ang tulog ng mga anak ko.“Hello.....” sagot ko sa cellphone.“Hello, Megan! Nasaan ka? Nasaan ang mga bata?!? tanong ni Trevor. “Susunduin ko kayo!”“Huwag mo na kaming hanapin pa Trevor. Okay ang mga anak mo, kasama ko sila.” sagot ko.“Megan, mag-usap tayo! Please!” pakiusap ni Trevor.“Makikipag-usap ako sa iyo pero hindi pa ngayon. Ayaw ko pang makita ka.” matigas kong sabi. “Kung hindi ka makatiis, iuwi mo dyan sa bahay mo ang babae mo, pati na rin ang anak mo!”“Megan, please!” pagmamakaawa ni Trevor.Hindi ko na hinintay ang iba pang sasabihin ni Trevor at pinindot ko na ang end call. “Ang walanghiyang ito! Ang kapal ng mukha! Nakikiusap na naman na mag-usap kami! Ulol! Dalawang beses mo na akong niloloko. Tama nga ang kasabihang, 'Once a cheater, always a cheater' kay Trevor.” sabi ko
Chapter 129 - Nawawala rin ang pagmamahal kung paulit-ulit kang niloloko.Sabado, walang pasok sa opisina si Robert. Pinakiusapan ko siya kung puwede akong paliguan ni Ate Nena. dahil halos isang linggo na akong hindi naliligo.“Naku, wala si Ate Nena! Inutusan ko sa supermarket kasama si Sgt. Esguerra para mamili ng mga pagkain para dito sa bahay!” sabi ni Robert. “Bihira lang kasi akong kumain dito.”“Sige, hihintayin ko na lang siya. Mamaya na lang ako maliligo!” sagot ko.“Kung gusto mo, doon ka na lang maligo sa kuwarto ko. May bathtub ang banyo ko. Pwede kang magsoak sa hot water para mawala ang sakit ng katawan mo at naka-angat ang ulo at kaliwa braso mo para hindi mabasa.” alok ni Robert. “Sige, ihahanda ko ang bathtub.”Sinamahan ako ni Robert sa banyo na nasa loob ng master's bedroom. Nakahanda na ang bathtub. Sinubukan kong hubarin ang aking t-shirt pero hindi ko talaga kaya dahil sa nakasemento kong kamay at braso kaya si Robert na ang naghubad ng mga suot ko pati und
Chapter 128 - E, ngayon, mahal mo pa rin ako?Nakatulog ako buong araw. Nagising lang ako ng may humahaplos sa aking noo. “Megan, gising na! Gabi na! Hindi ka nananghalian kanina.” paalala ni Robert. “Umiiyak ka rin habang natutulog ka! Halika na kakain na tayo ng hapunan.”“Robert? Nasaan ako?” tanong ko sa kanya.“Nandito ka sa bahay ko! Remember?” sagot ni Robert. “Halika nang kumain.”Inalalayan ako ni Robert para bumangon. Sa hapag kainan, sinalinan pa ako ni Robert ng kanin at ulam sa aking plato. “Gusto mo subuan kita?” tanong ni Robert.“Diyos ko, Robert! Hindi pa naman ako totally baldado!” sagot ko. “May isa pa akong kamay, o!”Pagkatapos kumain, lumabas ako sa main door ng bahay at tinignan ang paligid nito. Sumunod pala si Robert. “Malaki pala itong bahay mo! Mas malaki kaysa sa amin. Uy! May swimming pool ka rin! Gusto ni Steven iyan! Sumali nga siya sa swimming competition nila sa school at nanalo siya!”“Talaga?!? Marami na rin akong na miss na mga milestones sa
Chapter 127 - Why, that son of a bitch, two-timer!50th birthday party ni Trevor na ginanap sa garden ng bahay namin sa Ayala-Alabang. Ayon sa balita ni James sa akin, masaya at successful naman ang party. Yun nga lang, marami ang naghahanap sa akin. Nasaan daw ba ako? Bakit daw wala ako? Hinanap ako ng mga magulang ko at mga biyenan ko, lalo na si Trisha na kapatid ni Trever. “It is your 50th birthday! It's unlikely of her to be absent!” sabi ni Trisha sa umpukan nila ng kanyang mga magulang at kapatid. “Saan ba siya nagpunta?”“May 3-days medical convention sila sa Davao City. Baka bukas pa iyon makauwi!” sabi ni Trevor. “Pero siya naman ang nag-ayos ng party.”Iyun at iyun din ang sinasabi ni Trevor kapag may nagtatanong kung nasaan daw ako sabi ni James. Iyon din ang sinabi ni Trevor kay Steven.Sa umpukan naman ng mga magkukumpare, kasama na si James na nag-iinuman, “Pare, singkuwenta ka na! Matanda ka na! Ang papatol na lang sa iyong babae ay yung ang habol sa iyo ay pera.