"Ang ganda! Sigurado ka ba na ito ang magiging kwarto nating dalawa?" tanong ko kay Wayde. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan kong balcony ang asul na karagatan na may banayad na mga alon at mga puting buhangin sa beach. Hindi ko mapigilang mapahanga. Idagdag pa ang sariwang hangin humahaplos ngayon sa balak ko. Nakaka-relax. Yumakap mula sa likuran ko si Wayde saka n'ya ipinatong ang baba n'ya sa balikat ko. Napahagikgik ako ng simulan n'yang singhutin ang leeg ko at halikan ito. "Oo. Sure akong ito ang kwartong binook ko," sagot n'ya. Ito ang unang araw ng trip namin kaya susulitin ko talaga ang mga araw na kasama ko ang lalaking 'to. Hindi ko alam ang maghihintay sa akin pagbalik ko. Ngayon pa nga lang ay parang ayaw ko nang umalis dito at bumalik pa. "Magpahinga muna tayo tapos mamaya ay mag-swimming tayo sa beach." "Sige." Halos apat na oras din nag-drive si Wayde kaya naman alam kong pagod na pagod s'ya. Hinila n'ya ako punta sa kama at doon ay nahiga kaming dalawa.
"Alam mo bang may sumpa ang beach resort na 'to?" "Sumpa?" "Oo. Sabi nila kapag dito raw sa lugar na 'to nagbreak ang magkarelasyon ay imposible na raw magkabalikan pa ang dalawa pero may mga nagsasabing may paraan daw para ma-undo ang sumpa at iyon ay kapag sa mismong lugar na 'to sila aksidenteng magkikita. Para maputol ang sumpa ay sa batong 'yon nila dapat hagkan ang isa't isa nang walang bituin ang nakasilip sa kanila." Sinundan ko ang itinuro ni Wayde na bato. Isa iyong malapad na bato na ginagawag diving spot ng mga turista na nasa gitna ng karagatan. "Naniniwala ka ba 'ron?" tanong ko sa kanya. "Haka-haka lang naman 'yon. Nabasa ko 'yon noong i-check ko ang mga reviews dito sa beach resort." "Marami bang nagkakabalikan na mga dating couples rito?" "Sabi sa nabasa ko ay wala pa raw. Nagtatagpo sa lugar na 'to ang dating magkakasintahan pero kung hindi taken ang isa ay may pamilya naman na ang isa. Kung pareho pang single ang dalawa ay palagi naman daw may bituin sa kala
"Sigurado ka ba talagang ayos lang ang pakiramdam mo? You look pale, doll." Puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Wayde. Hinawakan n'ya ang magkabila kong pisngi at iniangat ang mukha ko para matitigan n'ya akong mabuti. "Pwede namang bukas na lang tayo mamasyal. Magpahinga ka muna hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo." "Ayos lang ko. Huwag ka ngang OA d'yan. Tara na." Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinagsiklop ang mga daliri naming dalawa. Hindi ko sasayangin ang mga huling araw na magkasama kaming dalawa. Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay sinusubukan kong hindi ito ipahalata sa kanya. Hindi pumayag si Esmeralda na magpakalayo-layo na lang kaming dalawa ni Wayde. Desperada talaga s'ya na makitang nasasaktan at miserable ang buhay ni Wayde nang dahil sa akin. Hindi ko akalaing makakakilala ako ng totoong demonyo at iyon ay nasa katawang tao ni Esmeralda. Demonyo s'ya!Nag-paddle boarding kaming dalawa ni Wayde habang nagi-island hopping na rin. Ito ang unang beses na nagawa
"J-Janus?" "P-Pixie...y-you're here." Kung ganun ay hindi ako na mamalikmata nang makita ko s'ya nung isang araw sa beach. Talaga ngang nandito ang lintik na 'to! Mabilis akong umatras palayo sa kanya nang humakbang s'ya papalapit sa akin. "Huwag kang lalapit kundi sisigaw ako!" asik ko. "Nandito ka na naman ba para guluhin kami?! Pwede ba Janus, itigil mo na ang pangarap mong magkakabalikan pa tayong dalawa dahil kahit kelan ay wala na tayong pag-asa!" "N-Nagkakamali ka, Pixie. Hindi ako nandito para manggulo. Hindi ko alam na nandito ka. I promise." "Huwag ka na ulit magpapakita sa akin dahil hindi ako magdadal'wang isip na ipa-blater ka!" Dali-dali akong naglakad palayo sa kanya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa muling pag-usbong ng galit ko ng makita ang lalaking 'yon. Ayokong maniwala na hindi n'ya alam na nandito ako pero sa napansin kong reaksyon ng makita n'ya ako kanina ay talagang gulat na gulat s'ya. Napagdesisyonan kong bumalik na sa hotel room pero
"Pixie, anong ginagawa mo rito? Alam ba ni Wayde na nandito ka?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Janus. Nilagok ko ang hawak kong tequila saka muling umorder ng isa pang baso. Sa mga oras na 'to ay mahimbing ng natutulog si Wayde. Hinintay ko munang makatulog s'ya bago ako umalis kanina sa kwarto naming dalawa. I left him a note telling him not to find me because I'm with someone else already. Hindi ko alam kung kakagat s'ya sa makabagbag damdamin kung sulat matapos ang puno ng pagmamahalan naming pagsasama sa mga nakalipas na araw. Ngayon ay nandito ako sa bar para humanap ng lalaking gagamitin ko para saktan ang lalaking mahal ko. Wala na akong maisip na paraan. Sobrang labo na ng pag-iisip ko dahil sa unsafe at unsure kong plano. Nasasaktan ako, nalulungkot at nagluluksa. Sari-saring emosyon ang nagpapabigat sa dibdib ko. "Nag-away ba kayong dalawa?" "Ba't ba ang dami mong tanong? Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko sa kanya pero imbis na sundin ang sinabi ko ay naupo s'ya
"Pixie! Oh my god! Bakit ngayon ka lang tumawag? Pinag-alala mo ako ng sobra!" "P-Pasensya na. Kinuha kasi ni dad ang phone ko at iba ko pang-gadgets," paliwanag ko sa kanya. Isang linggo na ang lumipas nang ikulong ako ng mga magulang ko sa kwarto ko. Isang linggo na rin akong walang balita sa labas kaya nang magkaroon ako ngayon ng pagkakataon na makalabas sa kwarto ko ay hindi ko na ito pinalampas pa. Tinawagan ko kaagad si Marcia gamit ang telephono rito sa bahay. "Kamusta ka? Pinayagan ka na bang lumabas nina tito at tita?" "H-Hindi pa. Wala sila mom and dad kaya nakatawag ako sa'yo." "E 'yong kapatid mong kontrabida? Baka ipahamak ka na naman n'ya." Puno ng pag-aalalang pahayag ni Marcia. "Sorry talaga, Pixie. Hindi ko alam na nagkikita kami ni Pennie sa mall." "Wala rin s'ya rito ngayon sa bahay and don't worry, you've done enough. Salamat sa lahat ng tulong mo," sagot ko. "M-Marcia, may balita ka ba kay W-Wayde? P-Pinakulong ba s'ya ng parents ko? Wala kasi sila sa aki
5 YEARS LATER "Inay, gandang gabi po," bati ko kay inay pagpasok ko sa apartment. "Sakto, kakatapos ko lang magluto ng cheken adobo. Sabay-sabay na tayong kumaen na tatlo." "Naku! Nag-abala ka na naman, nay. Baka naman pinagod mo na naman ang sarili mo kakatrabaho rito." Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Kesa naman humilata lang ako. Mas mabute nang gumalaw-galaw ako para hendi mabara ang mga ugat ko," pangangatwiran n'ya. "Iniisip ko ngang turuan si Wynter magsumba para banat kami pareho." "Naku 'nay. Huwag po parang awa n'yo na. Baka hindi kayanin ng puso n'yo ang pagod. Paano kapag inatake kayong wala ako rito? "Ang nega mo talagang bata ka." "Concern lang po inay. Si Wynter po pala?" "Ayon oh," ngumuso si inay kaya naman sinundan ko 'yon ng tingin. "Alew na alew sa panonood ng katuns." Pigil ang tawa ko ng nakita ang posisyon ni Wynter. Nakahiga s'ya sa sofa habang nakapatong ang dalawa n'yang binti sa backrest ng upuan. Abala s'ya sa pagdede sa kamay n'ya habang nanun
"Huwaaa!" iyak ni Wynter. Yumakap s'ya leeg ko kaya naman kaagad ko s'yang binuhat palabas sa toy store. "I'm sorry, anak. Wala kasing ganun kalaking pera si mama para mabili ang doll house na gusto mo. But I promise, mag-iipon si mama para mabili ako ng maraming toys para sa'yo." Hinaplos ko ang buhok n'ya habang inaaalo s'ya. Wala naman talaga akong balak na dalhin s'ya sa toy store. Nadaanan kasi namin ito kaya hinila n'ya ako papasok sa loob. Hindi na ako nakatanggi sa kanya lalo pa't nakita ko ang excitement sa mukha n'ya ng makakita s'ya ng maraming laruan pero sa kasamaang palad ay wala akong pera para bilhin ang mga gusto n'ya lalo na ang malaking doll house na nagkakahalaga ng dolyar-dolyar.Naupo ako sa isang bench saka ko ikinalong ang anak ko na ayaw paring humiwalay sa leeg ko. "Wynter, baby. Look at mama, please," pakiusap ko sa kanya habang hinahaplos ang likuran n'ya. Napangiti ako nang dahan-dahan s'yang humiwalay sa akin. Kinuha ko sa loob ng sling bag ang pa
"Wayde, ano ba?!" Hinampas ko ang braso n'yang nakapulupot sa tiyan ko. Imbis na alisin ay mas humigpit pa lalo ang yakap n’ya sa akin."Hmm. Bango-bango naman ng misis ko."Isiniksik ni Wayde ang mukha n'ya sa leeg ko saka n'ya ako dinampian ng magagaang halik. Mula sa leeg ay naglakbay sa labi n'ya sa batok at balikat ko. Naka-off shoulder white dress ako kaya naman may access s'ya sa balikat ko."Wayde! Baka may makakita sa atin!" suway ko sa kanya pero hindi s'ya nagpatinag at todo landi pa rin sa akin. Ipinagpatuloy n'ya ang pagsingot at paghalik sa leeg ko kaya naman nag-init na rin ang katawan ko.This man really knew how to tempt me!Nasa kusina kami ngayon samantalang nasa may garden naman ang lahat ng mga bisita namin. 1st birthday celebration kasi ngayon ni Miru kaya may kaunting salo-salo kasama ang pamilya at kaibigan naming ni Wayde.Sa dalawang taon na lumipas simula ng maikasal kami ni Wayde ay walang araw na hindi ako nagpapasalamat sa Diyos dahil sa ibinigay n’yang pa
Confirmed! Iniiwasan n'ya nga ako!Nang makita kasi ako ni Pixie ay bigla na lang s'yang yumuko at nagtago sa likuran ng kaibigan n'ya. Masyado ba kong aggressive para yayain s'yang maging bed partner ko? Pero hindi ko naman s'ya pipilitin kong hindi pa s'ya handa.Damn you, Wayde! Sa lahat ng pwede mong hingin na kondisyon sa kanya ay 'yon pa talaga?"Luh! Anyare sa'yo?" tanong sa akin ni Mavey. Hindi ko namalayan na sinasabunutan ko na pala ang sarili ko. "You're acting fishy, Wini. Very very fishy.""Parang s'ya hindi.""Huh? What do you mean bakla?" kunot-noong taong sa akin ni Mavey."Balita ko may bagong manliligaw na naman si Keegan."Gusto kong humagalpak ng tawa ng makita ko ang pagbusangot ng mukha ni Mavey pero pinigilan ko. Baka kasi mas lalo lang s'yang ma-badtrip sa akin."Nabihag na naman ng ganda n'ya ng eyes ni crush. Ilang beses n'ya na akong inaagawan ng crush, Wini. Kung ipakulam ko na kaya ang babaitang 'yon?""Si Keegan ba talaga ang ipapakulam mo o ang mga manlil
"We traced her every movement but this is not enough to arrest her. Pwede natin s'yang kwestyunin pero hindi natin s'ya maikukulong. Kailangang kompirmahin ng dalawa n'yang tauhan na s'ya nga ang may pakana sa pag-kidnap kay Pixie para madiin s'ya at maipakulong," pahayag ni Atty. Salcedo. "We can't let her escape! Gawin mo ang makakaya mo para hindi na makapaglakad sa lupa ang hay*p na 'yon!" asik ko. "We don't have witness and evidence, Mr. Johnsons." "Wala pang kasiguraduhan kung kelan magigising si Pixie at kung hihintayin natin s'ya ay baka makatakas lang ang kapatid n'ya," saad ni kuya Willard. "Siguradong kabado na ang babaing 'yon ngayon," komento naman ni Devan. "I have a suggestion." Sabay-sabay na nabaling ang tingin naming lahat kay kuya Willard. "She might confess on her own." "Paano?" tanong ko. "By letting her visit her sister." "What? No! I won't risk Pixie's safety!" sigaw ko. Hindi ko gusto ang planong 'yon ni kuya Willard pero kung kapalit nun ang hustisya
"I can't believe she has a boyfriend. Hahaha! Sa itsura n'yang 'yan ay may pumatol pa talaga sa kanya." Pennie mockingly said. Nakikinig lang ako sa kanya habang pinagsasalitaan n'ya ng masasamang salita ang kapatid n'ya. I want to unhear it, pero sa kasamaang palad ay wala akong remote para i-mute ang bibig ng kaibigan ko. "Balita ko 6 months na sila. Tsk. Tingnan lang natin kung umabot pa sila ng isang taon." Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa labi ni Pennie. Sigurado akong may masama na naman s'yang binabalak at kung hindi ako nagkakamali ay balak n'yang sirain ang relasyong meron ang kapatid n'ya sa boyfriend nito. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Pennie ay alam ko na ang takbo ng utak n'ya. Yes, I like Pixie pero hindi ako nagtangkang sirain ang relasyong meron sila ng boyfriend n'ya. I'm happy for her. Nang magka-boyfriend s'ya ay ako ang unang nakaalam. Stalker yarn? I'm just fond of her. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko ang mga reaksyong gumugihit sa mukha n'y
"W-WHAT? Are you out of your mind!" asik ng ina ni Catalina ng sabihin amin sa kanyang iuurong na namin ang kasal. "Catalina! Is this your idea?" "Desisyon po namin 'to pareho," pahayag ko na mas lalong nagpakunot ng noo ng dalawang matada. "N-No. Hindi pwede. Matagal na natin 'tong napagplanuhan. Hindi na pweding iurong ang kasal!" "Stop it mom," suway ni Catalina sa ina n’ya. "You shut your mouth young lady! Baka naman pinilit mo itong si Wayde na huwag magpakasal sa'yo. Alam ko ang takbo ng kukute mo, Catalina! Alam kong matagal mo nang ayaw sa kasalang ito!" asik ng ama ni Catalina. "Hindi lang po s'ya ang nagdesisyon dito." "No Wayde, alam kong pinilit ka lang ni Catalina. Don't worry, we’ll talk to her." "No. Our decision is final. Walang kasalan na magaganap. I'll pay for the damages if I have to." "W-Wayde," "I already have a child. Papayag ba kayong maikasal sa akin ang anak n'yo kung may anak na ako?" Bumakas ang matinding gulat sa mukha ng dalawang matanda dahil s
WAYDE "Wayde?" Bakas ang gulat sa mukha ni Janus nang makita ako. Buhat n'ya ngayon ang isang sanggol na sa tingin ko ay anak n'ya. "W-What brought you here?" tanong n'ya bago ibaling kina Mavey at Keegan ang tingin n'ya. "Do you have spare time? I need to talk to you." "Y-Yeah. Sure. Pasok kayo." Nilakihan n'ya ang pagkakaawang ng pinto para makapasok kaming tatlo. Sa tulong ni Mavey ay mabilis naming nahagilap ang kinaroroonan ni Janus. Prioridad ko pa rin ang paghahanap kay Pixie sa mga oras na ‘to at hindi ako titigil hangga't hindi ko s’ya natatagpuan. Sa ngayon ay kailangan ko munang malinawan sa totoong nangyari sa kanila ni Janus bago ako magpadala sa emosyon ko. Alam kong huling-huli na ako. Dapat noon pa ay hinarap ko na si Janus pero wala nang magagawa ang pagsisisi ko ngayon. Inilapag muna ni Janus ang natutulog n'yang anak sa crib bago maupo sa kaharap kong sofa. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Janus. Nandito ako para marinig ang totoong n-namamagitan sa iny
"SA'YO 'to?" tanong n'ya sa akin pagpasok n'ya sa condo unit ko. "Oo. Dito ka muna. Bukas na lang kita ihahanap ng hotel mo. Okay lang naman sa'yo, diba?" "Yes. I'd rather stay here pero hindi ba ako makakaabala sa'yo? Wait, may iba ka bang kasama rito?" "Wala. Sa ngayon ay ikaw lang." Tumango-tango s'ya habang inililibot ang tingin sa loob ng condo ko. "Alam ba nilang nandito ka sa pilipinas?" "Si Wayde lang ang nakakaalam." "Okay. Magpahinga ka na muna. I'll take you to your room." Sumunod s'ya sa akin hanggang sa makarating kami sa bakanteng kwarto sa condo ko. "T-Thanks. Ahm, Devan. Are you mad at me?" "N-No. Why would I?" "B-Because I publicly announce my feelings for you." "No. Rest, Cat. Let's talk later." Nang isara n'ya ang pinto ay doon na ako napasabunot sa sarili ko. Kanina pa nagwawala ang puso ko dahil sa naging confession n'ya but here I am being cold and mean to her. The f*ck why? I want to pull her close to me and kiss her pero kabaliktaran nun ang ginagawa
"DEVAN! You're here!" tuwang-tuwa n'yang saad nang makita n'ya ako sa opening ng restaurant ng kapatid n'ya. "I'm glad you're here." "Hmm? Really, why?" "Eh kasi wala akong makausap dito. Nakatayo lang ako rito, tumatango kapag may bumabati. It's awkward for me." Para s'yang bata na nagsusumbong sa nanay n'ya. Cute. "Napansin ko nga. You look bored here." "Sinabi mo pa!" "Let's go out." "O-Okay. Ahm. Okay lang naman sigurong umalis ako diba?" "Oo. Nand'yan naman ang manager ng resto kaya ayos lang." She chuckled and clung to my arm. "Let's go." S'ya na ang humila sa akin palabas ng restuarant kaya mahina akong napatawa. Para s'yang nakalaklak ng enervon sa taas ng energy n'ya. "Where are you taking me?" "Hindi ko pa alam. May gusto ka bang puntahan?" "You tell me. Mag-recommend ka ng lugar na sa tingin mo ay mai-enjoy ko bukod sa mall." "Hmm. Let's see." Kaagad kong pinaharurot ang minamaneho kong sasakyan hanggang sa makarating kami sa harap ng hotel building n'ya. "Iu
DEVAN "Don't f*cking touch my wife!" asik sa akin ni Willard. Kumunot ang noo ko bago ako mapabuntonghininga.Hanggang ngayon ba ay pinagseselosan n'ya pa rin ako? Ako na pinsang buo ng asawa n'ya? Really?Hinila n'ya papalayo sa akin si Marcia saka n'ya ito isinubsob sa dibdib n'ya. Edi kayo na may lovelife!"Ano ka ba naman, hon! Pinsan ko 'yan!" sita ni Marcia sa asawa n'ya saka nito mahinang hinampas ang braso ng lalaki."Kahit na. He's still a guy!"Damn! Patay na patay ang hinayupak sa pinsan ko."Ilang taon na nga ulit kayong kasal?" I asaked them."3 years," sagot ni Marcia. "Anyway, ikaw na ang bahala sa baby namin. Magdi-date lang kami ng asawa ko. Sinasabi ko sa'yo, Devan, kapag pinabayaan mo ang anak ko ako mismo ang maghuhukay ng lupa na hihimlayan mo. Mark my word," pagbabanta ni pinsan kaya napakamot na lang ako sa batok ko."Tss. Oo na. Anong akala mo sa akin? Hindi marunong mag-alaga ng bata?" May halong pagmamayabang na pahayag ko na ikinangiwi ni Willard. Halatang