Home / Romance / My Possessive Bed Buddy / Kabanata 3 : The Deal

Share

Kabanata 3 : The Deal

last update Last Updated: 2022-07-25 07:22:49

"Hmm. Ano ba," reklamo ko habang mariin pa rin ang pagkakapikit ng mga mata ko.

"Sinabihan mo akong manyakis kagabi pero ikaw 'tong nagsusumiksik sa akin." Narinig kong sabi ni Wayde kaya naman mabilis kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang posisyon naming dalawa.

Nakapatong na ang kalahating katawan ko sa ibabaw n'ya habang nakayakap naman ang braso ko sa bewang n'ya at nakadantay ang binti ko sa hita n'ya.

"Good morning doll." Nakangiti n'yang bati sa akin saka s'ya tumagilid paharap sa akin at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya.

"What are you doing?" kunot-noong tanong ko habang pilit na tinatanggal ang kamay n'ya na nasa bewang ko.

"Nagrereklamo ka kanina nang ilayo kita sa akin kanina tapos ngayong malapit na ako sa'yo ay nagrereklamo ka pa rin. Ano ba talaga doll?" Namamaos n'yang tanong. His manly tone is seductive. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha n'ya. Pucha! Ang gwapo.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay nang mapaungol ako dahil sa ginawa n'yang pagpisil sa taligiran ko. Sa sobrang landi nun pakinggan ay para na rin n'ya akong pinasukan.

Nakakainis!

Narinig ko ang pagtawa ni Wayde kaya kaagad ko s'yang sinamaan ng tingin at hinampas ang kamay n'ya na nasa loob ng damit ko pero hindi nagpatinag ang bading. Imbis na tanggalin ang kamay n'ya ay humaplos ito paakyat sa ibabang parte ng dibdib ko. Wala akong suot na bra kaya naman magiging madali na lang sa kanyang dakmain 'yon kung gugustuhin n'ya.

"Dolling you comes with an exhange doll."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong humalinghing dahil sa pagdikit ng daliri n'ya sa gilid ng dibdib ko.

He's teasing me.

Sa loob ng isang taon na magka-relasyon kami ni Janus ay hindi ko s'ya hinayaang hawakan ang katawan ko. Hanggang smack kiss lang kami pero si Wayde, what the heck?! Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil sa kanya.

"W-What do you w-want," nauutal kong tanong sa kanya.

"Be my partner in bed."

W-What?!"

"Come on. I'll make sure that boys will kneel before you and your beauty. Pennie will surely face her defeat against you," pahayag ni Wayde.

Kung noon ay wala akong pakialam sa pangbu-bully at pagpapahiya sa akin ni Pennie dahil lang sa pagiging nerd at boring ko, ngayon ay gusto ko nang tumayo at patulan s'ya. Hindi ko na papalampasin pa ang mga pinaggagawa n'ya. Stealing my ex-boyfriend will be her last game.

Partner in bed?

Ibigsabihin lang nun ay kay Wayde rin ang bagsak ng virginity ko. Ang baklang 'to? Nasaan na ang sinabi ko kagabi na sa lalaking papakasalan ko lang mapupunta ang v-card ko?

I can style myself naman! Aish! Pero duda akong magagawa ko 'yon ng tama. Kahit ang kaibigan kong si Marcia ay wala ring sense of fashion para matulungan akong itama ang style ko kaya si Wayde ang last resort ko.

"Ano na doll?" tanong ni Wayde.

"Ang hirap ng hinihingi mong kapalit. I need time to think," sagot ko.

Pareho kaming napabalikwas ni Wayde sa kama nang marinig ang malakas na pagkalabog ng pinto sa kwartong kinalalagyan namin. Narinig ko ang malanding pag-ungol ni Pennie sa labas at mukhang hindi ko na kailangang tingnan kung ano ang nangyayari dahil sigurado na ako sa ginagawa n'ya ngayon kasama si Janus.

"Fine. I'll be your partner in bed," disididong sagot ko.

Panahon na para maturuan ng leksyon ang kapatid kong pinaglihi sa ulupong.

Muling bumagsak ang likuran ko sa malambot na kama nang itulak ako pahiga ni Wayde at daganan.

"Let's start," pahayag n'ya bago n'ya hulihin ang dibdib ko at himasin 'yon sa kabila ng suot kong t-shirt. Siniil n'ya ako ng halik bago pa man kumawala ang malakas na ungol sa bibig ko dahil sa ginagawa n'ya.

Oh my ghad! Is this really happening?

He expertly massages my left boobse kissing me passionately. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng ma-high sa druga but right now, his kisses and touch makes me high.

"Y-You're not gay," usal ko nang pakawalan n'ya ang labi ko.

"I'm not sure either," sagot n'ya. Hinalikan n'ya ang leeg ko pababa sa exposed cleavage ko. Bawat halik n'ya sa akin ay sinisigurado n'yang makakapag-iwan s'ya ng marka sa balat ko.

Iniangat n'ya ang suot kong t-shirt at akmang iusubo n'ya na sana ang kanang dibdib ko nang biglang kumagabog pabukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan namin.

"What the hell! Wayde!" sigaw ni Pennie.

Inayos muna ni Wayde ang damit ko bago lingunin ang kapatid kong umuusok na ang ilong na parang toro dahil sa sobrang galit.

"Hi beshy," masiglang bati ni Wayde kay Pennie na lihim kong ikinatawa. Sa tono kasi ng pananalita Wadye ay parang wala lang sa kanyang nahuli kami ng ate ko.

Nang makita ko si Janus sa likuran ni Pennie ay kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya dahil sa masamang tinging ipinupukol n'ya sa akin.

"Wayde! Your making out with my sister! Paano mo nagawang traydurin ako? I thought I'm your bestfriend!" nanggagalaiting sigaw ni Pennie. "You bitch! Bestfriend ko pa talaga!" baling sa akin ni ate.

"At ex-boyfriend ko pa talaga?" sarkastiko kong singhal sa kanya.

"So your doing this for revenge huh."

"No. Ayokong magsayang ng oras para gawin 'yon Pennie. Wala akong pakialam sa basurang pinulot mo na galing sa akin. He's all yours. After all I have Wayde to satisfy me," pahayag ko.

"That's my doll," bulong sa akin Wayde. I coudn't help but to give him my genuine smile.

"F*ck you!" sigaw ni Pennie bago mag-martsa paalis. Sumunod naman sa kanya si Janus na hindi rin maipinta ang mukha.

***

PAGKATAPOS ng morning drama ay umalis kami ni Wayde para umpisahan ang misyon n'yang pagpapaganda sa akin.

"Your parents owned an apparel company pero hindi mo magawang ayusan ang sarili mo," pahayag ni Wayde habang abala sa paghahanap ng mga damit sa botique na pinasukan naming dalawa. "Your fashion sense sucks doll," maarteng dagdag n'ya na nagpaikot sa mga mata ko.

Bumalik na naman ang pagiging bading n'ya. Kanina lang ay halos kainin n'ya ako sa sobrang pananabik n'yang makipag-chukchukan sa akin.

Partner in bed, hindi ba mas pinalinis na salita lang 'yon ng f*ck buddy?

Wayde is my f*ck buddy!

Masyado akong nagpadala sa inis ko kanina nang marinig ang ginagawa ng higad kong kapatid at ng ex ko kaya naman mabilis akong pumayagsa gusto ni Wayde ng hindi pinag-iisipang mabuti ang magiging consequence ng desisyon ko..

Nababaliw na ako!

"Here, try this."

"Lahat 'to?" gulat kong tanong kay Wayde nang iabot n'ya sa akin ang mga napili n'yang mga damit na halos nasa sampu o higit pa ang bilang.

"Yup." Sumimangot ako. Mauubos ang oras namin sa pagsusukat palang ng mga damit. "Fine, kahit isang pares lang muna tapos sunod na natin ang pagpapaayos ng buhok mo." Pumili s'ya ng damit sa mga hawak ko at 'yon ang pinasuot n'ya sa akin.

Denim mini-skirt and sailor collar crop blouse na puti. Ito ang unang beses na magsuot ako ng ganitong damit dahil madalas ay suki ako ng t-shirt at pants.

"Gorgeous," komento ni Wayde ng makita ako. Lumapit s'ya sa akin at inayos ang collar ng blouse ko. Akala ko ay 'yon lang ang gagawin n'ya pero napatingkayad ako nang hapitin n'ya ang bewang ko at halikan ako. It was a peck kiss on my lips, sapat na para mawindang na naman ang katinuan ko.

"Taralets na." Hinawakan n'ya ang kamay ko hinila ako palabas sa botique.

"Teka, hindi ko pa nababayaran 'tong mga pinamili natin."

"I already paid for them," aniya nito.

"Wow. Libre mo ba?"

"Kasama na 'to sa package ng pagpapaganda ko sa'yo."

Napa-'O' ang bibig ko dahil sa sinabi ni Wayde. Hindi naman pala ako lugi.

Nang makarating kami sa beauty parlor ay si Wayde ang nakipag-usap sa hairstylist na nakatuka sa akin. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nilang dalawa pero tiwala naman ako sa gustong mangyari ni Wayde sa buhok ko. Bahala na.

Lagpas sa balikat ang buhok ko at may bangs rin ako pero nang ayusan ako ng hairstylist na kinausap ni Wayde ay naging shoulder level na lang ito. Kung dati ay dry na dry ang buhok ko ngayon ay wavy at bouncey na. Kinulayan rin ito ng dark brown samantalang ginawang curtain bangs ang style ng bangs ko dahilan para mas lalong lumitaw ang itinatagong ganda ng mukha ko.

Opo. May tinatago rin pala akong ganda. Kahit ako ay na shock din ng makita ang final result ng naging itsura ko.

"Miss, bayad na po," pahayag ng babae nang abutan ko s'ya ng pera.

"Ah okay. Thank you po."

"Ang ganda n'yo po ma'am. Balik po ulit kayo. Thank you." Nginitian ko lang s'ya bilang tugon.

Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa naging feedback ng ibang tao sa akin. Mukhang tama ang desisyon kong baguhin ang fashion style ko. Kung hindi dahil kay Wayde ay baka emo pa rin ako hanggang ngayon.

Hindi ko mahanap si Wayde sa loob ng parlor kaya lumabas na lang ako since tapos naman na ang pag-aayos sa akin.

Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon?

"Wayde!" tawag ko sa kanya nang makita s'yang nakatalikod at naglalakad palayo sa akin. Nakadikit sa tenga n'ya ang kanyang phone kaya siguro hindi n'ya ako narinig. Tumakbo ako papunta sa kanya ay hinila ang balikat dahilan para mapaharap s'ya sa akin pero nagkakamali ako, hindi s'ya si Wayde.

"S-Sorry po."

"What's your problem miss? Bakit bigla ka na lang nanghihila?" Bakas ang matinding pagkainis sa boses ng lalaking kaharap ko. Napaatras ako nang bumaba ang tingin n'ya sa katawan ko bago s'ya ngumiti ng nakakaloko sa akin. "Mamaya na tayo mag-usap Sheila," pahayag n'ya sa kausap n'ya sa kabilang linya bago ilayo ang phone sa tenga n'ya.

"Sorry ulit." Paalis na sana ako nang bigla n'yang hilahin ang siko ko.

"Sorry for shouting at you. So, how can I help you?" tanong n'ya suot ang mapaglarong ngisi sa labi.

"Nagkamali ako. Akala ko ikaw ang kaibigan ko."

"Really? I can be you friend. You wanna hung out with me?" tanong n'ya habang pilit ko namang binabawi ang pagkakahawak n'ya sa akin pero away n'ya talaga akong bitawan.

"Bitawan mo ako! Ano ba!" sigaw ko.

Nakakuha kami ng ang atensyon sa ibang tao pero wala man lang nagtangkang tulungan ako.

He's obviously harassing me!

"W-Wayde," naiiyak kong bulong sa pangalan n'ya. Nasaan na ba kasi ang baklang 'yon?

"Get your filthy hands off her," maawtoridad na utos ng lalaking nasa likuran ko. "Don't make me say it again," pagbabanta ni Wayde habang matalim ang tingin sa lalaki. Naka-On Mode na naman ang pagiging lalaki n'ya. Duda na talaga akong bading s'ya.

"Tss. F*ck." Mura ng lalaki nang bitawan n'ya ako. Nakita ko ang pagtiim ng bagang nito bago s'ya maglakad palayo sa amin.

"Saan ka ba kasi galing?!" inis kong tanong sa kanya pero imbis na sagutin ako ay tinitigan n'ya lang ako. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil sa tingin ipinupukol n'ya sa akin.

"I want you in my bed tonight," saad n'ya na nagpabagsak ng panga ko.

Related chapters

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 4 : Possessive na Bading

    "Gan'yan ba kapag nakakaranas maging maganda? Nagtatago? Hindi ba dapat proud ka ngayong ang ganda-ganda mo na?" tanong sa akin ni Marcia, bestfriend ko. "Sino ba kasing pinagtataguan mo?" usisa n'ya sa akin.Si Wayde, s'ya ang pinagtataguan ko. Alam kong may kasunduan kami na magiging partner in bed n'ya ako pero hindi pa kasi ako ready na isuko ang bataan ko.Tatlong araw ko na s'yang pinagtataguan at sigurado akong hinahanap n'ya na ako."Hindi ako nagtatago?""Owws talaga ba? Did you also know that pigs can fly and dogs can meow?" sarkastikong pahayag ni Marcia. "My friend, you're obviously hiding from someone. Dati sa cafeteria tayo kumakain ngayon dito na sa bench. Under this blazing heat of sunlight."Bumuntonghininga ako saka ko nilingon si Marcia. Nasa hita n'ya ang lunchbox n'ya habang patuloy pa rin na ngumunguya."Don't worry. Bukas ililibre kita sa fastfood.""Pampalubag loob lang, my friend?" saad ni Marcia. "Just tell me who your hiding to, Pixie.""W-Wadye," u

    Last Updated : 2022-07-25
  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 5 : Racy Thoughts

    "Bakit mo ako iniiwasan, doll? Dahil ba natatakot ka sa mga gagawin ko sa'yo sa kama? Nagsisisi ka na bang nakipagkasundo ka pa sa akin?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Wayde.Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ang hininga n'ya na tumatama sa leeg ko. Sinimulan n'yang halikan ang panga ko pababa sa leeg ko. Sinubukan ko iiwas ang mukha ko kanya pero hinawakan n'ya ang batok ko. "Answer me doll," bulong n'ya. Ang totoo n'yan ay natatakot akong s'ya ang unang makauna sa akin. Natatakot ako na hindi n'ya ako panagutan kung sakali man na may mabuo sa sinapupunan ko at natatakot ako na baka ako lang ang mahulog sa amin dalawa. Hmm? Imposibling magkagusto ako sa katulad n'ya. Bakla s'ya! Bakla!Malinaw naman sa kasunduan namin na hanggang bed-buddy lang kami pero wala akong kontrol sa damdamin ko. Paano kung masanay ako sa presensya n'ya? Those possibility will be my doom.Namalayan ko na lang na nabuksan n'ya na pala ang blouse na suot ko. He immediately unhooked my

    Last Updated : 2022-08-09
  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 6 : Boutique

    "Hola mga senorita!" Masiglang bati sa amin ng kasamang bakla ni Wayde. Kung tama ang pagkakaalala ko ay Maverick ang pangalan n'ya. Kilalala s'ya sa department namin dahil active s'ya sa mga school activities. Sigurado akong hindi s'ya kaibigan ni ate dahil hindi naman s'ya pumupunta sa bahay namin. Madalas ko s'yang nakikita rito kasama si Wayde o di naman kaya ay si ate Keegan. Kung si Wayde ay hindi mapaghahalataang bading, si Maverick naman ay talagang lantad ang pagiging diyosa. He's a cross-dresser from head to toe. Hindi ko mapigilang purihin ang ganda n'ya dahil bagay na bagay talaga sa kanya ang ayos n'ya. "I'm Maverick, by the way but please call me Mavy. Parang awa n'yo na, iyon ang itawag n'ya sa akin kung ayaw n'yong balatan ko kayo ng buhay. Ha-Ha-Ha. Chariz lang mga inday!" "Doll." Lumunok muna ako ng laway bago tapunan ng tingin si Wayde. "B-Bakit?" "Bakit mas lalo kang nagmumukhang voodoo doll?" tanong n'ya na nagpakunot ng noo ko. Naupo s'ya sa harap ko bago

    Last Updated : 2022-08-10
  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 7 : Night Visit

    "Hindi ka pa rin ba papasok bukas? Ano? Balak mo bang magmukmuok na lang dito habang buhay? Aba! Nakakalimutan mo atang hindi mo kwarto 'to," litanya ni Marcia na kakalabas lang sa banyo habang pinupunasan ang basa n'yang buhok. Hindi ko alam kung concern ba talaga s'ya sa akin. Para kasing gusto n'ya na akong palayasin sa pamamahay n'ya. Pangaalwang gabi ko na ngayon dito sa bahay n'ya. Hindi ako umuuwi sa amin dahil ayokong makita ang pagmumukha ni Pennie. Hindi rin ako pumapasok nang school dahil natatakot ako sa ibibigay sa akin na tingin ng mga estudyante. Maraming followers sa social media accounts si Aya dahil maganda at sikat s'ya sa school. Kahit walang utak ang isang 'yon katulad ng ate ko ay sapat na para sa mga tao na mabighani sa kanya. Sigurado akong maraming nakakita sa live n'ya kahapon habang pinapahiya n'ya ako."Naka-take down na ang video mo, Pixie kaya wala ka ng dapat na ikabahala.""Kahit naman mawala ang video ay alam pa rin ng mga tao na ako ang nand

    Last Updated : 2022-08-11
  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 8 : My Angel

    "Is that a hickie?" tanong sa akin ni Janus habang nakatitig sa leeg ko. Akmang hahawakan n'ya na sana ako nang mabilis kong iharang ang kamay ko sa gilid ng leeg ko. Kinuha ko mula sa loob ng bag ko ang compact mirror ko at tiningnan ang tinutukoy n'ya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may iniwan ngang hickie sa leeg ko kagabi si Wayde. "Oh god," usal ko na lang. Hindi lang isa kundi dalawang hickie ang nakikita ko. "Pixie," tawag sa akin ni Janus dahilan para malipat ulit ang tingin ko sa kanya. "I have to go. May pasok pa ako." Mabilis kong iniwas ang braso ko sa kanya. Alam ko kasing pipigilan n'ya na naman ako kaya naging alerto na ako. Ngayon ay sisingsisi ako na sa kanya ako umiyak at nagpahatid ng araw na 'yon. Siguradong nagbigay 'yon sa kanya ng pag-asa para magkabalikan ulit kaming dalawa. Kahit nag-ala prince charming s'ya sa akin ng araw na 'yon ay hindi pa rin 'yon sapat para makuha n'ya ulit ang tiwala ko. I can't let this man ruin me again. Tama na ang is

    Last Updated : 2022-08-11
  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 9 : Indebt

    "Ahmp. Way–hmm!" Pinilit kong alisin ang kamay ni Wayde sa mukha ko pero mas lalo n'ya pa 'yong idiniin. "Stop smiling at him, doll!" sita n'ya sa akin."Tara guys. Meryenda tayo sa canteen. Nagugutom aketch."Hinabol ko ang hininga ko nang tanggalin ni Wayde ang kamay n'ya sa mukha ko. Pinisil ko rin ang ilong ko dahil parang na-flat 'yon sa ginawa n'ya. Sinamaan ko ng tingin si Wayde pero mabilis n'ya akong tinalikuran saka n'ya sinundan ang mga kaibigan n'ya. Patience is virtue–my qoute everyday!Nang makarating kami sa canteen ay sina Wayde at Mavey na ang pumila para umorder ng pagkain namin. Naupo kami ni ate Keegan sa bakanteng mesa malapit sa glass wall kung saan kitang-kita namin ang malawak na soccer field sa labas."Matagal na ba kayong magkakaibigan na tatlo?" tanong ko kay ate Keegan. "Oo. First year highschool palang kami ay magkakaibigan na kami. Bago pa makilala ni Wini ang ate mo ay kami ang original friends n'ya." "Kung ganun, pinagpalit kayo ni Wayde sa

    Last Updated : 2022-08-11
  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 10 : Almost

    "Ahm. A-Ano nga pala ang pinag-usapan ninyo ni Pennie nung magkita kayo sa boutique?" tanong ko na bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Mabilis akong sinulyapan ni Wayde bago muling ibalik sa daan ang atensyon n'ya. "Kinamusta n'ya lang ako." "Iyon lang?" Hindi ako naniniwalang 'yon lang ang sinabi sa kanya ng kapatid ko. "She told me that I'm doing things because I wanted her to be jealous. Iniisip n'yang nagagalit ako sa kanya dahil nawawalan na s'ya ng atensyon sa akin sa dami ng mga lalaki n'ya. Feelingera ang shupatembang mo." "S-Shu-ano?" Humalakhak si Wayde na ikinasimangot ko. Malay ko ba kung anong lengguwahe ang ginagamit n'ya. "Beki language meaning kapatid," saad n'ya. "Your sister likes me." Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Alam n'yang pinagnanasaan s'ya ng kapatid ko? "Iyon ba ang dahilan kung bakit nilayuan mo s'ya?" tanong ko. "Nope. She's a good friend, walang duda 'ron pero may iba akong dahilan kung bakit kumampi ak

    Last Updated : 2022-08-11
  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 11 : Grocery Shopping

    Halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin ang mukha ng bruha kong kapatid pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko. Masama ang tingin n'ya sa akin. Naka-angat ang isa n'yang kilay at naka-cross ang mga braso n'ya. Mukha talaga s'yang kontrabida sa mga teleserye na napapanood ko. Manipis na camisole lang ang suot ni ate Pennie kaya kitang-kita ko ang mga hickie marks n'ya sa leeg at cleavage n'ya. Hindi ko alam kung sinasadya n'ya 'yong ipakita sa akin pero wala naman akong pakialam dahil meron din naman ako n'yan.Huh! Akala n'ya siguro ay s'ya lang ang meron n'yan."W-What do you want?" Lakas-loob kong tanong sa kanya."Stay away from for Wayde.""S'ya ang pagsabihin mo dahil s'ya ang may gustong-gusto na nakabuntot sa akin."Hindi naman sa assumera ako pero 'yon talaga ang napapansin ko."Are you saying that there's something special about you? Hahahaha! Ang lakas naman ng tiwala mo sa sarili!" Humalakhak s'ya na parang mangkukulam sa harap ko kaya hindi ko mapigilang ma

    Last Updated : 2022-08-12

Latest chapter

  • My Possessive Bed Buddy   SPECIAL CHAPTER

    "Wayde, ano ba?!" Hinampas ko ang braso n'yang nakapulupot sa tiyan ko. Imbis na alisin ay mas humigpit pa lalo ang yakap n’ya sa akin."Hmm. Bango-bango naman ng misis ko."Isiniksik ni Wayde ang mukha n'ya sa leeg ko saka n'ya ako dinampian ng magagaang halik. Mula sa leeg ay naglakbay sa labi n'ya sa batok at balikat ko. Naka-off shoulder white dress ako kaya naman may access s'ya sa balikat ko."Wayde! Baka may makakita sa atin!" suway ko sa kanya pero hindi s'ya nagpatinag at todo landi pa rin sa akin. Ipinagpatuloy n'ya ang pagsingot at paghalik sa leeg ko kaya naman nag-init na rin ang katawan ko.This man really knew how to tempt me!Nasa kusina kami ngayon samantalang nasa may garden naman ang lahat ng mga bisita namin. 1st birthday celebration kasi ngayon ni Miru kaya may kaunting salo-salo kasama ang pamilya at kaibigan naming ni Wayde.Sa dalawang taon na lumipas simula ng maikasal kami ni Wayde ay walang araw na hindi ako nagpapasalamat sa Diyos dahil sa ibinigay n’yang pa

  • My Possessive Bed Buddy   Wakas

    Confirmed! Iniiwasan n'ya nga ako!Nang makita kasi ako ni Pixie ay bigla na lang s'yang yumuko at nagtago sa likuran ng kaibigan n'ya. Masyado ba kong aggressive para yayain s'yang maging bed partner ko? Pero hindi ko naman s'ya pipilitin kong hindi pa s'ya handa.Damn you, Wayde! Sa lahat ng pwede mong hingin na kondisyon sa kanya ay 'yon pa talaga?"Luh! Anyare sa'yo?" tanong sa akin ni Mavey. Hindi ko namalayan na sinasabunutan ko na pala ang sarili ko. "You're acting fishy, Wini. Very very fishy.""Parang s'ya hindi.""Huh? What do you mean bakla?" kunot-noong taong sa akin ni Mavey."Balita ko may bagong manliligaw na naman si Keegan."Gusto kong humagalpak ng tawa ng makita ko ang pagbusangot ng mukha ni Mavey pero pinigilan ko. Baka kasi mas lalo lang s'yang ma-badtrip sa akin."Nabihag na naman ng ganda n'ya ng eyes ni crush. Ilang beses n'ya na akong inaagawan ng crush, Wini. Kung ipakulam ko na kaya ang babaitang 'yon?""Si Keegan ba talaga ang ipapakulam mo o ang mga manlil

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 74 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 3

    "We traced her every movement but this is not enough to arrest her. Pwede natin s'yang kwestyunin pero hindi natin s'ya maikukulong. Kailangang kompirmahin ng dalawa n'yang tauhan na s'ya nga ang may pakana sa pag-kidnap kay Pixie para madiin s'ya at maipakulong," pahayag ni Atty. Salcedo. "We can't let her escape! Gawin mo ang makakaya mo para hindi na makapaglakad sa lupa ang hay*p na 'yon!" asik ko. "We don't have witness and evidence, Mr. Johnsons." "Wala pang kasiguraduhan kung kelan magigising si Pixie at kung hihintayin natin s'ya ay baka makatakas lang ang kapatid n'ya," saad ni kuya Willard. "Siguradong kabado na ang babaing 'yon ngayon," komento naman ni Devan. "I have a suggestion." Sabay-sabay na nabaling ang tingin naming lahat kay kuya Willard. "She might confess on her own." "Paano?" tanong ko. "By letting her visit her sister." "What? No! I won't risk Pixie's safety!" sigaw ko. Hindi ko gusto ang planong 'yon ni kuya Willard pero kung kapalit nun ang hustisya

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 73 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 3

    "I can't believe she has a boyfriend. Hahaha! Sa itsura n'yang 'yan ay may pumatol pa talaga sa kanya." Pennie mockingly said. Nakikinig lang ako sa kanya habang pinagsasalitaan n'ya ng masasamang salita ang kapatid n'ya. I want to unhear it, pero sa kasamaang palad ay wala akong remote para i-mute ang bibig ng kaibigan ko. "Balita ko 6 months na sila. Tsk. Tingnan lang natin kung umabot pa sila ng isang taon." Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa labi ni Pennie. Sigurado akong may masama na naman s'yang binabalak at kung hindi ako nagkakamali ay balak n'yang sirain ang relasyong meron ang kapatid n'ya sa boyfriend nito. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Pennie ay alam ko na ang takbo ng utak n'ya. Yes, I like Pixie pero hindi ako nagtangkang sirain ang relasyong meron sila ng boyfriend n'ya. I'm happy for her. Nang magka-boyfriend s'ya ay ako ang unang nakaalam. Stalker yarn? I'm just fond of her. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko ang mga reaksyong gumugihit sa mukha n'y

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 72 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 2

    "W-WHAT? Are you out of your mind!" asik ng ina ni Catalina ng sabihin amin sa kanyang iuurong na namin ang kasal. "Catalina! Is this your idea?" "Desisyon po namin 'to pareho," pahayag ko na mas lalong nagpakunot ng noo ng dalawang matada. "N-No. Hindi pwede. Matagal na natin 'tong napagplanuhan. Hindi na pweding iurong ang kasal!" "Stop it mom," suway ni Catalina sa ina n’ya. "You shut your mouth young lady! Baka naman pinilit mo itong si Wayde na huwag magpakasal sa'yo. Alam ko ang takbo ng kukute mo, Catalina! Alam kong matagal mo nang ayaw sa kasalang ito!" asik ng ama ni Catalina. "Hindi lang po s'ya ang nagdesisyon dito." "No Wayde, alam kong pinilit ka lang ni Catalina. Don't worry, we’ll talk to her." "No. Our decision is final. Walang kasalan na magaganap. I'll pay for the damages if I have to." "W-Wayde," "I already have a child. Papayag ba kayong maikasal sa akin ang anak n'yo kung may anak na ako?" Bumakas ang matinding gulat sa mukha ng dalawang matanda dahil s

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 71 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 1

    WAYDE "Wayde?" Bakas ang gulat sa mukha ni Janus nang makita ako. Buhat n'ya ngayon ang isang sanggol na sa tingin ko ay anak n'ya. "W-What brought you here?" tanong n'ya bago ibaling kina Mavey at Keegan ang tingin n'ya. "Do you have spare time? I need to talk to you." "Y-Yeah. Sure. Pasok kayo." Nilakihan n'ya ang pagkakaawang ng pinto para makapasok kaming tatlo. Sa tulong ni Mavey ay mabilis naming nahagilap ang kinaroroonan ni Janus. Prioridad ko pa rin ang paghahanap kay Pixie sa mga oras na ‘to at hindi ako titigil hangga't hindi ko s’ya natatagpuan. Sa ngayon ay kailangan ko munang malinawan sa totoong nangyari sa kanila ni Janus bago ako magpadala sa emosyon ko. Alam kong huling-huli na ako. Dapat noon pa ay hinarap ko na si Janus pero wala nang magagawa ang pagsisisi ko ngayon. Inilapag muna ni Janus ang natutulog n'yang anak sa crib bago maupo sa kaharap kong sofa. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Janus. Nandito ako para marinig ang totoong n-namamagitan sa iny

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 70 : DEVAN'S PERSPECTIVE PT. 3

    "SA'YO 'to?" tanong n'ya sa akin pagpasok n'ya sa condo unit ko. "Oo. Dito ka muna. Bukas na lang kita ihahanap ng hotel mo. Okay lang naman sa'yo, diba?" "Yes. I'd rather stay here pero hindi ba ako makakaabala sa'yo? Wait, may iba ka bang kasama rito?" "Wala. Sa ngayon ay ikaw lang." Tumango-tango s'ya habang inililibot ang tingin sa loob ng condo ko. "Alam ba nilang nandito ka sa pilipinas?" "Si Wayde lang ang nakakaalam." "Okay. Magpahinga ka na muna. I'll take you to your room." Sumunod s'ya sa akin hanggang sa makarating kami sa bakanteng kwarto sa condo ko. "T-Thanks. Ahm, Devan. Are you mad at me?" "N-No. Why would I?" "B-Because I publicly announce my feelings for you." "No. Rest, Cat. Let's talk later." Nang isara n'ya ang pinto ay doon na ako napasabunot sa sarili ko. Kanina pa nagwawala ang puso ko dahil sa naging confession n'ya but here I am being cold and mean to her. The f*ck why? I want to pull her close to me and kiss her pero kabaliktaran nun ang ginagawa

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 69 : DEVAN'S PERSPECTIVE PT. 2

    "DEVAN! You're here!" tuwang-tuwa n'yang saad nang makita n'ya ako sa opening ng restaurant ng kapatid n'ya. "I'm glad you're here." "Hmm? Really, why?" "Eh kasi wala akong makausap dito. Nakatayo lang ako rito, tumatango kapag may bumabati. It's awkward for me." Para s'yang bata na nagsusumbong sa nanay n'ya. Cute. "Napansin ko nga. You look bored here." "Sinabi mo pa!" "Let's go out." "O-Okay. Ahm. Okay lang naman sigurong umalis ako diba?" "Oo. Nand'yan naman ang manager ng resto kaya ayos lang." She chuckled and clung to my arm. "Let's go." S'ya na ang humila sa akin palabas ng restuarant kaya mahina akong napatawa. Para s'yang nakalaklak ng enervon sa taas ng energy n'ya. "Where are you taking me?" "Hindi ko pa alam. May gusto ka bang puntahan?" "You tell me. Mag-recommend ka ng lugar na sa tingin mo ay mai-enjoy ko bukod sa mall." "Hmm. Let's see." Kaagad kong pinaharurot ang minamaneho kong sasakyan hanggang sa makarating kami sa harap ng hotel building n'ya. "Iu

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 68 : DEVAN'S PERSPECTIVE PT. 1

    DEVAN "Don't f*cking touch my wife!" asik sa akin ni Willard. Kumunot ang noo ko bago ako mapabuntonghininga.Hanggang ngayon ba ay pinagseselosan n'ya pa rin ako? Ako na pinsang buo ng asawa n'ya? Really?Hinila n'ya papalayo sa akin si Marcia saka n'ya ito isinubsob sa dibdib n'ya. Edi kayo na may lovelife!"Ano ka ba naman, hon! Pinsan ko 'yan!" sita ni Marcia sa asawa n'ya saka nito mahinang hinampas ang braso ng lalaki."Kahit na. He's still a guy!"Damn! Patay na patay ang hinayupak sa pinsan ko."Ilang taon na nga ulit kayong kasal?" I asaked them."3 years," sagot ni Marcia. "Anyway, ikaw na ang bahala sa baby namin. Magdi-date lang kami ng asawa ko. Sinasabi ko sa'yo, Devan, kapag pinabayaan mo ang anak ko ako mismo ang maghuhukay ng lupa na hihimlayan mo. Mark my word," pagbabanta ni pinsan kaya napakamot na lang ako sa batok ko."Tss. Oo na. Anong akala mo sa akin? Hindi marunong mag-alaga ng bata?" May halong pagmamayabang na pahayag ko na ikinangiwi ni Willard. Halatang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status