Sinalubong na kaagad ng mainit na yakap ni Edward si Angela pagkalabas nito sa loob ng kotse nito. Niyakap naman ni Angela ang guwapong boyfriend niya. Ang bango-bango ng boyfriend niya nang amuyin niya ito. "Nakapagluto ka na ba ng dinner nating dalawa, baby?" tanong nga niya kay Edward na boyfriend niya."Oo, baby. Nakapagluto na ako ng dinner nating dalawa. Kanina pa ako natapos, eh," nakangising tugon ni Edward sa kanya."Ah, okay. Akala ko pa naman ay hindi ka pa nakapagluto dahil ang bango-bango mo. Hindi ka amoy kusina," nakangising sagot ni Angela sa kanya. Napatawa si Edward pagkasabi niya na ang bango-bango nito at hindi ito amoy kusina kaya akala niya ay hindi pa ito nakapagluto."Amoy kusina talaga, baby. Kaya pala akala mo ay hindi pa ako nagluluto ng dinner natin dahil sa hindi ako amoy kusina. Ang bango-bango ko kasi, eh," natatawang sagot ni Edward sa kanya. "Hindi naman ako amoy kusina kahit nagluluto ako, eh. Mabango pa rin naman ako, eh," sagot pa ni Edward sa kan
Tinawagan ni Angela ang kanyang boyfriend na si Edward para sabihin dito na maaga siyang lalabas sa loob ng kanilang pinagtatrabauhan na kompanya dahil may gusto siyang bisitahin. Pinapapunta na niya si Edward dahil isasama niya ito sa pupuntahan niya. Pinapamaneho niya ang kanyang kotse para 'yon na sakyan nila papunta nga doon. Hindi muna sinabi ni Angela sa boyfriend niya na si Edward kung saan silang dalawa pupunta mamaya. Wala itong kaalam-alam kung saan sila pupunta. Pagkasabi niya ay kaagad naman nga na lumabas sa kanilang bahay si Edward para tumungo sa garahe kung saan nandoon ang kotse para puntahan na si Angela.Hindi naman naipit si Edward sa traffic kaya nakarating kaagad siya sa kanyang destinasyon niya. Papalabas pa lang si Angela na girlfriend niya. Tinawagan niya ito dahil gusto niyang malaman kung nasaan na ito. Naghihintay siya sa may parking lot. "Papalabas na ako, baby. Kanina ka pa ba naghihintay sa akin, huh?" sagot ni Angela kay Edward sa kabilang linya. Tinat
Four thirty in the morning ay nakalapag na ang eroplanong sinakyan nina Dina at ng mga katrabaho niya sa airport mula sa bansang Japan. Sa wakas ay nakauwi na sila. Nagpasundo siya kay Celine. Kaya ito ang sumundo sa kanya gamit ang kotse nito. Hindi niya alam kung alam ng dalawa na sina Angela at Edward na ngayon ang uwi niya. Magugulat na lang ito pag-uwi niya. "Maraming salamat sa pagsundo mo sa akin, Celine," pasalamat ni Dina kay Celine sa pagsundo nito sa kanya. Ito ang sumundo sa kanya sa airport at nagmamaneho gamit ang kotse na pagmamay-ari nito. Ngumiti naman si Celine sa kanya bago nagsalita, "Walang anuman 'yon, Tita Dina. Basta ikaw po ay walang problema.""Sa bahay ka na muna dumiretso. Huwag na muna sa inyo," sabi pa ni Celine sa kanya. Tumango naman si Dina pagkasabi niya."Okay. Doon muna ako sa inyo. Mag-isa ka naman doon, 'di ba?" sabi ni Dina sa kanya."Opo, Tita Dina. Mag-isa lang naman ako ngayon doon kaya walang problema na doon ka na muna dumiretso," sagot ni
"Hindi ako nilandi ng anak mo na si Angela. Hindi rin niya ako inakit o inagaw sa 'yo kung 'yon pa ang naiisip mo. Kung ano man ang naiisip mo ay sinasabi ko sa 'yo na hindi 'yon totoo. Mali ang mga iniisip mo, Dina. Makinig ka sa mga sasabihin ko sa 'yo. Marami akong kailangan na ipaliwanag sa 'yo. Buksan mo ang 'yong isipan para maintidihan mo ang lahat ng sasabihin ko sa 'yo. Hindi kita mahal, Dina. Iyon ang totoo. Hindi ako nagsisinungaling sa 'yo, okay? Totoo ang sinasabi ko na hindi kita minahal. Hindi ako inakit o nilandi ni Angela na anak mo para magkaroon kaming dalawa ng relasyon. Matagal ko nang gusto si Angela na anak mo ngunit hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Nang magkaroon ako ng chance na mapalapit sa 'yo ay hindi ko na sinayang ang pagkakataon na 'yon. Alam ko na ikaw ang mommy ni Angela na babaeng tunay kong mahal. Nakipag-close ako sa 'yo. Naging close nga tayong dalawa hanggang sa manligaw ako sa 'yo kahit hindi kita gusto. Sinagot mo nga ako at naging ta
"Umalis na kayong dalawa dito sa pamamahay ko! Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha n'yo! Umalis na kayong dalawa!" singhal ni Dina sa kanilang dalawa. Pinapaalis na silang dalawa nito. Tuwang-tuwa naman si Celine sa kanyang nakikita dahil wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang relasyon ng mag-ina na sina Angela at Dina."Huwag mo pong gawin 'to, mommy. 'Wag mo po kaming paalisin dito," makaawang sagot ni Angela sa mommy niya."Bahay ko 'to, Angela. Anak lang naman kita kaya umalis ka na. Umalis na kayong dalawa sa bahay na 'to! Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha n'yong dalawa! Umalis na kayo! 'Wag n'yo nang patagalin pa 'to! Umalis na kayong dalawa dahil simula ngayon ay tinatakwil na kita bilang anak ko! Hindi na kita anak simula sa araw na 'to. Umalis na kayong dalawa. 'Wag na kayong babalik pa!" sabi pa ni Dina sa kanila.Alam ni Edward na wala naman na silang dalawa magagawa pa ni Angela na girlfriend niya kundi ang umalis na lang sa bahay ng mommy nito. Lumuluha na
Labag sa kalooban ni Angela ang pag-alis sa bahay nila ng mommy niya ngunit wala naman na siyang magagawa pa. Kailangan na talaga nilang dalawa ni Edward na boyfriend niya umalis doon dahil pinapaalis na sila ng mommy niya. Kahit ayaw niya ay kailangan niyang gawin 'yon. Tahimik lang silang dalawa ni Edward sa loob ng kotse niya. "Saan ba tayo pupunta, baby?" malumanay na tanong ni Angela sa boyfriend niya na si Edward habang nagmamaneho nga ito ng kanyang kotse na para bang ang lalim rin ng iniisip.Hindi muna sumagot si Edward sa kanya. Ilang minuto muna ang lumipas bago siya sumagot sa girlfriend niya na hinihintay ang isasagot niya sa tanong nito kung saan silang dalawa pupunta. Huminga nang malalim si Edward at nagsalita, "Wala naman tayong ibang mapupuntahan kundi...""Ano?" Napalunok muna ng kanyang laway si Edward at muling huminga nang malalim. "Wala naman tayong ibang mapupuntahan kundi ang umupa ng apartment, baby. Iyon lang ang naiisip ko na puwede nating gawin sa panaho
Matapos ang ginawa nilang dalawa na pag-aayos ng mga gamit nila ay nagpahinga na muna sila. Five o'clock in the afternoon na silang dalawa umalis sa apartment nila para mag-grocery ng kanilang mga kailangan. Hindi naman gaanong karami ang pinamili nila sa grocery store. Iyong mga kailangan lang talaga nilang dalawa. Kinagabihan ay hindi muna silang dalawa nagluto. Tinatamad sila na magluto kaya ang ginawa nilang dalawa ay sa labas na lang silang dalawa kumain ng dinner. Si Edward ang nagbayad ng dinner nilang dalawa. Pagkakain nila ng dinner sa labas ay hindi muna sila bumalik sa apartment, pumunta muna sila sa park na malapit sa pinagkainan nila ng dinner. Doon muna sila tumambay. May mga benches doon na wala namang nakaupo kaya umupo silang dalawa na magkatabi doon. Pinagmamasdan nila ang mga taong nandoon at ang iba't ibang mga ilaw na nakikita nila. Dinig na dinig nilang dalawa ang ingay mula sa kalsada. Nasa siyudad silang dalawa kaya ganoon ang naririnig nila. Mabuti kung nasa
Sumunod nga na araw ay nagsimula nang mag-apply si Edward para magkaroon muli siya ng bagong trabaho. Iba't ibang kompanya ang in-apply-an niya. Pumasok pa rin si Angela sa kanyang trabaho. Hindi naman kailangan na maapektuhan nito sa nangyayaring 'yon sa kanila. Pinaalam naman niya kaagad sa kaibigan niya na si Jenna ang nangyari. Her friend wasn't surprised as she tells it. She's expecting that it'll happen."Saan na kayong dalawa ni Edward nakatira kung pinaalis na nga kayo ng mommy mo sa bahay n'yo?" tanong ni Jenna sa kanya matapos niyang ikuwento ang lahat ng nangyari noong weekend."Sa isang apartment kami ngayon nakatirang dalawa, Jenna. Wala naman kaming ibang mapupuntahan kundi ang magrenta ng apartment na matitirahan namin pansamantala, eh," kuwento ni Angela sa kanya."Ah, ganoon ba? Sa dating apartment ba ni Edward kayong dalawa nakatira, huh?" usisa pa ni Jenna sa kanya. Alam kasi nito na sa apartment dati nakatira si Edward.Huminga muna siya nang malalim at saka nagsali