"LANA." Nang makaalis si Wayne ay nakarinig siya ng isang tinig.
Napangiti siya nang makita kung sino ang lumapit mula sa likuran niya. Si Prince Stefan iyon.
"Ikaw pala."
Umupo s
Agad na lumapit si Wayne sa kanya. Ipinuwesto siya nito sa likuran nito para protektahan."Ano ang plano ninyong gawin kay Lana? Seryoso ako sa sinabi ko kanina, ama. Kapag pinatay ninyo si Lana ay magpapakamatay din ako!""Sa tingin mo ba ay magagawa kong patayin ang babaeng iyan kung tinatakot mo ako na papatayin din ang sarili mo pagkatapos? Huwag mo akong patawanin, Prinsepe Wayne
CHAPTER SIXTEEN“POLYANDRY MARRIAGE”DUMATING din ang araw na kinatatakutan ni Lana. Ang kasal niya sa dalawang malupit na bampira na parehas na nagpahirap sa buhay niya noon. Sina Prince Chaos at Prince Wayne. Para kay Lana, isang impyerno ang dinaraanan niya habang unti-unti siyang lumalapit sa altar. Hindi siya kay Stefan ikakasal na siyang tunay na minamahal niya kundi sa dalawang lalaki na itinuturing niyang mga kaaway.Habang lumalapit sa altar ay nasilayan niya ang ngiting-ngiti na mukha ni Chaos at expressionless na mukha ni Wayne. Para sa lahat ay isang wirdo bagay ang mangyayari ngayon dahil bukod sa isa siyang alipin na ikakasal sa kanyang mga master, ito rin ang kauna-unahang kasal sa kasaysayan ng Planet Wayne na sabay na ikinakasal ang isang babae sa dalawang lalaki. Kahit ang mga mahaharlika na pinapayagang magpakasal sa kahit ilan pang lalaki o babae ay ikinakasal ng paisa-
CHAPTER SEVENTEEN“ANG PAGTAKAS”NAALIMPUNGATAN si Lana sa kalagitnaan ng madaling araw. Nakapa niya ang leeg niya at hanggang ngayon ay tumutulo pa rin ang sarili niyang dugo mula roon. Agad niyang kinuha ang panyo mula sa side table at napalingon siya kay Chaos na ngayon ay mahimbing na ang tulog habang kapwa silang nakahubad.Naningkit ang mga mata niya nang maalala ang mga ginawa ni Chaos kanina. Pinagsamantalahan siya nito at halos patayin na. Alam niya, masyadong marami ang dugong nakuha nito sa kanya kaya naman kahit hanggang ngayon ay nahihilo pa rin siya. Nakikita pa niya ang bakas ng dugo niya sa gilid ng bibig nito.Pinilit niyang bumangon at nakita niya sa gilid ng sofa si Wayne na mahimbing pa rin ang tulog. Kinuha niya ang damit niya sa tabi nito at agad na sinuot iyon saka nagmamadaling lumabas sa kwarto.Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng gagawin niya
Chapter 15.2: Sa Iisang KwartoWritten By : Cristina de LeonKINAKABAHAN si Lana sa unang gabi na makakasama niya sina Chaos at Wayne sa iisang kwarto. Kanina lang ay inutusan siya ni Chaos na maligo at wala pa man, alam na niya kung ano ang pinplano nitong gawin."Lana? Bakit ba parang ang tagal mo riyan? May plano ka pa bang lumabas, ha?!" Kinatok na siya ni Chaos sa cr ng mapansin na parang ang tagal niyang lumabas.Agad na siyang nagbihis at nakita nga niya ang naiinis na gwapong mukha ni Chaos. Hinila siya nito papunta sa kama at itinulak papunta roon."Pwede ba, galangin mo naman kahit kaunti lang si Lana!" Galit na sabi ni Wayne nang makita ang ginawa ni Chaos. Kagagaling lang marahil nito sa labas matapos kausapin ang hari."Bakit ba kailangan mo pang magkunwari na may malasakit ka sa kanya, ha, Wayne? Alipin lang siya!"Akmang hahawakan na siya ni Chaos pero pinigilan ni Wayne a
Chapter 17.2: Missing WifeWritten By: Cristina de LeonNAGISING si Wayne dahil sa isang baso ng tubig na inihagis sa mukha niya. Nang bumangon siya ay mukha agad ng galit na galit na si Chaos ang nabungaran niya."Saan mo dinala si Lana, ha? Saan mo siya itinago?!" galit na sigaw nito na hinawakan pa ang kwelyo ng damit niya nang makita na nagising na siya."Ano bang pinagsasasabi mo? Pinatulog mo ako kagabi, hindi ba? Kayo ang magkasama buong magdamag tapos ako ang tatanungin mo?!" galit din na sabi niya."Hinagulgol ko na ang buong palasyo at ang sabi nila ay hindi nila nakita si Lana! Sa tingin nila ay nakalabas siya ng palasyo at alam ko na ikaw ang nagtago sa kanya!" sabi pa nito.Nagulat siya kaya naman tumayo siya at itinulak ito palayo sa kanya."Hindi ko alam ang sinasabi mo! Ngayon ko lang nalaman na nawawala si Lana!" sabi niya."Sinungaling! Hindi gano'n kadaling maka
Chapter 18: Masamang Panaginip“Sa akin ka lang, Lana! Binigyan ko ng pagkakataon si Wayne para magkaroon din ng karapatan sa ‘yo pero dahil ginalit niya ako, papatayin ko na lang siya! Papatayin ko siya, naiintindihan mo? Papatayin ko siya!”“HUWAG!!!” Biglang napabalikwas ng bangon si Lana. Panaginip lang pala. Pakiramdam niya ay nararamdaman pa rin niya ang bawat halik at haplos ni Chaos habang pinagsasamantalahan siya nito. Naroon pa rin ang takot niya sa sinabi nito. Na papatayin nito si Wayne at dahil kilala niya ang lalaki, sigurado siya na hindi ito nagbibiro.“Ayos ka lang ba, anak?” Biglang pumasok sa kwarto ang mama niya.“’Ma!” Bigla siyang sumugod ng yakap sa inang lumapit sa kama niya at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit. Doon siya sa balikat nito nag-iiyak.“Huwag ka nang umiyak,
Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A MonsterWritten By: Cristina de LeonMATAPOS ang labang iyon ay iginalang naman ng Slavery District ang resulta ng laban. Dahil siya ang nanalo, ayon sa mga ito, ang hatol niya bilang isang 'traydor' na tumulong sa mga alipin ay nakasalalay na lamang sa magiging desisyon ng hari.Kaya naman ng araw ding iyon ay nagbalik sila sa Wayne Kingdom. Para lamang magulat nang malaman na patay na pala ang kanyang amang hari kaya naman wala ng hahatol pa sa kanya. Ang hari ay natagpuan sa kwarto nito na nalulunod sa sarili nitong dugo. Ginamit ni Chaos ang espada nito para patayin ang ama niya. Mabuti na lamang at may nakakita rito na lumabas ng kwarto kaya nalaman ng lahat na ito ang salarin."Napakawalangya talaga ng lalaking iyon! Pati ang ama ko ay hindi niya pinatawad sa galit niya sa akin!" galit na sabi ni Wayne."Sa tingin ko, pinatay niya ang hari bago pa m
Final Chapter: Ang Katapusan Ng KasamaanWritten By: Cristina de LeonNAGPUNTA sila sa isang kalbong kagubatan para isakatuparan ang laban na naisip ni Wayne para sa pag-ibig ni Lana. Naroon din si Lana at ang buong Slavery District na medyo may kalayuan ang distansya mula sa kanila, pero kahit ganoon ay mapapanood pa rin ng mga ito ang labanan nila.Dahil sa isang kalbong kagubatan siya dinala ni Chaos ay wala siyang makitang kahit anumang bagay doon na maaaring gamitin niya para paganahin ang kapangyarihan niya na magkontrol ng kahit anumang bagay. Mukhang pinag-isipan talaga ni Chaos ang labang ito. Kung wala siyang mapapagalaw na kahit ano ay magiging dehado siya sa laban. Dahil ang mga bagay sa paligid ang madalas na ginagamit niyang sandata sa tuwing nakikipaglaban siya."Uulitin ko lang ang sinabi ko sa 'yo kanina, Wayne. Ang espadang hawak ko ngayon ay hindi mo mapapagalaw dahil nasa il
Chapter 21.2: Ang Pag-AminWritten By: Cristina de Leon"Pero nag-iba ang pananaw ko sa mundo ng makilala kita, Lana. Palagi kong iniisip noon na mahina sina Stefan at Princess Tiana dahil kaya nilang magmalasakit sa iba pero nang makilala kita ay napagtanto ko na iyon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay. Iyong maprotektahan mo ang taong minamahal mo at gawin ang kahit ano para maging ligtas lang sila. Iyong malungkot o matakot kapag nalaman mo na nasa peligro ang buhay nila. Naalala mo pa ba no'ng muntikan ka nang mamatay ng dahil sa mga naging bisita ko sa palasyo na sinaid ang dugo mo? Doon ko unang naranasan na makaramdam ng isang tunay na takot, Lana. Kaya oo, nararamdaman at naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumigaw at si Lana naman ang natigilan."I'm sorry, Wayne. Hindi ko dapat sinabi sa 'yo 'yun. Ang sabi ko noon, pinapatawad na kita pero dahil
Chapter 21.1: Ang Malamig Na KwebaWritten By: Cristina de LeonHINABOL ni Wayne si Lana na ngayon ay papasok na sa baryo ng mga ito. Nasa bukana pa lamang sila ng malaking pintuan ng baryo pero may nakasalubong na agad silang mga taga Slavery District.Hindi nagdalawang isip ang mga taga Slavery District, sinugod siya ng mga ito ng mga patalim at baril na para bang hindi siya nakikilala bilang magiging susunod na hari ng Wayne Kingdom."Ano'ng ginagawa n'yo? Nakikilala ny'o ba kung sino ako?! Ang lalakas naman ng loob n'yo!" sabi niya sa pagitan ng pag-iwas sa mga ito. Nagawa pa niyang salagin ang balisong na hawak ng isa."Naging traydor ka simula nang iwan mo ang trono para sa babaeng 'yan!""Tama! Hindi ka na karapat-dapat para maging hari!""Si Prince Chaos na ang susundin namin simula ngayon!"Sunod-sunod na sabi ng mga ito sabay mas lalo pang pinag-igtinginan ang pagsugod s
Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng PrinsepeWritten By: Cristina de Leon"Wayne, hindi ka pa ba nagugutom? May dala ako para sa 'yo." Lumapit na siya kay Wayne at para pa itong nakakita ng multo sa gulat nang makita siya kaya naman natawa siya. "Naging masyado ka na yatang magugulatin? Bakit? Nahihiya ka ba na nakita kita na naglalaba rito?" pagbibiro niya.Ngumiti na rin ito. Tinabihan na niya ang lalaki sabay inilabas sa basket ang mga dala niyang kanin at ulam."Galing sa mama ko ang mga ulam na ito, Wayne. Nagluto siya para pasalamatan ka dahil sa ginagawa mo para sa amin. Ang mga taong bayan naman, nakunsensya ng sinermunan ng mama ko. Ang sabi niya, hindi ka raw dapat inaabuso. Wala na raw kaming pinagkaiba sa mga bampira na matagal nang nagpapahirap sa amin kung wala rin lang kaming gagawin kundi ang alilain ka rin. Ayun, nakunsensya yata sila kaya nang malaman nila na dito ako pupunta ay nagpadala sila ng
Chapter 20.1: Ang PagbabagoWritten By: Cristina de LeonNAGULAT si Lana nang makita si Wayne sa labas ng bahay nila kinabukasan. Nagsisibak ito ng kahoy at maraming binubuhat na mabibigat!"Master Wayne, bakit narito pa po kayo?" gulat na tanong niya. Ang akala niya ay umalis na ito."Ang akala mo ba ay basta na lang ako susuko sa 'yo? Asawa kita, kahit na hindi mo ako mahal ay hindi kita pwedeng iwan. Siguro nga para sa 'yo ay wala lang iyong kasal na naganap pero para sa akin ay sagrado iyon kahit pa may saling ketket. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako minamahal, Lana. Dito lang ako sa tabi mo," nakangiting sabi nito.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na talagang seryoso ito na manatili roon para sa kanya."Hindi magiging madali para sa 'yo kung dito ka titira. Alam mo naman na matagal ng pinapah
Chapter 19.2: Ang Sakit ng Unang PagkabigoWritten By: Cristina de LeonPUMUNTA SILA sa batis at naupo roon kung saan may isang malaking bato sa gilid. Pinakalma muna niya ang sarili niya bago tuluyang magsalita. "MASTER WAYNE—" Mag-uumpisa pa lang ng sasabihin si Lana ay hindi na agad iyon natuloy dahil sinugod na ng yakap ni Wayne ang babae."Ang akala ko ay hindi na kita ulit makikita, Lana. Takot na takot ako. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko, Lana. Alam ko na mahirap gawin pero sana ay dumating ang panahon na mapatawad mo pa ako..." Hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak. Punong-puno ng pagkasabik ang puso niya at pakiramdam niya, napakatagal na simula ng huli silang magkita.Ngumiti lang si Lana habang hinahaplos ang likuran niya. "Matagal na kitang napatawad, Master Wayne. Matagal ka na rin namang nagsorry 'di ba? Huwag mo nang isipin iyon."Napahiwalay siya ng yakap
Chapter 19.1: Muling PagkikitaWritten By: Cristina de LeonNarating din ni Wayne sa wakas ang bagong lugar na kinaroroonan ng tribo. Totoong napakalayo nga niyon at hindi na sakop ng Wayne Kingdom.Gaya ng inaasahan, pagpasok niya sa kampo ay ang nangangambang tingin na kaagad ang ibinigay sa kanya ng lahat."Ang prinsepe ng mga bampira!" Sa gulat niya ay bigla na lamang may sumigaw na babae nang makita siya."Siya ang master ni Lana, hindi ba? Nasundan na nila tayo! Katapusan na natin!" Naghisterikal na rin ang isa pang babae roon.Naging matalim naman ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan.Sa gulat niya ay bigla na lamang may naghagis ng sibat sa kanya at dahil maliksi siya bilang bampira ay naiwasan niya iyon. Pero hindi pa siya nakakabawi sa pagkakagulat ay sunod-sunod na namang sandata ang pinaulan ng mga tao sa kanya. Mga bala ng baril, bato, kutsilyo at kung ano-ano pa!"
Chapter 18.3: I Will Do AnythingWritten By: Cristina de LeonNatigilan siya."Alam kong mahal mo talaga si Lana, Wayne. Nakikita ko sa mga mata mo dahil ganyan din ang nararamdaman ko para kay Princess Tiana. Alam ko ang pakiramdam na para ka ng mababaliw dahil kahit gustuhin mo pa, hindi mo maaaring makita ang babaeng pinakamamahal mo. Alam kong mahal na mahal mo siya kaya ka nagkakaganyan pero kahit minsan lang ba e, natanong mo sa sarili mo kung mahal ka rin ba niya?"Hindi siya nakapagsalita. Tinamaan siya ng sinabi ni Stefan."Kayong dalawa ni Chaos, halos magpatayan kayo para lang mapunta sa inyo si Lana. No'ng dumating kayo sa punto na sa tingin ninyo ay talagang walang magpapatalo sa inyong dalawa ay nagdesisyon kayo na paghatian na lang siya. Pero pumasok man lang ba sa isip ninyo na tanungin si Lana kung gusto ba niya? Kung mahal ba niya ang kahit isa man lang sa inyo? Hindi! Walang nag-isi