JACOBAyaw kong matulog sa kuwarto kong 'yon dahil nandoon si Isabel. Pagkabihis ko ay mabilis na lumabas ako. Naiwan siya doon sa loob ng kuwarto ko. Hindi ko na siya kinausap pa kahit si Camille na pinsan ko. Hindi rin ako sumabay sa kanilang dalawa na kumain ng dinner. Lumabas ako sakay ng kotse ko. Mag-isa lang ako, hindi ko kasama si Kuya Alfred. Ako lang ang nagmaneho ng kotse ko.Kumain na lang ako sa labas ng dinner na mag-isa. Nagugutom na ako. Wala akong gana na kumain kasama nilang dalawa. Naiinis ako sa pinsan ko na si Camille sa totoo lang. Magsama silang dalawa ni Isabel.Pasado alas onse na ng gabi nang dumating ako sa bahay. Napakatahimik na sa loob ng bahay at sigurado akong natutulog na silang lahat. Nakapatay na rin ang ibang mga ilaw sa loob ng bahay. Wala akong ibang maisip na puntahan ngayong gabi na 'to kundi si Shaina na girlfriend ko. I really want to see her. Sa kuwarto niya gusto ko na matulog. Ayaw ko doon sa kuwarto ko sapagkat nandoon si Isabel. Baka may
SHAINA Natahimik ako sa mga sinabi sa akin ng boyfriend ko na si Jacob. Hindi ako nakapagsalita sa totoo lang sa harapan niya. Umiwas muna ako ng tingin sa kanya ngunit nakikita ko sa peripheral vision ko na seryosong tinititigan niya ako habang hawak-hawak pa rin niya ang mga kamay ko.Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang mga sinabi niyang 'yon sa akin lalo na ang pananakot sa kanya ni Isabel na kapag tumanggi siya sa kagustuhan nito na makasama siya ay sisirain nito ang magandang imahe at reputasyon niya sa tulong ni Mr. Chavez at hindi lang 'yon ang puwedeng gawin nito sa kanya. Puwedeng mawala ang lahat ng mayroon siya kapag tumanggi nga siya.Hindi ako makapaniwala sa mga sinabing 'yon niya.Kaya rin pala ganoon na lang ang pakikitungo ni Ma'am Camille na pinsan niya sa akin dahil sa gusto nitong pumayag na lang si Jacob sa nais mangyari ni Isabel dahil natatakot siya sa posibleng mangyari kapag tumanggi si Jacob. Naiintindihan ko siya sa puntong 'yon sapagkat kahit ako sig
SHAINABumagsak sa ibabaw ko na naghahabol ng kanyang hininga ang guwapong boyfriend ko na si Jacob matapos ang mainit na p********k naming dalawa. Niyakap ko siya nang mahigpit kahit parehas kaming dalawa naliligo sa sarili naming mga pawis. Hinalikan muli niya ako sa aking mga labi. Gumanti rin ako ng halik sa kanya hanggang sa parehas kaming dalawa nakatulog. Nawala pansamantala ang lungkot at mga iniisip ko ng gabing 'yon na kaming dalawa ay magkasama ng boyfriend ko na si Jacob. Nang magising ako kinabukasan ay nagising rin siya kahit napakaaga pa. Niyaya pa nga niya akong matulog ngunit hindi na ako pumayag pa. Kailangan ko nang bumangon para magsimulang magtrabaho sa pamamahay niya.Bago ako lumabas sa kuwarto ko ay nag-sex muli kaming dalawa ng boyfriend ko na si Jacob. Naiwan siya doon, hindi pa siya bumabangon. Mamaya pa siguro siya lalabas sa kuwarto ko.Naligo na nga ako pagkalabas sa kuwarto ko. Nang makabihis na ako ng uniporme ko ay nagsimula na akong magtrabaho sa loo
SHAINAHindi ako makatulog ngayong gabi na 'to. Mahimbing nang natutulog si Jacob na boyfriend ko sa tabi ko. Isang oras na rin ang lumipas nang mag-sex kaming dalawa. Ang dahilan upang bakit hindi ako makatulog ay dahil sa iniisip ko. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang mga sinabi ni Ma'am Camille sa akin kanina. Gusto niyang iwan at talikuran ko na si Jacob na boyfriend ko para lang pumayag ito sa nais mangyari ni Isabel. Kung hindi ko kasi siya iiwan ay hindi ito papayag sa nais mangyari ni Isabel. Para mapapayag ito ay kailangan na umalis na ako at iwan ko siya. Huwag na akong magpapakita pa sa kanya.Naiintindihan ko ang sinasabi niya sa akin kanina. Naiintindihan ko ang pinupunto niya. May tama naman siya sa sinasabi niya sa akin. Hindi talaga papayag si Jacob na boyfriend ko sa nais mangyari ni Isabel kung nandito ako sa tabi niya. Kailangan na iwan ko siya at mawala ako sa buhay niya para mapapayag siya. Ayaw ko na mawala ang lahat-lahat sa kanya dahil lang sa akin. Ayaw
JACOBMaaga akong uuwi ngayon sa bahay. Wala naman ako masyadong ginawa buong araw sa loob ng opisina ko. Wala rin naman akong masyadong appointment just like the other day. Naisipan ko na bilhan ng matamis na chocolate at tatlong rosas ang girlfriend ko na si Shaina. Hindi ko na kasi siya masyadong nabibigyan ng ganoon, eh.Bumili muna kaming dalawa ni Kuya Alfred ng chocolate at tatlong rosas bago umuwi sa bahay. Sigurado akong matutuwa si Shaina na girlfriend ko kapag binigyan ko siya nito. Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ko ay bumaba na kaagad ako sa kotse ko. Hindi na ako naghintay pa kay Kuya Alfred na pagbuksan ako ng pinto. Dala-dala ko na nga ang binili kong chocolate at tatlong rosas.Ang tahimik sa loob ng bahay nang pumasok ako. Well, ganoon naman palagi sa loob ng bahay ko. Palaging tahimik. Walang tao doon sa sala. Nasaan kaya ang mga tao dito? Baka nandoon sa taas. Walang ibang laman ang isip ko kundi si Shaina lamang kaya ang ginawa ko ay tumungo na ako sa ku
JACOB "Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin sa akin, Jacob. Ginawa ko lang naman 'yon para pumayag ka na sa nais mangyari ni Isabel. Pumayag ka na kasi, huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo, okay? Pinaalis ko na si Shaina sa pamamahay mo dahil kapag nandito pa siya ay hindi ka talaga papayag sa nais mangyari ni Isabel. Alam ko na hindi ka natutuwa sa ginawa kong 'yon ngunit kailangan mong tanggapin na wala na si Shaina. Umalis na siya, huwag mo na siyang hanapin o sundan pa kung nasaan siya. Isipin mo naman ang sarili mo, Jacob. 'Wag 'yung puro siya lang ang iisipin mo. Hindi ka niya matutulungan sa problema mong hinaharap kaya kalimutan mo na siya. Pumayag ka na lang sa nais ni Isabel na mangyari, okay? Iyon ang nararapat mong gawin at hindi ang pursigihin si Shaina na makasama mo. Gusto mo ba na mawala ang lahat ng mayroon ka ngayon, huh? Ipagpapalit mo lang ang lahat ng mayroon ka sa babaeng hindi ka naman matutulungan, huh? Ganoon ba ang gusto mo? Magalit ka man sa a
JACOBTinabi ko ang sulat na iniwan ni Shaina para sa akin. I'll keep it. Hindi puwedeng mawala 'yon. Pinunasan ko ang mga luha ko matapos kong basahin ang sulat niyang 'yon sa akin. Masakit man isipin na wala na siya, iniwan na niya ako ngunit kailangan na may gawin ako. Hindi puwedeng tutunganga na lang ako. Kailangan ay may gawin ako, hindi puwedeng wala.Alam ko na hindi naman niya gusto na iwan ako. Hindi niya ginusto 'yon. Pinaalis lang siya ng pinsan ko na si Camille para mangyari ang nais niyang mangyari na pumayag ako sa nais ni Isabel. Iyon lang 'yon. Hindi ako papayag sa nais mangyari ni Isabel. Mahal ko si Shaina. Siya ang gusto ko na makasama habambuhay hindi ang Isabel na 'yon.Gagawa ako ng paraan. Hindi ako susuko. Hindi ko susukuan ang pagmamahal ko para kay Shaina dahil lang sa pananakot nila sa akin. Pananakot lang 'yan, mas makapangyarihan pa rin ang pag-ibig. Natulog ako sa kuwarto na tinutulugan ng babaeng mahal ko na si Shaina. Amoy na amoy ko pa rin ang kanyang
JACOB Hindi na nawala sa isipan ko ang sinabing 'yon ni Kuya Alfred sa akin. Puwede ko naman ngang gawin 'yon ngunit kailangan may tutulong rin sa akin. I can't do it alone. Kailangan may katulong ako. Tama si Kuya Alfred ba't hindi ako magpatulong sa Ninong Ramon ko, 'di ba? Magaling siyang abogado. Siguradong matutulungan ako niya. Matutulungan rin niya ang mga taong nabiktima ni Mr. Chavez.Habang nasa loob ako ng opisina ko ay pinag-isipan ko nang mabuti kung gagawin ko talaga 'yon.Naisip ko pa na kung hindi ko gagawin 'yon ay ako ang matatalo sa laban na 'to. Hindi dapat ako matalo nila. Hindi dapat sila magtagumpay laban sa akin. Kailangan na ako ang magtagumpay. Tama naman si Kuya Alfred na kung mawalan si Isabel ng tutulong sa kanya ay hindi na niya ako matatakot pa. Kaya naman malakas ang loob niya na takutin ako dahil sa kaibigan niya si Mr. Chavez. Kung mawala ito ay mawawalan na siya ng lakas ng loob na gawin ang masamang plano niya. Kailangan na mawala si Mr. Chavez. Kap
Hello guys! Maraming salamat po sa inyong lahat na mga nagbasa ng kuwentong 'to. Sana po kayo ay nagandahan sa kuwentong 'to na sinulat ko. Sana ay may napulot kayong aral kahit papaano. Please share this book to your friends. Maraming salamat po sa inyong lahat! Basahin n'yo rin po ang kuwentong 'to "In Love With My Husband's Son" at sana po ay suportahan n'yo po 'yon kagaya ng pagsuporta n'yo sa kuwentong 'to. Support n'yo pa rin po ang ibang stories ko lalo na itong mga sumunod:• In Love With My Husband's Son • No Love Between Us• Release Me, Mr. Billionaire• A Perfect Man For Me• My Mom's Ex-Boyfriend• Save Me, Mr. Billionaire• Playboy's KarmaMaraming salamat po sa suporta n'yong lahat! Mahal na mahal ko po kayong lahat!❤️❤️❤️
SHAINA Mula sa delivery room ay inilipat na ako sa isang private room matapos ko na ipanganak ang panganay naming dalawa ng asawa ko na si Jacob. Isang malusog na lalaking sanggol ang isinilang ko. Dinala na rin siya sa room kung saan ako ngayon. Katabi ko na nga siya, eh. Maayos naman ang panganganak ko. Hindi naman nagkaroon ng problema. Kasama ko ngayon dito sa kuwarto ko ang asawa ko na si Jacob, pinsan niya na si Camille at Tita Delia. Wala pa sina mama at mga kapatid ko dahil papunta pa lang sila dito sa Maynila.Masayang-masaya kami sa binigay sa amin ng Panginoon na napakaguwapong anghel sa buhay namin ng asawa ko na si Jacob. Kamukhang-kamukha niya ang baby boy namin. Walang nagmana sa akin. Lahat ay nakuha sa kanya. Ang lakas talaga ng dugo ng asawa ko. Naluluha ako habang pinagmamasdan namin siya sa tabi ko."Ano ba ang ipapangalan natin sa kanya, baby?" tanong sa akin ng asawa ko na si Jacob kung ano ang ipapangalan namin sa baby boy namin.Hindi muna ako nagsalita sa ta
SHAINA Doon pa rin ako sa bahay namin natulog habang si Jacob naman na boyfriend ko ay bumalik sa hotel na pinag-check-in-an niya para doon siya matulog. Hinatid naman nga niya ako sa bahay namin matapos namin na mamasyal. Madilim na nga nang umalis siya sa bahay pabalik sa hotel na pinag-check-in-an niya.Isinama namin sina mama at mga kapatid ko sa airport para ihatid kaming dalawa ni Jacob. Umaga ang flight namin pabalik ng Maynila. First time ko na sasakay ng eroplano. Medyo kinabahan nga ako. Mahigpit na niyakap ko sina mama at mga kapatid ko bago kami pumasok sa loob ng airport. Naluluha muli ako habang niyayakap ko sila. Hindi ko alam kung kailan ko sila muling makikita at makakasama. Hindi naman ako sigurado na makakasunod silang dalawa sa Maynila lalo na nag-aaral ang mga kapatid ko. Ilang buwan pa bago magbakasiyon sila.Sabay kaming pumasok ni Jacob sa loob ng airport matapos na magpaalam ako sa kanila ay yakapin ko sila nang napakahigpit na para bang wala nang bukas pa.
SHAINA Tinulungan ako ni mama na mag-impake muli ng mga gamit ko pagkagaling ko sa bahay nina Sir Albert. Kinuwento ko rin naman sa kanya ang naging pag-uusap namin doon. Kinahapunan, akala ko ay aalis na kaming dalawa ni Jacob pabalik sa Maynila ngunit sinabi niya sa akin na bukas na lang kami aalis. Pinuntahan muli niya ako sa bahay namin. Gusto muna raw niyang magikot-ikot dito sa amin kaya pumayag naman ako na samahan siya. Si mama ang naiwan sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Pinakilala ko rin pala kay Jacob ang mga kapatid ko. Ayaw nga nila na lumapit sa kanya. Nahihiya siguro ang mga 'to dahil ngayon lang nila nakita si Jacob.Sinamahan ko si Jacob na mamasyal dito sa amin. Pumunta kami sa mga pasyalan dito sa amin na gusto niyang mapuntahan.Magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Kasama pa rin niya si Kuya Alan na naging tour guide na nga niya. May bayad naman si Kuya Alan sa pagsama sa kanya kaya walang problema."Nakausap mo na ba ang lalaking 'yon?
SHAINA Pumunta ako sa bahay nina Sir George kinabukasan. Inagahan ko ang pagpunta ko sa kanila. Tamang-tama ay kakatapos pa lang nila na kumain ng breakfast. Ayaw sana akong kausapin niya ngunit nakiusap ako na kausapin niya. May kailangan akong sabihin sa kanya. Doon kaming dalawa nag-usap malapit sa may garden ng bahay nila kung saan ginanap ang birthday party ng daddy niya. Isa-isang pinaliwanag ko sa kanya ang mga narinig at nakita niya kahapon. Hindi ko siya gustong saktan ngunit kailangan niya na malaman 'yon dahil 'yon ang totoo."Pinaasa mo lang pala ako, Shaina. Hindi mo naman pala ako mahal..." nakangusong sabi niya sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niya na marinig mula sa akin.I cleared my throat first and sighed deeply."Hindi po kita pinapaasa, Sir George. Nagsasabi po ako ng totoo sa harapan mo. Mas mabuti na po sigurong malaman mo ang totoo ngayon, eh, para matanggap mo kaagad na hindi po kita mahal. Sinubukan ko na mahalin ka o makaramdam ng pagmamahal sa '
SHAINA Gusto akong sumama ni Jacob sa hotel kung saan siya naka-check in ngunit hindi ako sumama sa kanya. Tumanggi ako sa kanya. Tumagal siya ng ilang oras sa bahay namin. Nakita niya ang hitsura ng bahay namin. Wala naman siyang komento sa bahay namin. Alam naman niya na mahirap lang kami kaya aware naman siya kung ano ang hitsura ng bahay namin. Matagal na nag-usap silang dalawa ng mama ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. Mabait naman siya sa mama ko. Wala naman siyang pinakita na hindi kanais-nais dito. Hindi naman siya nagmayabang o ano p. Hindi mo nga siya mapagkakamalan na mayaman sa hitsura ngayon niya. Simple lang suot niyang damit.Nang makaalis siya sa bahay namin ay nag-usap kaming dalawa ni mama. Sabi niya sa amin ni mama ay babalik raw siya bukas dito sa bahay namin. Masayang-masaya ako sa pagkikita naming dalawa. Pinuntahan talaga niya ako para makita. Ginawa niya 'yon dahil mahal niya ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito siya sa
SHAINA Habang nag-uusap kaming dalawa ni Jacob sa daan ay naramdaman ko ang presensiya ng mama ko sa likuran ko. Tahimik lang siya doon. Siguro ay nakikinig siya sa aming dalawa ni Jacob."Mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?" tanong ni Jacob sa akin.Huminga muli ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Oo, Jacob. Mahal pa rin kita hanggang ngayon," sabi ko sa kanya. Hindi naman ako nagsinungaling pa sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang totoo dahil 'yon naman talaga ang totoo, eh. Tutulo na ang mga luha ko sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko 'yon. Nginitian niya ako pagkasabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Nawala ang kunot ng noo niya sa sinabi kong 'yon."Natutuwa akong marinig muli sa 'yo na mahal mo pa rin ako, baby. Mahal pa rin naman kita hanggang ngayon, eh. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa 'yo kahit iniwan mo ako. Nandito ako sa harapan mo para makita ka at makasamang muli. Wala akong ibang sadya kundi 'yon lang talaga, okay? Masayang-masaya ako
SHAINASa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ay para bang kakawala na ito sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Jacob is here. Pinuntahan niya ako dito sa amin sa probinsiya. "Jacob... Ano'ng ginagawa mo dito sa amin?" nakaawang ang mga labi na tanong ko sa kanya. Nakakunot ang noo na nakatingin sa akin si Sir George. Nginitian niya ako at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong kong 'yon sa kanya kung ano'ng ginagawa niya dito sa amin."Nagulat ka ba sa pagpunta ko dito sa inyo?" mahinang tanong niya sa akin. Si Jacob nga talaga ang nasa harapan ko ngayon. Narinig ko muli ang baritonong boses niya na nakaka-in love pakinggan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Natutuwa ako na nasa harapan ko nga si Jacob na lalaking minamahal ko hanggang ngayon.Dahan-dahan ko naman nga na tinanguan siya at nagsalita, "Oo. Nagulat ako pagkakita ko sa 'yo ngayon, Jacob. Bakit ka nandito, huh?''Huminga muna siya nang malalim bago nagsal
JACOBForty-five minutes lang ang naging flight ko patungo sa probinsiya kung saan ko matatagpuan ang babaeng mahal ko. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinakyan ko ay napabuntong-hininga kaagad ako at napasabi sa sarili ko na magkikita na talaga kaming dalawa ni Shaina na babaeng minamahal ko. May naghihintay na sa akin na sasakyan sa labas ng airport. Sumakay naman na kaagad ako patungo sa hotel kung saan ako magi-stay habang nandito ako sa probinsiya ng babaeng mahal ko. Hindi ako sigurado kung makakabalik kaagad ako sa Maynila kaya sa isang hotel muna ako magi-stay habang nandito ako. Bukas na hapon ang flight ko pabalik ng Maynila. Kung hindi ako makauwi pa bukas ay ire-reschedule ko na lang ang flight ko pabalik sa Maynila sa susunod na araw. Kailangan talaga ay maisama ko na pabalik ang babaeng mahal ko na si Shaina sa Maynila. Hindi puwedeng hindi. Hindi puwedeng mabigo ako sa plano kong isasama ko na siya pauwi sa amin sa Maynila.Kumain muna ako ng lunch bago ako tumu