Devyn"Maraming salamat doctor".Sinabi ng doktor na nakakaranas ngayong Retrograde amnesia, ito ay dahil nagkaroon ng pinsala ang utak ng isang tao, kaya kailangan sumailalim sa mga test si Voughn para malaman kung anong lagay nito ngayon. Sinabi rin na malaki ang tyansang bumalik ang alala ni Voughn lalo na sa mga nangyayari ditong pagsakit ng ulo.Pagpasok ay nakita ko parin si Isay tulala lang itong nakatingin kay Vaughn animo'y natatakot lumapit."Hi" ngiti kong bati, halos malunod ako sa malalim nitong mga tingin."Kamusta kana? May masakit parin ba saiyo?" maliit itong ngumiti."Anong gusto mong pagkain? Para makakain kana, dahil simula kagabi ay wala ka pa daw kain eh" Ani ko."A-ako na ang bahala, pwede ka ng umalis Devyn" ani Isay ngunit bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Voughn."Umalis kana" malamig nitong sabi."Ba-bakit ako? Ako ang nobyo kaya ako ang kailangan magbantay at magalaga saiy-". Naputol ang sasabihin ng magsalita muli si Voughn."Umalis ka" nakak
DevynTatlong araw na sa Hospital si Voughn bukas pa ito makakauwi. May balak din akong kausapin ang mga magulang ni Isay."Aalis na ako, Albert tawagan mo na lang ako kung may kailangan" natawa ako ng sumaludo pa ito."Yes, kumander" Ani Albert.Ng balingan ko si Voughn ay nakasimangot itong nakatingin sa bintana, alam ko namag ayaw niya akong umalis, na sanay na siguro sa presensya ko, dahil sa tatlong araw ay ako lang talaga ang nagbabantay sa kaniya, minsan pumupunta rito si aling Melinda, para kamustahin si Voughn, si Isay naman ay pumunta kahapon, ngunit ayaw naman itong papasukin ni Voughn.Lumapit ako rito at hinawakan ang kamay."Aalis na 'ko, babalik rin naman agad ako" rinig ko ang buntong hininga nito at pilit na ngumiti.* * *Pagdating ko sa bahay nila ay nadatnan ko si aling Melinda na nagwawalis. "Maganda umaga po" ngiti kong bati. "Ikaw pala hija, naparito ka?". "Gusto ko po sana kayong makausap". "Sige pumasok ka muna sa loob, wala pala si Isay, nando'n sa kaibig
Devyn"Tito maraming salamat po, after 2days po ay uuwi na kami ng Maynila" ngiti kong saad"Walang anu man hija" matapos naming makapagusap ni Gov ay umakyat na kami para idala sa nagiging kwarto ni Voughn."Nakakahiya naman," kamot batok nitong saad."Mabait si Tito, at dalawang araw lang tayong mananatili rito, sana ay maging handa ka sa nalalapit niyong pagkikita ng mga magulang mo" ani ko."Handa naman ako, noon ko pa man gustong makilala ang pamilya ko" tumango ako at dumiretso sa kwarto ni Voughn, katapat lang nito ang kwarto ko.Nilapag ko ang isang bag na damit ni Voughn."Bukas ng umaga ay pupunta tayo kila aling Melinda" tumango naman."Sige, papasok muna ako sa kwarto, magpahinga ka muna kung gusto mo, tatawagin na lang kita kapag kakain na" ngiti kong saad.Nagpahinga ako saglit at pumunta na ng banyo para maligo. Habang nasa bathtub ay naalala ko bigla ang aking kambal.Sumilay ang magandang ngiti saakin.'Alam kong matutuwa sila Vicente at Valerie, kapag nalaman nilang
Devyn"Napaka sinungaling mong babae ka!" nagulat ako ng sumugod ito saakin, at agad na nahablot ang aking buhok."Ahhh.." Daing ko ng makalmot nito ang aking leeg."Isay, tumigil ka anak".Pilit kong tanggalin ang kaniyang kamay sa aking buhok, ng biglang napabitaw si Isay at ganon na lang ang panlalaki ng aking mata, ng makitang hawak na siya ni Voughn sa braso na napakahigpit, mababakas ang pagsakit na nararamdaman ni Isay. Napasigaw si aling Melinda. Makikita ang panlilisik sa mata ni Voughn habang nakatingin kay Isay."Lucas! Bitawan mo ang aking Anak!" Sigaw ni Mang Jose, agad akong lumapit kay Voughn at hinawakan ito sa braso. "Voughn please.." nakikiusap kong saad, agad namang nawala ang nalilisik nitong mata, at hinaplos ang aking mukha para punasan ang luha. "Wala kang utang na loob! Paano mo nagawang saktang ang aking anak at buntis pa ito!" "Malaki ang respeto ko sainyo, ngunit hindi ako papayag na sasaktan ng inyong anak si Eunice" Madiin na saad ni Voughn. Nakita ko
DevynI wore a burgundy velvet knee length cocktail dress, pinarisan ko lang ito ng black high heels.Nakalugay ang aking mahabang buhok, na wavy style.Napalingon ako ng maranig ang pagkatok sa pinto."Pasok" ani ko habang inaayos ang kwintas.Narinig ko ang tunog nf sapatos papalapit saakin, hindi na ako nagabala pang tignan ito. Ngunit gano'n na lang kalaki ang aking pagkakangiti ng makita ang ayos ni Voughn. Gwapong gwapo ito sa suot na maroon longsleeves polo na nakaangat hanggang siko nito, samantalang nakablack pants naman ito. Hindi mapigilan pansinin ang kaniyang dibdib at braso na bakat sa kaniyang kasuotan. "Hey" napukaw ako ng magsalita ito. Kaya ngumiti ako rito at bumalik sa harapan ng salamin. Ng maramdaman ko ang paglapit nito, kinuha niya ang aking kamay para kunin ang kwintas na aking isusuot, tinitigan niya iyon na mabuti habang maliit itong nakangiti. Nilagay nito sa aking leeg ang kwintas, halos magsitayuan ang aking balahibo sa batok ng madampian iyon ng kamay
DevynNagising akong may humahalik sa aking pisngi. Gano'n na lang kalawak ang aking pagkakangiti ng makita paulit ulit na hinahalikan ni Voughn ang aking pisngi."Goodmorning oh, tanghali na pala" Natawa ako kaya piningot ko ang kaniyang matangos na ilong.Paano naman kasi hindi naman ako tinigilan hanggang sa sumilip na ang araw, kaya sobrang sakit talaga ng aking katawan."I love you Eunice.." Hinawakan ko ang pisngi nito at pinaka titigan."Totoo bang bumalik na ng tuluyan ang iyong ala-ala Voughn," Hinawakn nito ang aking labi."Yes baby," Yumuko ito at bumakas ang lungkot."Pati ang pangyayari na nakidnap ka, hanggang sa malaglag ako sa yate na 'yon" agad na lumabas ang aking mga luha."Alam mo ba na hindi ako tumigil na hanapin ka, araw araw akong nakatanaw sa dagat, ngunit walang Voughn na makita," Nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha."Hanggang sa inanunsyo ng kapulisan na nahanap na ang iyong katawan na wala ng buhay, ang sakit... Sobrang sakit, araw araw akong nagkuku
Hernan"Hindi ako makapaniwalang buhay pa si Voughn, Nakakatuwang isipin" Saad ni Nicolo. Agad ko namang tinungga ang natitirang alak sa aking baso, maya maya ay dadating na sila rito."Eh bakit parang hindi ka naman ata masaya" Natigilan ako tinignan ang lokolokong ito."Masaya ako Nicolo, kaibigan natin si Voughn, ibang saya ang naramdaman ko ng makita namin siya sa mindoro pero...""Pero? Paano kana? Paano na ang panliligaw mo na matagal na panahon kay Devyn" Natumbok ni Nicolo ang nasa isipan ko"Alam mo pare, ganito yan, ang tao kapag nagmahal hindi basta basta nawawala ang pagmamahal nito sa taong kahit pa nawala na, saksi tayo kung paano nasaktan si Devyn ng malamang patay na si Voughn, alam nating pareho kung gaano niya kamahal si Voughn," Napayuko ako at palihim na pinunasan ang butil ng luha."Yeah, alam ko naman. Kaya kailangan ko ng tanggapin na wala na talaga" Tinapik tapik nito ang akong balikat."Marami pang babae d'yan, kung gusto mo tayo na lang, parehas naman tayong
DevynPilit na pinapatahan ni Mr. Vernan ang kaniyang asawa. Nang bigla itong tumayo at naglakad papalapit saakin. Nagulat ako ng maupo ito saaking harapan, at hawakan ang aking kamay."Hija.. Gusto kong humingi saiyo ng kapatawaran, lalo na ng mga panahong naging hadlang kami sa relasyon niyo ng aking anak, At sa paninisi ko saiyo ng malaman ang pagkamatay ni Voughn,""Hindi ko nakita ang iyong kabutihan Hija, malaki ang pasa-salamat ko saiyo dahil, ikaw ang dahilan kung bakit makakasama at makikita na namin ang aming anak," Pagpapatuloy nito."Gusto ko ring humingi ng kapatawaran, sa tutuusin ay mas malaki ang aking naging kasalanan, sainyo anak, Nagawa ko lamang iyon dahil may malaki akong utang sa ama ni Olivia,""Dad!" wika ni Voughn"Yes anak, kaya ko nagawang ipilit na ipakasal saiyo si Olivia, dahil iyon ang gusto ng kaniyang ama, I'm really really sorry Son, sa'yo din hija, lalo na sa masasakit na salitang aking nasabi," Hindi ko akalain na hihingi ng kapatawaran ang mga mag
Devyn"Good morning hubby," hinalikan ko ito sa pisngi."Hmm, morning wife." Yumakap ito ng mahigpit saakin."Hubby, tinutusok mo na naman ako eh, baka hindi na ako makapag luto ng almusal." Aniko, at bumangon na patungon sa kuna ng aming mga kambal. "Magandang umaga sa mga baby ko," Isa isa kong silang hinalikan sa noo."Good morning my babies.." Ani Voughn at hinalikan din ang mga ito, sabay yakap sa akin. "Ang sarap na uuwi ako at kayo ang nadadatnan ko, ang sarap sa pakiramdam na buo at masaya tayong pamilya." Nangilid naman ang aking luha. "Tama ka asawa ko, ang saya at ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang aking napangasawa at naging ama ng ating mga anak.""Mahal na mahal kita wife.""Mahal na mahal din kita Hubby," Hinalikan ko ito sa labi. "Sige na at baka sa iba pa ito mapunta, maghahanda na ako ng almusal.""Wife,hindi mo naman na kailangan gawin 'yan, nandyan naman si manang." "Gusto ko itong gawin, gusto ko kayong pagsilbihan hubby," ***Habang nagluluto ay biglang ma
Devyn Abala ako sa pagbabake para sa meryenda ng aking mga anak, ng dumating si Manang. "Hija, may naghahanap sa'yo." Anito. "Sino po sila Manang?" "Pumunta kana lang sa Sala at naroro'n sila." Hinubad ko ang apron at naghugas ng kamay. Nakakapagtaka lang na hindi sinabi ni Manang kung sino ang bisita. Gulat ang aking ekspresyon ng makita si Albert, hindi lang iyon dahil kasama nito si Isay. "Albert," Sambit ko. "Devyn, Pasensya kana hindi ako nagpasabi na pupunta kami rito." Agad akong lumapit at pina-upo muli sila. Napatingin ako sa dala-dalang bata ni Isay, isang batang lalaki na nakangiti rin sa akin. "Hi, baby." Bumungisngis ito. "Naparito kami dahil gusto kang maka-usap ni Isay." ani Albert sabay tingin kay Isay. Ngumiti ako kay Albert at tumango. "Manang, pakituro ho kay Albert ang Garden." Kinuha ni Albert ang anak ni Isay, at sumunod kay Manang. Ilang minuto ang lumipas ng magsalita ito. "De-Devyn, Nalaman ko na.. Sa'yo galing ang mga pagkain at gamit, hindi lang i
Isay"Anak ito lang muna ang aking maiiaabot, alam mo namang mahina ang isda at gulay, dahil sa panahon. At ito ang sa itay mo. Pinaabot niya para sa pandagdag ng pambili ng gamot ni Lucas,""Maraming salamat Nay, Tay." kahit hindi ako pinanpansin ni Itay, kalong nito si Lucas.Binilang ko ang perang ibinigay nila Itay at Inay. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil narito sila sa aking tabi, dahil kung wala ay walang tutulong sa akin. Wala rin kasi akong trabaho. Kahit kulang pa sa pambili ng isang gamot ni Lucas ang perang ibinigay nila ay napangiti pa rin ako."Bukas, ay dadaanan ko po si Ema," Nakita ko kung paano huminga ng malalim si Inay. Si Ronald kasi ay anim na buwan ng nakakulong dahil sa droga. Sinabi naman ng ina ni Ronald na magbibigay na lang sila kahit kaunting sustento para sa kay Lucas. Ngunit hindi pumayag si Itay, Ayaw kasi ni Itay kay Ronald lalo na at kilala itong Adik sa bayan.Pero kailangan ko silang makausap, para naman ito kay Lucas. Baka ngayon ay pwede
Isay"Isay, gumising ka diyan tignan mo ang anak mo at aalis na ako." Rinig kong saad ni Inay.Inis akong bumangon at masamang tinignan ang batang nasa kuna."Pa-gatasin mo na 'yan, at pupunta na ako sa palengke." Ani Inay at umalis na ito. Pagkalabas nito ay agad akong bumalik sa paghiga at nagtalukbong ng kumot. Ngunit ang makulit na batang ito ay ngumawa ng malakas."Ano ba!" Sigaw ko rito, mas lalo itong umiyak. Nagtalukbong ako ng kumot at hindi ito inintindi. Pero napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sunod-sunod nitong pag-ubo hanggang sa sumuka ito. Natataranta akong lumapit kay Lucas at binuhat. Do'n ko lang napagtantong nilalagnat pala ito. "Ano bang nangyayari sa'yo." Pinunasan ko ang kaniyang bibig at kumuha ng tubig para painumin ito. Matapos ay inilagay ko siya muli sa kuna para kunin ang planggana at bimpo. Patuloy parin ito sa pag-iyak. Kaya lalo akong natataranta. Nanginginig ko itong pinunasan. Napatitig ako sa kaniyang mukha. No'n tuwing tinitignan ko ang m
Voughn "Hubby," Ungot ni Wife, at yumakap saakin. "Hmmm.." Ungol ko ng may maramdaman sa aking ibabang parte. Agad akong napaupo ng makita ang kamay ni Eunice saaking sandata. "W-Wife...please stop," Pakiusap ko, dahil halos kakatapos lang namin. "I want it again." Nakanguso nitong saad. Nakapamot ako sa noo. Bakit namin kasi ganito pa ang paglilihi ng asawa ko. Pwede namang pagkain. Tumayo na ako, dahil iiyak ito kapag hindi ako pumayag. "I love you Hubby," At hinalikan ang aking pagkalalake. Napatingala ako at mahinang umuungol. "Damn it, feels so good, Uuhhh..," Tinignan ko ito at hinaplos haplos ang kaniyang pisngi, napaka ganda nitong tignan. " Shit wife, take it easy. I don't want to hurt you. Hmmm i love you," Agad naman itong sumunod. Ng malapit na akong labasan ay agad akong sumapa sa kama, at hinalikan ang aking asawa. "Aaahhh.." She moaned as i sucked her n*pples. Hinalikan ko rin ang kaniyang tiyan bago tuluyang pumasok. "Hu-Hubby...," Ilang sandali ng sabay ka
DevynBuong magdamag lang akong nakangiti, hindi mawala ang aking saya, napakasaya ko lang na ikakasal na ako sa lalakeng pinakamamahal ko."Inay," Sambit ko ng makita ko siya sa salamin na nagpapahid ng luha. Inabot ko ang kaniyang kamay. At hinawakan iyon ng mahigpit."Sobrang saya ko para saiyo anak.""Maraming salamat po Inay,""Sa pag-aasawa ay marami pa kayong pagdadaanan, Piliin niyo palagi ang isa't-isa, Alam kong kakayanin niyo 'yon anak, At huwag mawawalan ng tiwala, Kung may problema dapat pag-usapan ng maayos, Mahal na mahal kita anak," Tumayo ako at yumakap kay Inay."Mahal na mahal ko rin po kayo, nila Itay at Bunso,""OMG! Sis, pigilan mo ang luha mo, masisira ang make-up mo," Natawa kami ni Inay ng biglang pumasok ni Ate Deborah."Hello po tita," Ani Ate."Grabe ka sis, Diyosa ang aura, Woaahh paniguradong tutulo laway ni Voughn niyan," Tawa nito."Yieee ayan naaa!" tili ni ate ng makitang bitbit ni ate Lorna ang Wedding gown ko.Tube style ang aking wedding gown na, n
Devyn"Congrats sis," Ani Ate Deborah. Niyakap ko ito ng mahigip, hindi ko akalain na uuwi ito."Salamat po ate, namiss kita,""Missyou too, pati sa kambal. Tinawagan ako ni Mom kahapon, at doon ko nalaman ang plano ni Voughn, Masaya ako para sa'yo Eunice," Naluluhang niyakap kong muli si Ate."Can i join?" Sabay kaming Napalingon kay Kuya Damion."Kuya," Lumapit ito saamin at niyakap kami. Hinalikan pa kami nito sa ulo."Congrats, my little sister" Ngumuso naman ako kay Kuya."Hey, may kids na siya at ikakasal pa, ano ka ba Kuya," Ani ni Ate Deborah. Natawa naman ito at tumango-tango."Yeah, and i'm so happy for our sister."Nagkakasiyahan ang lahat. Ang kambal ay nakila Inay at Itah, tuwang tuwa sila sa mga ito."Baby," Napapitlag ako ng yumakap si Voughn sa aking likuran."Kagulat ka naman," Tumawa naman ito at hinalikan ang aking leeg."Voughn.." Saway ko rito."Let's go to my room baby.." Mahina nitong saad. "Hahanapin tayo ng mga bata." Ani ko. "Please,.." Natawa naman ako, ng
DevynNaramdaman ko ang pagbitaw saakin ni Hernan, Nanatili ang katahimikan sa paligid habang nakatayo ako na hindi ko alam kung saang parte.Ilang sandali ay kumabog ang dibdib ko ng tumutog ang tunog ng musika. Agad kong tinanggal ang nakapiring sa akin. Gano'n na lang ang gulat ko ng makita si Voughn sa hindi kalayuan, napagwapo nito sa suit na pula, Napatakip bibig ako ng makitang kasama rin nito sina Nicolo at Hernan na may hawak na gitara at piano, samantalang si Voughn ay may hawak na mikropono. "Oh my god!" Wika ko ng unti unting umilaw ang kapaligiran. At doon ko lang napagtanto na nakatayo ako sa paligid ng mga kandila at rosas, na nakahugis puso. Ang paligid ay napupuno rin ilaw at dahil Garden ito ay napakaraming mga iba't ibang bulaklak.Hindi pa nagsisimulang kumanta si Voughn ay agad na nangilid ang aking mga luha."Hi baby" Ani nitoNagsimula ng magpatugtog sila Hernan at Nicolo, nanatili lang akong nakatingin kay Voughn.When the visions around youBring tears to you
DevynNatapos ang tanghalian namin ay pinaliguan ko at binihisan ko na ang kambal. Dahil pupunta kami sa mansyon ng magulang ni Voughn, halos hindi na talaga maghiwalay pa ang mag-aama, lalo na si Valerie."Mommy, where are we going po?" Tanong ni Valerie ng matapos kong ayusin ang kaniyang kulot na buhok, para talaga itong Manika sa kaniyang itsura, kulot ang buhok na nakaipit ang unahang parte, nakadress ito na kulay pink na may puti, at doll shoes na pink. "Pupunta tayo sa bahay ng Parents ko princess," Nagtatalon na naman ito sa tuwa, sinulyapan ko si Vicente na inaayos ang kaniyang medyas at isinuot na ang kaniyang sapatos, lumingon ito saakin at ngumiti. "Mom" Tawag niya na agad naman akong lumapit at lumuhod sa kaniyang harapan, para isintas ang kaniyang sapatos."Thank you po Mommy" Hinalikan ko ito sa pisngi. "You're welcome," Nakapag paalam na kami kay Mommy, gusto sana namin ito isama ngunit tumanggi naman, dahil pwedeng sa susunod na lamang. Habang nasa byahe ay halos