Share

Chapter 2

“Ladies and gentlemen, ipinatawag ko kayo dahil meron lamang akong gustong ipakilala sainyo. Siya Ang magiging sekretarya ko at Siya ay ang aking iniibig na mapangasawa. Bri Anak, Siya Ang ikinukwento ko sayo. Ito ang tamang panahon para makilala niyo na siya. Gusto kong mag tiwala kayo sakanya kagaya ng pag bigay ko ng tiwala sa Inyo. Itunuro ko na sakanya ang pasikot sikot ng opisina, kaya hindi niyo kailangang mangamba. Siya ay si… Kristine.

Halika na. Pumasok ka ng makilala ka nila. “ Masayang pag sambit ni Don Arturo.

Nanlaki ang mata ni Greg na tila ba’y nagtataka at nagulat. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Maraming tanong sa kaniyang isipan at Hindi niya ito maipaliwanag. Ang pakiramdam niya ay gusto niyang hablutin si Kristine at itanong kung bakit, paano..

“ Hello Kristine! Welcome to Asia Pacific Corporation, I am Brianna Alkayde Santiago, the COO of this company. I’m Don Arturo’s daughter. I hope we will get along. And this is my husband Gregory Santiago. “ Salaysay ni Bri habang inaabot ang kamay para mag shake hands.

At inaabot din ni Greg ang kaniyang kamay Kay Kristine. Nanlalamig ito at Hindi niya maintindihan kung galit ba Siya o ano.

“Thank you everyone for a very warm welcome. Wag po kayong mahihiyang i-approach ako kung Meron man akong pagkukulang dahil open po ako na mas matuto pa sa kumpanyang ito.”

“ Minabuti ko na din na dito mag trabaho para mas mabantayan ko si Don Arturo, dahil usap-usapan ay matinik pa siya sa babae.” Pabirong wika ni Kristine sabay tingin Kay Greg.

Napatawa naman din si Don Arturo sa biro ni Kristine.

Matapos ang meeting ay nag-aya si Don Arturo kayna Brianna at Greg na pumunta sa resto bar after ng trabaho.

“O mahal kong Kristine, paki kuha muna Kay Greg ang mga kailangang Kong pirmahan at ilagay sa desk ko para pag bukas pag pasok ko ay mapirmahan ko na”. Paki-usap ni Don Arturo.

“Sige Mahal. Antayin mo nalang ako sa sasakyan. Susunod ako kaagad.” Tugon ni Kristine.

Nang papunta si Kristine kay Greg ay nakita niya ang mag-asawa na tila ba’y nagtatalo. Napa ngisi siya na para bang kinatutuwa niya kapag nag-aaway ang mag-asawa. Kitang kita ito dahil ang opisina ni Greg ay glass. Kumatok siya at hiningi ang mga papipirmahang papeles.

“Uhmm. Yes Kristine? Iyan lang ba ang kailangan mo?” Tanong ni Brianna.

“Ah oo pinapakuha ng iyong papa para bukas pag pasok niya ay naka handa na at mapirmahan na. Halina kayo at naghihintay si Arturo sa sasakyan”

Si Kristine ay nakasakay sa sasakyan ni Don Arturo at convoy naman Ang mag-asawa. Nang makarating sila sa resto bar na pag-aari naman din ni Greg ay napapaisip pa din siya at hindi maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Naghahanap siya ng tyempo ngunit naalala niya ay sa biyernes pa ang susunod nilang pagkikita ni Kristine. Sa pakiramdam ni Greg ay nangingibabaw ang selos.

..

Naka kalong si Kristine kay Don Arturo at suot niya ay pulang mini dress na kaunti na lamang ay makikita na ang kaloob looban.

“ Gregory! Bakit parang tulala ka diyan? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Don Arturo.

“ Opo pa. Medyo na gulat lang ako sa mga nangyayari, Hindi ko inakalang may girlfriend kayo." sagot ni Greg.

"Ikaw naman! Ano naman ang palagay mo sa akin? Siyempre may gatas pa din sa labi at ika nga ni Kristine e matinik pa ito sa babae.” Patawang sambit ni Don Arturo.

“Hahaha! Oo nga mahal, Hindi ba’t nakakalima ka pa? Age is just a number. Hindi tulad ng ibang lalaki na sariling kaligayahan nalang ang iniisip.” Wika ni Kristine habang tumatawa.

" Papa, Kristine! Ewww.. Pwede bang sa inyo nalang yun? “ Nandidiring sagot ni Brianna.

" Ano ka ba Bri? Normal nalang iyon ngayon lalo na sa mga kabataang kagaya ninyo. “ Wika ni Don Arturo.

" Wait Brianna, Hindi ba kayo madalas mag s*x ni Greg? Sa nakikita ko mukhang mahilig naman itong si..Gregory.” Panunuksong sabi ni Kristine.

“Ehem! Kaya ko pang maka ilan kagaya ni papa. Kung hindi mo naitatanong e kagabi ngalang ay pinagod ko si misis.” Ngumingisi si Greg habang ikinukwento ito.

Katherine’s POV:

Aha! Kaya pala ang bilis mong labas*n at parang wala kang gana. Naubos kana pala ng babaeng yan. Humanda ka! Ngayong nakapasok na ako sa kumpanya ninyo, hindi ako titigil hangga’t hindi kita nakukuha. Lahat ng meron Ang babaeng iyan ay mapapasakin.

** End of POV**

“Nako! Palagi nga kami nag aaway niyan ni Greg dahil kahit saan nalang siya inaabot ng libog. Kanina ngalang bago ka kumatok e gusto nanaman niyang umiskor. Kung hindi lang kami Ang owner ng company e tyak malilintikan kami.” Kwento ni Brianna.

“ Hun, wag mo naman masiyado idetalye at baka anong isipin ni Miss Kristine. " Wika ni Greg.

**Kristine’s POV**

Kailangang kong malaman kung papaano nila nagagawa yun ng walang nakakakita. Hindi ako magpapatalo. Kailangang kong makuha Ang loob nilang lahat.

** End of POV **

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status