Justine"Masyado na po kasing personal ang itinatanong nyo sa akin Ma'am eh." Matapang na sagot ko naman dito. Kung dati ay ura urada na sasagutin ko ang mga tanong nito. Ngayon ay malakas na ang aking loob na hindi ito sagutin. Gaya nga ng sabi ko ay masyado na iyong personal para pag usapan namin na dalawa. Wala naman sa topic yun ng subject ko sa kanya eh. Kaya hindi ko obligasyon na ipaliwanag dito or sabihin dito ang mga ganitong bagay. Di kung gusto niya ay kay Antonnette niya itanong yun. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ba ang relasyon meron kami nito. "Anong personal doon ha? Napaka dali lang naman sagutin ng tanong ko ah. Bakit hindi mo na lang sagutin at kung ano ano pa ang mga pinag sasabi mo?" Inis na sabi nito. Hayst kainis talaga ito eh. Ano ba kasi ang pakialam nito sa akin? "Ano ba kasi ang mapapala mo kung sa sagutin ko man ang tanong mo na yan?" Inis na rin na sagot ko dito. Wala kami sa school para igalang ko siya at siya naman itong nauna eh. Tao
JustineKinabukasanSakto lang ang dating ko dito sa school. May 10 minutes pa ako bago mag time. At malapit lang naman ang room namin dito sa may parking lot. Kaya hindi ko naman kailangan na mag madali. Mamayang lunch na rin lang ko susunduin sa room nito si Antonnette at may klase na rin kasi ito kaagad eh. .Mabuti na nga lang at hindi na ako kinulit muna nito na kailangan na mag kita muna namin sa garden bago ako pumasok na madalas na gawin namin nito. Lalo na pag ako ang sumusundo dito sa kanyang condo. Ay napapatagal talaga kami nito. Meron kasi yung kailangan ko pa na ipag luto siya ng breakfast kasi nga ay hindi pa daw siya kumain. Kaya ang aga aga ko pag sinusundo ko siya. Tapos kung minsan ay hindi pa ito naka ayos. Yung nag bibihis pa lang siya. Kaya tamang tambay lang ako at prepared ng breakfast nito. Para tuloy ang nangyayari ay katulong na ako nito eh. Hindi naman ako nag re reklamo ha. Kaya wag nyo akong isumbong kay maldita ha. Nasabi ko lang naman ang nasa loo
Justine"Ako ba ay pinag luluko mo ha Justine? Bakit ako ang mag tatanong sa matandang yun eh ikaw itong estudyante niya at nakakaalam kung bakit ganun ang ugali nito sayo? Malaman laman ko lang talaga Justine kung ano ang meron talaga sa inyong dalawa patay ka talaga sa akin." Inis na sabi nito at kung dati ay siya ang hinahatid ko sa room niya. Ngayon ay ako na ang inihatid nito. Baka daw kasi may lumandi na naman dyan sa akin eh. Mahirap na. Hayst ewan ko ba dito at bakit nagagalit ito doon kay ate girl eh wala naman ginagawang masama. Ako na nga itong may kasalanan doon eh. Tapos doon pa sila galit. Isa pa yang si Ms. Roselle na hindi ko na maintindihan kung ano ba ang gusto nitong mangyari sa kanyang buhay. Ang gulo gulo. Parang abstract lang ang ugali nito napaka hirap intindihin. Same pang sila nitong si Maldita eh. Nakakainis na talaga ha. Para bang lahat na lang ng kilos ko ay gusto nilang subay bayan na dalawa. Wala na ba akong kalayaan sa aking sarili at lahat na lang
JustineSinabi ko na sa iyo na wala akong pakialam sa inyong dalawa ng girlfriend mo. Bakit ba kasi sa akin ka nagagalit eh wala naman aking ginagawa sa inyong dalawa? Tsaka sino ba yang girlfriend mo na yan at baka na mamali ka lang sa akin?" Tanong ko dito. Mamaya mali naman pala ito ng nilapitan eh. Hindi naman pala ako tapos kung ano ano na ang pinag sasabi nito sa akin. "Alam ko na ikaw yan. Wala naman sigurong ibang Justine Kordel dito diba kung hindi ikaw lamang? Kaya wag mo ng ipag kaila pa. Tsk. Tomboy na nga kayo ang lakas pa ng loob nyo na mag bilang ng babae." Pang e insulto pa nito sa akin. "Oo ako nga si Justine Kordel pero hindi ko kilala ang jowa na tinutukoy mo. Dahil ang tanging malapit lang na babae sa akin ay si Antonnette at wala na akong balak na dagdagan pa yun. Stick to one lang ako pre. Kaya sana naman ay siguruhin mo kung pinapatulan ko ba halimbawa man kung may gusto sa akin yang jowa mo. Kung sakali man na may gusto yan sa akin ay huwag ako ang pag sab
RoselleMag iisang buwan na rin na mainit ang ulo ko at alam ko ang dahilan kung bakit. Pero hindi ko lang kayang tanggapin sa aking sarili. Hindi pwede ito. Pero hindi ko mapigilan eh. Kaya tuloy lahat na lang ng makita ko ay pinag bu buntunan ko ng inis at galit ko. Wala akong mapag labasan ng aking galit kaya sa ganitong paraan ko na lang dinadaan. Kahit ang aking asawa ay hindi rin naka ligtas sa init ng ulo ko. Kung dati ang sabi ko sa aking sarili ay babawi ako dito at mag sisimula kaming muli ay hanggang simula lang pala ang lahat. Dahil hindi ko rin kayang panindigan ang aking sarili na pakisamahan pa ito. Hindi ko kayang tiisin ang kanyang mga haplos at halik sa akin. Kaya tuloy ang nangyayari ay nag aaway lang kaming dalawa. Dahil everytime na gusto nitong may mangyari sa amin ay turndown ko ito. Hindi ko kaya na may iba pang hahawak sa akin. Dahil pakiramdam ko ay hindi maganda ang nangyayari sa aming dalawa. At may pinag tataksilan ako. Alam ko dati pa na unti unti
RoselleNandito na kami sa club kung saan nag wo work si Justine. Hindi ko alam sa mga ito at dito nila napag kasunduan na pumunta. Gusto ko nga sana sabihin na sa iba na lang kami. Kaya lang baka mag isip pa ang mga ito ng kung ano kaya hinayaan ko na lang. Tsaka maganda na rin ito para kahit paano ay nakikita ko si Justine. Dito man lang ay parang nasa tabi ko lang ito. Sure din naman ako na wala dito ang malandi na Antonnette na yun. Halatang halata naman sa malandi na yun ang malaki nitong pagka gusto kay Justine. Noon ko pa kaya na papansin. Pero dahil alam ko na sa akin lang ang pansin noon ni Justine ay hindi ako nangangamba dito. Nagulat na nga lang ako ng kina lunesan ng makipag hiwalay na ako dito kay Justine ay bigla ko na lang silang dalawa makikita na mag kasama eh. Malaman laman ko lang talaga ang dahilan at ginawa ng malandi na yun kung bakit nasa kanya na si Justine ay hindi ko talaga mapapalampas pa yun. Kahit na mawala na ako ng trabaho. Duh hindi naman yan an
Roselle Nakinig na lang ako sa usapan nila at hinayaan na lang ang mga ito an pag pantasyahan nila si Justine. Dahil hanggang doon na lang naman ang kaya nilang gawin eh. Hindi na ako makapapayag pa na mapalapit ang mga ito dito. Lalo na yang mga nabanggit nilang pangalan na may gusto sa Justine ko. Hanggang pangarap na lang ang mga ito. Dahil yun na lang ang tangi nilang magagawa. Maya lang ay napansin ko na umalis saglit si Justine kaya naman nag paalam muna ako sa mga kaibigan ko na mag cr lang ako. Medyo tipsy na kami ng mga kasama ko. At yung iba nga ay mga lasing na rin talaga. Talagang tinotoo nila na mag papaka lasing sila ngayong gabi na ito. Marami na rin kasi ang nainum namin dahil nga sa napasarap na kami este sila pala ng usapan ng mga ito at ang pulutan nga ay si Justine at ang mga may gusto dito pati na rin ang malandi na si Antonnette na ang sarap e ngudngud ang mukha sa pader. Nakakainis kasi ang pag mu mukha nito na kung maka ngiti ay akala mo may tama sa uta
AntonnetteNandito ako ngayon sa bahay namin. Paano tumawag kanina sila Mom na need ko umuwe muna at may pag uusapan daw kami. Kaya no choice ako kung hindi ang umuwe. Hindi na muna ako nag pahatid kay Justine dahil ang driver namin ang su sundo sa school. Kaya wala na akong nagawa. Gusto ko pa nga sana na mag Mall muna kami nito at doon na lang ako sunduin ng driver eh. Pero wala na akong nagawa ng sabihin nito na nasa may labas na daw ito ng university. Kasama din nito si Mama. Kaya nga nag mamadali na akong lumabas ng campus eh. Ayaw ko naman na pag hintayin pa ang mga ito. Hindi ko tuloy nakausap o nakita man lang si Justine bago ako umuwe eh. Hayst baka mamaya kung ano na ang ginawa nito. Nakakainis talaga. o Baka may mangharot bigla dito tapos akitin ito at mag pa akit naman itong si Justine. Ano na lang ang mangyayari sa akin pag ganun? Na pa praning na naman ako pag ganito na kung ano ano na naman ang iniisip ko. May tiwala naman ako dito eh. Pero sa mga humaharot dito a