HINDi alam ni Yvette kung nasaan siya pero ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Para kasing may nagsasabi sa kanya na ang eksenang iyon ay nangyari na. Sa pagkakataong iyon nga lang nakatingala siya sa pagkataas-taas na building. Ewan niya kung saan nga ba siya galing. Basta ang alam niya'y kumakabog ng husto ang kanyang dibdib. Parang may nagsasabi sa kanya na may hindi magandang nangyayari. Kaya naman napabilis ang pag-akyat niya sa building. Kailangan niya nang marating ang penthouse nila ni Liam. Hindi man sila ikinasal dahil talagang nagmamahalan sila, hindi pa rin mababago ang katotohanan na siya ang asawa nito. Dahil sa katagang 'asawa' ay lalo niyang binilisan ang kanyang paghakbang. Hindi niya siyempre hahayaan na maagaw sa kanya ang kanyang asawa. Totoo man o hindi ang kanilang kasal, hindi pa rin niya ito pawawalan. Ipaglalaban niya si Liam sa kahit sinong babae na magtatangka na agawin ito sa kanya. Maaari ngang noong nakita niya si Henry na may kasama itong baba
NANG magkatitigan sila ni Liam ay parang may bumuhos na malamig na tubig sa kanyang bumbunan. Para ngang unti unting siyang natauhan.Tama ba ang kanyang ginawa? Tanong pa niya sa kanyang sa sarili. Gusto sana niyang sabihin na wala namang mali sa paghalik niya. Na asawa naman niya si Liam. "Sorry," wika niya. Pakiramdam niya kasi ay hahakbang palayo sa kanya si Liam kapag hindi niya ibinulalas iyon pero parang may isang bahagi ng kanyang isipan ang nagsasabing hindi iyon gagawin ng kanyang asawa. Asawa? Sarkastikong tanong ng isang bahagi ng kanyang isipan na nagsisilbing kontrabida sa kanyang kaligayahan. Pagkaraan ng ilang sandali ay mariin niyang sinabi sa kanyang sarili na asawa niya talaga si Liam dahil kasal sila at may nangyayari sa kanila. Kumunot ang noo ni Liam habang nakatitig sa kanya. Wari'y binabasa kung ano bang tumatakbo sa kanyang isipan. "Pinagsisihan mo ang paghalik sa akin?""No," mabilis niyang sabi. Talaga naman kasing hindi niya pinagsisihan ang paghalik na
"GOOD morning," sabay pa nilang bati ni Liam nang imulat niya ang mata. Ang totoo kanina pa siya gising pero hindi siya kumikilos para gumalaw. Paano ba naman kasi, ang sarap sa pakiramdam na magkayakap silang dalawa. Ilang araw na rin kasi niyang hindi nararamdaman ang yakap ni Liam. Nang una ay sobra siyang nasaktan dahil pakiramdam niya'y wala na itong nararamdaman sa kanya kahit na pagnanasa pero ngayon ay unti-unting nagkakaroon siya ng pag-asa. Hindi naman kasi nito sasabihin na liligawan siya kung wala talagang nararamdaman sa kanya. "Mas maganda ka pa sa morning," wika ni Liam. Hindi man niya tiyak kung seryoso si Liam sa sinabi, napangiti pa rin siya. Talaga kasing na-miss niya na lagi itong makita. Nang nakalipas na araw kasi ay lagi itong nauunang magising. Ngunit, sinisiguro namang himbing na siya bago tumabi sa kanya. Kapag kasi naaalimpungatan siya ay nararamdaman niya ito sa kanyang tabi. "Bolero."Tumaas ang kilay nito. "Bakit ko naman bobolahin ang sarili kong asa
"WELL….well…well, nandito na pala ang lovebirds."Ang sabi ni Yvette sa sarili, walang sinuman ang makapagpapa-badtrip sa kanya pero nagkamali siya. Para kasi gusto na niyang dukutin ang mga mata ni Janiz na malagkit na malagkit na nakatitig kay Liam. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" Buwisit na tanong ni Liam. Pulang-pula ang mukha ni Liam na nagsasaad ng matinding galit. Siguro ay dahil naalala na naman ng kanyang asawa ang pagsampal sa kanya ni Janiz. Dapat nga sana ay pamahayan din ng galit ang kanyang dibdib pero hindi niya iyon magawa. Sa halip kasi kay Janiz niya ibaling ang kanyang nararamdaman, napunta iyon kay Liam. Sa pagkakatitig niya tuloy dito, bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Nagpunta ako rito para humingi ng tawad," wika nitong mababang mababa ang tono. Nang buksan kasi ni Liam ang pintuan ng opisina nito ay agad sumunod sa kanila na para bang invited na pumasok roon. Marahas na buntunghininga na lang tuloy ang pinawalan ni Liam pero mahigpit ang ginawang
KANINA pa pinipigilan ni Janiz ang kanyang emosyon – ang matinding poot para kay Yvette, kailan lang niya ito nakilala pero parang gusto na niya itong patayin. Ito kasi ang nag-iisang hadlang para mapalapit siyang muli kay William Arguelles III. Matinding galit ang ipinakita sa kanya ng lalaki dahil sa pagsampal niya sa 'matandang mangkukulam na iyon. Napamura siya nang maisip niyang iba na nga pala ngayon ang hitsura ng babaeng iyon. Dahil doon mas nakaramdam siya ng panggigigil sa kasinungalingan nito. Umasam kasi siya na milya-milya ang lamang niya sa babaeng iyon kung pisikal na hitsura ang pag-uusapan pero mali siya, maling-mali siya dahil napakaganda pala ng babaeng tinatawag niyang matandang mangkukulam. Maganda at seksi naman siya pero nakakaramdam siya ng insecurity sa babaeng iyon. Hindi lang dahil sa asawa ito ng lalaking dati'y patay na patay sa kanya kundi dahil sa bukod na mala anghel itong kagandahan ay hindi ito tulad niyang bilasa na. Marahas na buntunghininga ang
"AKO ba ang laman ng isip mo?" "No," mariing sagot ni Yvette sa malambing na tanong na iyon ni Liam. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na magsasabi ng kasinungalingan para lang masiyahan ang nagtatanong. Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito kaya agad lumipad ang tingin niya rito. Huling-huli rin niya kung gaano katalim ang tingin nito sa kanya. Kung hindi niya kilala si Liam ay siguradong makakaramdam siya ng kilabot sa uri ng tinging ibinibigay nito sa kanya. Para kasing gusto na siya nitong sakalin.Mabuti na lang talaga at wala itong kakayahan na makapagbato ng patalim sa pamamagitan ng pagtitig. Kung nagkataon kasi, siguradong kanina pa siya bumulagta. Hindi lang dahil sa nagkasugat-sugat ang kanyang katawan kundi dahil naghihingalo na siya. "Ang lalaking iyon ba ang iniisip mo?" Buwisit nitong tanong. Sa ilang saglit ay bigla siyang natulala. Hindi niya kasi alam kung bakit ganoon ang tanong ni Liam at kung sino ang lalaking tinutukoy nito ngunit pagkaraan ng ilan
KUNG kanina'y panay ang bangayan nila ni Liam, ngayon ay hindi na mapaghiwalay pa ang kanilang mga labi. Nagulat pa nga siya nang mag-landing na ang likuran niya sa malambot na kama. Mula kasi ng lumabas sila ng elevator ay naghahalikan na sila. "Are you sure ?" Tanong ni Liam sa kanya nang maghiwalay na ang kanilang mga labi. Kapwa sila hinihingal ng mga oras na iyon. Kumunot ang noo niya. Hindi niya kasi malaman kung anong tinutukoy nito. "Bakit ba ganyan ka kung makapagtanong?" "Ayoko kasing ako ang kahalikan mo pero may iba ka palang iniisip." Marahang sabi ni Liam pero ang emosyon ay hindi magawang maitago. Mukha kasing selos na selos ito. Selos na selos si Liam? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Lahat naman ng lalaki ay may karapatang magselos lalo na't asawa niya si Liam at ex niya ang pinagseselosan ni Liam. Kaya't naisip niyang kailangan niyang maging tapat na sa sarili at sa kanyang damdamin. Kaya't buong diin ang mga salita niya pagkaraan. "Wala akong lala
"LOVE…."Hindi man siya sigurado kung si Liam nga ba ang tumatawag sa kanya pero pinili niyang sundan ang boses nito. Alam kasi niyang kahit nasa gitna siya ng kapahamakan ay magagawa siya nitong mailigtas. Muli'y tinawag na naman siya nito kaya talagang ginusto na niyang makita ito. "Liam…" wika niya nang imulat niya ang kanyang mga mata. "Hindi naman tayo nagsi-sex pero panay ang ungol mo kaya nag-alala ako ng sobra sa'yo."Kahit na alam niyang gusto lang pagaanin ni Liam ang kanyang nararamdaman, hindi niya magawa nang maalala niya ang kanyang panaginip. Pagkatapos noon ay bumalik ang takot sa kanyang dibdib kaya bigla siyang napahagulgol. Pagkatapos ay yumakap siya kay Liam. "Hey…" wika nito. Kahit na nalilito ito sa kanyang ginawi, marahan nitong hinagod ang kanyang buhok at likod para payapain ang kanyang nararamdaman. "Napanaginipan mo bang nawala ako sa buhay mo?" Natatawang tanong nito. Hindi niya nagawang sagutin ang tanong nito dahil hindi na rin naman niya maalala ku
"AALIS na naman tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvette kay Liam. Maang na maang siya sa sinabi nito kaya hindi siya agad nakakilos. Kakarating lang kasi nila nu'ng isang araw galing sa bakasyon tapos ngayon ay aalis na naman sila. Wala namang problema sa kanya iyon dahil ang nais naman talaga niya ay makasama palagi si Liam. Ang inaalala lang naman niya ay ang mga responsibilidad nito. Bahagya lang kumakalmante ang kanyang kalooban kapag sinasabi nitong may ama ito na maaaring mag-take over sa WilMar Mall habang wala ito. "Honeymoon natin," wika ni Liam. "Palagi naman tayong nagha-honeymoon," bulalas niya. Hindi pa niya ito napigilang ngusuan.Napahagalpak nang tawa si Liam. Bigla tuloy siyang napatitig sa asawa. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tumawa nang ganoon kalutong ni Liam. Napangiti lang siya nang mapagtanto niyang malaki angbkinalaman niya sa kasiyahang nararamdaman nito. At ganoon din naman siya. Mahal niya si Liam at gusto niyang isipin na ganoon din ang
SHUCKS, wika ni Yvette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa simbahan na siya at naglalakad papunta sa may altar. Siyempre, kasabay niyang naglalakad ang kanyang ama tulad ng pangarap nito. Ang maihatid siya kay Liam, sa lalaking gusto nitong makatuluyan niya. Nang tanungin siya ni Liam ng, Will you marry me again? Agad siyang sumagot ng 'yes'. Siyempre, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa dahil talagang gusto rin niyang pakasalan ulit si Liam. "Why?" Naalala din niyang tanong ni Liam. "Kasi mahal kita," walang pag-aalinlangan niyang sabi. Iyon naman kasi talaga ang nararamdaman niya kay Liam. So, wala ng dahilan para magkunwari pa siya. "Mahal mo ako?" Naniniguradong tanong nito. "Oo nga," mariin niyang sabi dito. "Mahal din kita.""Mahal mo ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Yayayain ba kita ng kasal kung hindi kita mahal?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. Ayaw na niyang manghingi pa ng paliwanag kay Liam kung bakit siya nito mahal. Ang mahalag
KUNOT noong napabalikwas nang bangon si Yvette nang hindi na niya mahagilap sa kanyang tabi. Pakiramdam niya ay binalewala lang nito ang mga nangyari sa kanilang pagitan. Kung talaga kasing may kuwenta rito nangyari sa kanila, hindi ba dapat ay mamumulatan niya ito? Ang ibig niya siyempre ay magigising siyang nakaunan sa dibdib ni Liam. Gusto rin niyang maramdaman pa ang init na ibinubuga ng katawan nito pero hindi nangyari iyon kaya napabuntunghininga siya. Sobra siyang nakakaramdam ng inis. Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil naaalala niya ang mga nangyari sa kanila. Ibig niyang makalimutan nito ang 'trauma' ni Liam sa malaking gagamba kaya ibig niyang ibaling nito ang atensyon sa ibang bagay –sa kanya, to be exact. Sa paliligo nila at sa kanilang sexcapades. Sa bawat halik, yakap at pag-angkin nito sa kanya ay naramdaman nga niyang sa kanya na ito naka-focus at hindi sa takot nito. Ngunit, ngayon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kaya hindi niya na
SA bawat araw na kasama niya si Liam, pakiramdam ni Yvette ay lagi siyang umaakyat sa langit. Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung sa bawat sulok ng Isla na iyon ay ginagalugad talaga nila. Hindi lang dahil sa namamasyal sila kundi dahil sa mga pagtatalik nila. Gusto niyang isipin na mahal na siyang talaga ni Liam kaya inaangkin siya nito na para bang wala ng bukas. Ayaw naman niyang magtanong dahil ayaw niyang mapahiya kapag hindi niya nagustuhan ang sagot nito. Basta ang alam niya, ipinagkakaloob niya ang sarili dito ng paulit-ulit dahil mahal niya ito. "Kung saan-saan na naman naglalakbay ang utak mo," pansin ni Liam sa kanya. "Paano ka naman nakasiguro?" Tanong niya sa halip na sabihin kay Liam na walang ibang laman ang kanyang isip kundi ito lang. Oh, para tuloy gusto niyang mapangiwi sa mga salitang kanyang naiisip. Kasama na niya si Liam pero sa isip niya, ito pa rin ang laman. "Panay kasi ang ngiti mo riyan. Sino ba ang naiisip mo, ang ex mo?" Sarkastiko n
PAKIRAMDAM ni Yvette ito ang pinakamasarap na tulog na kanyang naranasan. Nang imulat niya kasing muli ang kanyang mga mata ay kita niya si Liam na nakatunghay sa kanya. "Kanina ka pa gising?" Nahihiya niyang tanong dito. Sa halip na sagutin siya nito, bahagyang tawa ang pinawalan nito. "Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya rito. Sa tono niya ay gusto na niya itong sisihin sa kahihiyang naramdaman niya. "Alam ko naman kasing masyado kitang napagod," anitong nanunudyo pa rin. "Shucks," bulalas na naman niya. Paano ba naman kasi, pumasok na naman sa utak niya ang mga nangyari sa kanila. Hindi lang sa dagat kundi sa bawat sulok ng Isla na iyon. Huli na nga nilang bininyagan ang kama kaya nang mapagod na sila ay natulog na sila ng tuloy tuloy. Iyon nga lang, kahit na gising na siya ay hindi pa rin nawawaglit sa kanyang isipan ang bawat eksenang nangyari sa kanila. Para na iyong tag price na nakatatak sa kanyang isipan. "Anong gusto mong breakfast?" Malambing nitong tanong sa k