Walang alam si Yasir kung sino ang ama ng triplets. Ngunit nang makita nito ang lalaking nasa harapan nila ngayon ay biglang kinutuban ang binata. Lalo pa at parang nakakita ng multo si Celeste nang makita ang lalaking bumati sa kanya.Nakaramdam ng selos si Yasir. Noon pa man ay nagpaparamdam na ito sa dalagang ina, ngunit parating ginagawang biro lang ng dalaga ang pagpapalipad hangin nito sa kanya.Nanlalamig ang buong katawan ni Celeste. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Kung hindi pa ito hinawakan ni Yasir ay hindi ito gagalaw.“Are you okay? Maupo na tayo,” aya ng binata sa kanya at iginiya papaupo kalapit sa kinauupuan ni Nizar. Hindi malaman ng dalaga kung dapat ba siyang kabahan o magpasalamat sa pagkikita nila ng dating matalik na kaibigan.“So, how are you? It's been six years when I last saw you. Are you perhaps. . .” kumusta nito sa kanya at saglit na sumulyap kay Yasir na katabi lang ng dalaga bago ipinagpatuloy ang tanong nito, “. . . married?” may lamig sa
Magkasamang lumabas sina Nizar at Celeste sa coffee shop. Bumalik sila sa silid kung saan idinaos ang meeting. Hiyang-hiya ang dalaga, mabuti na lang at wala na doon ang mga ka-meeting nila at tanging si Yasir na lang ang naroroon at ang secretary ni Nizar.Agad na tumayo si Yasir nang makita si Celeste, niyakap niya ang dalaga ng mahigpit.“Thanks God! You're fine.” Pahayag ng binata kay Celeste.Nagulat ang dalaga nang bigla na lang may humila sa kanya papalayo kay Yasir.“You don't have the rights to hug her.” Malamig ang boses na wika ni Nizar kay Yasir.Muling napasinghap si Celeste nang hilahin siya ni Yasir papalapit dito.“Why? Do you have also a rights to claim her?” matapang na tanong ni Yasir sa dating kaibigan. Kinabahan siya at alam niyang may namumuong away sa pagitan ng dalawa kapag hindi pa niya iyon inawat.“Yes, I have all the right to claim her as mine, after all, I am the father of her children.” Nakangising wika ni Nizar.“Pwede bang tumigil kayong dalawa? Walang
Malaki ang pasasalamat ni Celeste dahil kahit nakagawa ito ng kasalanan sa matalik niyang kaibigan ay pinatawad niya pa rin ito at kusa pa itong tutulong upang makausap ang mga magulang nila.Hinintay na magising nina Celeste ang mga anak. Dahil din sa pagod ay nakatulog din ang dalaga.Binuhat ito ni Nizar at marahang inihiga sa pahabang sofa.Nagising si Celeste sa ingay ng kanyang mga anak. Napangiti ito nang marinig na naglalaro sila ng jack ‘n poy.Napansin ni Pegasus na gising na ang ina nito kaya mabilis niyang nilapitan si Celeste.“Mom! Ang tagal niyo naman pong magising!” wika nito at hinalikan sa pisngi ang ina.Sunod-sunod ding lumapit sina Cygnus at Perseus.“Nag-suggest nga kami na i-kiss ka ni Dad sa lips para magising ka. Hindi ba ganoon ang ginawa ng prince charming ni Sleeping beauty sa kanya?” inosente namang tanong ni Cygnus sa ina nito.Namula ang mukha ni Celeste dahil sa pinagsasabi ng mga anak.She cleared her throat, dahil parang may nakabara rito. Hindi nga ni
“Mare, dito muna sa amin matutulog ang mga bata, tutal sa bahay niyo naman titira si Celeste, kaya hihiramin muna namin ang mga apo namin. Bigla ko tuloy na-miss ang kabataan noon ni Nizar, ganitong-ganito ang mukha ng anak kong ‘yon, kaya nga lang eh, sa ina nagmana ang kulay ng buhok ng tatlo.” Pakiusap ni Karylle kay Luna.Mahina namang natawa si Luna sa pakiusap ng kanyang kumare.“Sige, isang linggo lang sa inyo ang mga apo ko at miss na miss ko rin sila. At baka nga araw-araw na rin akong magpunta rito. Mamaya ipasyal natin sila, ano sa tingin mo?” magiliw namang aya ni Luna sa kaibigan.“Maganda nga ‘yang nasa isipan mo! Sige ba. Teka lang, panay plano natin. Ang tanong papayag kaya ang mga anak natin na ipasyal natin ang triplets?” may pangamba sa boses ni Karylle.“Ano ka ba, mare. Of course papayag ‘yan sila. At saka para makapag-solo na rin ang dalawa. Ayaw magsalita ni Celeste tungkol sa relasyon nila ng anak mo. Hindi ko nga alam kung bakit wala pa silang sinasabi sa atin
Nagkita sa isang bar sina Nizar at Deimos. Nag-order sila ng inumin. “Paano ba ang manligaw? Damn it! I don't know how!” frustrated nitong tanong kay Deimos. Malakas na tinawanan ng kaibigan si Nizar. Napasimangot ang binata at matalim na tiningnan ang kaibigan.“Don’t laugh at me!” malakas na sigaw ng binata sa kaibigan. Napailing-iling naman si Deimos.“Alam mo gago ka rin eh. Galit pa ako sa ‘yo. You take advantage to my sister. Alam mo namang mahal na mahal ko ‘yang si Celeste. I trusted you with her pero gago ka at binuntis mo ang kapatid ko. But anyways, gwapo naman ang mga pamangkin ko, kaya medyo nabawasan ang inis ko sa ‘yo. At about sa panliligaw. I really don't know how,” sumimsim muna ng alak si Deimos bago ipinagpatuloy ang pagsasalita, “Alam mo namang mga babae ang naghahabol sa akin eh, kaya wala rin akong alam tungkol d‘yan.” Pahayag ni Deimos.Malakas na binato ni Nizar ang kaibigan ng chips na hawak-hawak nito.“Wala ka palang alam! Anong gagawin ko? Wala naman akon
Dalawang araw ng inihahanda ni Nizar ang kanyang proposal para kay Celeste. Deimos is helping him, pero ang naging tulong ng kaibigan ay ang parati nitong pang-aasar sa kanya. Kumuha na rin ang binata ng event organizer para sa proposal niya. Kaya lang ay mas gusto ni Nizar na maging on hand sa preparation.Halos gabi na nga siyang umuuwi na labis na ipinagtataka ni Celeste.“Ilagay mo ang red roses sa gilid. Oo. . . Like that.” Utos ni Nizar sa babaeng may hawak na pulang rosas.“Ganito po ba, sir?” tanong ng babae kay Nizar.“Yes. Tapos dapat nasa gitna ang malaking hugis heart. Kailangang spacious ah, ‘yong kakasya kaming dalawa sa loob. How about the customize words ng will you marry me? Handa na ba? Kailangang malinaw na mababasa ‘yon. Hindi dapat puro ilaw ang makikita. Maliwanag ba?” patuloy na saad ni Nizar.Ipinalibot niya ang buong tingin sa paligid. It's almost perfect, the ambience are very romantic. Isa na lang ang kulang, si Celeste na lang.Malakas na nag-ring ang cellp
Dahil sa panlalamig ni Celeste kay Nizar ay mas naging pursigido pa ang binata.Isang gabi ay hindi makatulog si Celeste kaya bumaba siya sa kusina para uminom ng gatas.Nagulat ang dalaga nang makita si Nizar sa loob ng kusina nila.“Nizar, what are you doing here?” nagtatakang tanong ni Celeste.“I can't sleep. Dito na kasi ako pinatulog ni Ninang Luna eh,” sagot ng binata. Tumango lang ito sa binata at nilagpasan ito. “Celeste,” tawag ni Nizar sa dalaga. Hindi lumingon si Celeste at tuloy-tuloy lang sa ginagawa. “Bakit? May kailangan ka ba?” malamig na tanong ni Celeste rito.Malalim na napabuntonghininga si Nizar.“I want to explain myself to you. ‘Yong nakita mo sa amin ni Ivana, it's nothing.” Paliwanag ni Nizar sa kanya.Matapos makapag timpla ng gatas ay hinarap ni Celeste ang binata. Seryoso niya itong tiningnan.“You don't have to explain yourself to me, Nizar. Mga magulang lang tayo ng mga anak natin. Wala tayong relasyon na dalawa. So, wala akong pakialam kung may relasy
Inilibot ng paningin ni Nizar ang buong paligid. Everything is perfect. Isa na lang ang kulang, at iyon ay si Celeste. Sa gitna ng malaking hugis puso ay doon luluhod si Nizar para mag-propose. Ito na ang pangalawang proposal ng binata para sa dalaga. Sana lang ay hindi na ito tanggihan pa ng dalaga.Nasasabik na siyang maging asawa si Celeste. Nasasabik na rin ang binata na maramdaman ang loob nito. Napasabunot ito sa kanyang buhok nang muling umukilkil sa utak niya ang masayang hitsura ng dalaga kasama si Yasir. Napapaisip tuloy si Nizar kung may gusto ba si Celeste sa binata. Dahil Kitang-kita ni Nizar sa mga mata ni Yasir na mahal na mahal nito si Celeste. Katulad kung gaano niya kamahal ang dalaga.Muling kumuyom ang kamao ng binata. Hindi ito makakapayag na maagaw sa kanya si Celeste. Matagal na niyang mahal ang dalaga, sadyang manhid lang si Celeste.Dahil wala ng magawa si Nizar ay bumalik ito sa kanyang opisina. Kailangan niyang magtrabaho para mawala sa isipan niya ang mukha
Dahil natapos din ang mga trabahong hinahabol nila Nizar at Celeste ay sa wakas ay nakapagbakasyon din sila. Nawala na rin sa isipan ni Nizar ang nangyari sa kanila ni Ivana.Ngayon nga ay nasa amusement park na sila. Gustong-gusto ng mga bata ang sumakay ng mga iba’t-ibang rides. Panay ang hila nila sa kanilang ama. Pero sa mga safe rides lang nila pinapasakay ang mga bata.“A photo booth! Let's have a family picture there!” Masayang sigaw ni Pegasus sabay turo sa isang photo booth.“Let's go then! Let's have a family picture!” Masaya ring sabi ni Nizar sabay hawak sa kamay nila Pegasus at Cygnus, si Celeste naman ang may hawak kay Perseus.Pumasok sila sa photo booth at doon ay nag-picture-picture sila.Panay naman ang tawanan ng mag-anak.“Mom, Dad. Kayo naman po ang mag-picture na dalawa,” sabi ni Perseus.“Sure, son. Let's go, Celeste. Picture raw tayo,” aya ng binata sa kanya. Pumasok sila sa photo booth at nag-pose sila .“Celeste,” tawag ni Nizar sa dalaga. Agad namang lumingo
Kinuha muna ng mga magulag ni Nizar ang triplets. Gusto nilang makasama ang mga bata dahil nami-miss na rin nila ang kanilang mga apo.Nagkatinginan sina Nizar at Celeste. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Nizar. Tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga.“Anong iniisip mo, huh?” taas ang kilay na tanong ni Celeste sa binata.“I miss you,” his voice is husky. Lumapit si Nizar sa dalaga at hinapit nito sa baywang ang dalaga. Nahigit ni Celeste ang kanyang paghinga nang hapitin siya ni Nizar.Nagkatitigan silang dalawa. Ang magagandang mga mata ni Nizar ay nangungusap na nakatingin sa dalaga. Lumakas ang pagpintig ng puso ni Celeste. Ganitong-ganito ang kanyang nararamdaman kapag napapalapit sa binata.Bumaba ang paningin ni Nizar sa mga labi ng dalaga. Tumaas ang kamay ni Nizar at marahang hinaplos ang makinis na pisngi ng dalaga. “Celeste, mababaliw yata ako kapag hindi ka pa naging akin. Please, marry me.” Nasa mga mata nito ang pangungusap. Ramdam din ni Celeste ang pagiging s
“Is he okay? Baka naman nasobrahan ang inilagay mong pampatulog? Baka mamatay ’yan!” Pabulong na tanong ni Ivana sa kanyang kasabwat.“Konti lang ’yon. He's not going to die. And now, katulad ng sinabi mo. Let's make love. I want you now.” Nang-aakit na wika ng lalaki rito. Matamis namang ngumiti si Ivana.“Of course! I'm yours as I promised. Make sure na si Nizar ang makikita sa video. I will blackmail him using our scandal!” Pahayag pa ng babae.Hinubaran nila si Nizar at inihiga kung saan magtatalik ang dalawa. Mas ginalingan nila ang kanilang performance. Nang ma-satisfy ang dalawa sa kanilang ginawa ay nagbihis na ang lalaki.“Nasa kabilang silid lang ako. I need to edit this para mas kapani-paniwala. Kukunan ko na rin kayong dalawa ng litrato.” Pahayag nito.Mabilis namang kumilos si Ivana at tumabi sa nakahubad na katawan ni Nizar. Pareho silang hubad nang kunan ng litrato ng lalaki.Paglabas ng silid ng kasabwat ng binata ay agad na nag-init ang katawan ni Ivana. Makita pa lan
They are hugging each other after the lovemaking they shared. Nizar is so happy that finally Celeste is already his. “Are you happy?” tanong ni Celeste kay Nizar.“Super happy. Finally, you're already mine,” pahayag ni Nizar sa dalaga.“Yeah. I'm happy too, finally, I accepted the fact that, I like you.” She said. Biglang napatagilid si Nizar sa sinabi ng dalaga. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula rito.“What did you say?” tanong ni Nizar. Tinawanan ni Celeste ang binata. She realized that hiding her feelings is hard. Mas lalo lang na lalabas ang feelings nito habang itinatago niya iyon. She pinched his nose.“I like you. Maybe this time, I should have corrected my mistakes in the past.” Paliwanag ng dalaga.“Shh. . . Don't say that. Hindi iyon pagkakamali. May plano ang Diyos para sa atin kaya nangyari ang ganoon. We should be thankful, dahil kung hindi nangyari iyon ay sigurado tayong walang triplets ngayon,” wika naman ni Nizar.Malalim na bumuntonghininga si Celeste.“You’re
Marahan kong hinaplos ang mukha ni Celeste. She's tired kaya hindi ito nagising nang haplusin ni Nizar ang pisngi ng dalaga. Inayos niya nang maigi ang pagkaka-seatbealt sa dalaga.Hindi mabilis ang pagpapatkbo ng binata dahil ayaw niyang madisturbo ang tulog ng dalaga. Kahit na palpak ang dinner date na gusto nitong mangyari ay hindi naman na-disappoint si Nizar. Para sa kanya ay mabilis na tinapos ni Celeste ang kanyang trabaho para na rin sa kanilang family bonding.Pagdating sa mansion ng pamilyang Valdemor ay binuhat pa rin ng binata ang dalaga papasok sa loob ng mansion. “Daddy!” Malakas na sigaw ni Cygnus. Agad namang pinatahimik ni Luna ang apo nito nang makitang natutulog ang kanyang anak.“Let’s play later kids. Akyat ko muna ang mommy niyo. She's tired, kaya behave kayo, okay?” sabi ni Nizar sa mga anak.“Okay po!” Sabay-sabay nilang sagot. Napangiti naman si Nizar. ‘Celeste is a good mother. She raised our child on her own, with love and respect.’ Sa isipan ng binata.Mar
Nang makalabas ang sekretarya ng binata ay naging awkward ang paligid sa kanilang dalawa. Nahihiya pa rin si Celeste sa binata dahil sa halikang namagitan sa kanila. Though hindi iyon ang unang beses na pagsasanib ng kanilang mga labi ay may kakaiba pa rin ang nararamdaman ng dalaga.Tumayo si Celeste at tiningnan si Nizar. She cleared her throat.“Ahm, Nizar, uwi na ako. Dadaan pa ako sa office para tapusin ang iba ko pang gagawin. Ako na ang magdadala ng mga plastic ware,” paalam ng dalaga rito.“Aalis ka na? Can you stay here? Sabay na lang tayong umuwi, gusto ko rin sanang ayain ka ng early dinner mamaya eh. Pasasalamat ko sa dala mong lunch para sa akin,” wika nito.Ilang segundong nag-isip si Celeste, pero kailangan niya talagang tapusin muna ang trabaho niya. Nahihiya na rin kasi siya kay Yasir eh.“Hindi p’wedeng ipagpaliban ’yon eh, bawi na lang ako bukas sa ’yo,” sagot ng dalaga.“Dahil ba sa nangyari kaya ka umiiwas sa akin?” tanong ni Nizar. Agad namang umiwas ng tingin an
Nag-angat ng paningin si Nizar nang may humarang sa dinaraanan niya. Nakipagkita kasi ito sa organizer para i-extend ang date ng proposal nito. They met in the restaurant.Nagsalubong ang kilay ni Nizar nang makita si Ivana. Parang hindi ito ang Ivana na kilala niya. She's different.“What are you doing here?” malamig na tanong ni Nizar. Nakita nito kung paano dumaan ang sakit sa mga mata ng dalaga. But, he didn't care at all.She cleared her throat before she spoke.“W-well, I want to talk to you for one last time. I know I cause you too much trouble, but please, just this one. Let's talk privately, bago man lang ako umalis papuntang States. Doon na ako maninirahan. Please, Nizar.” Nakikiusap na wika ni Ivana. Habang nakantingin sa dalaga na may pagsusumamo ang mukha ay nakaramdam ng awa ang binata para sa kaharap. Kinumbinsi nito ang sarili na kapag pumayag siya ay mawawala na ito sa buhay niya. Kaya naman napagdesisyonan ni Nizar na pumayag sa gusto ni Ivana. After all ay may kasa
Madilim ang mukha ni Nizar habang nagmamaneho. Bakas naman ang takot sa mga mata ni Celeste para sa binata. Nagagalit lang ito kapag nakikita siyang kasama si Yasir. Napakapit ng mahigpit si Celeste sa kotse dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Nizar.“Nizar! Slow down!” malakas na saway ni Celeste sa binata. Ngunit para itong bingi at hindi man lang pinakinggan ang dalaga. Dahil sa takot na bumalot sa puso ni Celeste ay napahagulgol na lang ito ng iyak.Napabaling si Nizar kay Celeste nang marinig ang pag-iyak ng dalaga. Nang ma-realize ang kanyang ginawa ay nagmenor ang binata at iginilid ang sasakyan nito.Mabilis na kinalas ni Nizar ang kanyang seatbelt at niyakap ang dalaga.“Hush now, I'm sorry if I scared you,” masuyo na nitong pahayag sa dalaga. Hinalik-halikan niya ang ulo ng dalaga na panay pa rin ang iyak.Ilang sandali pa ay tumahan na si Celeste.“Bakit ka ba nagagalit? Huh?” parang bata na tanong ng dalaga sa binata.“I’m jealous! Can't you see?” bumalik ang inis sa boses n
Magkayakap na natulog sina Nizar at Celeste. Ang tatlo nilang mga anak ay nasa silid ng mga magulang ni Celeste. Na-miss daw nila ang mga bata kaya hiniram muna sa kanila. Masayang-masaya ang puso ni Celeste dahil unti-unti ng bumabalik ang dating samahan nila ng kanyang matalik na kaibigan. Ngunit alam niya sa kanyang sarili na hindi na lang matalik na kaibigan ang turing niya kay Nizar. Kung pwede nga lang sanang baguhin ang kanyang pagkatao. Gusto niyang maging isa na itong tunay na lalaki. Na hindi ito nagpapanggap lang para makasama lang nito ang kanyang mga anak.Masaya ang umaga nina Nizar at Celeste. Sabay na rin silang nag-almusal kasama ang mga magulang ni Celeste at kanilang mga anak.“Kids, gusto niyo bang mamasyal? How about magpunta tayo sa Enchanted Kingdom? I want to have our own family bonding. How about that?” nakangiti na tanong ni Nizar sa kanyang mga anak. Nagliwanag kaagad ang mukha nina Cygnus, Pegasus, at Perseus. “Yes! Gusto kong sumakay ng rides!” masayang