“Speaking of the devil,” Brittany rolled her eyes. Pero hindi tumigil si Great at patuloy lang sa paghila sakin papunta sa kabilang exit kung saan nakapark yung kotse niya. “Yung bestfriend mo,” sabi ko habang sinusubukan kong hilahin ang braso ko. Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak sa wrist ko, at mas lalo pang bumilis ang mga hakbang niya na parang walang narinig. “Great!” I heard Trixie shouted again, this time louder. Sabay kaming lumingon ni Brittany kung nasaan siya at lahat din ng nasa paligid niya nakatingin sa kanya. But she seemed unbothered and kept on running towards us. And although medyo may kalayuan pa siya samin, kitang-kita ang magkasalubong na mga kilay niya habang nakatingin sa amin. “Kuya, why don't you just go with your bestfriend and let us just take a cab?'' Biglang tanong ni Brittany. Pero katulad ng kanina, tuluy-tuloy lang si Great na parang walang narinig. Ni hindi nga siya lumingon kahit isang segundo lang. “Great! Wait lang!” narinig ko
Humabol pa si Trixie pero hindi na ulit siya pinansin pa ni Great. Habang ako, tulala lang habang hila-hila ng magkapatid palabas ng mall at papunta sa kotse ni Great. Tahimik lang din ako sa loob ng sasakyan at nakinig lang sa mga rants ni Brittany tungkol sa sinabi ni Trixie. “You brought her in the hotel? What did you two do there? Nakalimutan mo na bang kasal ka na?” sunud-sunod na tanong ni Brittany. Great clicked his tongue, “Kumain lang kami,” maikling sagot niya. Nakatuon lang ang mga mata ko sa bintana habang tahimik na nakikinig. Ayoko makisali sa usapan nila dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sariling magtanong ng kung anu-ano tungkol sa kanila ni Trixie. At ayokong isipin niya na nanghihimasok ako sa buhay niya. Tss. “Why do you have to eat dinner with her? Did she call you? Nagpasundo sayo? If the news spread na magkasama kayo, Ate Honey will never public about your marriage!” Automatic na kumunot ang noo ko sa narinig ko. Wala naman talaga akong balak ipagsabi
“Ibaba mo nga ako!” sigaw ko nang finally makarecover ako sa shock. Nagpumiglas ako at muntik na siyang ma-out of balance. “Fvck, Honey!” he hissed then quickly put me down. Sinamaan ko siya ng tingin habang inaayos ang damit ko. “Ayoko sabing pumasok!” “Bakit ba? Anong problema mo sa loob?” naiinis na tanong niya. I could sense that he was losing his patience at mas mabuti pa siguro yun paa iwan niya na lang ako dito sa labas. Ayoko talagang pumasok dahil kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Madilim niya akong tiningnan habang nag-aantay sa isasagot ko. Kaya lang hindi na ako nagsalita dahil ayokong malaman niya ang dahilan ko. “Where's your manners?” biglang tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko at biglang kumulo ang dugo ko. The audacity! Siya pa talaga ang nagtanong nun sakin?! Na offend ako don kaya para ipakita sa kanyang may manners ako, mabilis akong nagmartsa papasok sa loob ng mansyon at nauna pa sa kanya. However, the moment I stepped inside the mansion, I fel
Nasamid ako sa sinabi niya kaya naman agad siyang tumayo para tapikin ang likod ko. “Anong... jealous ka dyan… Hindi ako nagseselos no!” inuubong singhal ko. “Good. I'm just saying that you have no reason to get jealous of her,” mahabang sinabi nito. Hindi na ako umimik at mas binilisan na lang ang pagkain. Agad akong tumayo at nilagay ang pinagkainan ko sa dishwasher bago mabilis na umakyat sa second floor. I cannot believe him! Iniisip niya ba na nagseselos ako? Bakit naman ako nagseselos? Wala naman akong gusto sa kanya no! Masyado yata siyang feeling. Padabog akong nag martsa sa banyo para magtoothbrush. Nagpahinga lang ako saglit at natulog na din. Same routine lang ulit nung umaga. He knocked on my door-- as expected topless at naka boxers lang, and he cooked for our breakfast. Hindi ko alam ang schedule niya kaya medyo nagulat pa ako nung maabutan ko siya sa living room na bagong ligo at nakabihis na. “Maaga rin ang klase mo?” tanong ko. Hindi siya sumagot at mabilis na
“Honey Samonte, right?” Napatigil ako sa paglabas ng classroom nang marinig ko yung pangalan ko. I quickly frowned when I saw that it was Trixie who called me. Alam niya ang name ko?“I asked Brittany about you. Hindi ka kasi nila napakilala yesterday, so tinanong ko siya about you later that night,” paliwanag niya na parang nabasa yung iniisip ko. Automatic na napataas ang kilay ko. Hindi ako sure kung maniniwala akong nakausap niya si Brittany, kasi feeling ko hindi siya papansinin nito. I watched her extend her hand towards me while smiling widely at me, “I'm Trixie, Great's ex girlfriend,” pakilala nito. “Ex girlfriend?” I repeated, quite surprised. The corner of my lips then twitched pero pinigilan ko yung sarili ko na sabihin sa kanya kung anong sinabi ni Brittany sakin. We're completely strangers to each other and I wanted to be nice to her kaya I just humored her na lang and just ride on whatever she feels like saying to me. “We've been in a three years relationship at
“Ano'ng ginagawa mo?” inis na tanong ko habang hila-hila niya ko sa parking lot. Dito niya pa talaga ako dinala?! Tanghaling tapat at ang init-init! “Let's talk,” said Marc. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Hindi ba tayo pwedeng mag-usap doon sa loob? At isa pa, gutom na ko, kaya pwedeng kumain muna ko bago makipag-usap sayo?” “I'll take you somewhere private,” sagot nito. Hindi ako gumalaw nang naglakad siya papunta kung saan nakapark ang kotse niya. He quickly stopped when he felt it and looked at me questioningly. “Honey?” Umiling ako. Magtitiis nalang ako sa tirik na araw at sa gutom, kaysa makasama siyang mag-isa sa private place. “Pwede namang dito na lang” “Look--” Hindi ko siya pinatapos at umiling ulit ako. “I'm married and you have a girlfriend--” “She's not my girlfriend yet” Napasinghap ako don kaya nakalimutan ko saglit ang sasabihin ko. “Hindi ka pa sinasagot?” Nagtatakang tanong ko. But instead of answering, he just looked away. Hindi ko na pinilit dah
I chuckled nervously and quickly averted my gaze. “Ano bang sinasabi mo? Guni-guni mo lang yan,” sagot ko. Binilisan ko ang lakad para hindi na madagdagan pa ni Melissa yung sinabihan niya. Ayokong marinig kung ano man yung nasa isip niya, dahil bigla kong naalala yung sinabi ni Brittany nung nakaraang araw na Great liked me daw. Tss. Kalokohan. Mabilis akong nakarating sa exit at lumabas ng restaurant. Naabutan ko pa sila Great na kabababa lang sa tatlong baitang na hagdanan. Pero hindi ako sumunod sa kanila at huminto sa paglalakad nang makita na papunta sila sa parking kung saan ko nakitang nakapark ang kotse ni Great. “Bakit ka tumigil? Let's go! Sabay na tayo sa kanila!” ani Melissa na kasunod ko lang na lumabas. Umiling ako, “Maglakad na lang tayo. Tatawid lang naman and konting lakad,” sabi ko. “Ang init kaya! Sabay na tayo! Great! Trixie! Wait!” biglang sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nahila si Melissa papunta sa direction kung nasaan and pedestrian
Mabilis akong bumaba ng kotse nang makarating kami sa university at tumakbo na palayo para hindi na maabutan pa ni Melissa. After what happened in that parking lot, sigurado akong may idea na siya sa relasyon namin ni Great. Although wala naman talagang emotional attachment saming dalawa, hindi ko na madedeny na walang namamagitan samin dahil sa mga sinabi ni Great sa parking lot. I massaged my temples. That devil. Sinadya niya siguro yon para pahirapan ako. Akala ko nga bigla na lang akong sasabunutan ni Trixie kanina after non. Mabuti na lang nagwalk out lang siya bigla. Napailing ako. Bigla akong naawa sa kanya. Tahimik akong pumasok sa klase, and fortunately, hindi ko na classmate si Melissa for my remaining subjects that afternoon. Payapa akong nakapag-aral for that last two subjects at akala ko tuloy-tuloy na hanggang sa uwian. Pero halos mapamura ako nang makita si Great na seryosong nakatayo sa labas ng classroom ko habang pinagtitinginan ng mga dumadaan. Gusto kong mag
“Single ka na ulit,” komento ni Melissa pagkasabi ko ng balita na na-grant na yung annulment. Inirapan ko siya. “Lubusin mo na yan, kasi for sure ilang araw lang taken ka na ulit,” she giggled.Napailing na lang ako sa sinabi niya.Seriously, this girl. She doesn't really take our annulment seriously. Nung unang nalaman niya na nag file ng petition for annulment si Great, halos maghysterical siya. Pero kinabukasan, biglang parang naging okay lang sa kanya at hindi na big deal. She even laughed at me when I cried to her while admitting that I didn't want our marriage to end before. I sighed. Tumingin na lang ako sa stage, kung saan nagsasalita ang speaker. Today is our graduation day. At syempre magkatabi pa rin kami ni Melissa sa upuan dahil magkasunod lang ang apelyido namin. Hindi ko na pinansin pa si Melissa hanggang sa matapos ang ceremony, kasi, wala naman akong mapapala sa mga pinagsasabi niya. Nang natapos na sa wakas ang graduation ceremony namin, umalis na rin agad k
Biglang bumagsak ang mga luha ko. I was never this sensitive before but this feels so different. Parang sobrang sakit kahit wala namang sinabi na masakit na salita si Great. Matagal bago ako nakalabas ng bakuran nila at bumalik sa sasakyan namin. Nag-alala pa nga yung driver namin dahil mugto ang mga mata ko nang sumakay ako sa loob. Tahimik akong umiyak sa byahe hanggang sa makabalik kami sa bahay nila Mommy. Fortunately, walang tao kaya dumiretso ako sa kwarto ko. I cried myself out until I fell asleep. Madaling araw na nang nagising ako, at dahil yun sa walang tigil na pagring ng cellphone ko. Si Brittany. I became hesitant to answer though. Dahil alam kong magtatanong siya kung anong nangyari. I'm not in the mood and I don't think I can even talk about it now. Kaya sa huli, hindi ko na lang sinagot yung tawag at hinayaan na lang magring hanggang sa tumigil ito. Sinubukan kong matulog ulit nang tumahimik sa buong kwarto ko since madaling araw pa lang, but to no avail. Buhay na
Agad na nakasalubong ang mga kilay ko nang madatnan kong walang tao sa bahay namin. Nilibot ko na ang buong bahay kat sa lahat ng sulok, pero walang bakas na kahit ano, halatang ilang araw na walang tao. “Nasaan ka ba?” I sighed in frustration. Bakit kasi nagwalk out siya kanina? At bakit kasi napako ang mga paa ko at hindi ko siya hinabol?! Ngayon, saan ko siya hahanapin?! I know nothing about him except sa moody siya pero sweet at super sarap magluto. Naupo ako sa sofa. I pulled out my cell phone and dialed Great's number again. But just like my first attempt, it still cannot be reached. Bumuga ako ng malakas na hangin saka nag-isip kung saan siya pwedeng pumunta. Seriously, I've never been this bothered before. Kahit nung time na sinubukan kong maglayas at nagalit sila Mommy, hindi naman ako nakaramdam ng ganito. Nakaramdam lang ako ng guilt noon pero hindi naman ako nagpanic, katulad na lang ngayon. Bapatayo agad ako nang maalala ko yung bahay nila na pinagdalhan sakin ni Gre
Gusto kong maiyak habang pinapanood ko siyang naglalakad palabas ng bahay. I wanted to run to him and stop him from leaving, kaya lang, parang napako na ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “He's jealous,” biglang sinabi ni Marc habang pinupunasan yung labi niyang dumudugo. I would've been worried about him if only he's not the one who started it. Sino ba kasing may sabi na pwede niya akong halikan?! Pumikit ako nang mariin para pigilan ang sarili ko na masampal siya. Hindi ako nananampal pero dahil sa mga ginawa niya, nasagad na niya ang pasensya ko. “Umalis ka na,” I said warningly. Gulat na gulat siyang tumitig sakin. I just glared at him in return. “Honey, let me explain”“Ano pang i-eexplain mo? Plano mo yun di ba? You probably saw him outside kaya bigla kang bumalik at hinalikan ako! You even provoke him! Para ano? Para galitin siya at iwan ako?!” I gritted me teeth. “No. I just want to--” I shook my head and looked at him disdainfully, “Um
I know I was too harsh on him for that, pero sobra na kasi siya. Some people need to be slapped by harsh truth to get out of their delusions and accept the reality of life. And seriously, Marc is one of them. He doesn't want me to tell it to his face became he knew I'm going to reject him, so he sorted to badmouth Great. For what? Did he really think I will be sway that easy? E, simula pa lang naman, alam ko nang masama ang ugali niya at ineexpect ko na talaga na maraming humahabol sa kanya. I admit it, tinamaan ako unang sinabi niya na Great doesn't love me. But . . . Hindi ako manhid. I saw the drastic changes in him over the few months we lived together. At siguro naman, hindi niya sasabihin na gusto niyang mag workout ang relasyon namin kung wala talaga siyang feelings sakin? I tried not to give any meaning about it before, but now that I think about it, I can safely assume that he somehow cares for me and that's already enough. . . I guess. Napabuga ako ng malakas na hangin h
That's the question lingering in my head as I stared at Lolo in bewilderment.Ano bang nasa isip ni Lolo? Why is he suddenly deciding about my life again without even consulting me?“You two will get annulment as soon as possible,” answered Lolo rather quickly.Agad na nagprotesta ang puso ko dahil sa sinabi ni Lolo, habang ang buong sistema ko nagwawala naman dahil tutol rin sila dito. Hindi ba muna siya magtatanong kung gusto ko ba na hiwalayan si Great? I'm already married with him for a few months now and I'm already embracing my marriage life. Nakapag-adjust na ako tapos biglang ganito?! “I'm sorry if I made a rash decision before. I shouldn't have done that. This is for you apo. I want to make you happy..” ani Lolo.I pursed my lips as I felt like someone was crashing my heart. Hindi ba niya narealize na he's basically doing the same thing now? Magsasalita na sana ako para sabihin yun pero naunahan ako ni Marc. “I think we should give her more time to process it, Sir..” sabi
Umaga na kami nakauwi ni Great. Hindi kasi namin namalayan ang oras, kaya nagdesisyon na lang kaming manatili doon hanggang umaga kaysa bumiyahe ng madaling araw. Dumiretso ako sa kwarto at natulog pagkatapos kong magpalit ng damit. Si Great naman, kinausap yata si Lolo, kasi nadatnan namin siya na gising na at nag-aalmusal. Nagising ako mag-isa sa kwarto. Hindi ko alam kung natulog ba dito si Great o umalis na. Tanghali na rin ako nagising kaya bumaba na ako pagkatapos magshower para maglunch. “You're finally awake, hija. Come here and have your lunch na,” ani Mommy nang nakita akong bumababa ng hagdan. I walked straight to the dining table and sit on my respective chair beside Mommy. Kaming apat at and as expected, wala na nga si Great at baka umuwi na agad pagkatapos nilang mag-usap ni Lolo. “Nag-date daw kayo ng asawa mo kagabi? Where did you go?” tanong ni Mommy. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. “Sa bahay nila” “Sa mansyon? Why didn't you stay there though? I'm sure y
Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang nakasakay sa kotse ni Great. Sa labas ng bintana lang ako nakatingin habang tahimik siyang nagdadrive, dahil baka titigan ko lang siya sa buong byahe. I don't know where are we going pero sabi niya, magugustuhan ko daw. Well, kahit saan naman siguro niya ako dalhin, magugustuhan ko basta kasama siya. Biglang nagusot ang ilong ko sa naisip.Muntik na akong maduwal doon! Yuck ha! Kailan pa ako naging ganito ka-corny?! “Are you hungry?” biglang tanong ni Great.Mabilis akong napalingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin. “Nang-aasar ka ba?” nakasimangot na tanong ko. He chuckled as he glanced at me. Then, he suddenly grabbed my hand kissed my knuckles. Agad na nag-init ang mukha ko. “Sorry. Ang tahimik mo kasi. What are you thinking?” Napanguso ako habang pinipigilan ang mapangiti. “Wala. Saan ba tayo pupunta?” “You'll know when we get there,” he smirked. Kung dati, naiinis ako sa ngisi niyang yun. Ngayon, parang gustung-
“So, anong gusto mong ulam?” tanong ni Great. “Bicol express!” I quickly answered out of excitement. I have been craving for that dahil hindi na ulit ako nakakain nun simula nang magpakasal kami ni Great. Pero nawala agad ang ngiinko at napasimangot ako nang mabilis ring umiling si Great. “Anything but that,” sagot nito. My brows pulled together as I pouted. “But I want it! I'm craving for spicy food. Ilang linggo na kong hindi nakakain ng maanghang kasi ayaw mo!” reklamo ko. Ngayon ko lang kasi napansin na never niya akong nilutuan ng kahit ano na may sili. Tapos kapag may order naman siyang pizza, laging walang kasamang hot sauce. Wala nga akong nakita na kahit anong may picture ng sili sa lahat ng binibili niya or any kind of spicy condiments sa kusina maliban sa paminta -- if it's even part of spices! I don't know!“Spicy is not good for your body,” sabi ni Great. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pasalamat siya na gusto ko siya, kasi kung kaaway pa rin ang turing ko sa kan