Share

Chapter 3

Author: winglessbee
last update Huling Na-update: 2022-12-03 21:13:58

Hindi ako warfreak na tao. Pero siguro dahil na rin sa galit, selos at sakit na nararamdam ko ngayon dahil kay Marc, hindi ko na napigilan ang paglapit sa lalaking nambwibwisit sa akin simula pa kahapon.

And that 'Great' guy had the audacity to grin wider as soon as I halted in front of him.

"Are you stalking me?" malakas na tanong niya na nagpalingon sa mga taong kanina lang pilit dinededma ang kaganapan dito. Tss.

"Excuse me! Wala akong reason para i-stalk kita! You're not even that attractive, fyi!" I rolled my eyes.

Tiningnan ko yung babaeng kanina pa naglilinis sa sahig. Napansin kong puro kanin na may ulam yung nililinis niya at hindi ice cream. Nagtaka pa ko dahil wala namang tindang kanin at ulam dito dahil ice cream parlor to. but I shrugged it off since pwede namang take out yun. So, I just planned to help her instead, pero tumayo na siya na parang tapos na kahit may mga tira-tira pang mga kalat sa sahig.

"Great---" sabi nung babae pero agad siyang pinutol ng lalaking dahan-dahan nang tumayo kahit hindi pa naman ubos yung kinakain niya.

"Clean it well," malamig na sagot nito pero sa akin siya nakatingin na parang ako yung tumawag sa kanya. "Do you want to help her? Make sure that no marks and tiny pieces will be left there" dagdag pa nito bago humakbang paalis at sadyang tinapon pa ang tira niyang ice cream sa sahig sa mismong tapat ko, kaya ang ending, natalsikan ang bagong-bago kong sapatos!

My precious shoes na iniyakan ko pa para lang bilhin ni Mommy!

Angry was understatement. I was freaking furious at nagdilim na lang bigla ang paningin ko. Nagpatung-patong na ang nararamdaman ko at siya ang nagpasiklab nito. Wala naman akong kasalanan sa kanya para gawin niya to sakin! I was just trying to help tapos ito mapapala ko?!

"You clean yourself too, para hindi ka na magmukhang basura," dagdag pa niya, adding the fuel to the burning flame, bago humakbang at sinadyang banggain ang balikat ko, making me almost stumble.

Kaya naman mabilis akong tumakbo at humarang sa harapan niya at walang sabi-sabi ko siyang in-uppercut sa sobrang gigil ko sa kanya. I don't care kung maraming tao dito. Wala naman kami sa loob ng campus kaya safe akong hindi masususpend or what. Ang tanging nasa isip ko lang ay makaganti! Huh! Hindi naman pwedeng palagpasin na lang to pagkatapos niyang dumihan ang sapatos ko at insultuhin ako! Kahapon pa siya! Dalawang beses na niya akong sinabihan na mukhang basura! Once is enough and twice is too much! Isa pang sabi niya, makakatikim na siya ng poison!

"Honey!" si Marc.

Hindi ko siya pinansin at madiin ko lang na pinanood si Great na iniinda ang sakit ng ilalim ng baba niya.

"Fvck! You're a fvcking amazona!" he hissed and equalled my glare as he caressed his chin.

Sana nakagat niya dila niya nung sinuntok ko siya para double kill!

"Honey. Let's go.."

I shook my head while throwing daggers at Great, "Serves you right! Hindi bagay sayo pangalan mo! Dapat 'Worst' kasi wala kang kwentang tao! Napakasama ng ugali mo!"

Kung matalim ang tingin ko sa kanya, mas matalim na ang binibigay niyang tingin sa akin ngayon. I don't easily get scared but the way he looked at me gave me warning signals to stop and just run. It honestly gave me chills. Siguro nasobrahan ako sa mga sinabi ko. I'm not a bad person and I don't really says mean things to people, pero dahil sa sobrang galit ko, nawalan na ng preno ang bibig ko at kung anu-ano na lang ang lumabas dito. Now, I feel guilty.

"Kuya!"

Paglingon ko, sobrang nagulat ako dahil nakita ko si Brittany Perkins na ka-buddy ko nung high school. Sa dami ng lugar na pwedeng pagkitaan namin? Dito pa talaga kung saan ako nakikipag-away?

"Brit?" tawag ko nang nilagpasan niya ako at dumiretso kay Great.

Parang doon niya lang ako napansin kaya biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako, "Honey?" Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Great habang nakakunot ang noo, "I was told that my brother is having a fight with a girl.. Don't tell me ikaw yon?” she asked disbelievingly.

Mahaba ang sinabi niya pero isa lang yung pumasok sa isip ko, "Brother?" tanong ko. I looked at Great then back to Brittany. Well, they resemble each other pero hindi ko alam na may kapatid si Brittany. "May kapatid ka?"

"Bakit hindi mo alam? Didn't I told you before?"

Umiling ako. Hindi naman talaga kami nag-usap noon about personal life. Puro crushes niya lang nababanggit niya and never naman akong napadpad sa bahay nila.

Ngumiti na lang siya at hinawakan ang braso ng Kuya niya, "Anyways, this is my big brother, Great. If I should've known na mag-aaway kayo, sana pala napakilala na kita dati para close na kayo ngayon at hindi na to nangyari? Or maybe not. Masungit kasi tong si Kuya sa mga babae, may allergies yata--" sinamaan siya nang tingin ni Great kaya naputol yung sinasabi niya.

Tahimik ko silang pinanood. Medyo kumalma na naman ako kaya wala na yung urge na sugurin siya para sana sabunutan. Next time na lang kapag nagkita ulit kami at masama pa rin yung ugali niya.

"Iuuwi na kita," hinila ako nang mahina ni Marc, na nakalimutan kong nasa tabi pala at hawak pa rin ang braso ko.

Napalingon samin ang magkapatid, at hindi nakaligtas sakin ang masamang tingin ni Great sa akin. Syempre hindi ako magpapatalo kaya ginantihan ko rin siya ng masamang tingin. Hah! Pasalamat siya dumating yung kapatid niya, kung hindi baka nahila ko na yang matabas na dila niya at naputol! Tsk.

Umirap ako, naiinis na naman ako. Kaya imbis na ibalik yung galit ko, I just flipped my hair and turned to Brittany, "Nice to meet you again, Brit. I want to see you more, pero sana hindi na ulit kami magkita niyang kapatid mo," turo ko sa Kuya niya bago ako tumalokod at hinila si Marc paalis ng ice cream parlor.

"I saw what happened. May kausap lang ako saglit, nakipag-away ka na agad," inalalayan ako ni Marc pasakay sa passenger's seat ng kotse niya.

I rolled my eyes, "Busy ka kasing makipaglandian"

Buti na lang, galing ako sa pakikipag-away at alam niyang bwisit na bwisit ako. Dahil kung hindi, iisipin niyang nagseselos ako kaya ko sinabi yon. Napailing ako. Wow, may maganda din pa lang naidulot yung Great na yon ha! Buti na lang nasapak ko siya. Hindi yata kaya ng pride ko na magthank you nang dahil sa kasamaan ng ugali niya, nasave ang feelings ko para kay Marc.

"Landi agad? Hindi ba pwedeng nag-usap lang?" he chuckled.

Feeling ko, matatanggal na yung mga mata ko kakairap. "May usap bang naghahalikan?" I hissed.

Narinig ko siyang suminghap. I didn't bother to look at him at nanatili na lang akong nakatingin sa bintana. Tsk. Ayokong makita siyang nagbablush dahil naalala niya yung halikan at yakapan nila kanina!

"Sino ba yon? Girlfriend mo? Bakit hindi ko alam?" I swear, my voice sounds so poisonous right now. Bumabalik ang sakit na naramdaman ko kanina habang busy sila sa landian nila. Sana hindi ko na lang pinaalala.

"S-she's just a friend"

Halos matawa ako sa sobrang inis. 'Friend?!' I screamed inwardly. "May friend bang humahalik sa labi?" I glared at him, "Ako, best friend mo, pero hinahalikan ba kita?"

"Pwede naman.."

"What?! Niloloko mo ba ko?!"

Gusto ko siyang sabunutan at pasalamat siya dahil nagdadrive siya. Ayokong may mangyari saking masama kaya kung mapapahamak siya, dahil siya lang at hindi ako damay!

I knew he's playing with me lalo na nung tumawa siya nang malakas. Parang tuwang-tuwa pa siyang naiinis ako!

Sinamaan ko siya nang tingin. Halos mamatay na ko dito sa selos tapos siya tatawanan pa 'ko? Lintik lang ang walang ganti! "Sige, pag naging friends kami ni Great, hahalikan ko din siya!" I blurted out.

Halos tumalsik ako sa upuan ko. Kung wala akong seatbelt baka nabasag na yung salamin ng kotse at lumusot ako sa biglaang pagpreno ni Marc ng sasakyan.

"I'm sorry!" Mabilis niya sabi bago i-park sa gilid ang kotse at icheck kung okay lang ako.

I swear, today is a very bad day. Hindi na ako magtataka na mataas na ang blood pressure ko kung magpacheck ako.

Hindi na ako nagsalita. I just closed my eyes and tried to calm down. Nakakapagod ding magalit ano! Feeling ko nagbuhay ako ng malaking bato at gusto ko na lang humanga at matulog ngayon.

"Honey.."

I heaved a sigh. Dinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya.

"Bad joke, sorry.."

"Alin ang joke? Na friend mo lang yun?"

"Hindi" iling niya habang mahinang pinisil yung ilong ko. "She's really just a friend"

"Bakit humalik? Sa lips pa?" 'tapos yumakap ka pa' hindi ko tinuloy yung huli.

"Well.." napakamot ito ng batok na parang nahihiya. The urge to hiss was so strong pero pinigilan ko dahil kapag dinagdagan ko pa yung outburst ko, baka mahalata na niya ako.

"Yaan mo na nga! Tapos na! Umuwi na tayo. Gutom at pagod na ko. Gosh! Nakakapagod pa lang makipag-away" sinabi ko na lang para hindi na namin pa pag-usapan.

Mahirap na. Baka bigla siyang umamin na gusto niya yung girl tapos ano? Bigla akong hahagulgol dito at aamin na gusto ko siya?! No way! Mas mabuti nang wala akong alam. Innocence is a bliss, sabi nga nila.

Napaigtad ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Bumilis yung tibok ng puso ko nang haplusin niya pa ito.

"Masakit ba? Namamaga na," he said while looking intently at my hand.

Doon ko lang napansin na maga nga. Kaya pala masakit. Akala ko epekto lang nag pagsintok ko.

"Lagyan natin ng icepack pagkauwi natin sa inyo"

Yun na nga yung ginawa niya. Inasikaso niya ako. Paano akong hindi maiinlove dito kung ganito ito kasweet? Hays.

Good thing nasa work pa ang parents ko kaya hindi sila magtatanong sa nangyari. Of course I won't tell them I fought like a guy outside our campus! Baka isipin pa nilang napapariwara na ako at ipatransfer ulit ako sa ibang university. Ayoko na kaya ng panibagong introduce yourself.

Tahimik yung dalawang araw na lumipas. Akala ko, magtutuluy-tuloy na at bumabawi ang tadhana sa sobrang harsh niya sakin. But I was wrong! Definitely wrong!

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa classroom nang makita ko si Brittany na nakatayo sa tapat. "Honey!" tawag niya when she finally saw me, "You're so tagal. Kanina pa kita hinihintay"

My forehead creased as I looked at her confused. "Bakit mo naman ako hinihintay?"

Nginitian niya 'ko. Lumabas yung dalawang dimples niya sa magkabilang pisngi. Pwede na siyang endorser ng toothpaste dahil sa sobrang puti at pantay-pantay na mga ngipin. Pero hindi naman ako na-i-insecure, dahil maganda din ang mga ngipin ko, at lamang lang siya sa 'kin ng isang dimple.

"Kuya wants to apologize"

It was like a magic word na kumuha ng buong atensyon ko. "Si Worst?" I snorted.

Hindi nga? Yung lalaking yon gustong mag-apologize? I don't peg him as someone to do so. Feeling ko mas mataas pa yung pride non kaysa sa Statue of liberty. Anong pangbablackmail kaya ang ginawa nitong si Brittany para mag-apologize yun?

"Worst?"

I was my time to roll my eyes, "Si Great! Seriously, hindi bagay sa kanya yung name niya. Pwede bang pakisabi sa parents niyo na palitan ang pangalan niya since hindi naman 'great' yung personality niya?"

Brittany chuckled shortly but stopped and told me they don't have parents anymore. That made me feel very guilty. Hindi ko alam na orphan na sila. Brittany never told me about this before since hindi nga kami nag-uusap about our families.

"Sorry.."

"It's nothing. I don't really remember anything about them since I was still a baby when they're gone," she shrugged. "So, as I was saying.. Punta ka sa rooftop mamaya, nandoon lang si Kuya. Don't worry, short tempered lang yun pero hindi ka itutulak nun"

Nagdalawang isip ako pero napilit din ako dahil sa sobrang kulit ni Brittany. At dahil guilty rin ako. Di nga lang ako sure kung saan, sa pagkaalam na wala na silang parents o sa pagsapak sa kanya at pagsabi ng masakit na salita. Pero yung sapak, deserve niya yon! Saka nakucurious din naman ako kung paano siya magsorry. Yung mayabang at matalim na dilang lalaking yon, luluhod kaya para mapatawad ko? Naiimagine ko pa lang napapangisi na ako. I can't wait to see him kneeling down in front of me!

"Fine. But I can't promise na kaya kong i-tolerate yung kasamaan ng ugali at kasungitan niya ha. Baka hindi ako makapagpigil at bibigyan ko ulit siya ng pamatay kong upper cut!" sinabi ko nalang.

Para kasing laging galit sa mundo yung isang yun, malapit na sigurong mamenopause. Feeling naman niya may matres siya! Tse!

"Do what you want. No one's stopping you. And for me, kulang pa yung uppercut as a payment. Basta wag mo lang siyang itutulak sa taas ha!"

"Hindi naman ako killer!"

"Joke lang. Let's go. He's waiting.." she clung her arms on mine and pulled me with her to the next building.

Nakakapit pa rin siya sa braso ko habang umaakyat kami sa hagdan papuntang rooftop dahil feeling niya tatakas ako. Tss. Tumigil lang kami sa may pintuan at saka niya lang ako pinakawalan at nagpaalam na dahil may klase pa siya. Huminga ako nang malalim at nayakap ko ang sarili ko pagkatapos kong buksan yung pinto at sinalubong ako ng malakas na hangin.

"Kaya mo yan, Honey! Fighting!" pampalakas loob ko sarili ko.

Oo na, matapang ako pero may times na inaatake ako ng kaba dahil hindi naman ako prepared. Para akong sundalo na sumugod sa giyera ng walang dalang armas dito.

Huminga ulit ako nang malalim bago tuluyang maglakad palapit sa nakaupo sa sahig habang sumasandal sa pader at nakapikit na si Great na hindi naman talaga great.

Kaugnay na kabanata

  • My Devil Husband    Chapter 4

    Napahinto ako at tinitigan ko lang si Great.Parang ang bait-bait niya kapag ganyan, pero for sure pag dumilat na yan, manlilisik na ulit yung mga mata niya habang tinitignan ako ng masama. Hindi ko makakalimutan yung huli naming pagkikita. Hindi ako madaling matakot sa tao, but this guy in front of me gave me chills when he glared at me last time. Para siyang devil! Kulang na lang, umilaw yung mga mata niya ng kulay pula. "Wag na kaya akong tumuloy?" bulong ko sa sarili ko. Nagsign of the cross muna ako at humingi ng guidance kay Lord bago ako lumapit sa kanya. Habang umiiksi yung distansya namin, lalong bumibilis yung tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. It must be his presence. Alam kong gising siya at nakikiramdam lang at siguro natatakot akong baka bigla na lang niya akong hilahin at itulak sa baba. Ang taas pa naman nito, pretty sure deads agad ako if ever malaglag ako dito sa rooftop.I shivered at that morbid thought. Huminga muna ako nang malalim bago tumigil sa

    Huling Na-update : 2022-12-20
  • My Devil Husband    Chapter 5

    Natulog akong heartbroken dahil sa sinabi ni Marc. Alam ko naman na wala akong karapatang makaramdam ng galit o kahit tampo man lang kasi best friend lang ako. Pero hindi ko mapigilan kasi tao lang naman ako na may feelings at hindi lang basta feelings yun dahil in love ako sa kanya. Kung bakit kasi kailangan pa talaga niyang sabihin sakin yon? Na ipapakilala niya sakin yung babae once matagpuan niya? Did he just lowkey told me na hindi ako yung since he haven't found the right girl yet? Kasi imposibleng hindi niya pa natatagpuan kung ako yung nakikita niyang potential girlfriend, dahil palagi kaming magkasama. Hindi ko mapigilang mapaiyak ulit. Kasi ang sakit lang. Bakit kasi ganito? Bakit kasi ako pa yung na-inlove sa kanya kung pwede naman siya muna tapos saka na ako mapo-fall kapag niligawan na niya ko. Nailing ako. Ganito pala kasakit mareject ng taong mahal mo. Yung tipong gusto mo na lang biglang malimutan yung feelings mo sa kanya. I don't like the idea, kasi best frien

    Huling Na-update : 2022-12-24
  • My Devil Husband    Chapter 6

    Hindi agad nagsink in sakin yung sinabi niya. Tumitig lang ako kay Mommy habang nakakunot yung noo. "Nagkaroon ng kasunduan ang Lolo mo at ang kaibigan niya na ipapakasal ang mga apo nila bago pa magpakasal si Papa kay Mama.." Matagal bago naprocess ng utak ko yung sinabi ni Mommy. Kasal? Kasunduan?"What?!" Napasigaw at napatayo ako nang tumluyan ko nang nagets yung sinabi niya. "Mommy ayoko!" I don't know what's with my life that all these are coming all at the same time! Hindi ba pwedeng isa-isa lang? Yung tipong nakamove on na muna ako sa isa bago dumating yung isang problema? "Anak, I hope you understand.." si Mommy. Mabilis na pumatak ang mga luha ko dahil masamang masama ang loob ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa nila sa akin to! "Mommy ayoko po!" Mabilis at walang tigil yung pag-iling ko habang patuloy ang pag-iyak ko. Hoping that it could convince them to take back their words. "Anak, please calm down.." mahinahon na sabi pa ni Mommy. "Dad!" I whined. Pero wala

    Huling Na-update : 2022-12-28
  • My Devil Husband    Chapter 7

    Busy pa ako sa pagdadabog dahil sa pag-iwan sakin ni Great nang biglang may bumusinang taxi sa may tapat ko. Napatigil ako sa pagnguto at napatitig dito bago nagbusina ulit yung driver at binuksan yung bintana para tanungin ako kung sasakay ba ako o hindi. I hesitated at first pero tumakbo na din ako palapit dahil ayoko namang magstay dito mag-isa no! "Sa Ayala village po!" sinabi ko sa driver pagkapasok na pagkapasok ko sa taxi. Tumingin muna sakin yung driver sa rearview mirror bago pinaandar ang sasakyan. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng kaba sa ginawa niya. Sasabihin ko na sanang nagbago ang isip ko at hindi na ko sasakay nang bigla siyang nagsalita. "Anong ginagawa mo dito ng disoras ng gabi hija. Hindi mo ba alam na masyadong delikado dito? Mag-isa ka pa? May kinita ka ba dito? Boyfriend?" Sunud-sunod na tanong niya. Umiling ako. "Sa susunod wag ka nang lalabas ng bahay ng ganitong oras. Hindi mo ba alam na maraming adik sa dyan? May nahold up dyan tapos rape. May pin

    Huling Na-update : 2023-01-02
  • My Devil Husband    Chapter 8

    "Lolo? Ano pong ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko after niyang kumalas sa mahigpit na yakap.He chuckled as he ruffled my just woke up messy hair. "Aren't you happy to see me, little princess?" Ganting tanong niya.Mabilis akong umiling, "Syempre happy. Pero akala ko po bukas pa yung dating niyo? Bakit napaaga yata?" "I just want to surprise you," tawa niya. Pininaningkitan ko siya ng mga mata bago ako tumingin kila Mommy at Dad na todo ngiti din. "How grumpy! Come on, go wash up and we'll eat breakfast together," sabi ni Lolo saka ako niyakap ulit bago umalis kasama sila Mommy. Mabilis akong nag hilamos ng mukha at nagsuklay. It's just six in the morning at ten pa yung klase ko kaya hindi muna ako naligo. We're just gonna eat breakfast lang naman dito sa bahay kaya confident akong lumabas ng nakapajama parin. However, pagkababa ko, nakita kong bihis na bihis silang tatlo habang nakaupo na sa dining table at hinihintay ako. "May lakad po kayo?" Nagtatakang tanong ko.Lo

    Huling Na-update : 2023-01-02
  • My Devil Husband    Chapter 9

    "Anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang tanong ko kay Marc pagkalapit ko sa kanila. Marc seemed confused as well as he looked at me and back to my family in front of him."Akala ko po ba.." hindi na niya naituloy yung itatanong niya nang biglang magsalita si Lolo. "Ikakasal na si Honey" diretsong sinabi ni Lolo.Marc blinked several times at mukhang gulat na gulat sa balita. Habang ako naningas na lang sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Gusto ko ulit maiyak dahil sa ginagawa sakin ni Lolo. Why are they pushing that marriage this hard? Kailangan ba talagang ipahiya pa ako kay Marc? He's my only friend tapos sila pa talaga yung nagbalita na ipapakasal nila ako! They should have let me do it instead! Hindi yung parang itinago ko yun kay Marc at nakiusap na sila na lang yung magbalita!"Lolo.." I called him stammering. Parang hindi narinig ni Lolo yung tawag ko at diretso lang na nakatingin kay Marc at patuloy na nagsalita. "Alam kong nakiusap ako sayong samahan palagi ang apo k

    Huling Na-update : 2023-01-12
  • My Devil Husband    Chapter 10

    Umiwas siya nang tingin at tumitig nalang sa harapan. “It's best for us to stop hanging out together” dagdag niya. Hindi na ko nagsalita at mabilis na bumaba ng sasakyan bago pa tumulo yung luha ko. Halos patakbo na rin akong pumasok sa bahay na walang lingon-likod para hindi niya makita ang itsura ko. It hurts. For someone I treated as my best friend saying that we should stop hanging out anymore, it felt like he's saying that our friendship was really over. Hindi lang nadurog yung puso ko, pati na rin yung buong katawan ko dahil parang nawalan na rin ako ng kaisa-isa kong kaibigan. My family was still in the living room and was looking at me when I entered the house. They were ready to go and probably just waiting for me to send me to school. But I don't feel like going anymore. Parang mas gusto ko na lang magkulong sa kwarto at mamukmok. However, if I do that, my parents and Lolo might insist not to go out as well to check on me. Kaya naman, kahit ayoko, mabilis akong umakya

    Huling Na-update : 2023-02-03
  • My Devil Husband    Chapter 11

    Mabilis na kumulo yung dugo ko at hindi ko napigilang samaan ng tingin si Marc nang ilipat ko sa kanya yung tingin ko. “What?” I almost hissed. I didn't mean to be hostile with him, but my mood was really bad dahil sa lalaki sa likod niya na tumigil pa talaga para titigan ako ng nang-iinsulto. Anong problema ng devil na to?! I was already fuming inside but I suppressed it all kahit mahirap, for the sake of my image. Marc seemed taken aback pero mabilis siyang nakarecover at seryosong tumingin sakin. “Gusto mo bang sumabay samin? On the way rin kasi yung bahay ni Samantha,” sabi ni Marc. Bago ako makapagsalita at tanggihan siya, Great Perkins suddenly laughed mockingly then walked past us without uttering any word. I was dumbfounded as I followed my gaze on him. “Honey” Napakurap ako at narealized na nakatitig na pala ako sa likod ni Great at hindi na napansin si Marc. I suddenly felt guilty but I immediately shook it away. “No thanks. Susunduin ako nila Lolo,” sagot ko nang

    Huling Na-update : 2023-02-21

Pinakabagong kabanata

  • My Devil Husband    EPILOGUE

    “Single ka na ulit,” komento ni Melissa pagkasabi ko ng balita na na-grant na yung annulment. Inirapan ko siya. “Lubusin mo na yan, kasi for sure ilang araw lang taken ka na ulit,” she giggled.Napailing na lang ako sa sinabi niya.Seriously, this girl. She doesn't really take our annulment seriously. Nung unang nalaman niya na nag file ng petition for annulment si Great, halos maghysterical siya. Pero kinabukasan, biglang parang naging okay lang sa kanya at hindi na big deal. She even laughed at me when I cried to her while admitting that I didn't want our marriage to end before. I sighed. Tumingin na lang ako sa stage, kung saan nagsasalita ang speaker. Today is our graduation day. At syempre magkatabi pa rin kami ni Melissa sa upuan dahil magkasunod lang ang apelyido namin. Hindi ko na pinansin pa si Melissa hanggang sa matapos ang ceremony, kasi, wala naman akong mapapala sa mga pinagsasabi niya. Nang natapos na sa wakas ang graduation ceremony namin, umalis na rin agad k

  • My Devil Husband    Chapter 110

    Biglang bumagsak ang mga luha ko. I was never this sensitive before but this feels so different. Parang sobrang sakit kahit wala namang sinabi na masakit na salita si Great. Matagal bago ako nakalabas ng bakuran nila at bumalik sa sasakyan namin. Nag-alala pa nga yung driver namin dahil mugto ang mga mata ko nang sumakay ako sa loob. Tahimik akong umiyak sa byahe hanggang sa makabalik kami sa bahay nila Mommy. Fortunately, walang tao kaya dumiretso ako sa kwarto ko. I cried myself out until I fell asleep. Madaling araw na nang nagising ako, at dahil yun sa walang tigil na pagring ng cellphone ko. Si Brittany. I became hesitant to answer though. Dahil alam kong magtatanong siya kung anong nangyari. I'm not in the mood and I don't think I can even talk about it now. Kaya sa huli, hindi ko na lang sinagot yung tawag at hinayaan na lang magring hanggang sa tumigil ito. Sinubukan kong matulog ulit nang tumahimik sa buong kwarto ko since madaling araw pa lang, but to no avail. Buhay na

  • My Devil Husband    Chapter 109

    Agad na nakasalubong ang mga kilay ko nang madatnan kong walang tao sa bahay namin. Nilibot ko na ang buong bahay kat sa lahat ng sulok, pero walang bakas na kahit ano, halatang ilang araw na walang tao. “Nasaan ka ba?” I sighed in frustration. Bakit kasi nagwalk out siya kanina? At bakit kasi napako ang mga paa ko at hindi ko siya hinabol?! Ngayon, saan ko siya hahanapin?! I know nothing about him except sa moody siya pero sweet at super sarap magluto. Naupo ako sa sofa. I pulled out my cell phone and dialed Great's number again. But just like my first attempt, it still cannot be reached. Bumuga ako ng malakas na hangin saka nag-isip kung saan siya pwedeng pumunta. Seriously, I've never been this bothered before. Kahit nung time na sinubukan kong maglayas at nagalit sila Mommy, hindi naman ako nakaramdam ng ganito. Nakaramdam lang ako ng guilt noon pero hindi naman ako nagpanic, katulad na lang ngayon. Bapatayo agad ako nang maalala ko yung bahay nila na pinagdalhan sakin ni Gre

  • My Devil Husband    Chapter 108

    Gusto kong maiyak habang pinapanood ko siyang naglalakad palabas ng bahay. I wanted to run to him and stop him from leaving, kaya lang, parang napako na ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “He's jealous,” biglang sinabi ni Marc habang pinupunasan yung labi niyang dumudugo. I would've been worried about him if only he's not the one who started it. Sino ba kasing may sabi na pwede niya akong halikan?! Pumikit ako nang mariin para pigilan ang sarili ko na masampal siya. Hindi ako nananampal pero dahil sa mga ginawa niya, nasagad na niya ang pasensya ko. “Umalis ka na,” I said warningly. Gulat na gulat siyang tumitig sakin. I just glared at him in return. “Honey, let me explain”“Ano pang i-eexplain mo? Plano mo yun di ba? You probably saw him outside kaya bigla kang bumalik at hinalikan ako! You even provoke him! Para ano? Para galitin siya at iwan ako?!” I gritted me teeth. “No. I just want to--” I shook my head and looked at him disdainfully, “Um

  • My Devil Husband    Chapter 107

    I know I was too harsh on him for that, pero sobra na kasi siya. Some people need to be slapped by harsh truth to get out of their delusions and accept the reality of life. And seriously, Marc is one of them. He doesn't want me to tell it to his face became he knew I'm going to reject him, so he sorted to badmouth Great. For what? Did he really think I will be sway that easy? E, simula pa lang naman, alam ko nang masama ang ugali niya at ineexpect ko na talaga na maraming humahabol sa kanya. I admit it, tinamaan ako unang sinabi niya na Great doesn't love me. But . . . Hindi ako manhid. I saw the drastic changes in him over the few months we lived together. At siguro naman, hindi niya sasabihin na gusto niyang mag workout ang relasyon namin kung wala talaga siyang feelings sakin? I tried not to give any meaning about it before, but now that I think about it, I can safely assume that he somehow cares for me and that's already enough. . . I guess. Napabuga ako ng malakas na hangin h

  • My Devil Husband    Chapter 106

    That's the question lingering in my head as I stared at Lolo in bewilderment.Ano bang nasa isip ni Lolo? Why is he suddenly deciding about my life again without even consulting me?“You two will get annulment as soon as possible,” answered Lolo rather quickly.Agad na nagprotesta ang puso ko dahil sa sinabi ni Lolo, habang ang buong sistema ko nagwawala naman dahil tutol rin sila dito. Hindi ba muna siya magtatanong kung gusto ko ba na hiwalayan si Great? I'm already married with him for a few months now and I'm already embracing my marriage life. Nakapag-adjust na ako tapos biglang ganito?! “I'm sorry if I made a rash decision before. I shouldn't have done that. This is for you apo. I want to make you happy..” ani Lolo.I pursed my lips as I felt like someone was crashing my heart. Hindi ba niya narealize na he's basically doing the same thing now? Magsasalita na sana ako para sabihin yun pero naunahan ako ni Marc. “I think we should give her more time to process it, Sir..” sabi

  • My Devil Husband    Chapter 105

    Umaga na kami nakauwi ni Great. Hindi kasi namin namalayan ang oras, kaya nagdesisyon na lang kaming manatili doon hanggang umaga kaysa bumiyahe ng madaling araw. Dumiretso ako sa kwarto at natulog pagkatapos kong magpalit ng damit. Si Great naman, kinausap yata si Lolo, kasi nadatnan namin siya na gising na at nag-aalmusal. Nagising ako mag-isa sa kwarto. Hindi ko alam kung natulog ba dito si Great o umalis na. Tanghali na rin ako nagising kaya bumaba na ako pagkatapos magshower para maglunch. “You're finally awake, hija. Come here and have your lunch na,” ani Mommy nang nakita akong bumababa ng hagdan. I walked straight to the dining table and sit on my respective chair beside Mommy. Kaming apat at and as expected, wala na nga si Great at baka umuwi na agad pagkatapos nilang mag-usap ni Lolo. “Nag-date daw kayo ng asawa mo kagabi? Where did you go?” tanong ni Mommy. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. “Sa bahay nila” “Sa mansyon? Why didn't you stay there though? I'm sure y

  • My Devil Husband    Chapter 104

    Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang nakasakay sa kotse ni Great. Sa labas ng bintana lang ako nakatingin habang tahimik siyang nagdadrive, dahil baka titigan ko lang siya sa buong byahe. I don't know where are we going pero sabi niya, magugustuhan ko daw. Well, kahit saan naman siguro niya ako dalhin, magugustuhan ko basta kasama siya. Biglang nagusot ang ilong ko sa naisip.Muntik na akong maduwal doon! Yuck ha! Kailan pa ako naging ganito ka-corny?! “Are you hungry?” biglang tanong ni Great.Mabilis akong napalingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin. “Nang-aasar ka ba?” nakasimangot na tanong ko. He chuckled as he glanced at me. Then, he suddenly grabbed my hand kissed my knuckles. Agad na nag-init ang mukha ko. “Sorry. Ang tahimik mo kasi. What are you thinking?” Napanguso ako habang pinipigilan ang mapangiti. “Wala. Saan ba tayo pupunta?” “You'll know when we get there,” he smirked. Kung dati, naiinis ako sa ngisi niyang yun. Ngayon, parang gustung-

  • My Devil Husband    Chapter 103

    “So, anong gusto mong ulam?” tanong ni Great. “Bicol express!” I quickly answered out of excitement. I have been craving for that dahil hindi na ulit ako nakakain nun simula nang magpakasal kami ni Great. Pero nawala agad ang ngiinko at napasimangot ako nang mabilis ring umiling si Great. “Anything but that,” sagot nito. My brows pulled together as I pouted. “But I want it! I'm craving for spicy food. Ilang linggo na kong hindi nakakain ng maanghang kasi ayaw mo!” reklamo ko. Ngayon ko lang kasi napansin na never niya akong nilutuan ng kahit ano na may sili. Tapos kapag may order naman siyang pizza, laging walang kasamang hot sauce. Wala nga akong nakita na kahit anong may picture ng sili sa lahat ng binibili niya or any kind of spicy condiments sa kusina maliban sa paminta -- if it's even part of spices! I don't know!“Spicy is not good for your body,” sabi ni Great. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pasalamat siya na gusto ko siya, kasi kung kaaway pa rin ang turing ko sa kan

DMCA.com Protection Status