Chapter 57Kinalimutan nalang ni Lily na nakita niya ang kanyang Mama. Kahit pakiramdam niya ay totoo talagang nakita niya ito. Pero baka tama si Christopher at epekto lang ito ng pinainom ni Melinda sa kanya. Ngayon ay handa na siyang kausapin si Melinda. At tuldukan ang anumang ugnayan na namagitan sa kanila. Hindi niya akalain na gano'n ang dinanas ni Melinda sa mga kamay ni Colleen. At alam niyang hindi siya mapapatawad nito. Pero para sa kanya ay wala siyang kasalanan dahil wala siyang alam! Ni hindi nito sinabi sa kanya para matulungan niya. Basta nawala nalang ito ng parang bula!Masakit na ang itinuring niyang best friend ay mortal na kaaway pala ang tingin sa kanya.Wala siyang kaalam-alam na may masamang balak na pala ito!Pupuntahan niya si Melinda dahil gusto niyang palabasin ito ng kulungan.Ayaw ni Christopher pero gusto niya.Baka mas lalo lang itong magalit at sisihin siya sa sobrang paet ng sinapit ng buhay nito. Mas lalong magtatanim ng galit si Melinda kung ib
Chapter 58After how many days ay naka recover naman si Lily sa madramang tampuhan nila ni Melinda.Masaya siya ng makatanggap ng email mula sa kaibigan.In the end ay hindi rin nila kayang putulin ang kanilang pagkakaibigan.Nasorpresa nalang si Lily ng mag email si Melinda at humihingi ng tawad sa kanya. Pinatawad niya ito at humingi rin siya ng tawad sa mga nagawa niya.Sabi ni Melinda ay ihahabol daw niya ang pagiging ninang ni Lily kay Baby Shine. Ipinabago talaga niya ang baptismal nito at idinagdag si Lily!Magaan na ang kalooban ni Lily ngayon at nagdarasal siya na sanay wala ng mga pagsubok pa na darating sa kanya. Nagpapasalamat talaga siya kay Christopher na laging nandiyan at sa Mommy at Daddy din nito.They are her family now and she loves them.Ngunit ang hindi alam ni Lily ay isa na namang napakatinding pagsubok ang darating sa kanyang buhay...Masaya si Madam Glamorosa dahil tuluyan ng bumagsak ang mga Magdilang.Humingi naman siya ng tawad kay Lily dahil hindi niya ma
Chapter 59Hindi makapaniwala ang lahat ng nakakakilala kay Lucy. Nagulat ang lahat na buhay na buhay si Lucy sa kanilang harapan."The witch is still alive!" Bulalas ni Colleen. Si Carina ay nagulat pero agad din nagbalik sa normal. Kahit anong isip niya ay hindi siya makapaniwala na si Lucy ang nasa harapan niya dahil nakita niya mismo kung paano namatay si Lucy! Di-napigilan ni Carina ang mapatayo."Excuse me!" Tawag ni Carina sa host."Yes, Ma'am?" Magalang na tanong ng host."Are you sure that she is Lucienne Bernabe Laxamana?" Kompleto pa talaga ang pangalan na tanong ni Carina."Yes she is, the only heiress of Laxamana's." Nakangiting sagot ng host. "Shall we proceed?" Magalang na tanong nito."No!" Sigaw ni Carina.Napatingin ang lahat sa kanya. Mukhang gulo ang hinahanap ni Carina! "Pardon?" Nagtatakang tanong ng host."Hoy Lucy! Bumaba ka diyan. Hindi mo kami madadala sa pa mysterious entourage mo! Hindi ka bagay diyan!" Galit na sigaw ni Carina.Nagbulungan ang mga tao
Chapter 60Hindi agad nakasagot si Lily. Pakiramdam niya ay ibang tao ang kaharap niya! "Are you okay?" Tanong ni Lucy.Napakurap-kurap si Lily. Okay nga lang ba siya?!"Y-yes. Are you really my Mom?" Paniguradong tanong ni Lily.Napatawa si Lucy. Pero hindi ito katulad noong dating tawa ng Mama niyang si Lucy. Ibang tao ang nakikita ni Lily ngayon sa kanyang harapan. Pero, Mama niya parin ito! "Mama!" Niyakap ni Lily si Lucy at hindi niya napigilan ang mapaiyak.Buhay ang kanyang Mama! Ngunit agad din siyang tumigil sa pag-iyak ng mapansin na hindi nakayakap ang kanyang Mama sa kanya!"Mama?" Nagtatakang tanong ni Lily."Yes, What?" Ganting tanong ni Lucy."Lucienne, She's looking for a warm Mother like, Ah. Lucy-" singit ng isang lalaki.Si Christopher ay tahimik lang at nag-iisip. Kanina pa tahimik ang kanyang Mommy at Daddy.He thinks that something is going on!Napailing naman si Lucy ng marinig ang sinabi ng lalaki."Oh, My! Thanks for reminding me. Paulo." Sabi ni Lucy na na
Chapter 61"Now, we can talk." Si Lucy at nauna na itong umupo.Umupo narin si Lily at hindi niya alam kung saan niya sisimulan. Si Christopher ay hindi sumunod kina Lily at Lucy. Gusto niyang magka-usap muna ang dalawa. "Mama, nagugulahan ako," umpisa ni Lily.Napabuntunghininga si Lucy. Maging siya ay wala ring naiintindihan sa mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon.Tila ba naging isang katatawanan ito dahil sa mismong kaaway pa talaga niya nagpakasal ang anak niyang si Lily at maging siya ay naging close din daw kay Glamorosa. This is insane! Sigaw ni Lucy sa kanyang isipan."Kaya nga Lily. Magulo talaga, Ang alaala ko na nagbalik ay from 20 years ago. Hindi ko na maalala na nagkarelasyon kami ni Andres at nagkaanak." Paliwanag ni Lucy na ikinagulat ni Lily."Totoo talaga na may amnesia ka Mama?" Nagulat na tanong ni Lily. "Yes, Nadisgrasya ako at napunta sa mga Magdilang. I didn't remember everything pati pangalan ko." Seryosong sagot ni Lucy. "Nabigla ako Mama," ang tanging
Chapter 62"Can we talk?" Tanong ni Ricardo.Ang hindi alam ni Ricardo na sumunod si Madam Glamorosa sa kanyang likuran. Habang sina Lily at Christopher naman ay nakaabang din sa likuran ni Madam Glamorosa!"Para saan? Isa ka pa na pumatay sa Ate ko!" Galit na sagot ni Madam Glamorosa."I didn't know that she died that evening," katuwiran ni Ricardo."Puro naman kayo I didn't know. Patay na nga pinapatay niyo pa!" Galit na sigaw ni Lucy."I'm sorry," mahinang sambit ni Ricardo."Kainin mo ang Sorry mo Ricardo! Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti!" Pagbabanta ni Lucy."I will accept whatever punishment you will give, but please, huwag mo ng idamay ang mga bata at si Glamorosa." Pakiusap ni Ricardo."Lahat ay babagsak Ricardo! Kayong lahat!" Galit na sagot ni Lucy.Ayaw niyang makinig sa mga pakiusap ng mga ito."Lucienne, Pakiusap. Hayaan na natin ang mga bata. Masaya na sila sa kanilang buhay ngayon." Singit ni Madam Glamorosa."Huh! At sinundan niyo pa talaga akong dalaw
Chapter 63Ngayong araw na ito ay kukunin na ng bagong may-ari ang Magdilang Mansion. Nag-iimpake na si Colleen ng kanyang mga gamit. Ito nalang ang natitirang mga yaman niya. Puro signature at mamahalin ang kanyang mga gamit. From clothes to bags and shoes.Sa isang iglap lang ay naging pulubi siya. Masakit ang ulo niya dahil nalasing siya ng husto kagabi. Habang nagkakagulo ang lahat ay may sarili rin siyang mundo. Kasama ang mga mamahaling wine!Nag emote rin siya sa kanyang buhay na naging trahedya. Nakatulala lang siya buong gabi at hindi niya matanggap na pulubi na siya!Nilubos-lubos niya na ang pag-inom ng wine dahil baka hindi niya na matikman pa ang mga ito dahil sa sobrang mahal. "Babe!" Nagulat si Colleen ng biglang pumasok si David at sumigaw ng malakas."Get away from me! Mag-impake kana rin at lumayas. Bumalik kana kung saang lupalop ka nanggaling!" Pagtataboy ni Colleen kay David.Napangisi si David at may inilabas mula sa kanyang bag."Not that fast Babe, Here, ou
Chapter 64Sa wakas, Tuluyan ng nakapasok sina Paulo sa mansion ng mga Villezo!Nakayakap parin si Lily kay Christopher. Ayaw niyang humiwalay sa asawa.Walang makakapag hiwalay sa kanilang dalawa!"As I've said earlier, Pag-aari na ito ng mga Laxamana. You may leave immediately." Mahinahong sabi ni Paulo.Hindi niya alam kung bakit ginagawa ito ni Lucy sa mga bata. Wala silang kasalanan pero sila ang nagdurusa ngayon!But he already promised that she will support Lucy all the way hanggang maabot na nito ang tuktok ng paghihiganti.Umaasa si Paulo na kapag nangyari na ito ay tumigil na si Lucy."What? Pumunta kayo rito sa mansion without an early notice. Tapos ngayon din ay kailangan namin umalis?!" Galit na tanong ni Christopher.The fight is getting intense at hindi niya alam kung maipapanalo ba niya ang laban!Wala ang kanyang Mommy at Daddy kung kailan kailangan na kailangan nila ang mga ito. "We did. We send an early notice to your parents. At ngayon nga ay kailangan niyo ng um
Chapter 84 The Final Chase is over... This time ay si Christopher na ang nagplano ng kanilang second wedding. Nasorpresa si Lily ng mag propose si Christopher sa kanya sa hotel kung saan bumalik sila sa pagtratrabaho. Dahil nag-umpisa ang kanilang love story sa forced arrange marriage ay ginawa ni Christopher ang lahat upang maipadama kay Lily, How sincere his love for her. Nanligaw siyang muli until nag propose and now they are getting married! Syempre, sa San Martino church parin. Dahil dito ang gusto ni Lily. This time ay wala ng prank at pinagplanuhan talaga ang kanilang kasal. Gusto ni Christopher na maging magical and memorable moment ang kanilang kasal para kay Lily. Kuntudo effort talaga siya. And today... Is their wedding day! He is waiting for the church's door to open at hindi naman siya nabigo. Ang kanyang napakagandang bride na si Lily na kanyang pinakahihintay ang huling nag martsa papunta sa kanya. Kasama ni Lily si Lucy patungo sa altar. Napakaganda ni Lily
Chapter 83"Huh! Naghiwalay na kayo tapos magpapakasal na naman?" Nakasimangot na tanong ni Donna habang nag dra-drive."Ano ba ang ginagawa mo Donna?" Ganting tanong ni Lily.Nagulat siya ng may biglang nagtakip ng panyo sa kanyang ilong. Hanggang nawalan siya ng malay.Nang magising siya ay umaandar na ang sasakyan at ang nakangisi na si Donna ang kanyang nabungaran.Nakadamit panglalaki ito at may sombrero na aakalain mong driver ng bridal car. Naglagay pa ng pekeng bigote! Magpapakasal na sana silang muli ni Christopher. May asungot pa na dumating.Pakiramdam ni Lily ay nakarma siya ng sarili niyang prank! Alam niyang hindi natuwa si Christopher sa munting prank na kanyang hinanda at nag-aalala na ito sa kanya.Gusto lang naman niya na madama rin ni Christopher ang iwanan sa ere at parusahan ng saglit lang naman. Pagkatapos ay sorpresang kasal the second time around. Pero pumalpak ang plano niya ng dahil kay Donna. "Nagtatanong ka pa Lily. Kita mo naman na kinidnap kita!" Na
Chapter 82Kung saan-saan nalang hinanap ni Christopher si Lily pero hindi niya ito nakita. Pinasarap at pagkatapos ay iniwan lang siya!Where are you Lil? Desperadong tanong ni Christopher sa kanyang sarili.Tinanong niya na sina Antonia at ang iba. Pero wala parin.Ngayon ay tinatahak niya na ang daan papunta sa Banana Plantation nila Colleen. Magbabakasakali siyang andun lang nagtatago si Lily. "Christopher?" Nagulat na tanong ni Colleen."Andiyan ba si Lily?" Umaasang tanong ni Christopher."Hmmp!" Napaismid si Colleen. "Ngayon ay hahanapin mo na si Lily pagkatapos mong saktan?" Ganting tanong ni Colleen."Colleen, Respect your visitor." Singit ni Andres.Magaling na ito at nag-uumpisang muli sa kanyang maliit na negosyo.Kahit ibinalik na ni Lucy sa kanila ang lahat ay ayaw ng tumira pa nina Andres at Colleen sa Magdilang Mansion. Maaalala lang nila si Carina at ang mga hindi magagandang gawain nila noon. Ayaw narin ni Andres e handle muli ang kanyang kompanya. Ipinaubaya n
Chapter 81Walang nagawa si Christopher ng itapon siya ng mga guards sa labas ng Laxamana Mansion. Ngunit nagulat siya ng makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa labas ng mansion.Si Lucy!"M-mama?" Alanganin na tanong ni Christopher.Nag-aalangan siya dahil hindi siya sigurado kung totoo ba ang sinabi ng kanyang Mommy na si Madam Glamorosa.Kung nagbalik na nga ba ang mabait na Lucy o si Lucienne parin ang kaharap niya ngayon."Yes, It's me Christopher." Nakangiting sagot ni Lucy.Mabilis naman na napayakap si Christopher kay Lucy."You're back!" Naiiyak na sabi ni Christopher."Yes, And I'm sorry for what I've done." Paumanhin ni Lucy.Bumitaw sa pagkakayakap si Christopher."What happened to Lily, Mama?" Malungkot na tanong niya.Napabuntunghininga si Lucy. "It's all my fault. Sana mapatawad mo ako. Labis na nasaktan si Lily that you gave up on her habang siya ay patuloy na lumalaban. I tried my best to persuade her. Pero ito lang ang masasabi ko Christopher. Lily loves you v
Chapter 80Hindi na mapakali si Christopher. Tatlong araw na siyang pabalik-balik sa mansion ng mga Laxamana ngunit si Paulo lang ang nakikita niya. Hindi pa bumabalik sina Lily at Lucy. Nagpupunta rin siya sa opisina ni Lucy ngunit si Paulo parin ang nakikita niya!Bigla siyang nakaramdam ng matinding pangungulila sa asawa! Miss na miss niya na si Lily. Hinahanap-hanap niya ang paghabol-habol nito sa kanya. Ang luto ni Lily, Ang mga cookies na gawa nito. Ang matamis na ngiti ni Lily na para sa kanya lamang.Where are you Lil? Malungkot na tanong ni Christopher sa kawalan.Pinunit niya na ang annulment paper nila ni Lily dahil sa sobrang galit. Hindi niya matatanggap na magkahiwalay silang dalawa!Alam niya na labis niya itong nasaktan. Pero may plano siya!But Lily didn't know! Sumbat naman niya sa kanyang konsensiya.Nagulat si Christopher ng biglang sumigaw si Antonia.Nakapasok ito sa mansion ng hindi man lang niya namamalayan.Lutang ang kanyang isipan sa kakaisip kay Lily.
Chapter 79"Mom?" Gulat na tanong ni Christopher.Talagang nagulat siya dahil huling kita niya sa Mommy niya ay nakaratay sa hospital at may taning na ang buhay! "Ako nga!" Sagot ni Madam Glamorosa."How? Ang bilis mo naman gumaling?" Nagtatakang tanong ni Christopher."Mabilis talaga dahil wala naman akong sakit!" Nalolokang sagot ni Madam Glamorosa. "Where's your Dad?" Tanong niya."Diba magkasama kayo? Nasa Brunei," nagugulahang sagot ni Christopher.Naguguluhan at nagulat talaga siya ng makita ang kanyang Mommy na mukha naman hindi nanggaling sa sakit! "Magtutuos pa kami ng Daddy mo. But before that, Nag investigate ka sana Christopher." Napailing na sabi ni Madam Glamorosa."What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Christopher."Look at me! Mukha ba akong may sakit?" Naiinis na tanong ni Madam Glamorosa."But I saw you Mom. May taning na ang buhay mo and you need money for your medication." Hindi makapaniwalang sagot ni Christopher."Really? Did you see my face na naghihingalo n
Chapter 78Mabilis na umuwi si Glamorosa papuntang Pilipinas. Sumusobra na si Lucy!Ibinigay na nila lahat pero nagawa parin nitong paghiwalayin sina Lily at Christopher.At itong si Christopher ay hindi niya maintindihan kung bakit makikipaghiwalay kay Lily!She needs to go home para ayusin ang relasyon ng mga bata. Hindi niya mapapayagan si Lucy na sirain ito.Ang buong akala niya ay titigil na si Lucy ng makuha nito ang ibang ari-arian nila. Pero hindi!I'm coming home, Lucienne. Bulong ni Madam Glamorosa.Hindi niya alam kung nasaan ang asawa na si Ricardo. Hindi pa niya napapatawad ito.Bakit hinayaan lang nito ang mga bata? Tanong ni Madam Glamorosa sa kanyang isipan. Nadagdagan na naman ang kasalanan mo Ricardo! Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya.Basta galit na galit parin siya sa asawa!Nang lumapag ang kanyang eroplano. Ang una niyang pinuntahan ay si Lucy talaga.Pero wala ito sa mansion ng mga Laxamana. Nasa ospital daw.Nakarma kana ba Lucy? Bulong ni Madam Glam
Chapter 77"Lily! Sasama ka ba sa ospital?" Baling na tanong sa kanya ni Paulo. Pero tila napako na si Lily sa kinatatayuan at nakatulala nalang!"Lily!" Malakas na sigaw ni Paulo.Doon lang nahimasmasan si Lily at mas nauna pang tumakbo kay Paulo sa palabas ng bahay.Tuliro at wala sa sarili si Lily. Hindi niya alam kung bakit nagawa niya ang mga bagay na yon!Sobrang pagod at desperada na siya. Nawawalan pa ng pag-asa. Pero hindi niya ginusto na may mangyaring masama sa Mama niya!Handa na siyang mamatay para wala ng gulo. Kahit anong gawin niya ay ayaw talaga tanggapin ng kanyang Mama si Christopher.Pero hindi niya naisip na ito ang kahihinatnan ng ginawa niya!"Mama," sambit ni Lily sa ina.Nasa loob na sila ng ambulansiya at wala paring malay si Lucy habang ginagamot ng mga nurse ang duguan nitong ulo.Napaiyak si Lily. "Don't worry Lily. Your Mom is strong, She can survive this." Pampalubag loob na sabi ni Paulo.Patuloy lang sa pag-iyak si Lily...*******************"Nang m
Chapter 76Nagising si Lily na walang katabi. Wala na si Christopher! Napabalikwas siya ng bangon at hinanap si Christopher sa buong mansion pero hindi niya ito nakita! "Topher?" Tawag ni Lily.Nagpunta siya sa may garden at swimming pool pero wala parin si Christopher."Topher!" Nagpa-panic na sigaw ni Lily.Iniwanan na siya ni Christopher!Nanlulumo siyang naglakad pabalik at uminom ng tubig sa kusina.May napansin siyang papel na naka dikit sa ref. Sulat-kamay ito ni Christopher!Mabilis niyang kinuha at binasa.Mas lalo lang siyang nadismaya!I'm sorry Lil, I made up my mind. I still want an annulment.-TopherNapaiyak si Lily. Akala niya ay makukuha niyang muli si Christopher dahil isinuko niya na ang Bataan. Pero, Bigo parin siya!Napatingin siya sa kanyang sarili. Naglalakad at nagtatakbo siya sa buong mansion ng nakahubad!Ni hindi man lang niya namalayan dahil sa sobrang kaba niya na iniwanan na siya ni Christopher.Matapos niyang isuko ang lahat ay iniwanan parin siya!B