JaneNang tuluyan na itong umalis sa harap ko para mag bihis ay di ko mapigilan na igala ang aking paningin . Malinis talaga siya. Paano naman kasi ay wala man lang akong makitang mga nakakalat na gamit nito. Nakaayos lahat napaka aliwalas tuloy ng condo nito at hindi ito tulad ng nakikita ko na condo sa iba na sobrang magarbo. Simple lang ito pero nag huhumiyaw naman ang karangyaan. Medyo matagal din ako naghihintay dito sa sala bago ito lumabas mula sa kanyang kwarto. Di ko maiwasang igala ang aking paningin sa kanyang kabuuan ngayon. Ang fresh kasi nitong tignan lalo na at halatang bagong paligo lang ito. Medyo may tumutulo pa kasing mga pailan ilang tubig na galing sa buhok nito pababa sa kanyang dibdib banda. Di ko naman maiwasang mapalunok bigla dahil doon lalo na ng bumaba pa ang aking paningin papunta sa may baba nito na medyo may konting bukol dahil na rin sa suot nitong pajama na nag huhulma sa hinaharap nito. Nang mahalata ata nito na medyo napatagal ang tingin ko doon
AvrilNa bwe bwesit na pinaandar ko na lang yung kotse ko. Di ko na alam kung ano ang gusto nitong palabasin ngayon. Tsaka bakit ba siya nagagalit dyan kung magkakaroon man ako ng babae. Di ko nga rin sya pina pakialamanan ng boyfriend nitong mukhang kulugo. Tsaka siya rin naman nagsabi na walang pakialaman sa isat-isa dahil mag asawa lang naman kami sa papel. Eh bakit ngayon kung kumilos ito ay parang daig pa ang asawang pinagtaksilan. Kung tutuusin nga siya itong nag tataksil sa aming dalawa. Dahil siya itong may boyfriend kahit may asawa na siya. Kaya ako dapat ang nagagalit sa kanya ngayon at nag papamukha ng mga pinagsasabi nito sa akin. Pag napuno na talaga ako dito ay pa prangkahin ko na ito at ng matigil na sya sa mga paganyan ganyan niya sa akin.Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng may matanawan ako na fast-food. Agad ko naman binalingan ng tingin ang katabi ko na ngayon ay naka simangot lang dito sa tabi ko. "Ah Ma'am Jane, mag da drive thru po tayo anong like mong kain
AvrilMaaga akong nagising ngayong araw ng sabado. Nag text kasi sa akin kagabi si Julian na mag gagala daw kami ngayon dahil medyo matagal na raw kasi kaming di nakapag bonding. Nagtatampo na nga sa akin ang isang iyon. Mula kasi ng sapilitan akong pinabalik dito sa kanyang bahay ni Ma'am Jane ay di na ulit kami nag kita kaya naman nag tatampo na daw talaga siya sa akin. Bantay sarado kasi ako ng bruha kaya hindi ako basta makaalis na lang basta. Parang imbestigador pa kung makapag tanong ng mga pupuntahan ko. Akala mo naman may gagawin akong hindi maganda. Kaya tuloy napa oo na lang ako kaagad dito kagabi ng mag simula na itong konsensyahin ako.Di na lang ako magpapaalam kay Ma'am Jane. Dahil panigurado naman na di ako papayagan na umalis nun. Lalo pa pag nalaman nya na si Julian ang kasama kong mag gagala. Baka bugahan lang ako ng apoy nun. Kung si Stephanie na bff ko pahirapan pa kung payagan ako.Ramdam ko kasi na parang galit na galit itong si dragon doon kay Julian. Ewan ko
AvrilNang makaupo na ito ay mabilis na sumakay na rin ako at inayos ko na rin ang aking seat belt. Bago ko ito pina andar na. "Saan tayo pupunta Julian?" Tanong ko kaagad dito sa katabi ko."Pa Batangas tayo na miss ko nang pumunta doon. Basta sasabihin ko na lang sa iyo kung saan banda kapag nandoon na tayo." Mabilis naman na sagot nito sa akin.Tumango na lang ako at nag drive na. "Ah Julian pwede kumain muna tayo at di pa kasi ako nag be breakfast." Nahihiyang sabi ko dito ng nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. Nakakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Tsaka like ko rin na makapag pahinga pansamantala sa pag da drive. Ayaw ko naman na itong kasama ko pa ang mag drive at nakakahiya naman. "Sige, ikaw na lang bahala kung saan tayo kakain. Konti din lang ang kinain ko kanina kamamadali." Sagot naman nito sa akin ng nakangiti."Pwede mag fast-food na lang muna tayo at wala pa atang open na mga fine restaurant ngayon." Baling kong tanong ko naman dito."Sure walang problema. Di naman ak
AvrilPansin ko lang dito kay Julian parang bigla ata syang tumamlay mula nung pinag usapan namin yung about sa marriage ko kay dragon na maldita.Di na kasi ito katulad kanina before kami kumain na sobrang hyper nya. Oh baka nagkamali lang ako ng sapantaha at baka napagod na siguro ito. Sabagay ay ang dami na nga naming nalibot kanina. Last na pupuntahan namin dito sa farm ay yung mag tatanim kami ng puno ni Julian. Lahat daw kasi ng pumupunta dito bago umalis ay need na mag tree planting kaya naman mag tatanim kami mamaya. "Ok ka lang ba Julian? Para kasing matamlay ka. Masama ba pakiramdam mo?" Nag aalala kong tanong dito ng di na ako makatiis. Mas matamlay kasi siya ngayon kaysa kanina. "Kung gusto mo pwede mauna ka na sa kotse at hinatayon mo na lang ako doon. Kami ni manong ang bahalang mag tree planting." Concern na suggestions ko dito. Kargo ko pa naman ito. Yan kasi akala mo malakas ang katawan at dito ako niyaya mamasyal. Yun naman pala sakitin. Hayst ang liit naman kas
JaneMedyo tinanghali na akong nagising ngayon. Buti na nga lang at sabado kaya ok lang kahit magbabad pa ako sa kama ko. Dami ko kasing tinapos na paperwork's kagabi. Medyo uminit pa nga ang ulo ko dahil andami na namang mababa ang nakuhang score sa pa long quiz ko kahapon. Nag announce na nga ako na mag pa long quiz ako at ng makapag review muna sila pero wala pa rin talaga. Nakakainit lang tuloy ng ulo. Mga tamad mag aral puro pasarap lang sa buhay porket mga anak mayaman. Hindi ko naman nilalahat ha. Nakakainis lang kasi. Kala naman nila maaawa ako sa kanila pag di sila naka pasa. Sa parents nila ako naaawa dahil halos mag paka kuba na ang mga magulang ng mga ito sa kaka trabaho para lang mabigyan sila ng maginhawang buhay at mapag aral sila pero anong ginagawa ng mga ito? Puro lakwatsa, paggastos ng walang habas. Inom dito inom doon. Puro pag boboyfriend girlfriend ang ginagawa na akala mo naman at mga kaya na nila ang sarili nila pero ginagastos sa date ay pera pa rin ng paren
AvrilPauwe na kami ngayon ni Julian pa Manila. Traffic pa dito sa may Batangas banda. 7 na ng gabi kaya kabado na talaga ako. Mukhang magmamadaling araw pa yata kami makarating ng manila pag ganito ang usad ng sasakyan. Dapat kasi kanina pa kami umuwi at ng hindi kami naabutan ng rush hour. "Avril kain kaya muna tayo? Medyo gutom na rin kasi ako." Sabi sa akin ni Julian. Bigla naman akong nahiya dito dahil doon. Oo nga pala di pa kami nag di dinner. Kakaisip ko kasi kung paano agad makakauwi at kung ano na kaya ang ginagawa ng dragon ngayon. "Pasensya na Julian ah. Sige tingin ka na lang dyan sa gilid kung saan mo like kumain." Sabi ko dito habang nag da drive pa rin. "Ge pag may nadaanan tayong restaurant ay doon na tayo kumain." Ngiting sabi naman nito sa akin."Huwag ka ng kabahan dyan. Magagalit lang yung asawa mo ngayon pero di ka nun kayang tiisin. Ikaw pa e ang lakas mo kaya doon." Sabi nito pero di ko naman ma gets dahil paano ako naging malakas doon? palagi ngang galit s
AvrilPagka park ko ng kotse sa may garahe ay napabuntong hininga na lang ako. Kinakabahan na bumaba na ako ng aking kotse at naglakad na papunta sa front door.Sana naman po god tulog na ang aking asawa at hindi nito mapansin na wala ako sa bahay niya. Pero alam ko na malabong mangyari yun. Knowing Ma'am Jane hindi niya palalampasin ang mga ganitong ginawa ko. Agad ko naman na nilabas ang susi at kinakabahan na binuksan ko na ang pintuan saka dahan dahang pumasok. Nakikiramdam baka gising pa ang dragon. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapansin ko na nakapatay na ang ilaw dito sa sala. Mukhang naka tulog na ang asawa ko ah. Thanks god at pinakinggan mo ang dasal ko. Nasisiyahang pumasok na ako ng tuluyan at sinara na rin ang pinto.Bubuksan ko na sana ang ilaw ng biglang may nag flash mula sa monitor ng tv dito sa may sala.Agad naman akong napatingin doon. Isang "welcome home cheater" ang nakasulat doon. Nang mabasa ko iyon ay bigla na lang akong pinag pawisan ng malamig. Pati
Avril"Mommy si Mama po kanina sa grocery may nginitian na magandang babae po doon." Dinig kong sumbong agad ng anak ko kay babe pagdating pa lang namin dito sa bahay pagkagaling namin mag groceries."Tapos po kinausap pa po sya kanina. Dinig ko nga rin na kinukuha yung cellphone number ni Mama." Dagdag pang sumbong nito kay babe. Bigla naman akong kinabahan at namutla sa mga pinag sasabi ng magaling at sumbungera kong anak sa dragon niyang ina. Patay ako nito. Ginantihan ko lang naman ng ngiti yung babae kanina. Alangan naman kasi na isnabin o kaya ay simangutan ko ito diba. Naging friendly lang naman ako. Pero bakit parang kasalanan ko pa ang nangyari. At ano raw binigay ko ung cp number ko doon. Hello di ko gawain yun no at saka mahal ko ang asawa at mga anak ko para lang ipagpalit sa babae. Tsaka dyosa kaya na may lahing dragon ang asawa ko kaya bakit pa ako maghahanap ng maganda lang. Dahan dahan naman na pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Naramdaman ko na lang ang pag
AvrilNakalabas na ako sa hispital. Halos 2 weeks din na hindi ako naka pasok. Mabuti na nga lang at may program sa school kaya naman halos wala din kaming pasok nun. Nandito na ako sa room namin ng first subject. Kanina pa ako maagang dumating. Sabay nga pala kaming pumasok ni Babe. Ito ngayon ang nag drive ng kotse ko. Yun na lang daw ang gamitin namin kaya pumayag na kaagad ako. Ayaw kasi nito na mag gagalaw na muna ako. Kung maaarin nga ay ayaw pa nitong pumasok ako ngayon eh. Pero hindi naman pwede yun dahil baka mag failed na ako sa mga subject ko dahil sa absent ko. At bumaba na naman ang grades ko nito malamang. Hindi na muna ako tumambay sa office ni Babe kasi nga ay nandoon ngayon si Dean at kausap ito. Nag tataka daw kasi ito at ilang linggo rin kasing hindi ito pumasok. Tsaka nag sabi oala dito si Babe na mag re resign na siya nung hindi pa ako nagigising. Napag usapan naman namin ang bagay na yun at sinabi ko dito na hindi nito kailangan na mag resign kasi naiintindih
AvrilNagising ako na sobrang sakit ng ulo ko pati na rin ang lalamunan ko parang ilang linggo ako na hindi uminom. Gusto ko sana na imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Para bang bigat na bigat ito na halos hindi ko maigalaw pa. Kaya ang tangi ko na lang nagawa ay ang igalaw ang aking mga kamay. Pero parang mabigat din ito. Mag sasalita na lang sana ako pero parang ungol lang ang lumabas doon. Maya lang ay bigla na lang ako nakarinig ng parang mga nag uusap sa tabi ko. Base sa mga boses ng mga ito ay si Jane at ang kanyang mga kaibigan ang mga yon. "Ano naman kaya ang ginagawa nila sa kwarto namin ni Jane?" tanong ko sa isip ko. Nag try ulit ako na mag salita para pukawin ang presensya ni Jane. Pero ungol lang ulit ang lumabas sa aking bibig. Maya lang ay may biglang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Alam ko na kung sino ito. "Babe gising kanaba? Babe!?" pakikipag usap sa akin ni Jane. Gusto ko sana itong sagutin pero ungol lang ang lumabas sa aking bibig. "Gi
JaneHalos mahigit isang araw ng tulog si Avril. Mula kasi ng maoperahan ito ay hindi pa rin siya nagigising kaya naman todo ang kaba na aking nararamdaman. May ilang beses din na nag flat line ito kaya nga hindi pa rin ako natutulog hanggang ngayon. Kaya naman mukha na akong bumabatak sa itsura ko. Nakiusap na rin ang aking mga magulang na kung maari ay mag pahinga naman daw ako at baka ako naman ang magkasakit. Pero hindi ako pumayag. Paano na lang kung magising si Avril tapos hindi ako ang mamulatan nito. Ano na lang ang iisipin nya. Tsaka gusto ko na nasa tabi lang ako ng asawa ko. Mag papahinga lang ako pag na sure ko na na okay na okay na siya at pag nagising na rin ito. Baka daw kasi dahil sa pag kaka bugbog nito at palo sa kanyang ulo ay magka internal hemorrhage ito. Na sana huwag naman po mangyari. Hindi na rin ako masyado na kumakain. Siguro nag subo lang ako kanina ng mga 3 kotsara dahil wala talaga ako sa mood at walang lasa oara sa akin ang kinakain ko. Kung hindi ng
JaneKanina pa ako hindi mapakali dito sa pinag tataguan namin. Gustong gusto ko na kasing pumasok sa loob upang harapin ang mga dumukot kay Avril. Pero alam ko na mas mapapahamak lang si Avril pag ginawa ko iyon. Tinignan ko naman ang mga kasama ko na same din lang ang expression ng sa akin na gusto na ngang sumugod lalo na si Tito na kanina pa pinipigilan ni Tita. "Mag hintay na lang po tayo dito Dahil mas makakabuti kung ang mga tauhan ko at mga scout ranger ang pumasok sa loob. Baka maka abala lang tayo sa kanila at sya pang maging dahilan upang mabolilyaso pa ito." Sabi naman sa amin ni Camela. Tama naman din ito baka maka sama lang kami sa diskarte ng mga ito. Nag uusap kasi sila kung paano makakapasok doon ng walang nakakapansin. At nalaman ko na rin kung sino ang mastermind ng kagaguhan na ito. Shit ka Noli hinding hindi kita mapapatawad pag may nangyari na masama kay Avril. Gagamitin ko ang lahat ng connection pati na rin ang pera ko upang mabulok ka sa bilangguan at mas
AvrilKanina pa ako nag hihintay sa pag dating ng tinatawag nilang boss. Curious din kasi ako kung sino ba ito at bakit parang ang laki naman ng galit nito sa akin. Kahit naman kasi anong isip ang gawin ko ay wala talaga akong maisip na pwedeng gumawa nito sa akin. At saka sobrang nag aalala na ako sa mahal ko. Alam ko na panay na ang iyak nito ngayon. Maisip ko pa lang ang mukha nito na hilam sa luha ay parang pinipiga na ang puso ko sa sakit na nararamdaman nito. Sana naman okay lang ito. Oo dapat sarili ko ang isipin ko pero kasi hindi ko maiwasang mag alala dito. Ramdam ko rin kasi na alam na ng mga ito na nawawala ako. At alam ko din na nakita na ni Jane ang nangyari sa akin. Malamang na makita naman siguro nito ang sa sakyan ko na naka balagbag lang doon sa may kalsada papasok sa subdivision nito. Yun ay kung hindi kinuha ng mga kidnapper ang kotse ko. Sana naman ay hindi. Taimtim din lang na nag darasal ako na sana ay huwag akong pabayaan ni god. Alam ko na hindi ko pa naga
JanePara akong nauupos na kandila matapos ko mapanood ang video sa dash cam ni Avril. My god ano na ang ginawa nila sa asawa ko. Hindi ko na alam pa ang aking gagawin. Sobrang natatakot na ako ngayon para sa kalagayan nito. Kung sino man ang may gawa nito sa kanya. Lintik lang talaga lalo na yung nakita ko na pag palo nila sa ulo nito. Kitang kita ng mga mata ko kung gaano kalakas yun paano na lang kung nagkaroon ng internal damage sa utak nito? Hinding hindi ko talaga mapapatawad kung sino man ang nasa likod ng kalokuhan na ito. Kahit para akong nawawalan ng lakas ay pinilit ko ang aking sarili hindi pwede na magpadala ako sa nangyari dapat ngayon pa lang ay mag isip na ako ng paraan. Gumawa na ng pwedeng hakbang at hindi ang mag hintay lang ako dito at sila ang mag manipulate sa akin. Agad kong tinawagan ang aking mga kaibigan. Mas higit kailangan ko ang mga ito dahil alam ko ma matutulungan nila ako sa nangyari na ito. Lalong lalo na itong si Camela na maraming connection pag da
JaneAlam ko na nag tatampo sa akin si Avril ramdam ko yun kaya lang ay hindi ko pinansin at pinatulan ito dahil ayaw ko na humaba pa ang usapan namin tungkol don at pag simulan pa ng away namin. Pinaka iiwasan ko pa naman na mag away kami. Dahil pag nag simula ng bumuka ang aking bibig ay diri diritso na ito at baka kung ano pa g masasakit na salita ang masabi ko dito tapos pag sisihan ko naman pag ako ay nahimasmasan na. Kaya kung maaari ay ako na lang ang iiwas. Mabuti na nga lang at hindi naman na ito nangulit pa. Hayst Hindi naman kasi ito nag iisip eh. Kung ano ang gusto yun na lang. May asawa ito kaya dapat isa alang alang din nito ang nararamdaman ko. Oo gusto ko na rin naman na ipag malaki siya at yung hindi kami nag tatago na dalawa. Pero kasi hindi pa nga ito tapos sa kanyang pag aaral. Okay lang sana kung hindi ako doon nag tuturo wala naman sanang problema yun. Tsaka anong gagawin ko kung halimbawa man na tumigil na ako sa pag tuturo? Nandito na lang ako sa bahay? Mag h
AvrilKatatapos lang ng last subject ko sa hapon at ngayon nga ay nandito na ako sa may parking lot at balak ko ng umuwe na. Mas mauuna ako kay Jane dahil may isang subject pa ito ngayong araw na ito. Tsaka nag usap na rin kami na hindi ko na siya hihintayin pa. Sumangayon na lang ako dito at gusto ko na rin naman ng mauna ng makauwe. Kanina pa kasi kaiba ng pakiramdam ko kaya gusto ko na pansamantala ay umidlip muna. Nakasakay na ako ngayon sa aking kotse at binabagtas na ang kahabaan ng highway. Mabuti na nga lang at hindi naman ma traffic kaya tingin ko ay mabilis lang akong makakauwe nito. Paliko na sana ako sa may kanto ng subdivision ng bigla na lang may humarang sa kotse ko na mga armado na mga kalalakihan. Kung bibilangin ko siguro sila ay mga nasa apat ang mga ito na ngayon nga ay nakatutok dito sa sasakyan ko ang kanilang mga dalang baril. Mabilis naman na hininto ko ang aking kotse at kinakabahan na binuksan ko na lang ang aking kotse. Wala din lang naman akong laban p