SamanthaHalos maubos ko naman na ang sandwich na binigay nito. ilang peraso din yun. Syempre hindi lang naman kasi ako ang kumain maging siya din naman e. Yun nga lang sinusubuan ko siya. Kasi nga nag da drive ito. Ang dami namin mga napag usapan at masasabi ko na sadyang matalino ito. Alam niya ang mga nangyayari sa mundo maging sa politics ay hindi din ito nag papahuli. Kahit anong topic ang e open ko dito ay alam na alam niya. At may mga sinasabi ito sa akin na ngayon ko lang nalalaman at nauunawaan. Kung mag kwe kwentuhan siguro kami nito mag hapon ay ang dami ko na matutunan sa kanya. Walang dulo moment kang mararamdaman kung ito ang kasama mo. Ngayon ko napatunayan na wala sa itsura ng tao yan. Nasa laman ng utak niya yan. Grabi ang dami niyang alam. Para na tuloy akong nag mu mukhang bobo pag ito ang kausap ko eh. Puro may sense ang sinasabi niya at alam mo na pinag isipan at hindi lang puro yabang at patawa na madalas ay marinig ko sa mga naging boyfriend ko. Maya lang a
SamanthaAfter namin sa may flower farm ay kung saan pa kami pumunta nito. Kung Hindi nga lang mag gagabi na sana ay ayaw ko pa nga sana na umuwe e. Kaya lang di naman pwede yun. Tsaka ayaw ko din na baka may masabi sa akin itong mga kaibigan ko na baka na a attached na ako dito kay Stephanie. Gusto ko na tigilan na muna nila ito. Dahil ngayon ko lang naman napag isip isip na wala naman rason para e bully namin ito. Ngayon ko din lang nakita na napaka immature na pala namin sa mga pinag gagawa namin. Baka nga pinag tatawanan na nitong si Stephanie ang mga pinag gagawa namin sa kanya kaya tuloy parang wala na lang dito o sadyang ayaw lang kami patulan nito dahil parang ang childish lang kasi kung papatulan niya kami na mga isip bata lang. Pagkarating namin sa may pinag iwanan ko ng kotse ay pababa na sana ako ng bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya. Maya lang ay naramdaman ko na lang na lumapat ang malambot nitong labi sa lips ko at wala akong nagawa kung hindi ang mapa
SamanthaLunesMaaga ako pumasok kasi nga ay usapan namin ni Stephanie na mag kikita muna kami dito sa may garden bago mag start ang classes kaya ito ako ngayon ay maagang pa pasok. Nag sabi na nga na naman ito na kung pwede nga daw ba na mag convoy ulit kami gaya ng madalas nitong gawin pero hindi na ako pumayag kasi nga ay alam ko na mapapalayo pa siya kapag pumunta pa siya sa amin. Sinabi ko na sa school na lang kami mag kita. Mabuti na nga lang at mabilis lang naman itong kausapin kaya yun waiting na lang niya ako sa school. Sa mahigit na 1 month namin bilang mag girlfriend ay hindi man lang ako naka ranas ng dull moment sa kanya. Kahit na lihim lang ang relationship namin na ito ay ang dami niyang alam na pwede namin na pasyalan at ang lahat ng date namin ay masasabi ko na enjoy talaga ako. Kaya nga Hindi ko na ito halos nasusungitan pa. Bakit ko pa naman gagawin yun sa kanya e ang bait bait nito. Nqpaka lambing pa na halos asikasong asikaso ako nito. Ang nakakainis lang nam
SamanthaNang maka upo na ako ay inayos naman ni Stephanie ang pagkain sa pagitan naming dalawa nito. Napangiti pa ako ng makita ko na may coffee pa na dala ito. Hayst sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sayo kung ganyan ka Stephanie??? Pero alam ko ang boundary kung hanggang saan lang dapat ang maramdaman ko sa kanya. Oo gusto ko siya hindi ko ita tanggi yun pero as a person. Not as a lover ha. Hindi pa rin nag babago ang isip ko na lalaki pa rin ang gusto ko. Kaya huwag kayong ano dyan. Nababaitan lang kasi ako sa kanya sobra. Kahit kayo din naman no. Pag lunugar sa kalagayan ko ay baka ganun din ang masabi nyo. Nag simula na kaming kumain nito. Bacon, sinangag at egg lamang naman ang pagkain namin pero ang gana gana kong kumain. Samahan nyo pa ng mainit na kape kaya yan tuloy naparami na naman ang kaon ko. Matapos na maubos namin ang dala nito ay inayos naman na niya kaagad yun inalis na sa pagitan namin kaya ngayon ay mag kahawak kamay kami na nag kwe kwentuhan lang nit
SamanthaNandito na kami ngayon sa Canteen at kumakain na. Panay nga ang tanong ng mga friends ko sa akin kung sino daw ang nag luto ng baon ko ngayon. Nag sinungaling na lang ako sa kanila na pina luto ko sa cook namin kasi nag sasawa na ako sa pagkain dito. Mabuti na nga lang at mga may pagka tanga din ang mga ito at uto uto kaya ganun naniwala. Pero nang humihingi na sila at mukhang marami naman daw ay hindi na ako pumayag. Kahit na sabihin pa nila na madamot ako. Para lang sa akin ito. Luto ito sa akin ni Stephanie kaya hindi pwede. Nakita ko din kasi na panay ang tingin ng palihim sa akin ni Stephanie kaya naman nag behave muna ako kahit na gusto ko ng sigawan itong mga kaharap ko. Paano naman kasi ay ang iingay nila. Hindi na lang sila kumain dyan at ng matapos na kami dito. Puro mga ka artihan lang at mga reklamo nila sa buhay ang mga pinag uusapan ng mga ito. Maging ang problema nila sa mga boyfriend nilang mahilig mangaliwa. Mag luko. Hayst kung ako din lang sa kanila ay
SamanthaNandito na kami sa may Mall kung saan ay balak namin manood ng sine ni Stephanie. Naka sakay na kami sa elevator at medyo malayo ako sa kanya. Baka kasi may biglang makakita sa amin dito at makilala kaming dalawa e. Maganda na yung nag iingat. Maya lang ay may biglang pumasok na babae at biglang nangunot ang noo ko ng makita ko na halos wala na itong itinago sa kanyang katawan. Litaw na litaw din ang cleavage nito na medyo may kalakihan niyang dibdib. Parang hindi kinaya na masakop lahat yun ng kanyang suot na bra. Napatingin naman ako bigla kay Stephanie at tama nga ang aking hinala na naka tingin ito sa babae. Hindi pala sa mukha ng babae kung hindi sa may dibdib nito banda at nahuli ko pa ang pag lunok nito tsaka biglang nag iwas doon ng tingin. Ngingiti na sana ako pero nag init na ang ulo ko ng bumalik muli ang mata nito sa dibdib ng babae. Tangina lang ha. Ganun na ba siya na attract sa dibdib ng babae na ito at hindi niya ma alis alis ang tingin niya dito??? May ga
SamanthaIniwan muna ako ni Stephanie sa may gilid t bibili lang daw muna siya ng ticket. Tumango naman ako dito. habang naka pila ito sa bilihan ng ticket ay naisipan ko naman ng bumili ng pagkain namin. Nakakahiya naman na kasi dito kay Stephanie na siya na lang lahat eh. Bumili na ako ng makita ko ito na Panay ang ikot ng kanyang ulo. Mukhang kanina pa ako nito hinahanap. Nang magawi sa akin ang kanyang paningin ay kaagad ko itong nginitian ko ng malaki. Na agad na naman na ikina pula ng kanyang pisngi. Potek na yan. Hanggang ngayon ba naman Stephanie ay kilig na kilig pa rin? Ngiti ko pa lang yan ha. ganyan na kaagad ang reaction mo. Paano na lang kaya kung hmmm. Wag na nga lang. Mabilis naman na sinalubong ako nito at kinuha sa akin yung mga dala kong pagkain habang kinuha ko naman sa kanya yung ticket at pumila na kami. Sa may bandang dulo ang napili namin na upuan. Madalas ay dito ang gustong gusto na pwesto ng mga naging boyfriend ko dati. Paano sinasamantala nila ang pag
SamanthaKinakabahan na ako kanina pang umaga pag gising ko. Ngayon kasi ang 3rd monthsary namin ni Stephanie at alam ko na ngayon din ang araw upang ipaalam dito ang ginawa naming pustahan sa kanya. Nag chat lang kasi ako dito kaninang umaga na magkita kami sa may gym at balak ko na nga siyang ipakilala sa mga kaibigan ko. Tuwang tuwa pa nga ito kanina habang kausap ko siya sa phone e. Kung pwede nga lang sana na sabihin ko na dito ang lahat at makapag explain na kaagad dito para hindi na ito masaktan pa. at para ma sure ko din na sa akin pa rin talaga siya Pero hindi pwede. Ayaw ko sumira sa usapan. Sure ko naman na pakikinggan ako nito pag nag explain ako sa kanya e. Mahal kaya ako ni Stephanie at ramdam na ramdam ko yun.Maya lang ay nag chat na ako sa gc naming mag kakaibigan at pati na rin kay James na nandoon na si Stephanie sa may gym. Tuwang tuwa naman ang mga gago. Pero after this ay makikipag break na ako kay James dahil wala na akong plano pa na bumalik sa kanya. May