StephanieNag hi hintay ako ngayon dito sa may coffee shop kung saan ang usapan namin ni Samantha. May date kasi kami ngayon eh. Ngayon namin itutuloy ang hindi nangyari nung weekend kasi nga diba nasa Batangas sila ng family nya. Nauna na ako dito kasi nga wala na kaming pasok at nagpa activity na lang si Sir. At sa next meeting namin pa iyon ipapasa. Mas maganda na mauna ako sa kanya kaysa ito ang pag hintayin ko. Alam nyo naman ang ugali nun wagas. Baka bigla na lang yun umuwe pag hindi ako nakarating kaagad. Iniisip ko ngayon kung saan ko kaya ito da dalhin. Gusto ko sana na ayain itong manood kami ng sine. Showing na kasi yung matagal ko ng hinihintay na movie eh. Pero mukhang hindi yun pwede. Pero try ko pa rin. Malay nyo naman diba pumayag ito. Eh di ito ang una namin na manonood ng sine together. Sa medyo malayo na lang sa mall ko ito da dalhin para naman walang chance na may maligaw doon na nag aaral sa university or nakakakilala dito. Medyo sikat pa naman ito. Hindi
StephanieNandito na kami ngayon ni Samantha sa Mall kung saan ay balak namin na manood ng sine. Manonood na daw muna kami bago kumain. Total naman ay kumain na kami ng cookies kanina sa may coffee shop. Ang laki tuloy ng ngiti ko. Hindi ko alam na effective din pala dito ang kunwari pag tatampo ko. Kung alam ko lang sana ay matagal ko ng ginawa ang bagay na yun. Hindi nya rin pala ako kayang tiisin. Hayst ano ba yan kinikilig na naman ako eh. Sa simpleng mga ganitong bagay na ginagawa niya ay kilig na kilig na ako. Paano pa kaya kung mga major major na. Hayst baka himatayin na ako nun. Sumakay na kami sa elevator para maka punta na sa sinehan. Sa may 4th floor pa kasi banda yun eh. Tinatamad na yata ang isang ito na mag lakad. Baka umiiwas lang sa mga makakakita sa amin na dalawa. Sakto naman na dalawa lang kami ang sakay nun ng sumakay kami kaya naman mas lalo lang akong lumapit dito. Gusto ko pa nga sana na hawakan ang kamay nito pero mukhang ayaw niya. Kaya hindi na lang ako
Stephanie"Bakit hindi ka man lang umiwas nung hinalikan ka ng malanding yun ha!!!? Siguro gustong gusto mo talaga eh no. Mag sama kayo ng babaeng yun!!!" galit na sigaw nito sa akin habang hindi pa rin tinitigilan na kuskusin ang aking pisngi na hinalikan ni ate girl. Masakit na sa totoo lang ang pisngi ko pero hindi ako maka reklamo sa kanya at baka hindi lang ito ang abutin ko sa kanya. Lalo pa nga at alam ko na galit na galit ito. Kung bakit ba naman kasi hinalikan pa ako sa pisngi ng babaeng yun eh. Hindi ko naman siya gusto at wala naman akong paki sa kanya. Tapos pag bintangan pa ako na I checking her out daw. Apaka sinungaling. Napa tingin lang eh. Masyadong assuming naman sya. Kaya Samantha lang naman ako mapapatulala no. Tsaka hindi man lang nahiya na bigla na lang nang hahalik. haystTuloy kailangan ko pang manuyo ngayon ng mqlditang handa na akong bugahan ng apoy. hayst kainis talaga. Ang ganda na kasi ng simula namin kanina eh. Kunting kunti na lang oh at makarating na
StephanieNung una ay nag pupumiglas pa ito habang hinahalikan ko siya pero kalaunan ay gumanti na rin ito sa halik ko at mas aggressive pa siya ngayon kaysa sa dati. Agad na ikinawit nito ang kanyang mga braso sa leeg ko at mas pinag lapat ang halikan namin na dalawa kaya naman hindi ko naiwasan na mapa ungol ng hulihin nito ang dila ko at sinipsip yun ng bahagya. Shit ang aggressive niya na para bang dito niya idinadaan ang kanyang galit. Pero okay lang naman sa akin yun. Nang pareho na kaming maubusan ng hininga ay nag hiwalay kami saglit nito bago nag lapat muli ang aming labi at this time ay medyo mabagal na at may pag suyo na doon. Oara bang ninanamnam na lang ang tamis ng labi ng bawat isa. Mga ilang minuto din na nag halikan kami ni Samantha hanggang sa nag hiwalay na rin kami nito. Medyo humabol pa nga ako sa kanyang labi eh. Bitin ang potek"Manood na tayo" Pag aaya ko na dito kapag daka. Tumango naman ito sa akin kaya naman hinawakan ko na ang kamay nito at lumabas na
StephanieNandito kami ngayon sa isang kilalang restaurant medyo malapit lang kung saan kami pumunta ng mall upang manood ng sine. Hindi na kami kumain sa mall at baka may maka kita pa sa aming dalawa doon at mag taka kung bakit magkasama kami ni Samantha. Mabilis lang naman na na e handa ang aming mga na order at sinimulan ko ng lagyan ng pagkain ang plato nito. Naka pwesto kami dito sa may bandang gilid at medyo tago. Yung hindi mo kaagad mapapansin kung hindi mo sa sadyain na puntahan dito banda. Mabuti na nga lang at may ganito silang area dito eh. Malaya ko tuloy na maaasikaso ito sa kanyang pagkain. Hindi naman sa imbalado ito at hindi niya kayang kumain na mag isa. Syempre gusto ko lang na pag silbihan siya no. Sa dami ba naman ang nakuha kong halik dito kanina at yakap. Naman inspired ako na gawin ang mga bagay na ito sa kanya no. At isa pa ay gusto ko din na iparamdam dito na special siya sa akin. Kahit naman hindi ako naka halik sa kanya ay gagawin ko pa rin ang bagay n
StephanieMasaya akong nag da drive na pauwe ng bahay. Kagagaling ko lang sa date namin ni Samantha. Medyo late na rin kasi inihatid ko pa ito hanggang sa kanilang village. Kahit na magkaiba kami ng kotse nito. Sinundan ko na lang ito kaya kahit paano ay matiwasay ang loob ko na safe siya na naka uwe sa kanila. Mabuti na nga lang at na convince ko ito kahit naka convoy lang ako sa kanya eh. Okay na rin yun kaysa nag iisip ako kung ano na ang nangyari dito. Medyo malapit na rin naman yun sa village namin eh. Kaya pumayag na rin ito. Mag eleven na ng gabi ng makarating ako sa bahay. Mabilis naman na pinag buksan ako ng gate ng guard namin dito at sumaludo pa sa akin. Tuloy tuloy naman na nag park ako sa garage namin. Nakita ko na nandoon na ang kotse nila Dad kaya malamang na nandito na sila. Mabuti nga at hindi nag over time na naman ang mga ito eh. Gusto ko din kasi na Hindi sila masyado tumutok sa negosyo. Mayaman naman na kami at hindi ko naman kailangan ang sobrang sobra na pe
StephanieNaka uwe na ang ibang mga estudyante pero nandito ako ngayon sa may gym ng school dahil usapan namin ni Samantha na hintayin ko siya dito. Napag usapan kasi namin na balak na nga daw nitong ipaalam sa mga kaibigan niya na kami na at soon ay ipapaalam na rin namin sa buong campus ang relationship namin. Kasi ready na daw siya at naiinis kasi daw ito sa mga makakapal ang mukha na patuloy na lumalapit sa akin. Mabuti na daw yung alam ng mga ito na hindi na ako available dahil pag aari na daw niya. Shit lang kinikilig ako tangina. Hayst sa mga simple na galawan niyang ganyan ay laking tuwa na ang dala sa akin nun. Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan no. Alam nyo naman ang mga kaibigan ng mahal ko na ito diba. Parang si Samantha din. Pero medyo bumait na nga lang ngayon. Kahit kinakabahan ay inihanda ko na ang sarili ko sa magiging outcome ng gagawin niyang pag papakilala sa akin sa mga ito. Napag usapan din namin na ipapaalam ko na rin kay Avril na kami na nito.
StephanieMabilis na akong lumabas ng gym. Pero bago pa ako makalabas ay naka salubong ko si Jade na papasok pa lang sa gym. At naka tingin sa akin ngayon ng nag tataka. Paano naman kasi ay tuluyan ng kumawala ang aking luha mula sa aking mga mata. Nag aalala na lumapit ito sa akin kaya naman hindi na ako nag dalawang isip na sinalubong na ito at wala sa sarili na hinalikan ito sa labi ng mariin. Kahit naman nagulat ito sa ginawa ko ay gumanti naman siya ng halik sa akin. Dito ko ibinuhos lahat ng sakit at sama ng loob ko. Hinayaan lang naman ako nito at mas kinabig pa ako niya upang mas lalo lang namin palalimin ang halikan naming dalawa. Wala na akong pakialam pa kung may makakita man sa aming dalawa. Dahil gulong gulo na ako. Ang sakit sakit na at Parang gusto ko na lang mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Maya lang ay nag hiwalay na rin kami nito at bigla ko na lang siyang hinila palabas ng gym na yun. Hindi na ako lumingon pa sa mga ito na alam ko hanggang ngqyon ay
StephanieOn the way na kami ngayon ni Samantha papunta sa bahay nila Avril. Kalalabas lang kasi nito ng hospital kung saan ay na baril ito. Yun palang time na hindi ko na ito ma contact ay na kidnap pala ito. Mabuti na nga lang at buhay ito kahit na ang dami nitong tama. Sakto naman na nasa Netherlands kami ni Samantha noon ng mag paramdam na nga ito sa akin na nasa hospital nga daw ito kasi nga na kidnap siya. Kaya nga ngayon ko pa lang ito makikita paano naman ay pinigilan ako nito na pumasyal sa kanya sa hospital. Nakaka video call ko lang siya. Hindi ko nga malaman dito kung bakit ayaw niya na sabihin sa akin kung saan na hospital ito naka confined e. Di ko naman na siya pinilit pa. Hindi ko tuloy masabi din sa kanya na may asawa na ako at ito nga ay kasama ko na ngayon upang personal na ipakilala sa kanya. Sana lang ay huwag silang mag away na dalawa. hahahaNakarating na kami sa bahay ng mga ito at mabilis naman na pinapasok kami ng guard nila. Mukhang may mga tao na rin pa
SamanthaKatatapos lang ng kasal namin ni Stephanie at nandito nga kami sa pag aari nilang bahay dito sa Netherlands kung saan kami ikinasal nito. Kinakabahan ako syempre first night namin ito as a married couple, Pero mas lamang na excited ako kasi naman my god matagal ko ng hinihintay na mag initiate si Stephanie na may mangyari sa amin noon pa lang na mag jowa pa kami nito pero hanggang kiss lang ang ginagawa nito kahit na puro pang aakit na nga ang ginagawa ko sa kanya. Nag tapat din ito sa akin nung gabi ng first daye namin na isa daw siyang intersex at ok lang naman sa akin yun. Mas mahal ko siya at lahat ng yun ay kaya kong tanggapin at nasabi din niya sa akin na kaya daw niya akong ma buntis kaya naman mas lalong maganda kasi hindi na namin kailangan pa na mag pa IVF. Kanina pa din ako tapos maligo at itong si Stephanie ay kanina ko pa rin hinihintay na matapos siya sa kanyang pag ligo. Mukhang wala na yata itong plano pang lumabas ah. Paubos na rin ang wine na kanina ko p
StephanieNasa hapag kainan na kami at magkatabi kami ngayon ni Samantha. Sa totoo lang ay hindi pa naman niya ako formal na naipapakilala sa parents nito. At hindi ko din alam kung girlfriend ko na ba ito ulit. Wala din kasi kaming napag usapan sa bagay na yan e. Ang buong akala ko nga ay ngayon nito ma e explain sa akin ang lahat. Hindi ko naman alam na mas uunahin pala nito na ipakilala ako sa kanyang mga magulang. Masaya ako sa totoo lang. Kasi ibang level na kasi yung makilala mo ang magulang ng mahal mo. Pero parang ang bilis naman kasi sa totoo lang talaga. Hayst bahala na nga si Samantha sa mga trip niyang yan. Kung ito ang gusto niya why not naman diba. Maya lang ay nag salita na ang parents ni Samantha. "Ano ang balak nyo ngayon ni Stephanie anak?" tanong ni Tita. "Yun nga Mom balak ko sana na ipakilala ngayon ang girlfriend ko pero mukhang kilala nyo naman na at naguguluhan lang kami ni Stephanie po. Ano po ang ginagawa ng parents niya dito at bakit parang matagal nyo n
StephanieNandito na ako sa condo ni Samantha at halos hindi ako makahinga ng makita ko ang itsura nito kanina pag bukas niya ng pinto. Bakit ba napaka ganda ng babae na ito? Hayst napapa sana all na lang talaga ako . Halos hindi ko naman malayo ang tingin ko sa kanya na ngayon ay sure ko na nag e star pa. Habang ito naman ay todo ang ngiti sa akin at alam ko na inaakit na naman ako nito. Hindi naman na niya kailangan na akitin pa ako kasi akit na akit na talaga ako sa kanya. Baka hindi kami matuloy sa date namin kapag hindi la rin siya tumigil s ginagawa niyang yan sa akin. "Hindi pa ba tayo aalis Samantha?" tanong ko naman dito. Gusto ko lang e divert ang attention ko sa ibang bagay. Baka kasi hindi na ako makapag pigil pa e. "Bakit excited kana ba hmmm sa date natin?" naka ngisi naman na sagot nito sa akin. Hayst bakit ba ganito na naman po siya? parang sinapian ng kalandian sa katawan niya ngayon. "Medyo lang naman." alanganin na sagot ko naman dito. Nakita ko na lang na na
StephanieUwian na. Balak pa sana na ihatid ako pauwe ni Samantha pero di na ako pumayag pa. Kailangan din na mag pahinga nito at saka dyahe naman kung ako pa ang ihahatid niya. Payag pa ako kung ako ang mag hahatid sa kanya sa condo niya. Mabuti na lang at hindi na ito nag pumilit pa at sinabi ko na kailangan na mag beauty rest namin pareho para sa date namin mamaya. Mabuti na nga lang at pumayag ito eh. Nang makarating na ako sa bahay ay agad na akong dumiritso sa kwarto ko at gusto ko ng ihiga ang aking katawan. Tsaka gusto ko na makapag pahinga ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin namin mamaya no Samantha. Siya kasi ang nag aaya ng date kaya siya ang nakakaalam kung ano ba ang gagawin namin. Nag pa akyat na lang ako ng meryenda kay Manang at gaya ng dati yung favorite na pansit canton with egg ang ni request ko na meryenda. Medyo matagal na rin kasi na hindi ako nakakakain nito e. Nag text na rin ako dito na naka uwe na ako sa bahay. Alam kong nag da drive pa ri
StephanieKanina pa nakaalis si Samantha at kanina pa rin panay ang tinginan sa akin ng mga classmates ko. Alam ko na gusto na akong lapitan ng mga ito at mag tanong kaya lang wala makapag lakas ng loob. Sa sagutin ko naman lahat ng tanong nila sa akin e.Pero nag tataka din ako kasi hanggang ngayon ay wala pa din si Avril. Naka ilang message na ako dito pero hindi pa rin siya nag re reply sa akin. Maging sa messenger ay nag message na rin ako sa kanya pero di pa niya ito na re read. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari dito. Mula pa ito kahapon nung mag uwian na. Hindi na rin ito nag message sa akin. Medyo kinakabahan na rin ako sa tao na yun.Pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Ms. Jane siya kasi ang first subject namin ngayon e. Pero mukhang hindi rin ito papasok. Kasi never naman na late ang isang yun eh Hanggang sa natapos ang first period namin na walang Avril at Ms. Jane ang dumating. Wala din naman sinabi kung bakit wala ito. Hanggang sa mag lunch ay wala pa rin akong
StephanieHalos hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa aking harapan. Ito si Samantha kasama ang kanyang mga kaibigan ay hinarana ako. Oo feeling ako e. Syempre ako sino pa ba naman ang ibang my girl na tinutukoy nitong si Samantha? e ako lamang naman. Alangan na may iba pa? Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko putek na yan hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa pinag gagawa nito ngayon. As in dito pa talaga sa oval nito ginawa yun? Ang ibig bang sabihin nito ay ready na siya? Ready na siyang ipaalam na ako ay mahal niya? Ayaw ko mag assume pero kasi hindi ko maiwasan e. Nakita ko na nag lakad na ito palapit sa akin matapos nitong ibigay ang guitara sa kaibigan niya. Bakit ang hot niya ngayon tignan? Malaki ang ngiti na lumapit ito sa akin. "Nagustuhan mo ba ang ginawa ko Cupcakes ko?" tanong nito sa akin pagka lapit palang niya. Gusto ko sana na sabihin na hindi ko lang nagustuhan. gustong gusto ko. Pero kailangan na mag pakipot pa. Baka mamaya ay sabihin naman
SamanthaNakangiti na nag hiwalay na kami ng labi nito. Tama na ang live show namin ni Stephanie ko. Masyado na silang sinu swerte sa kanilang mga pinapanood. Maya lang ay lumapit si Trish sa akin at iniabot nito sa akin ang bouquet ng white roses na binili ko kanina bago pumasok. Saka ko naman ini abot ito sa babaeng mahal ko na ngayon ay namumula na naman ang mukha. . Hayst ang bilis talaga pakiligin nito eh. Feeling ko naman ay ang pogi ko ngayon. hahaha"Para sa babaeng mahal na mahal ko" sabi ko pa dito. Nahihiya naman na inabot nito sa akin yun. "Nag abala kapa" nasabi na lang niya. "Walang abala sa akin basta para sa iyo. Gagawin ko yun. Sabay tayo mag lunch mamaya ha. Sunduin kita sa room mo. Wait mo ako doon ha. hmmm" sabi ko pa sa kanya. "Okay lang ba sa mga friends mo na kasabay mo ako mag lunch? Baka may masabi sila about sayo?" Nag aalala naman na sagot nito. "Okay na okay sa kanila yun. Kita mo nga o at naka support sila sa akin hindi mo nga lang sinagot yung banner
SamanthaKausap ko ngayon ang mga kaibigan ko. Nag pa plano kami kung ano ang gagawin upang maniwala si Stephanie na tunay ang nararamdaman kong pag ibig sa kanya at ito ay hindi dahil lang sa pustahan na yan. Nakausap ko na rin si James at humingi na ito ng tawad sa akin. Hindi na daw niya uulitin pa ang ginawa niya doon sa gym. As if naman na kahit ulitin pa niya yun ay bugbog sarado din lang naman ang aabutin niya kay Stephanie ko e. Maya lang ay bigla na lang naka isip ako na alam kong mapapansin na ako nito ni Stephanie. Alam ko naman kasi na ang nasa isip nito ay hindi totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Agad na sinabi ko sa mga ito ang plano ko na agad naman nilang sinang ayunan. Maganda daw yun at sure na kikiligin si Stephanie pag ginawa ko ang bagay na yun. Pero Hindi lang naman ako ang gagawa nito e. Kasama ko sila para hindi lang ako ang mag mu mukhang tanga nito. Nang ma sure na namin na yun nga ang gagawin namin ay nag simula na rin na planuhin namin ng mas maayos ang